webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

Knowing Chase

"Ano bang ginagawa natin dito? At sino ang namatay?" Ang pabulong na sambit ni Ricai habang nauupo sila sa may bandang unahan doon sa may Chapel kung saan may naka burol na isang lalaki na halos kasing age ni Chase.

"Wag kang maingay kung ayaw mong ikaw ang ilagay ko doon sa kabaong." Ang sagot naman ni Chase at biglang may lumapit sa kanilang isang matandang babae na may kasamang babaeng bata edad 6years old.

"Buti naka punta kayo." Ang sabi nung matandang babaeng lumapit kay Chase.

"Pasensya na po at ngayon lang kamusta po si Mayan?"

"Nasa hospital may depression kinailangan namin syang dalhin dahil tinangka niyang kitilin ang buhay nya."

Napatingin naman si Chase sa batang nag tatago sa likuran nung matandang babae.

Sa isip-isip naman ni Ricia "sino ba ang mga ito? At ka ano-ano ba sila no Chase?"

Chase patted the old lady to comfort her dahil na iyak ito "hindi ko na nga alam ang gagawin ko ang dami ko pang kailangang ayusin ang tito mo kinailangan nyang dalhin rin sa hospital dahil inatake sa puso nung nalamang namatay na si Ziggy."

"Nabalitaan ko nga po kay Migs wag po kayong mag alala gagaling po si Tito ako na po ang bahala sa pag papa gamot nya wag nyo na pong intindihin yon."

Lalo namang na iyak yung matandang babae at napayakap pa ito kay Chase "auntie calm down baka kung ano rin po ang mangyare sa inyo."

Pabulong bulong naman si Ricia "aba, hindi halata sa lulong ito sweet rin pala bwiset lang talaga kung minsan." Nagulat naman syang biglang lumapit yung batang babae sa kaniya. "H—- Hi..." Anya.

"What's your name?"

"A— Ako? Ahm... ako si Ricailee but you can call me Ricai or Rica kahit anong gusto mo. How about you what's your name?"

"Baby Girl."

"Ah... yes You're baby girl I'm asking you, What's your name."

"That's her name stupid!" Ang pakikisingit na sambit ni Chase at naupo sa tabi ni Ricai.

"Ayyy... epal ka naman."

Di naman pinansin ni Chase si Ricai at kinausap si Baby Girl.

"Po? Sasama po ako sa inyo?"

"Oo nakikita mo ba ang lola mo?"

Tinignan naman ni Baby Girl ang lola nya na malungkot habang kausap yung ibang bisita.

"For the meantime ako na muna ang magiging guardian mo ayos lang ba yon sayo?"

Nagulat naman si Ricai sa sinabing iyon ni Chase kay Baby Girl.

"Guardian po?"

"Um. Ako muna ang mag aalaga sayo habang wala ang Mommy mo."

"Pero... hindi ko po kayo kilala at si lola po ang kasama ko."

"Siguro nga you didn't know me well but I'm you dad's bestfriend and I'm your ninong Chase."

***

Gabi na ng nakauwi sila Ricai at Chase sa condo nila galing sa burol ni Ziggy.

"Hoy, bumangon diyan dun ka sa kwarto mo." Ang sambit ni Chase na ginigising si Ricai dahil naka tulog na ito sa sofa sa sobrang pagod.

"Mmm... mamaya na..."

"Bumangon ka na diyan at ipagluto mo ko."

"Ikaw nalang! Antok na antok na ko!"

"Bangon!!!"

"Ayoko nga!!!"

"Hindi ka ba babangon dyan ha!"

Hinila ni Chase ang paa ni Ricai "tumayo ka diyan!!!"

Gang sa nahulog na nga itong si Ricai sa sofa "ANO BA?!"

Naupo naman si Chase at sya naman ang nag relax "mag luto ka na nagugutom ako!"

"Ewan ko sayo! Matutulog na ko!"

At iniwan na nga ni Ricai si Chase mag isa sa sala at hindi nag luto ng pagkain.

Pero yun talaga ang gusto ni Chase ang umalis si Ricai sa sala para malinis nya ang sugat nya dahil di pa nga full recover ang tahi nya dumugo ito at dahan dahang nilinisan.

"Tsk... Oo mukhang na banat kanina nung nakipag laro ako kay Baby Girl." Ang sabi ni Chase kay Doc Gino na kausap nya sa phone.

Gino: Sabi ko naman kasi sayo hindi ka pa pwedeng mag lalabas ang kulit mo naman kasi!

Chase: Alam mo namang di ko matitiis si Ziggy bestfriend ko sya simula bata at ngayong wala sya... hindi ko hahayaang mag mahirapan ang pamilya nya malaki ang na tulong nya sakin nung mga panahong pinalayas ako ni Dad sa mansion.

Gino: Kaya ba gusto mong ikaw ang umapon kay Baby?

Chase: Kung kailangan bro gagawin ko makabawi man lang kay Ziggy.

Gino: Bro, mahirap yang papasukin mo single ka at wala ka namang asawa paano mo magagampanan ang pagiging magulang dun sa bata?

Chase: Hindi ko alam Bro pero gusto kong ako na ang maging guardian ni Baby hanggang lumaki sya.

Gino: Pero Bro, hindi mo pwedeng gawin yan gang may pamilya pa si Baby may nanay pa sya at mga grandparents.

Chase: Oo alam ko yon bro pero si tita Agnes na ang nag sabi sakin na hindi nila kaya alagaan sa ngayon si Baby kaya pumayag akong ako na muna ang maging guardian nya.

Gino: Ikaw ng bahala Bro pero dapat ipaalam mo yan kay Uncle.

Chase: Hinde! Bro wag na wag mong sasabihin kay Dad ang binabalak ko ayokong pati si Baby eh pag initan ng tatay ko.

Gino: Okay, okay chill Bro, anyway, kailangan ko pa bang pumunta diyan to dress your wound?

Chase: Di na kaya ko na ito. Sige na.

Nang natapos ang usapan nung dalawa hirap na hirap naman mag lagay ng bandage si Chase...

"Ano? Kaya mo ba?" Ang bungad ni Ricai sa likuran ni Chase kaya nagulat ito sa kaniya.

"Ano ba?!"

Doon na dumaan sa sofa si Ricai at sya na ang nag lagay ng bandage kay Chase "bakit kasi kailangan mong mag solo eh may kasama ka naman?"

Natahimik lang si Chase habang pinag mamasdan si Ricai na mag lagay sa kaniya ng bandage.

At makalipas nga ang ilang segundo eh natapos na ni Ricai ang pag dress ng wound ni Chase.

"Oh, yan okay na." Pag tunghay nya di nya akalain na nakatungo pala si Chase kaya nagkatitigan sila.

"Kadiri ang dami mong blackheads." Ang panunuksong sambit Chase.

"Ano?!"

Bilang ganti ni Ricai kinagat nya ang tenga ni Chase "AHHHHHHH!!!"

Tumayo naman na si Ricai at umalis pero bago sya umalis sa sala may sinabi pa sya "hindi ka naman pala masama kaya kung anong magiging desisyon mo susuporatahan kita."

"Hmm?"

"Oo tanga ka pa naman!"

At nag tatakbo na si Ricia patungo sa kwarto nya at syang sigaw na naman ni Chase ng "RICAILEE!!!!"

Pagkasara naman ng pinto ni Ricia napangiti sya at ibinagsak ang katawan sa kama "mukhang hindi ma masama na nakilala ko ang bwiset na yon."

Kinabukasan,

Maagang na gising si Ricai paran magluto ng kanilang agahan ng biglang dumating si Belj.

"Sir? Are you awake already?" Ang sabi ni Chase na nasa harapan ng pinto nito.

Sumilip naman si Ricai na may hawak pang sandok "Shhh... hayaan mo na muna syang matulog maaga pa naman."

"Ah... He— Hello po Miss magandang umaga po."

At nag tungo na nga rin si Belj sa kusina habang pinapanood na nagluluto si Ricai.

"Talaga po? Gusto ni Boss na maging legal guardian ni Baby?"

"Oo pero bakit ganoon nalang sya kung mag care sa pamilya nung bff nya? May nakaraan ba sila? You know bromance..."

"Ho? Nako, wala po Miss dahil straight pa sa lapis si Boss bakit nyo naman po na isip yang nga ganyang bagay?"

"Ehhh... kasi nga para kasing may something."

"Pffft... wala po ah sadyang turing lang nila sa isat isa ay parang magkapatid na. Dahil simula pagkabata mag kaibigan na sila."

"Oo yun nga yung narinig ko kagabi habang kausap ni Chase si Doc Gino."

"Ohhh... dati po kasi di na uwi si Boss sa kanila at doon sya parati nakikitulog kila Sir Ziggy hanggang sa isang araw pinasundan ni Don Fernan si Boss dahil gusto nitong malaman kung bakit di na uwi ang anak nya."

"Pero ang narinig ko pinalayas si Chase."

"Ah... Opo kasi na galit si Don Fernan kay Boss ayaw kasi nito ba makikipag kaibigan ito sa mga mahihirap."

"Ano? Grabe naman."

"Opo ganun po kasi ang mga Alcantara ayaw nilang parang natatapakan ng mababa ang pride nila gusto kasi nila na sila lang ang sina samba."

"Grabe yon ano naman kung mayaman sila? Naka bwiset ha! Pero paano nakabalik sa mansion si Chase?"

"Dahil kay Don Arnulfo hindi naman kaya ni Don Fernan ang tatay nya kaya bumalik si Boss sa mansion at naibalik din ang mga card's ni Boss."

"Wait, di ko lang na gets bakit yung lolo ni Chase tanggap nya na may mahirap na kaibigan ang apo nya?"

"Actually hindi Miss."

"Ha?"

"Pinag bantaan kasi ni Don Arnulfo si Boss na kapag ipinagpatuloy nito na makipag kaibigan sa hindi nila ka level tanggalan sya nito ng mana."

"Huh! So, dahil sa mana iniwan ni Chase ang kaibigan nya?"

"Ahm... hindi naman po sa ganun Miss pero nung mga panahon kasing yon may sakit ang tatay ni Sir Ziggy at kailangan nila ng malaking pera kaya no choice si Boss sumunod sya sa gusto ng lolo nya para matulungan ang kaibigan nya."

"Ohhh... I see mabait din talaga yung mokong na yon eh no?"

"Edi inlove ka na sakin?" Ang bungad naman ni Chase na ka gigising lang at narinig ang huling usapan nila Belj at Ricai.

"Tsss... Belj ikaw na nga ang tumapos nito baka may masampal ako ng kawali dine."

"Ehe... Mi— Miss..."

Papaalis na sana si Ricai ng hinarangan sya ni Chase "oh, san ka pupunta? Aminin mo na kasi na crush mo ko."

"Ohhh... crush..." she smirked at tinapakan nya ang paa ni Chase.

"Aw... Aw.... Aw..."

"Ano ka aso? Aw? aw? Tsss..." then she walked out.

"RICAILEEE!!!!"

Inalalayan naman agad ni Belj si Chase "Boss, hali kayo maupo po muna kayo kung ano-ano naman kasi ang sinasabi nyo kay Miss eh ayan tuloy na galit."

Ang sama naman ng tingin ni Chase kay Belj "ah... eh... ang akin lang naman po kasi..."

"Anong balita sa mansion?"

Biglang naging seryoso si Chase at ganoon rin naman itong si Belj "may babaeng hinahanap ang daddy nyo."

"Babae? Sino?"

"Sa ngayon po wala pa po ako ng lead kung sino yung babae pero ang sigurado kilala ito ng lolo nyo."

"Si lolo?"

"Opo simula kasi nung dumalaw yung babae sa lolo nyo ipinahahanap na ito ng dad nyo."

"Hindi kaya si Mommy yon?"

Like it ? Add to library! ಥ‿ಥ

lyniarcreators' thoughts