Ang pag papatuloy,
Belj: Hello Boss, pinabalik ko na po si Miss.
Chase: Ano? Anong pinabalik?
Belj: Mamaya ko na po ipapaliwanag sa inyo pero alam ko pong malapit kayo sa mansion. Pumunta po kayo ngayon din dito.
Chase: Anong nangyayare?
Belj: The Alta Gracia is attacking your grandpa.
Chase: What? What's yhe situation there?
Belj: Pinapalibutan po ng mga tauhan ng Alta Gracia ang area pero wag kayong mag alala habang papunta po ako dito nakita kong mag inutusan ng tao ang mga daddy nyo.
Chase: Okay then, contact everyone to secure the area papunta na ko.
Belj: Yes Boss.
Then after a 5minutes,
Sa loob ng mansion ng Alcantara...
"Oh really? Baka nakakalimutan mo this is our territory." Sabi ni Don Fernan na gaya ng nauna kanina mga nakatutok sa isa't isa ang kani-kanila nilang mga baril ang pinagkaiba nga lang ay mas maraming tauhan ng Alta Gracia ang nakapalibot sa mga Alcantara.
At nanatiling bihag nila Wram at Brilliant itong si Felly. At si Don Arnulfo naman ay bihag ni Noli ngunit may nakatutok na baril kay Noli at iyon ay baril ni Marcus, Don Fernan at Ysmael at iba pang mga tauhan. Pero dahil nga mas marami sa loob ang tauhan ng Alta Gracia ingat na ingat ang Alcantara's sa galaw nila kahit sa pananalita.
"Huh! This? Baka hindi nyo nalalaman pinapalibutan na ng nga tauhan namin ang buong area kaya kung ako sa inyo sumuko na kayo!" Pagalit na sambit ni Wram.
BANG!
"Oh really?" Sambit ni Chase na nanggaling sa secret door ng mansion.
"Chase!" Sambit nila Don Arnulfo.
"Disperse!"
"Yes Boss!"
At sa pangunguna nga ni Belj ang kaninang Alata Gracia dominance ay nabaliktad na dahil sa pag dating ni Chase at ng mga tauhan nya.
"Si--Sir..."Sambit ng isa sa tauhan ng mga Alta Gracia na sugatan.
"What happened?" Sabi ni Brilliant na sinalo ang isa sa tauhan nga nila sugatan.
"They're not easy Si... Sir." Sagot nung tauhang sugatan at nawalan na ng pulso.
At nakita nga ni Brilliant sa labas na nagkakagulo na sa labasan.
Kinasa ni Chase ang baril nya at ipinutok kay Noli pero sinadya nitong idaplis.
"Uncle!!!" Sigaw nila Wram at Brilliant.
Nagkaroon lang ng daplis na sugat si Noli at natulala sa sobrang kaba nito.
Naglakad papalapit at nag paputok ulit ng kaniyang baril at pinatamaan ang ilan sa mga tauhan ng mga Alta Gracia at sinabing "this is our territory at kung sino man ang mangangahas na pasukin ang pagmamayari ng Alcantara hindi na...makakalabas pa ng buhay... Kaya kung ako... sa inyo... SAVE YOUR LIFE!!!" Habang sinasabi nya yon parang ang Chase na kilala nila ay biglang naging monster.
"Wram, si Uncle!" Sambit ni Brilliant.
Napatingin naman si Wram kay Noli "Hyun, get him we're leaving."
"Yes Sir."
At dali-dali ngang umalis ang mga Alta Gracia at iba pa nilang tauhan na natitira. Pero bago tuluyang umalis nag pa iwan si Wram at tumingin kay Chase at sinabing "this is not the end Mr. Alcantara, next time we met we will be the Boss!"
"Huh! Really? Then do it!" Sagot ni Chase at nag paputok ulit ng baril malapit kay Wram.
Wram gulped at umalis na ng masama ang tingin kay Chase.
Nanlambot naman ang mga tuhod ni Felly at nawalan ng balanse.
"Felly!" Sabay sambit nil Ysmael at Marcus na nilapitan ito agad para alalayan.
"Are you okay?" Sabay na namang sambit nung dalawa kaya tinignan nila ng masama ang isa't isa.
Nakita naman yon ni Chase kay sinenyasan niya si Belj.
Kaya naman lumapit si Belj kay Felly at binuhat ito "ako ng bahala sa kaniya tulungan niyo si Don Arnulfo."
Sabay namang napalingon sila Ysmael at Marcus kay Don Arnulfo na si Don Fernan na ang umalalay para makaupo ito sa sofa.
"Lo!" Anila at lumapit.
Ipinagkatiwala naman ni Belj si Felly sa isa sa mga tauhan niya tapos lumapit kay Chase.
"Boss, what's we're done here."
"Yeah. Let's go nag aalala na si Rics."
"Opo."
Papaalis na sana si Chase at Belj ng tawagin ni Don Arnulfo ang apo.
"Chase!"
Napalingon naman si Chase at napatigil sa pag lalakad pero hindi sya lumapit.
Tumayo naman si Don Arnulfo sa kinauupuan.
"Let's talk."
Hindi sumasagot si Chase kaya naman bumulong si Belj "Boss! Boss!"
"Hmm?"
"Gusto raw po kayong makausap ng lolo nyo."
"Ah... O-- Oo."
At sa may beranda doon nag usap ang mag lolo habang nakamasid sa looban sila Ysmael, Marcus at Don Fernan.
"Uncle, are you really sure it is okay to grandpa to talk to him?" Sambit ni Ysmael.
"Why not? After all he helped us."
"Pero Uncle hindi ba at nag papagaling pa si Grandpa? Hindi pwedeng maistress sya."
"Chase is also his grandson." Sabi ni Marcus.
"Are we getting your opinion here? You are just grandpa's personal nurse!"
Kinuwelyuhan naman ni Marcus si Ysmael "ano sabi mo?!"
"You are just a nurse! Kami parin ang legit na apo!"
"Enough! You two get out!" Pagalit na sambit ni Don Fernan.
"Pero Uncle..."Anila.
"Lalabas kayo o ipapadala ko si Felly sa probinsya?"
Dali-dali naman sa pag alis yung dalawa ni Ysmael at Marcus.
"Sighhh... Dante."
"Sir."
"Make sure every exits has a triple security and make sure every cctv camera's are workung."
"Yes Sir."
"And ipaayos mo na rin yung isang mansion we will move there within 2days."
"Yes Sir."
"But before that tell everyone that the Alta Gracia is officially enemy of the Alcantara's."
"Yes Sir masusunod."
"Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo Noli Alta Gracia. How dare you to declare a war!"
Samanatala sa Condo,
Hindi naman mapalagay si Ricai dahil nag aalala sya at hindi nya ma contact si Chase.
"Ah... Ahm... Miss, relax lang po nag text naman na po si Senior Belj okay naman na daw po ang lahat sa mansion." Sagot ni Esmie na kasama ni Ricai doon sa Condo.
"Pero, bakit wala parin sila dito?"
"Ah... Eh... Ang sabi po ni Senior Belj kinakausap daw po ni Don Arnulfo ang senyorito."
"Really? Naalala na nya ang apo nya?"
"Hindi pa po malinaw kung ano po yung pinaguusapan pero ang importante po eh Don Arnulfo is starting to trust our senyorito."
"Well, you have a point naman sana nga maging okay na ang mag lolo. Pero can I ask you something?"
"Hmmm? Ano po yun Miss?"
"Hindi ba matagal ng naninilbihan ang pamilya mo sa mga Alcantara's?"
"Ahm... Opo sobrang tagal na po talaga."
"So, anong alam mo sa kanila? Bakit ganun sila? I mean they're so rich at marami ring kaaway sa negosyo gaya na nga ng mga Alta Gracia."
"Ohh... Gusto nyo pong malaman kung ano po sila?"
"Um. Gusto kong malaman ang lahat. Dahil ayaw naman saking sabihin ni Chase."
"Siguro ayaw po sabihin sa inyo ni Senyorito dahil ayaw nyang lumayo kayo sa kaniya."
"Hmm?"
"Sabihin na po nating there's a four tyrant from north, south, west and east."
"What do you mean?"
"In underworld may apat na pamilya ang magkakalaban at alam ko pong alam niyo na ang isa sa mga yon ay ang mga Alta Gracia na pinamununuan ng inyog kinilalang kuya Tian-Tian na si Mr. Xitian the heir and the newest leader of their clan."
"Wait, I know they're mafia's but saying that "underworld" thingy makes me feel that kuya Tian-Tian is not simple as I know."
"Yes Miss, dahil sa apat na tyrant halos pumapantay na ang Alta Gracia sa mga Alcantara. Kaya mahigpit na mag kalaban ang dalawang pamilya walang gustong mag patalo."
"Wait, hindi ko maintindihan bakit sila nag aaway away?"
"Nag simula po ang lahat sa apat na magkakaibigan sila Don Arnulfo ang lolo ni Senyorito, si Don Narcio ang lolo po ni Sir Xitian na tatay po ni si Noli Alta Gracia. Si Don Kier ang pangatlo sa apat at ang panghuli si Don Heraldo ang pinakamakapangyarihan sa apat."
"Sino si Don Kier at yan si Don Heraldo? Why they're rich? And mag kakaibigan sila? Pero magkakaaway?"
"Opo Miss. Hindi po maintindihan kung ano po ang pinagmulan. Pero isa lang po ang sigurado ko matagal na pong kaaway ng Alta Gracia's ang Alcantara's though matagal nanahimik ang dalawang partido they still enemies lalo ngayong pinagtangkaan ng mga Alta Gracia ang buhay ni Don Arnulfo habang ito ay nasa hospital under coma."
"Teka kung mag kaaway yung dalawang pamilya sila Don Kier at Don Heraldo anong papel nila dun sa dalawang clan? Are they stand to make peace or to make it worst?"
"Sa apat pong nga Don si Don Kier ang walang pinapanigan dahil sa kanilang apat sya po ang parang pinaka bunso at si Don Heraldo ang parang tumatayong panganay kaso wala po syang pakialam kung mag patayan ang mga kaibigan nya kaya naman dahil sa ugali nya yon na buwag ang pag kakaibigan nila."
"I see, then what about Don Kier where is he? Is he still in a good side or hindi na?"
"Dahil nga po na buwag na at hindi na nagkikita kita ang mag kakaibigan at dahil nag papataasan sila ng pride at ng yaman wala na, wala na din pong pakialam si Don Kier at nanatili nalang sa ibang bansa for almost 30years."
"What? Ganoong katagal? So ganoon ding katagal mag kakagalit yung mag kakaibigan?"
"Opo, at they're not friends anymore when Don Narcio died sa halos 5years nagka ubusan na rin po ng lahi ng ang apat na pamilya. Nag pagalingan, nag pataasan ng yaman nag patayan at tumigil lang po sila ng pumagitan na si Donya Ysabel ang pang lima sa mag kakaibigan."
"Donya Ysabel? Babae sya? I mean, kasali rin sya sa underworld?"
"Actually, naging girlfriend po sya ni Don Heraldo at nag sama sila hanggang sa nagkaroon sila ng anak na lalaki at babae. Pero nananatiling lihim kung sino ang mga ito dahil isang taon bago mag hiwalay sila Don Heraldo at Donya Ysabel pinadala nila ang anak nila sa America. Dahil alam nilang maraming mangyayari at isa na nga roon ang pag panaw ni Don Heraldo."
"What? Don Heraldo is dead already?"
"Well, may haka-hakang namatay sya sa gera ng bawat pamilya pero may ibang nag sasabing ibang katawan yung nakita sa nasusunog nilang mansion. Dahil ang sabi po ni hindi man lang daw umiyak si Donya Ysabel ng nawala si Don Heraldo isa pa hindi rin nila pinabalik ng Pilipinas ang dalawa nilang anak."
"Eh kasi nga di ba hiwalay na yung dalawa."
"Pero Miss, kahit magka ganoon kay Donya Ysabel iniwan ni Don Heraldo ang lahat ng kaniyang ari-arian kaya naman hanggang ngayon ang mga De Villar parin ang makapangyarihan sa underworld at halos ay nasakop na rin nila sa East district ng mga Peñaflor kila Don Kier po yun. At ang ilang bahagi sa West district na sa mga Alta Gracia tanging sa Southern district nalang po ang di nasasakop ng mga De Villar."
"At yung south ang pagmamayari ng mga Alcantara, right?"
"Opo halos lahat ng establishments doon ay pag mamayari ng mga Alcantara's."
"So ganoon kalakas ang mga Alcantara? Na kahit ang De Villar ay hindi parin nag wawagi na kunin ang southern district sa mga ito."
"Opo Miss, kahit mas makapangyarihan ang mga De Villar di pa rin nila magawang masakop ang southern area."
"Bakit? I mean, bakit sila nag aagawan ng ari-arian? At nag papatayan pa sila para lang sa reputation?"
"Miss, hindi nyo po ba tatanungin kung bakit natigil ang apat na pamilya sa ubusan ng lahi?"
"Oh yes, paano namagitan si Donya Ysabel dun sa apat na clans?"
"Sa kadahilanang in love kay Donya Ysabel ang apat na mag kakaibigan."
"Ano?"
"Opo, magkakasabay silang lumaking apat sila Don Arnulfo, Don Heraldo, Don Narcio and Don Kier sa iisang village parati silang nag kakasundo sa mga bagay-bagay. Pero isang araw dumating si Donya Ysabel sa kanilang village na ang pamilya mismo nila ang may ari ng lupaing iyon."
"Tapos..."
***
Ang Nakaraan,
"Kier! Bumaba ka diyan sa kwarto mo!" Sigaw ng batang si Don Narcio kasama ang mga batang sila Don Heraldo at Don Arnulfo mga nasa 6-8 ang kanilang edad.
Dumungaw si Kier sa bintana ng kwarto nya "may ginagawa akong takdang aralin."
"Mamaya na yan! Tutulungan ka namin!" Anila.
"Tsk! Ano bang meron?"
"Dating gawi sa tambayan!" Sabi ni Heraldo.
"Hayssss! Oo na intayin nyo ko diyan."
"Haha... Oh, pusta nyo! Sabi ko sa inyo eh di na nya tayo matitiis." Sabi ni Narcio.
"Tsk! Sya eto na!" Sagot naman ni Heraldo na nag bigay ng pera kay Narcio.
"Mamaya na yung sakin brad." Sambit naman ni Arnulfo.
"Ano?! Ang usapan ay usapan."
"Ito naman parang ang layo ng bahay eh. Iaabot ko mamaya!"
"Siguraduhin mo lang kung ayaw mong isumbong kita kay kuya Felix."
"Oo na!"
"Ano na naman gang pinag uusapan nyong dalawa? At bakit naman di mo awatin ang mga are Heraldo!" Bungad ni Kier paglabas nya.
"Heh! Bilisan nyo na nga diyan baka maunahan na naman tayo ng mga tukmol sa tambayan."
At nauna na ngang mag bisikleta itong si Heraldo.
"Tignan nyo ang isang yan kahit kailan talaga napaka makasarili."
"Bilisan mo nalang kasi!." Sagot ng dalawa ni Narcio at Arnulfo na iniwan na nga itong si Kier.
"Pambihira! Ako na nga yung concern dito. Hoy!!! Intayin nyo ko!!!!"
At nang makararting yung apat sa kanilang tambayan.
"Hoy! Bakit ka huminto?" Sabi ni Arnulfo kay Heraldo.
"Ang ganda nya." Sagot ni Heraldo.
"Ha?"
Napatingin na nga rin sila Arnulfo, Narcio at Kier dun sa tinitignan ni Heraldo.
"Ang ganda nga nya." Sabay-sabay nilang sambit ng makita ang batang babaeng si Donya Ysabel.
Nasa isang lote na wala pang ginagawang bahay ang tambayan ng mag kakaibigan at dahil madamo pa iyon at may mga puno madalas sila doon mag kakaibigan mag tigil. Gumawa na nga rin sila doon ng tree house ang kaso madalas masira dahil sa ibang mga batang nakatira din sa village na kaaway nila.
Sila na nga rin mismo ang nag tatanggal ng mga nag kakapalan at naghahabaang mga damo roon para payagan sila ng presidente ng homeowners associations sa kanilang village.
"Sino sya? Ngayon ko lang sya nakita dito sa Village." Sabi ni Narcio.
"Bilis, tanungin natin sya." Sabi ni Kier na nauuna pa pero hinila sya ni Heraldo papalikod at sya ang nauna.
"Ahem! Hi!" Bungad ni Heraldo kay Ysabel na biglang nagulat.
"Who-- Who are you?!" Sagot ni Ysabel na kinuha agad ang kaniyang mga kagamitan sa pag dodrawing.
"Ah... Ahm... Sorry did we disturb you? We are kids from this village so don't be scared."
"Brad, english speaking yung girl?" Pabulong ni Kier kay Narcio.
"Aba malay! Maybe?"
"Oh, at napa maybe ka na rin."
"Heh!"
"Shhh... Quiet!" Sabi naman ni Arnulfo.
At natawa naman ng palihim yung dalawa habang nag papakilala na si Heraldo kay Ysabel.
"And he is Arnulfo, Narcio and Kier the youngest."
"Oh... Hello guys... My name is Ysabel sorry if I went here without your permission."
"Oh, no! It's okay right guys?" Tanong ni Heraldo at sumenyas dun sa tatlo.
"Yes, yes! No worries be happy." Anila.
"Ano pinagsasabi nyo?"Pabulong na sambit ni Heraldo.
"Pffft... Hahaha... You guys are funny."
"Funny daw tayo." Sabi ni Narcio.
"Yes, yes! We are funny... Ha... Ha... Ha..."Sabi ni Kier.
"Kier!!!" Sabi ni Heraldo na apra bang naiinis na.
"So-- Sorry brad."
"Tsss!"
"Oh, by the way are new here?" Sabi ni Arnulfo.
"Ah, not really we have house here but from today madalas nyo na akong makikita dito sa village."
"Marunong kang mag tagalog?" Pagulat na sambit nung apat.
"Pffft... Hahahaha... Of course!"
Nakahinga naman ng malalim yung tatlo at sinabing "buti naman."
"By the way guys, sa inyo yung tree house na sira?"
"Yes! But the other kids ruined it." Sagot ni Heraldo.
"Pssst! Marunong daw mag tagalog wag ka na mag english." Sabi ni Narcio.
"Heh!"
"Why they make sira your tree house?"
"The way she speak ang cute." Mahinang sambit ni Arnulfo.
"Ano yon?"
"No-- Nothing! He said we will fix the tree house today that's why were here."
"Ohh... I will help you guys."
"Talaga?" Anila.
"Um. Wala naman akong gagawin ayos lang ba sa inyo?"
"Okay na okay!" Anila.
"Okay, let's go?"
"Yeah!"
Kahit nga bago palang sa grupo si Ysabel pakiramdam nya ayos lang ang lahat sobrang kumportable nya doon sa apat kahit yung apat nahihiya pa sa kaniya.
"I think we need a flag or banner para mas pretty yung tree house so that the other kids wont make sira."
Sumangayon naman yung apat sa sinabi ni Ysabel at masayang ginagawa yung mga sinasabi nito. Kahit lumalabas na parang hindi na mga lalaki yung may ari ng tree house.
After an hour,
"Wow!!! Ang cute!!!" Sambit ni Ysabel.
"Yeah..." Sagot nung apat na para bang wala ng energy.
At yun na nga ang tree house ay naging flower shop este flower house sobrang daming bulaklak ng kanilang tree house.
"Aren't you guys happy to your new tree house?"
"Ye-- Yes we are happy super. Ha... Ha... Ha... Right guys?" Sambit ni Heraldo.
"Ye... Yes... Ang saya--- saya..."
"At dahil na gustuhan nyo I will invite you guys to my birthday party later."
"Birthday mo?" Pagulat na tanong nung apat.
"Aha, kaya mamaya aasahan ko kayo 7pm sharp at the clubhouse. Bye bye!" At sumakay na sya sa kotse na out of nowhere andun na agad.
"Wa-- Wait lang!!!" Pahabol na sambit nung apat.
"Anak ng tokwa! Birthday nya pala?" Sabi ni Narcio.
Heraldo bonked him "bakit mo kami tinatanong eh kakikala palang natin sa kaniya kanina. Gago!"
"Ay, oo nga pala. Sorry naman."
"So ano? Pupunta ba tayo?" Tanong ni Kier.
"Of course! Bakit naman hinde di ba Arnulfo?"
"Yeah. Sure naman akong invited lahat ng nakatira dito sa village kung sa clubhouse gaganapin yung birthday party ni Ysabel."
"Oo, pero wala tayong gift sa kaniya." Sabi no Kier.
"Don't worry akong bahala." Sagot ni Heraldo.
"Ayos excited na ko!"
"So paano sasabay nalang ba tayo sa parents natin?" Tanong ni Narcio.
"Oo mas magandang sumabay tayo para naman may class ang pag dating natin sa clubhouse."
"Heraldo is right, kung dito sa village na ito nakatira si Ysabel paniguradong aattend ang tropa ni Ramiel. Kilala nyo ang mga yon mayayabang gaya ng mga magulang nila."
"Na magugulang!" Sabay sambit nil Kier at Narcio.
"Kaya mas mabuti ng sumabay tayo sa parents natin para makita ng mga tukmol na yon kung sino talaga ang dapat katakutan."
"Yeah!!!"
"Pero di ba kayo nag tataka? Bago lang si Ysabel dito pero parang kabisado na nya ang pasikot sikot sa village."Tanong no Narcio.
"Wag ka ng mag tanong! Mabuti pa umuwi na muna tayo tutal mag gagabi na rin naman baka hinahanap na tayo." Sambit ni Heraldo.
"Oo!" Anila
At doon na nga mag sisimula ang pagiging magkakaibigan nung apat kay Ysabel.