webnovel

Chasing The Clouds

Girl meets boy. Boy meets girl. That’s too cliché What if Girl meets Boy but in the end destiny did not permit them to be became together? Will they continue their unfinished story? Will destiny allow them this time? Nathaniel and Soledad fell in love with each other but unfortunately their love was never fated to have “and they lived happily ever after” ending. Nonetheless, they managed to find new lovers for themselves and build a family. This is a story of Emerald Ridad and John Nimbus Cruz, on their early 30s. Let us join them as they astonish a journey chasing the clouds, finding the first love of their parents, making a way to let the sparks continue. As Emerald and Nimbus linger to chase the clouds, it’s fun for a while but ultimately futile. This means a vain effort. Will they succeed? Will it be “and they lived happily ever after”? or “Once they lived happily”?

Daoist800671 · Urban
Not enough ratings
3 Chs

(3) Love Drawn by Clouds

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Walang sinayang na segundo ang dalawang magsing-irog. Sila'y nagyakapan na animo'y isang taong hindi nasilayan ang isa't isa.

"Patawarin mo ako Nathaniel" pagsusumamo ni Soledad habang naka kulong sa bisig ng kanyang mahal.

"Shhh" tugon ni Nathaniel habang hinahaplos ang likod ni Soledad.

"Ito ang tatandaan mo, kahit anumang mangyari mahal na mahal kita. Sayo lang ako" bulong ni Nathaniel.

"Ikaw at ikaw lang ang aking iibigin. Wala ng iba" sagot ni Soledad.

Bahagyang lumapit ang dalawang magsing-irog sa isa't isa. Pinunasan ni Nathaniel ang mga luha ni Soledad. Luha ng pagkagalak dahil sila ay muling nagkita.

Hindi nagsasawa si Nathaniel sa pagsinghot niya sa amoy ni Soledad. Mabango ito. Amoy rosas. Isiniksik ni Nathaniel ang kanyang mukha sa leeg ni Soledad habang sila ay nagyayakapan na parang wala ng umaga.

Ibinaling ni Soledad ang ulo ni Nathaniel paharap sa kanyang mukha. Nagtitigan sila.

Maipipinta sa mata nilang dalawa ang pagmamahal nila sa isa't isa. Ang pagkasabik ng muli nilang pagkikita.

~Moon has never glowed this colorHearts have never been this close

Unti unti naglapat ang kanilang labi sa isa't isa. Halik na sumisigaw ng kanilang emosyon at damdamin sa isa't isa. Tanging ang liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay sinag sa gitna ng kalye kung saan sila naroon.

~I have never been more certainI will love you 'til we're old

Walang ibang maramdaman si Soledad kung di ang pagibig niya para kay Nathaniel at ganoon rin si Nathaniel para kay Soledad.

~Maybe the night holds a little hope for us, dear

May mga tumatakbo sa isipan ni Nathaniel na nagsasabing maaaring hindi tama ang kanilang ginagagawa dahil buntis si Soledad at nakatakdang ikasal kay Maximo ngunit wala siyang magawa at ito ang isinisigaw ng kanyang puso.

~Maybe we might want to settle down, just be near

May mga tumaatakbo sa ispan ni Soledad na nagsasabing kailangan niyang sulitin ang mga oras na sila ay magkasama dahil nakatali na siya sa isang lalaki, si Maximo.

~Stay together

Maraming tumatakbo sa isip ng dalawa nunit mas nananaig pa rin ang sigaw ng kanilang damdamin. Ang manaig ang pag-ibig.

~Maybe the night holds a little hope for us, dear

~Maybe we might want to settle down, just be near

~Maybe the night holds a little hope for us, dear

~Maybe we might want to settle down, just be near

~Stay together

~Stay together here

"sigurado ka bang ayos ka lang dito?" tanong ni Nathaniel kay Soledad.

"Maliit lang 'tong kwarto ko, ngunit ang malaki naman ang puso kong kaya kong ialay sa iyo." dagdag nito.

bahagya namang napangiti si Soledad sa hirit ni Nathaniel na siyang dahilan ng pagpula ng kanyang pisngi.

"Kinikilig ka nanaman Soledad" pangaasar ni Nathaniel

"Hindi kaya" pagwewelga ni Soledad

"Eh bakit kka namumula? " tanong ni Nathaniel.

"dalawa lang ang dahilan ng pamumula ng pisngi ng babae, maaring kinikilig ito o di naman kaya'y ..." pabitin na saad ni Nathaniel.

"o di naman kaya'y, ano Nathaniel?" pagtataray si Soledad habang nakapamewang.

"o di naman kaya'y nagiinit ito" pilyong itinaas baba ni Nathaniel ang kanyang kilay.

Mas lalong namula pisngi ni Soledad. Naapektohan na rin ng pamumuula ang kanyang buong mukha. Tinakpan niya ito gamit ang kanyang mga palad sa hiya.

"Basta bilisan lang natin." ani Soledad

"ano?' gulat na tanong ni Nathaniel

"sabi ko dalian lang natin." paglilinaw ni Soledad

muling napangiti si Nathaniel ng may pagka lagkit. Ngiting sabik. Ngiting parang batang nakapulot ng barya at ipambibili ng kendi. Ngiting mukhang magtatagumpay.

"So, nagiinit ka nga?' tanoong ng binata

"Safe ba 'to kahit buntis ka?" dagdag nito.

"Oo daw, sabi ni Menggay. Basta dahan dahan lang"

"sige. dadahandahanin ko." sagot ni Nathaniel

Unti unting inilapit ni Nathaniel ang kanyang mukha sa mukha ni Soledad. Ganon rin ang ginawa ng Soledad. Nagsalubong ang labi ng isa't isa habang malayang gumagalaw ang mga kamay ng binata sa katawan ng dalaga.

Tatanggalin na sana nila ang saplot ng isa't isa ng may marinig silang putok ng baril mula sa labas ng tahanang kanilang kinalalagyan.

Bahagyang naabala ang dalawang magsing irog s kanila sanang gagawin.

Dali daling lumabas ang dalawa upang malaman kung saan galing ang puto na iyon o kung may nasaktan ba sanhi ng mga putok ng baril na iyon.

Agad naagaw ng atensyon ni Soledad ang nakahandusay na katawan ng ina ni Nathaniel habang bumadaloy ang mga dugo nito mula sa kanyang tagiliran.

"aaaaaahhhhhhh" sigaw ni Soledad

Tumakbo naman papalapit si Nathaniel kay Soledad. Nagulat siya sa kanyang nasilan=yan. ang kanyang sariling ina na naliligoo sa sarili nitong dugo.

"innnnaaaay!" pagsusumamo ni Nathaniel habay akay akay ang kanyang ina. patuloy niya itong niyuyugyog upang magising ito.

"Nathaniel, anak" paunang salita ng ina ni Nathaniel

"Maaring hindi ito ang tamang panahon sa para sa pag-iibigan niyo ni Soledad."paunang salita nito.

"Ngunit tandaan mo anak, oras lang ang mali at hindi ang nararamdaman niyo, hindi ang pag-ibig" dagdag nito habang itinuturo ang dibdib ni Nathaniel.

"Hindi kayo pinaglalaruan ng tadhana gaya ng iniisip mo." mistulang mauubasan na ng hininga ang ina ni Nathaniel.

"Kayo ang itinakda para sa isa't isa"

"Ang kwento ninyo ni Soledad ay muling maisusulat... at ang tinta ay pag-ibig." tuluyan na ngang pumikit ang ina ni Nathaniel. Tanda na wala na siya.

"Inayyy? innay! gumising kayo! inay!' patuloy na niyuyugyog ni Nathaniel ang taong siyang nagsilang sa kanya dito sa mundo. Ang taong nagturo sa kanya ng kung ano ang tama at mali. Ang unang babaeng minahal niya sa kanyang buhay. Ang kanyang ina. Nakahandusay. Duguan. Wala ng buhay.

Tatayo na sana si Nathaniel mula sa pagkakaupo sa sahig ngunit naramdaman niyang mayroong nakatutok sa kanyang sentido. Isang baril. Isang baril na isang maling galaw mo lang ay maaring pihitin ng taong may kontrol nito. Isang maling galaw lang ay maaring maawi rin ang buhay ni Nathaniel sa kamatayan.

"Hindi ko alam kung anong nakita sa iyo ng aking unica hija na kaya niyang ipagpalit ang kanyang sariling mga magulang para lang sa iyo" nanggagalaiting boses ng isang lalaki. Sa tono palang ng pananalita nito, alam ko nang si Don Christiano ito. Hinarap ko siya ng may galit.

"Papa, utang na loob huwag no siyang sasaktan." pagmamakaawa ni Soledad habang nagpupumiglas sa higpit ng dalawa nilang armadong tauhan.

"Kung ikaw lang din ang sisira sa magiging buhay namin, mas mabuti pang mamatay ka na lang p*ta ka!!" muling itinutok ni Don Christiano ang baril sa ulo ni Nathaniel na siyang dahilan ng pagsigaw ni Soledad sa abot ng kanyang makakaya.

Sa huli ipinutok niya ito.

"Huwag!!!!"

~Lahat ay parang lumabo

~'Di alam kung sa'n tutungo

~Sabi ko na nga ba

~Dapat no'ng una pa lamang

~'Di na umasa

~'Di naniwala

~Hindi tayo pwede

~Pinagtagpo pero 'di tinadhana

~Hindi na posible

~Ang mga puso'y huwag nating pahirapan

~Suko na sa laban

~Hindi tayo pwede

-------------------Featured songsMaybe The Night

Song by Ben&Ben

Hindi tayo pwede

By The Juans