webnovel

Chapter 6: Responable Dapat!

"Asia wake up!" sigaw ni Kuya Paris habang kumakatok.

"5 minutes please!" sigaw ko sabay talukbong ng kumot.

Narinig ko na siyang umalis  kaya napahinga ako ng maluwag dahil oras na ako natulog sa kakaisip kay Cliff este kakareview.

*woooosh*

Ilang sandali lang ay may narinig akong buhos ng tubig at naramdaman ko nalang na may malamig na tubig ang nasa akin kaya naman napatayo ako.

"AAAAAAAHHHH ISA KANG PACKINGTAPE PARIS!" sigaw ko nalang.

"Hahahahahahaha bilisan mo na diyan at papunta na si Daddy" tatawa-tawa siyang umalis sa kwarto ko kaya naman nagmadali na akong pumunta sa Bathroom para makapag-ayos na.

Mahirap kasi kapag si Daddy ang gumigising sa amin minsan nung ayaw gumising ni Kuya Paris ay bigla niya itong binuhusan ng sobrang lamig na tubig na nagyeyelo kaya naman hindi na namin hinayaan na si Daddy ang gumising sa amin dahil baka mas grabe pa ang gawin niya.

Habang nagaayos ako hindi maiwasang isipin na hindi pa nagtetxt si Cliff.

'Ay tanga kaya pala sinabihan kong lalayo na ako kaya siguro lumayo na ng tuluyan yung tao.'

"Mukha kang tanga Asia hahahaha" natatawang sabi ni Kuya Paris.

"Shut up Paris" tanging nasabi ko atsaka ko na niready ang sandwich at nilagay sa tupperwear.

"Daddy si Asia nakalimutan na ang word na KUYA!" pinakadiinan niya yung word na kuya para asarin na naman ako.

"Asia hindi ba ang unang rule sa bahay ay respect? Kailangan mong respetuhin ang kuya mo kahit hindi siya karespe-respeto"

"Dad!" sigaw niya kaya napatawa nalang ako ng malakas kaya napatingin si Daddy sa akin at nagulat.

"What happen to your face Asia?"

"She look like a trash! Hahahaha" sarcastic na sabi ni Kuya Paris kaya inikot ko nalang ang mga mata ko dahil sa inis.

"Sabi mo e" naasar na sabi ko na siyang kinatawa nila Kuya at Daddy.

Habang pinapanood ko silang tumawa ay naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Kahit na alam kong imposible pero wala namang masama kung aasa ka.

From: Awesome Isaac

Good Morning Ms. Beautiful. See you soon.😘

To: Awesome Isaac

Good morning too Mr. Awesome. Walang practice huh? See yah.

Kahapon kasi bago ako bumaba sa sasakyan niya pagkatapos naming mamigay ng pagkain ay hinatid niya ako at kinuha ang number ko,alam ko namang mabait siya kaya binigay ko na.

From: Awesome Isaac

Break muna daw sabi ni Coach kaya tabi tayo ng upuan para may tutor ako if ever na hindi ko maintindihan.😘😘

Ang hilig nito sa emoticon na kiss,ang haliparot.

Natago ko ng mabilis yung phone ko at mabilis na inayos yung baon ko na sandwich dahil sa pagsigaw ni Paris.

"DADDY SI ASIA NGUMINGITI NG MAGISA,NABABALIW NA ANG MAHAL KONG KAPATID. DADDY!" sigaw niya kaya tinapunan ko siya ng tinapay sa mukha.

"Asia ang pagkain ay kinakain at hindi pinaglalaruan. Bakit ka nagbaon ng sandwich?" takhang tanong ni Daddy dahil hindi naman ako yung tipo ng tao na nagbabaon dahil mas gusto kong kumakain sa mga cafè.

"Wala lang po. Sige na alis na po ako baka po malate pa ako at maging si KUYA Paris na laging laman ng Guidance" sarkastikong sagot ko habang nakangiti na nakakaasar sa Kuya kong nakanganga na.

"Excuse me my lovely Asia twice a week lang akong pumupunta sa Guidance right Dad?"

"Thrice,Hijo" pagtatama ni Daddy kaya naman binelatan ko siya at umalis na.

"Ciao my lovely Kuya and Daddy." paalam ko sa kanila habang humahalik sa pisngi nila.

Bigla kong nakalimutan yung cellphone ko na tinago ko sa bag ko dahil kay Israel the great.

25 missed call and 50 texts at galing lahat kay Isaac.

From: Awesome Isaac

Are you okay? Babe?

From: Awesome Isaac

Nandito na ako sa school parking lot gusto mo bang sunduin ko ang pinakamagandang nilalang na kaibigan ko?

From: Awesome Isaac

Please answer my calls. Babe.

Hindi ko na binasa lahat at agad ko ng tinawagan ang paranoid na si Isaac.

Ilang ring lang ay agad na niyang sinagot.

"I'm sorry Isaac sa hindi pagsagot nagbibiruan kasi kami ng Daddy ko at ng Kuya ko so what's up?"

"Thanks God at tinawagan mo ko and it's okay. Naging paranoid lang ako dahil ikaw ang una kong babaeng kaibigan except sa Kapatid kong babae at kay Mommy. So where are you now? Gusto mo sunduin na kita?"

"Palabas na ng gate at no huwag mo na akong sunduin baka masayang ang gas mo."

"Sa isang Dyosang kagaya mo hinding hindi masasayang ang gas ko."

"Woah! Busog na busog na ako sa mga papuring tinatanggap ko mula sayo baka hindi na ako makakain sa mga pinaggagawa mo at sinasabi sa akin. Hahahahaha."

Bigla akong napatingin sa harapan ng gate namin at nakita ko si Cliff na nakasandal sa kotse niya habang ang dalawang kamay ay nasa mga mga bulsa niya take note may sunglasses pa siya. Nung nakita niyang nasa labas na ako ay dahan-dahan niya tinanggal ang salamin at naglakad papunta sa akin,hindi ko namalayan na nasa harapan na siya kaya naman napatingala ako dahil sa tangkad niya na hanggang leeg niya lang ako.

"Good morning. Tara sabay na tayo" nakangiti niya sabi na parang pinapakita niya ang malacolgate niyang mga ngipin na pantay-pantay at kulay puti.

"Good morning. Kanina ka pa? Dapat nagtext ka para sinabi ko sayo na hindi mo na ako kailangan sunduin" nahihiyang sabi ko habang nakayuko na.

"Nope kararating ko lang kanina and no nakasanayan ko na to kaya mahirap alisin"

"Hindi naman porket nakasanayan ay mahirap nang alisin baka ayaw mo lang talaga dahil hindi mo kayang mawala atsaka hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mo kong sunduin dahil malay mo magkaroon ako ng boyfriend at siya na ang magsundo sa akin" o hindi kaya mawala na ako at hindi na pwedeng bumalik

"Kagaya ni Isaac? Please iwasan mo siya..sila ng mga barkada niya dahil---"hindi niya natuloy ang sasabihin niya.

"Dahil ano? Come on Cliff sabihin mo dahil ano? Huwag mo silang husgahan na parang kilalang-kilala mo sila dahil sila sa unang pagkakataon naramdaman ko sa kanila ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan at saya na sa buong buhay ko ay hindi ko nakita sa kahit sino. Kaya wala kang magagawa kung gusto ko silang maging kaibigan"

"Fuck! Responsable dapat sa lahat ng mga aksyong gagawin mo dahil kapag nagkamali ka ay hindi mo na maibabalik pa dahil nangyari na kaya ang dapat mong gawin ay huwag mo ng ulitin ang pagkakamaling nakasakit sayo kaya ngayon binabalaan na kita Asia. LUMAYO KA NA KAY ISAAC DAHIL MASAMA SIYANG TAO"

Dahil sa gulat ko sa sinabi niya at pagsigaw ay bigla ko siyang nasampal kaya naman napatakip ako ng bibig.

"I'm sorry" sabi ko habang napaluhod sa semento at dahan-dahang napaluha.

"H-hindi k-ko sinasadya Cliff" dadag ko.

"I'm fine but please pumasok ka sa sasakyan" sabi niya nang hindi siya tumitingin sa akin kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumakay nalang para wala nang sinasabi.

May naramdaman akong nagvibrate kaya nakita ko ang phone ko at dali-dali ko itong kinuha.

From: Awesome Isaac

Babe saan ka na? May sakit ka ba o problema? Akala ko nasa gate ka na? Ano nastuck ka na dyan kagaya ng pagkastuck mo sa isip at puso?

Bigla akong napangiti pero biglang nawala ito nang naramdaman kong kinuha ito ni Cliff na wala na pala sa daan ang atensyon kung hindi nasa cellphone ko.

"What the fish Cliff! Cellphone ko yon kaya bakit mo naman binato?" galit na sigaw ko sa kanya na parang walang naman sa kanya dahil pinagpatuloy niya yung pagda-drive.

"Babayaran ko nalang"

Natahimik nalang ako dahil sa pagiging moody ni Cliff.

"May pasok ako bakit nasa Mall tayo?" walang ganang tanong ko dahil napansin kong hindi sa School ang pinupuntahan ng sasakyan kung hindi sa Mall.

"Magka-cutting tayo at bibili tayo ng phone mo"

"No thanks balik tayo sa school"

"No! Bababa ka o bubuhatin kita palabas diyan?"

Mabilis pa sa kabayo ako nakalabas sa sasakyan niya kaya naman nauntog ako sa sasakyan at nung lalapit na siya sa akin ay bigla ako lumayo.

"Di ba responsable dapat? Kaya huwag kang lumapit sa akin kaya ko ang sarili ko" sarkastikong sabi ko at nauna ng maglakad.

"Saan ka pupunta?"

"Hospital" sarkastikong sabi ko at nilampasan na siya.

"Hahahaha akala ko naman may sasakyan ka na dahil papunta ka sa loob ng parking space dahil sa pagkakaalam ko sa kabila ang entrance ng Mall"

Natigilan ako at umikot na,dahil sa pagkapahiya ay yumuko ako habang naglalakad pero bigla akong may nabanggang pader. Pader? Wala naman kayang pader dito..kaya napatingin ako at kitang-kita ko ang ngiti ng isang pesteng nagngangalang Cliff.

"Let's go" sabi niya sabay hila sa akin,gusto ko mang hilahin ang kamay ko sa kamay niya ay hindi pwede dahil masyado siyang malakas.

~•~•~•~

"What do you want?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin kaya binilan na niya ako ng kung ano at kinuha ko nalang basta.

"Uuwi na ako. Masakit ang ulo ko" walang ganang sagot ko kaya naman hindi na siya nagpumilit pa at hinatid niya ako.

Hindi kami nagkibuan hanggang sa makarating ako sa harapan ng bahay namin at pinagbagsakan ko pa siya ng pintuan dahil sa inis.

'Responsable dapat,fish you!'

"Being responsible is being ready in every situation that you will face in the near future. And being responsible is being a person who is good in terms of decision making"