33 Chapter 33 - Cloud Girl VS. Badman

Sa Ginagawang Building sa Pasig, @4:00PM

"Andami na palang nanonood ng live natin boss!" –Goons

"Sigurado akong napapanood na din tayo ng mga pulis kaya magsihanda na kayo! Kayong apat na rider, pumwesto na kayo… Odette, sasamahan mo ako" –Badman

"Opo" –Odette

"Dumako na tayo sa pangalawang parte ng plano…." –Badman

Habang nagsisipaghanda ang buong grupo sa pagdating ng mga pulis, nagkakanda-ugaga naman sina Claudine at ang tropa sa kung anong dapat nilang gawin.

..

Sa School,

"Uhhhhhmmmmm guys! Bago tayo mag-start sa pagsasagot sa exam natin! May mga tao na nanganganib ang buhay sa labas, yung mga kinidnap nung Badman. I know someone, na kayang mailigtas yung mga taong yon… si Cloud Girl!" –Queenie

"Pero bawal na daw mga superhero diba?" –Classmate

"Alam ko pero naniniwala ako, naniniwala kami na pag may ginawa tayong ingay sa social media natin, magrereact sya! I-hashtag natin #WeNeedCloudGirl!" –Queenie

"Siya lang ang makakapagligtas sa kanila please, minsan lang ako humingi ng favor sainyong lahat, i-hashtag natin yun. Thank you, guys. Sasabihan ko din yung iba na gawin hashtag yung #WeNeedCloudGirl sa Fb at Twitter ko" –Queenie

"Pagbigyan natin sya, muka namang may point sya eh #WeNeedCloudGirl" –Classmate

"Papunta naman na yung mga police nyan, yaan nyo namang sila na gumawa ng trabaho nila" –Classmate

"Ibahin nyo si Cloud Girl, may powers sya at alam nya ginagawa nya. Di sya tulad nina Rouser o ni Master Chef!" –Queenie

Sa pinapakitang effort ni Queenie para lang magpaka-hero ako at iligtas ko sila, lalo akong ginaganahan kasi may mga tao talagang naniniwala sa kakayahan na meron tayo.

"Claudine…" –Queenie

"Queenie" –Ako

Hinawakan nya ang kamay ko nun, "Naniniwala ako kay Cloud Girl… hehehe, feeling ko hero na rin ako sa gantong way"

"Oo nga eh, hehehe. Upo na tayo… may exams pa tayong lalabanan muna"

..

Wala kasi akong data ngayon kaya di ako maka-nood ng live, pero agad nagchat saakin si Rouser. Na pupunta sya ngayon sa Pasig at susubukan nyang makatulong kahit na pinagbabawal ang mga hero. Nag-send din sya ng screenshot sa google map ng pinagmulan ng live ni Badman, para daw madali kong mapuntahan. I guess magkikita nalang kami nyan doon, mag-ingat sana sya.

..

..

..

(Third Person Point of View)

Sa Ginagawang Building sa Pasig, @7:21PM

"Alas-syete na oh, yung hinihingi naming bayad. Ibigay nyo lang, palalayain na namin tong tatlo. 7 Million" –Badman

"Hindi maaari! Papakawalan mo silang tatlo, o mapipiltan kaming gumamit ng dahas!" –Police

"Gusto nyo tapatan din namin kayo ng dahas?" at nagkatutukan ang dalawang panig ng kani-kanilang baril

Naka-ready na mga pulis at mukang magtatawag pa sila ng SWAT sa sitwasyon ngayon. Meron na ding mga taga media na naka-abang sa mga susunod na magaganap. Si Rouser, papunta na din siya kahit alam nyang illegal na magpaka-hero sila ngayon, at si Cloud Girl naman…

"Okay, tatakas nanaman akong bahay… at lalabag ulit tayo sa batas" binuksan nya yung bintana at pinasunod nya ang ulap sa kalangitan sa kagustohan nya…

"Okay, ituro mo saakin ang pwesto ni Badman ngayong gabi…" at gumalaw ang ulap ayon sa hiling…

"GAME!!" [CLOUD JUMP!!! SWOOOOOOOOOOOOOOOOSSSHHHHHHH!!!!]

..

Malapit na si Rouser sa location nang makarinig na sya ng putukan mismo sa building. At natanaw nya din sa malayo si Cloud Girl na patungo na din sa building habang lumilipad ito.

"Si Cloud Girl naandito na?!!!" –Goons

Agad niyang nahanap yung mga hostage, at saka niya itineleport ng walang kahirap-hirap ito! Ibinaba nya sina Armando at ang pamilya nito sa harap mismo ng mga pulis at taga media.

"Pakitanggal nalang po yung mga gapos nila…" –Sabi ni Cloud Girl

"Teka sandali!" –Tinawag pa siya ng pulis pero agad lumipad pabalik sa taas si Cloud Girl

Pinagbabaril agad si Cloud Girl ng mga tauhan ni Badman, pero nagsitagusan lang lahat ito ng parang bumabaril sila sa hangin.

"Walang bisa mga bala natin sakany—" naunang umatake si Cloud Girl

Napalabas ng kutsilyo yung isa at sumugod ito, pero tumagos lang din sya. Gamit ang rocket punch nya, ibinala nya ang kanang kamay nya dito para sakalin ito.

"ASAN SI BADMAN!!" tanong ni Cloud Girl

"Mamatay kana Cloud Girl!!" binaril sya nito sa noo pero wala rin nangyari.

Hinagis sya ni Cloud papalayo at sa sama ng bagsak nya ay hindi na ito naka-bangon agad. Bumaba siya agad ng isang floor pero wala din sya dito. Nang bumaba pa ulit sya ng isa ay nakaramdam siya…

"LUMABAS KANA BADMAN!!!"

May nagtatago sa pader at sinubukan nitong barilin si Cloud Girl sa likod

"Wala kanang matatakbuhan dahil paakyat nadin yung mga pulis dito!!"

Rinig padin ang barilan ng mga tauhan ni Badman at mga pulis, dahil sa ingay ng barilan nila na nag-eecho. Medyo madilim ang paligid at hindi pa sila agad-agad nagkakarinigan…

"Yung mga hostage mo?! Wala na sila dahil safe na sila sa baba… tayong dalawa nalang to!!"

Hindi umiimik si Badman at tila nagtatago lang ito sa kanya… nagkalat ulit ng ulap si Cloud Girl sa buong paligid nya, para maramdaman nito kung saan ito nagtatago.

..

"May ulap sa bandang 3rd Floor! Naandon si Cloud Girl!!" –turo ng isang pulis

"Daddy? Pano tayo nakababa from 7th floor mula dito sa labas?!" –nagkamalay ang anak ni Armando

"Iniligtas tayo ni Cloud Girl anak" –Armando

"Sir aarestohin po ba natin si Cloud Girl?!" –Tanong ng isang pulis sa nakatataas sa kanya

"Kuya wag po!! Please… niligtas po ni Cloud Girl buhay namin!" –Yumakap ang anak ni Armando sa binti ng isang pulis

Ilang saglit pa ay nawala ang mga putukan sa baba, at nagsi-taas na ng kamay ang ibang tauhan ni Badman para sumuko sa mga pulis. Madugo ang naging insidente dahil may limang napatay sa engkwentro, at anim na sugatan. May mga napatay din sa tauhan ni Badman, pero iilan nga dito ay napiling sumuko nalang.

Nagsiakyatan na yung iba pang mga pulis para mahuli din nila si Badman at matingnan pa ang bawat palapag.

..

"Sinira mo plano namin!!" nagpakita na si Badman at pinanghampas niya ang gamit nyang baseball bat, buti ay hindi tinamaan si Cloud Girl

"Dahil sayo! Hindi namin nakuha ang pera!" at sinubukan nyang patamaan si Cloud

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!" at sumugod ulit siya kay Cloud Girl na parang nawawalan na ito ng tino.

Gamit ang natutunan nya sa pagbo-boxing, nagagawa nyang maka-ilag at salag sa mga hampas nya kahit baseball bat ang gamit nya, at nang magkaroon ng opening, agad pinatikim ni Cloud ang kaniyang Cloud Punch!!

Napatumba nya si Badman ng ganon kadali, at saka nagsidatingan ang mga pulis at naiilawan nila ang dalawang naglalaban…

"DAPA!!!! NAPAPALIGIRAN KANA NAMIN!!" Lalapitan na ito sana ng mga pulis ng tanggalin ni Badman ang suot nitong jacket na naglalaman pala ng bomba, at nang pinudutin nya ang button na hawak nya, lumabas ang 20 seconds na timer nito.

"Anong susuko ako sa inyo?! Mga hangal! Magkakamatayan tayong lahat dito!!" –Badman

Nataranta ang mga pulis kung anong dapat nilang gawin dahil hindi rin nila inasahan na mangyayari ito, at si Cloud… agad syang naka-isip ng paraan.

"Wag, wag nyo syang papatayin!" –Cloud Girl

"Cloud Swap…" gamit ang kapangyarihan nagpalit ng pwesto si Cloud Girl at Badman. Nang magkapalit sila ng pwesto, si Cloud na ngayon ang may suot sa bomba, at meron nalang itong 12 seconds…

"Teka suot ni Cloud Girl yung bomba?!" –Pulis

"Anong binabalak nyang gawin nyan? Baka mamatay tayong lahat dito?!" –Pulis

"Padaan po ako!!! May bomba ako sa katawan!" pinatabi nyang lahat ng mga nakaharang na pulis at agad syang nagtungo sa pinaka malapit na bintana….

[CLOUD JUMP!]

Agad na tinodo ni Cloud Girl ang kanyang paglipad habang suot nito ang vest na may bomba at kita sya ng mga nasa ibaba pero wala silang ideya kung bakit niya nagawa iyon. Habang sa ginagawang building naman ay dinakip na agad ng mga pulis si Badman at bumaba na rin ang mga ito…

[5… 4…. 3… 2…]

"Shit di ko matanggal!

[1…. *TITTTTTTTTTTTTTTTTTTT!!*]

Sumabog ang bomba sa kalangitan at tanaw ito mula sa baba. Napapanood ng Live ang mga nangyayaring ito sa Pasig, at nakaramdam ng kaba si Yaya Atria nang mapanood sa TV yung pagsabog.

Nalungkot ang ibang mga pulis sa sinapit ni Cloud at agad itong naiparating sa mga media na nakapaligid.

"Di po siya naghesitate suotin yung vest na may bomba at nang sinuot nya yung vest, lumipad po sya agad. Wala na rin po kaming idea kung anong gagawin namin nung oras na yun dahil biglaan po yung mga pangyayari, buti po naandoon din si Cloud Girl para gawin yung ganong kabayanihan…" –Pulis

Nahuli nang dumating ang SWAT para magbigay ng tulong sa mga pulis. Sa huli ay nailigtas ang mga hostage, walang transaction na naganap, napahuli ang mga kasamahan sa krimen, at nahuli ng buhay si Badman.

Wala nang naibalita pa kung nasaan o kung ano na ang nangyari kay Cloud Girl pagkatapos ng lahat ng iyon…

..

..

..

..

..

Sa Shop nina Rouser sa QC,

"Papunta na ako dun eh, pero naunahan ulit ako ni Cloud at muka namang nagwagi siya ulit ng wala ako…" –Rouser

"Nahuli na ng mga pulis si Badman, pero si Cloud ata suot nya daw yung bomba tapos sumabog sya eh" –Kenken

"Mukhang di ka ngayon okay boss ah?" –Jolo

"Ayos lang ako, at… sigurado akong nakaligtas yan si Claudia sa pagsabog. Matinding kabayanihan talaga yung pinakita nya doon" –Rouser

"Mabuti pa siguro, magpahinga ka na muna Boss, parang napagod ka na ewan eh" –Kenken

"Hhhmmmmmmmmm…."

..

..

..

..

..

Sa Bahay nina Cloud Girl…

"Madam…" –Yaya Atria

"Alam ko Atria, mukang oras na para kausapin talaga yang batang iyan ng masinsinan" –Mommy

"May dapat po ba kaming gawin?" –Kuya Benjo

"Wala pa naman, sa ngayon magfocus muna kayo sa trabaho nyo saakin. Ako muna ang kakausap sa kanya, matagal ko na ring pinaghandaan to" –Mommy

"Hanggang ngayon po, akala po ni Claudine ay di nyo alam ang sikreto nya…" –Yaya Atria

"Hehehe, nagmana talaga siya sa papa nya" –Mommy

..

..

..

..

..

Nagising nalang si Cloud ng nakahiga sa ulap, ipinagtaka nya na kahit nasabugan sya ay parang walang nagyari sa kanya, maski sugat o sunog manlang ng damit nya ay wala rin.

"Buhay pa pala ako? Fuck anong oras na?" pagtingin nito sa orasan nya ay 10:04PM na at agad siyang nag-cloud jump pauwi sa bahay.

Pagkauwi niya, may isang lalaking lumabas sa pagtatago sa mga ulap. Tila nakabantay ito kay Cloud Girl habang wala siyang malay…

"Madami ka pang dapat matutunan… Cloud Girl…." --?????

avataravatar
Next chapter