"I tried talking to Tito Boyet about you living with me in Bacolod pero hindi siya pumayag kaya araw-araw na lang kitang dadalawin dito sa inyo." Agad siyang nagsalita nang ihatid ko siya palabas ng bahay, papunta sa sasakyan niya.
Matapos ang hapunan, nagpaalam din siya sa mga magulang ko. Wala kaming ibang napag-usapan. Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan?
"Hindi mo na naman kailangang gawin 'yan, Sonny. Hindi ka obligadong dalawin ako rito lalo na't meron kang trabaho sa central n'yo."
Isang naiinis na ungol ang sinagot niya sa akin sabay hagis paitaas ng hawak niyang susi.
"Please, Ayla, let me do what I want to do."
Want ba talaga, Sonny? O parte ito ng inaalagan n'yong repustasyon?
"Bahala ka. Basta sinabi ko sa 'yo, magiging hassle 'yon."
"Sige na, pumasok ka na sa loob. Malamig na dito sa labas, baka malamigan ka pa."
Hindi ko na hinabaan ang pagpapaalam sa kaniya. Hindi ko na nga rin hinintay na makaalis siya, e.
Mabilis lumipas ang mga araw. Mabilis din kumalat ang balita tungkol sa aming dalawa. Maski ang mga sarili naming kapitbahay, kami ang pinag-uusapan. Naririnig ko ang mga pinagsasabi nila pero mas pinili kong hindi na patulan ang mga masasamang bagay na tinawag nila sa akin, mas pinili kong 'wag nang pansinin pa. Mas alam ko ang katotohanan kaya dapat lang na maging kampante ako sa buhay. At saka, wala naman akong masamang ginagawa sa kanila, buhay ko naman 'to at may sarili naman silang buhay kaya 'wag na lang.
Nagpatuloy din ako sa ehersisyong ginagawa ko tuwing umaga. Minsan sinasamahan ako ni Nanay at minsan naman ay sa paligid ng bakuran lang ako naglalakad para makaiwas na sa mga masasamang tingin na natatanggap ko galing sa ibang tao. Lalong-lalo na sa mga kapwang magsasakang katulad ni Tatay.
Kapag talaga ang tao walang magawa, pupunahin ang kamaliang ginawa ng iba para may pagkaabalahan, para may mapag-usapan. Pati ang nananahimik na tao ay bubulabugin para lang maipasa nila sa iba ang napunang hindi kanais-nais sa ibang tao. Minsan talaga ang sarap tirisin ng mga tao. Kapag talaga hindi ako nakapagtiis, gagawin ko talaga 'yon.
Mas lalong naging usapan sa bayan ang mga Lizares dahil sa nalalapit na eleksiyon at ang pagtakbo ni Konsehal Einny bilang Bise-Mayor ng bayan, sa nalalapit na kasalan ni Boss Darry at MJ Osmena, na dinagdagan ng pagkakabuntis ko. Hindi ako nakawala sa mapang-matang tingin ng mga tao sa bayan namin lalong-lalo na 'yong mga babaeng nagkakagusto yata kay Sonny. Meron nga'ng one time na sumama ako kay Nanay sa palengke ng bayan para mamili ng mga ingredients ng pagkaing gusto kong kainin ay nakit ko ang mga masasamang tingin at mahinang usapan nila. Mas lalong nadagdagan 'yon nang bigla kaming sunduin ni Sonny at inihatid pa sa bahay.
Ewan ko. Ang sakit lang nila sa ulo. Mabuti pa, 'wag ko na lang isipin 'yon.
Araw ng kasal ngayon ni Boss Darry at MJ Osmeña. Sa Manila raw ang venue. Lahat ng Lizares at Osmeña sa bayan namin ay lumipad papunta roon maliban sa kaniya. Nasa harapan ko siya ngayon and God knows baka nagsisimula na ngayon ang seremonya ng kasal. Nasa labas kami ng bahay, nagpapahangin sa usual tambayan ko rito sa ilalim ng puno ng talisay. Abala siya sa cell phone niya, pero paminsan-minsan din naman siyang nag-aangat ng tingin sa akin.
Gustong-gusto kong itanong sa kaniya kung bakit hindi siya um-attend ng kasal. Kung bakit siya nagpa-iwan dito sa bayan. Kung bakit mas pinili niyang tumambay ngayon dito sa amin imbes na sumama sa pamilya niya at ma-witness ang kasal ng bunsong kapatid niya. Ang dami kong tanong pero mas natatakot ako sa katotohanang kapag nasagot ang mga tanong ko, paniguradong ako lang 'yong masasaktan.
Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan na lang ang mga puno sa paligid ng bahay. Sumipol ako habang nakahawak sa tiyan ko para magtawag ng hangin. Pinagpapawisan ako, hindi dahil sa init ng panahon, kundi dahil sa naiisip ko.
Nang maging succesful ang ginawa, marahan akong pumikit para salubungin ang payapang hangin.
Ang ganda talagang mamuhay sa bukid. Ang sarap mabuhay sa ganitong klaseng lugar, sa ganitong klaseng tanawin.
"That's kind of effective, 'no?"
Nagsalita siyang bigla kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ang ano?" Hindi ko ma-gets kung anong ibig sabihin niya kaya napatanong talaga ako.
"The whistling thing. You know, 'yong magw-whistle ka lang tapos dadating 'yong hangin like you're really calling it."
Napangisi ako sa sinabi niya at umayos na rin sa pagkakaupo.
"Effective naman siguro. Matagal na naming ginagawa 'yon dito, e. Agad din namang dumadating ang hangin na para bang may tenga talaga sila para marinig ang sipol ng mga tao."
Medyo lumakas ang simoy ng hangin na para bang natuwa sa sinabi ko. Nice one, air.
Ilang minuto ulit ang namutawi sa aming dalawa matapos kong magsalita. Akala ko naging abala na naman siya sa cell phone niya pero halos umurong ang kaluluwa ko nang makitang nakatingin na pala siya sa akin.
Sa sobrang kaba, hindi ko alam kung titingin ba ako sa mga mata niya o mag-iiwas ako ng tingin. Masiyado akong nagulat sa atensiyon na ibinigay niya sa akin ngayon.
To mask up the little nervousness I feel, I supress a small smile.
"Hindi ako um-attend ng kasal ni Charles at MJ dahil…"
Dahil?
Halos mangunot ang noo ko sa pag-aabang ng susunod niyang sasabihin. Anak ng baboy! May pambibitin pa siyang nalalaman! Alam niya bang sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa pag-aantay lang ng susunod na sasabihin n'ya? Siyempre, hindi, paano naman niya malalaman, e, puso ko naman 'to at hindi 'to vulnerable sa lahat ng tao. Anak ng baboy. Mapapa-irap ka na lang talaga sa sobrang inis, e.
"Dahil… I don't know. I just have this urge to be with you. At saka, ayokong ma-miss ang unang pagsipa ng bata sa loob ng tiyan mo."
Anak ng baboy?
Tuluyang nangunot ang noo ko at parang aawang pa ang bibig ko dahil sa gulat sa sinabi niya.
'Yon lang? 'Yon lang ang rason niya? Anak ka ng baboy talaga naman, oo.
"Ha? 'Yon lang? Hindi ka um-attend sa isang importanteng… importanteng ano, event ng kapatid mo, ng pamilya n'yo para lang abangan ang pagsipa ng bata?" Hindi ko alam kung matatawa ako o ewan, e. Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Si Engr. Sonny Lizares ba talaga 'tong nasa harapan ko ngayon?
"I've been to many weddings and hindi naman ako kawalan sa event na 'yon. I know my reason is kind of weird pero parang naf-feel ko talaga na malapit nang sumipa 'yang bata, e," dagdag na sabi niya.
Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Ang weird nga ng rason mo. At saka ano nga ulit 'yong sinabi mo kay Tatay kanina? Na rito ka matutulog? Totoo ba 'yon?"
Nagulat kami kanina sa pagdating niya kasi akala namin pumunta na siyang Manila para sa kasal. Ilang araw din siyang walang paramdam no'n at hindi pumupunta ng bahay kaya nag-assume ako na baka nga nasa Manila na siya. Ang kaso, kaninang umaga, saktong paalis na si Tatay at Nanay sa bukid, ay bigla siyang dumating tapos agad niyang sinabi kay Tatay na rito muna siya sa bahay. Sasamahan ako habang wala sina Nanay at saka sinabi rin niyang dito siya matutulog ngayong gabi sa bahay. NGAYONG GABI! SA AMING BAHAY! SA BAHAY NAMING MALIIT!
"Yeah. Mabo-bored lang ako sa manor. Dito na lang ako, at least may kasama."
Wow. Feel na feel at home talaga siya, e, 'no?
"Edi makipag-party ka sa mga friends mo. Kila Justine." Sino pa ba 'yong iba niyang kaibigan? Si Justine Saratobias lang ang naalala kong kaibigan niya bukod doon sa Ob-Gyne ko na si Doc Hinolan, e.
"Masiyado nang busy sa buhay 'yong mga 'yon. They have a life of their own, a family to take care of… so am I."
Anak ng baboy.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pa-simple na lang na tumikhim. Ano, kasi, parang kiniliti 'yong tiyan ko. Ano, parang may paru-parong lumilipad. Ano ba!
Babalewalain ko na sana 'yong kiliting naramdaman ko sa tiyan ko nang biglang ang kiliti ay naging kirot. Napangiwi pa nga ako ng very, very light dahil sa maliit na kirot na 'yon mula sa tiyan ko. Hindi pa naman siguro ako manganganak ano? Abril pa naman ngayon at sa Hulyo pa naman 'yong due date ko. Ano ba 'tong kirot na 'to?
Pinakiramdam ko muna 'yong tiyan ko bago ako nag-conclude sa kung ano 'yong totoong nararamdaman ko. Hinawak-hawakan ko pa nga 'yong tiyan ko para makasigurado.
"Okay ka lang, Ayla?" Sumenyas ako kay Sonny na okay lang ako at 'wag na niya akong intindihin. Hindi naman malala 'yong nararamdaman ko. "It doesn't seem you are. Masakit ba tiyan mo?"
Anak ng baboy!
"Su-Sumipa 'yong ano, 'yong bata! Sumipa 'yong bata!"
Sunod-sunod na sipa talaga ang naramdaman ko nang sabihin ko 'yon. Sa sobrang pagkagulat ko, hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala siya at nakahawak na sa mismong tiyan ko, pinapakiramdaman ito.
Pero hindi ko na muna inisip 'yon. Mamaya na lang 'yon, iisipin ko muna 'tong pag-sipang ginagawa ng bata sa loob ng tiyan ko na animo'y isang player ng soccer.
Para makumpirmang tama nga 'yong nararamdaman ko, bahagya kong binuksan ang laylayan ng suot kong malaking damit para makita ang tiyan ko.
Anak ng sampung baboy!
Kitang-kita ko nga ang paggalaw ng tiyan ko. Kitang-kita ko rin ang animo'y marka ng paa ng bata na sumipa talaga sa loob ng tiyan ko. Masakit siya pero nang makita ko 'yon… parang worth it ang lahat ng sakit.
"Holy sizzling! Did you see that, Ayla? The baby just kicked inside your womb! Masakit ba?"
Napatitig ako kay Sonny nang maagaw niya ang pansin ko. Gustong-gusto ko mang pagtoonan ng pansin ang maliit na nilalang na nasa loob ng tiyan ko, mas lalong nakaka-distract ang malapit na presensiya ng kaniyang ama. Ngumiti ako sa kaniya bilang sagot. Napangiti ako nang makita siyang nakangiti. Alam kong pala-ngiti siyang tao pero ibang-iba ang ngiti niya ngayon… nakikita ko ang totoong kasiyahan mula sa kaniya.
Bakit… Bakit sobrang saya mo ngayon?
Gusto kong hawakan ang mukha niya dahil sobra akong natuwa nang makita siyang masaya. Gusto ba talaga kita o mas higit pa roon ang nararamdaman ko ngayon? Mahal na ba kita, Sonny? Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Ayokong mag-conclude pero sa tuwing nakikita kita, sa tuwing pinupuntahan mo ako rito, tumitibok ng mabilis ang puso ko at sobrang galak ang nararamdaman ko. Mahal na ba kita, Sonny?
"Sabi sa 'yo sisipa 'yan, e. Tama lang talaga ang naging desisyon ko na hindi pumunta ng Manila. Imagine the horror kapag nalaman kong sumipa siya tapos wala ako no'ng masaksihan ko 'yon?"
Bago ko pa man mailapat ang kamay ko sa kaniyang mapuputing pisnge, nakapagsalita na siya na nakapagpatigil sa akin sa kahibangang naiisip. Ang tanga, Ayla, ha.
Tinakpan ko na 'yong tiyan ko at umaayos na rin sa pagkakaupo. Ang tanga jud, Ayla, ayaw na usba, please lang.
Napainom din ako ng tubig nang wala sa oras dahil sa naramdaman ko bigla. Did I just say na mahal ko na siya? Like, putang ina, Ayla?
Para mawala ang masamang naiisip ko, nagpaalam ako sa kaniyang mags-siesta muna ako sa loob ng kuwarto ko. Hinayaan naman niya ako. Mabuti na lang talaga at nakatulog ako.
Kaso isang oras lang yata ang naging tulog ko dahil nagising ako ka agad. Bumangon ako at inayos nang bahagya ang sarili. Lumabas ako ng kuwarto only to find out na walang tao sa bahay, maliban sa akin, siyempre.
Sumilip din ako sa lamesang kaninang tinatambayan namin pero wala rin siya roon. Sumilip ako sa pinto papunta sa likuran ng bahay at laking gulat ko nang makita ko siya roon, kasama si Tatay, na nagsisibak ng kahoy. Anak ng baboy?!
"'Tay! Bakit n'yo po pinagsisibak 'yan?" Pasigaw na sabi ko para maagaw ang atensiyon nilang dalawa. Nakatayo lang kasi roon si Tatay habang nakatingin kay Sonny na siyang nagsisibak nga ng malalaking tipak ng kahoy. Wala rin siyang saplot sa pang-itaas na bahagi ng katawan kaya matinding paglunok ang nagawa ko nang matingnan siya.
"O, Ayla, gising ka na pala," pagbati pa sa akin ni Tatay. "Pabayaan mo na siya, Ayla, siya naman nagsabing siya na gagawa."
"Yeah, Ayla, don't mind me," sabi pa niya na kada-segundo yata ay tumatagaktak 'yong pawis galing sa noo niya patungo sa katawan niya.
Pa-simple akong tumikhim para kalmahin ang sarili ko. Malayo naman ako sa kanila, paniguradong hindi nila mapapansin ang nati-tense kong situwasiyon.
"Si Nanay nga po pala, 'Tay?"
"Nasa bayan, bumili ng uulamin mamaya."
Tumango na lang ako at pinabayaan na lang sila. Tirik na tirik pa rin ang araw at no'ng tingnan ko ang orasan kanina, alas-tres pa lang ng hapon. Paniguradong bibili na rin siguro si Nanay ng merienda kaya hihintayin ko na lang siya.
Naisipan kong tumambay ulit sa ilalim ng puno ng talisay. Wala lang, magpapahangin lang. Presko kaya ang hangin dito sa amin, nasabi ko na ba? Kung nasabi ko na at sinabi ko ulit, siguro nang-iinggit lang ako. Charot.
Naka-ilang segundo pa lang ako sa pag-upo, meron nang nag-park na isang motor single sa tapat ng gate ng bahay. Hindi siya naka-helmet kaya agad kong nakilala kung sino 'yon.
Anak ng baboy!
Napatayo ako dahil sa gulat. Anong ginagawa niya rito?
Pinagmasdan ko siya sa pagp-park na ginagawa niya. No'ng bumaba siya, meron na siyang dalang isang supot nang hindi ko alam. Mukhang pagkain? Ayokong mag-assume.
"Hi, Ayla!"
Anak ng baboy?
Nagulat ako sa presensiya niya pero mas nagulat ako sa fact na bigla siyang ngumiti nang malawak sa akin at kumaway pa. Kahit gulat, dahan-dahan akong naglakad papunta sa gate ng bakod at pinagbuksan siya. Ayoko namang maging bastos.
"F-Fabio, a-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko habang pinagbubuksan siya ng gate.
Anong nangyayari? Sa huling pagkakaalala ko, hindi maganda ang huling pagpunta niya rito. Nasaktan ko siya, pisikal na sakit, at nagkasagutan kami. Pero heto siya't nakangiti sa aking harapan ngayon.
"Nandito ako para bisitahin ka, siyempre, at saka nagdala na rin ako ng snacks and I do hope na hindi ka pa nakapag-merienda. Favorites mo dinala ko."
Tuluyan siyang nakapasok kaya wala akong nagawa kundi ang igiya siya papunta sa tinatambayan ko kanina. Medyo kinakabahan na ako at maya't-maya na rin ang tingin ko sa may likuran ng bahay. Nandito si Sonny at Tatay at hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nakita nilang binisita ako ni Fabio. Ayoko namang maging rude at minsan ko rin namang naging kaibigan itong si Fabio. Siguro nakalimutan na niya 'yong nangyari. Imposibleng pupunta 'yan dito kung nagdadamdam pa 'yan.
"Si Tito Boyet at Tita Helen nga pala, Ayla?" Tanong niya habang inaayos ang dala niyang pagkain. Isa-isa niyang tinaggalan ng plastic ang mga pagkain at inilapit sa akin.
Favorites ko raw ang dinala niya pero ni-isa, hindi ko naman gusto. More on favorites niya na akala niya paborito ko kasi sa tuwing kumakain siya nang ganoon, nakiki-kain na rin ako. Sayang kasi kaya inuubos ko na lang.
Alam niya ba talaga kung anong paborito ko?
"N-Nasa palengke si Nanay. Si Tatay naman nasa likuran ng bahay, kasama si S-Sonny."
Kitang-kita ko kung paano natigilan ang kamay niyang mag-aabot na sana sa akin ng shake na dinala niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Bigla itong naging seryoso. Kumunot ang noo at parang naiinis. Hindi ko alam, 'yon lang naman ang conclusion ko.
"Sonny? Si Sonny Lizares? Nandito siya?"
"Oo-"
"Anong ginagawa niya rito? 'Di ba dapat nasa Manila 'yan? Kasal ngayon ng kapatid niyang si Darry Lizares. Anong ginagawa niya rito? Nagpapa-epal?"
Wow. Hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita. Diridiretso lang ang kaniyang sinabi at ngayon, sigurado na talaga akong naiinis siya sa nalaman.
"Hindi siya um-attend. Ang sabi niya, okay lang naman daw sa pamilya niyang wala siya roon," sabi ko na lang nang ilang segundo siyang natahimik.
"Kahit na. Family affair 'yon dapat nandoon siya. Pumunta pa naman ako rito kasi akala ko wala siya at hindi niya malalaman na pinuntahan kita." Natapos siya sa ginagawa kaso bigla siyang tumayo. "Sige, sa susunod na lang kita bibisitahin dito." At bigla akong iniwan.
Diretso ang naging lakad niya, leaving the foods behind. Sa sobrang bilis ng pangyayari. Ang pagsunod na lang ng tingin ang nagawa ko.
Ano 'yon? 'Yon na 'yon?
Wala rin naman akong magagawa kaya inatupag ko na lang ang mga pagkain na dinala at iniwang bigla ni Fabio. Kahit na hindi ko mga paborito ito, wala naman akong pili sa mga pagkain kaya kakainin ko na lang. Mukhang masarap pa naman, lalo na 'yong carbonara'ng dala niya.
"Umuwi na ba si Tita Helen?"
Habang kumakain, may biglang mala-kulog na boses ang sumulpot sa gilid ko. Nilalantakan ko 'yong carbonara habang nakatingin sa kaniya.
"Hindi pa. Bakit?"
"E, kanino galing 'yang mga pagkain? Nag-order ka ba through online?"
Naki-usyoso na siya sa mga pagkain habang tinatanong 'yon. Sakto namang may laman 'yong bibig ko kaya isang kibit-balikat na lang ang sagot ko. Siguro, hindi ko na lang babanggitin na pumunta rito si Fabio.
Nagdaan ang mga araw, araw-araw din na pumupunta si Sonny sa bahay. No'ng gabing natulog siya sa bahay, doon siya pinatulog ni Tatay sa kuwartong tinutulugan ni Nanay habang si Nanay naman ay tumabi sa akin total kasya naman kaming dalawa. Habang si Tatay ay at ease sa puwesto niya sa salas. Alam kong masiyadong awkward para patulugin siya sa ganitong klaseng bahay-kubo. Sobrang yaman nitong lalaking ito at siguro hindi sanay sa ganitong klaseng buhay kaya nakakahiya talaga. But he always insist na okay lang daw kasi ganito rin naman daw sila sa rest house ng Lolo at Lola nila noong nabubuhay pa ang mga ito.
Isang gabi lang 'yong pagtulog niya sa bahay kasi kinabukasan, umuwi rin naman siya. Sa sumunod na kinabukasan naman ay ang pag-uwi ng pamilya niya mula sa Manila. Wala akong naging balita sa kasal. Wala rin naman akong pakialam dapat. Dapat.
Mas lalong naging abala ang mga Lizares dahil sa kompanya nila at sa eleksyong paparating. Kahit na nasa alanganin na 'yong central, mukhang kampante lang sila sa pagha-handle nito lalo na no'ng natapos ang kasal. Mas pinagtoonan pa nila ng pansin ang pangangampanya ni Konsehal Einny Lizares.
Bigla ko tuloy naalala ang mga panahong sumasama pa ako sa kanila, sa kampanya. Noong sumama ako para lang magkaroon ng financial assistance para sa pagc-college ko. Ang tagal na rin pala. Dati, konsehal lang ang posisyong tinakbuhan ni Konsehal Einny Lizares. Ngayon, magiging bise-mayor na.
Isang linggong hindi nagpunta si Sonny sa bahay. That's one week before the election day. Nagpaalam siyang aasikasuhin na muna niya ang central at ang iilang bagay. Bumiyahe siya ng Manila. Kaya hindi siya mahahagilap ngayon sa bayan. At sa isang linggong iyon, pumupunta rin si Fabio sa bahay. Sinasakto niyang ako lang mag-isa. Hindi ko alam kung paano niya nalamang wala ngayon si Sonny Lizares sa bayan. Hindi ko alam, okay. Basta ang alam ko, mas lalong naging weird si Fabio.
Pangatlong araw na siyang nagpupunta sa bahay. Hinahayaan ko na lang kasi wala naman siyang masamang intensiyon. Nandito lang daw naman siya para masamahan ako lalo na no'ng malamang nagta-trabaho sina Tatay at Nanay sa bukid at ako lang mag-isa sa bahay. Isang oras lang naman siyang namamalagi kaya wala akong nakikitang masama. Siguro nga, pagkakaibigan na lang ang meron kaming dalawa ngayon.
"Gusto mo bang magbati kayo ni Zubby? Gagawa ako ng paraan." Out of nowhere ay sinabi niya. Siyempre, gustong-gusto ko kaya sunod-sunod na tango ang sinagot ko sa kaniya habang abala sa pagkain. "Tara, sumama ka sa akin."
"Saan tayo pupunta?"
"Pupuntahan natin si Zubby. Kalmado na utak no'n at saka kilala mo naman 'yong pinsan kong 'yon, kaonting tulak lang, bibigay na 'yon."
Tumango ako sa sinabi niya. Interesado ako sa pakikipagbati kay Zubby. Gusto ko pa ring bumalik sa akin ang bestfriend ko. Gusto kong pag-usapan namin ang lahat-lahat.
"C'mon, Ayla, Zubeida's waiting."
~