webnovel

Girlfriend Thingy

"Knock…Knock…"

"Sir, ako po ito si Belj gising na po ba kayo? Sir?"

Bumangon si Chase at pinagbuksan si Belj ng pinto na antok na antok pa "anong kailangan mo?"

"Pasensya na po sa abala pero kailangan niyo pong makita ito."

"Ano ba ang sinasabi mo?"

"Alam nyo po ba kung nasan si Ms. Ricai?"

"Si Ricai?" Hinanap niya sa loob ng kwarto si Ricai at hindi nya nga ito nakita kahit sa loob ng cr "paanong?"

Dali-dali siyang lumabas at muling kinausap si Belj "nasan ang babaeng yon?"

"Ah…Ahm…yun na nga po yung gusto kong sabihin sa inyo dahil nasa rancho po sya at nangangabayo kasama si Sir Ysmael."

"What? Pero paano?"

Nag madali si Chase na lumabas ng kwarto nya na patungo rin sa rancho habang hinahabol siya ni Belj "Sir kumalma po muna kayo hindi naman siguro sinasadya ni Ms. Ricai na kausapin si Sir Ysmael."

"Bakit kasi ngayon mo lang ako ginising? Kanina nya pa ata kasama ang lintek na yon kapag may nangyaren masama kay Ricai hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

Napatigil naman si Belj ng pag habol kay Chase dahil sa sinabi nito "a---ano ba talaga si Ms. Ricai kay Sir Chase?"

At nang makita ni Chase si Ysmael na hawak ang kamay ni Ricai habang pinapakain ng damo ang mga kambing "Ricailee!!!!" ang galit na galit na sigaw ni Chase at tinabig niya ang kamay ni Ysmael na nakahawak kay Ricai.

"Ano bang ginagawa mo? Nasasaktan ako!" Ang galit namang sambit ni Ricai habang nag pupumiglas siya sa hawak ni Chase sa kaniya.

"Bro, bitawan mo sya nasasaktan na sya." Ang sabi naman ni Ysmael at hinakan ang isang kamay ni Ricai.

"Bitawan mo sya!"

"Hindi ko sya bibitawan hangga't hindi mo sya binibitawan!"

"Huh! Sino ka sa inaakala mo? Bitawan mo ang girlfriend ko!"

"Girlfriend? Totoo ba yung sinabi niya Rica?"

"What? Rica? Huh! This is ridiculous, Ricai lets go!"

"Rica, sagutin mo girlfriend ka nga ba ng hambog na yan?"

"BITAWAN NYO NGA KO!" Ang galit na galit namang sambit ni Ricai at binitawan naman syang agad nung dalawa "una, hindi ako lupid para paghilahan niyo pangalawa kung may alitan kayong dalawa wag niyo kong idamay! At ang pangatlo wag niyo akong susundan!" nag walked out na nga sya.

"Rica!!!" Ang pahabol na sigaw ni Ysmael pero hinaranagan sya ni Chase.

"Wag mo syang tawaging Rica! Hindi kayo close!"

"Wala kang alam!"

Susundan sana ni Ysmael si Ricai pero sinapak sya ni Chase "wag na wag mo kong ginagalit! Kapag kinakausap kita wag mo kong tatalikuran!"

"Sumosobra ka na!!!" bumawi sya ng sapak kay Chase at natamaan niya rin ito sa mukha.

Kinuwelyuhan naman ni Chase si Ysmael "tandaan mo hindi mo ko kaya." Itinulak niya niya si Ysmael at umalis.

"Wag kang papakasiguro dahil hindi na ako ang Ysmael na kilala mo!"

"Huh! Don't worry dahil kahit kailan hindi naman kita kinilala bilang pinsan ko." Angs sabi ni Chase habang nag lalakad syang palayo.

"Bwiset ka Chase!!!"

Samantala nakalayo na si Ricai at nakakita sya ng isang puno na hitik sa bungga ng mangga "woah…ang astig ang baba lang ng puno." Kumuha sya at naupo sa ilalim ng puno at doon nya binuksan ang hinog na manggang kanyang pinitas.

"Mukhang matamis." At ng natikman niya nga ito natamisan nga sya at sobrang nag enjoy sa sya sa pagkain nito.

"Grabe ang tamis naman ng mangga dito mas matamis pa yung tanim nilang mangga kesa sa tanim nila lolo at lola."

"Syempre naman imported ata ang mga nandito kaya hindi nyo afford."

Paglingon ni Ricai nakita niya si Chase at tama nga ang hinala niya sa kung sino ang nagsalita "anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko wag nyong kong susundan?"

"Ano ang ginagawa ko dito? Are you insane? Samin ang lupaing ito kaya malamang nandito ako!"

Tumabi naman si Chase sa kinauupuan ni Ricai "dun ka nga!"

"Binge ka ba? Sabi ko samin ang lupaing ito kaya kung ano ang tinatapakan at yang kinakain mo samin! Naiitindihan mo?"

"Tsss! Edi sayo na maka alis na nga bwiset!"

Tatayo na sana si Ricai ng hinila sya ni Chase kaya napaupo sya sa lap nito "paano ba yan sakin ka na rin."

Tinulak naman ni Ricai si Chase para lubayan sya pero hindi sya binitawan nito "subukan mong makipag usap ulit sa ibang lalaki hindi ko mapapangako na…"

"Na ano?"

Napalunok naman sa kaba itong si Chase dahil sa pagkakahila niya sobrang lapit nila sa isa't isa "ahem…" ang reaction naman ni Belj kaya tinulak naman ni Chase itong si Ricai "ikaw!!!"

"Anong balita Belj?" Ang nahihiyang sambit ni Chase na namumula pa ang kaniyang pisnge.

"Ahm…ang daddy niyo po isinama si Ms. Eulla sa puntod ng kapatid niyo."

"ANO?! Bakit hindi mo sinabi agad?"

"So—Sorry po hindi ko po kasi kayo makitang agad hindi niyo po kasi dala ang phone niyo."

"Asar!!! Bilis we need to go."

"Ye—Yes Sir."

Bumulong naman si Ricai kay Belj habang sinusundan nila si Chase na nag mamadali "ano na namang problema ng boss mo?"

"Gaya ng alam niyo ayaw na ayaw ni Sir Chase sa kirida ng daddy nya kaya ayaw niya rin itong makikita don sa puntod ng kapatid niya."

"Ohhh…ang arte naman nya."

"Wag nyo pong sabihin ang bagay nay an dahil malaki ang suspetya ni Sir Chase na kaya namatay ang kapatid nya dahil sa kirida ng daddy nya."

"Talaga?"

"Yes Miss, kaya sana gumawa kayo ng paraan para hindi magkagulo mamaya doon sa puntod ng kapatid niya dahil may ilang media ang nag punta dito para lang makita si Sir Chase."

"Media? As in mga reporters?"

"Yes Miss, wag niyo po sanang hayaan na mabahiran ng bad publicity ang image ni Sir Chase dahil hindi niya pa nahahanap ang nanay niya."

"Pe—Pero paano ko naman yun gagawin?"

"Anong bang ginagawa nyong dalawa dyan? Bilisan nyo!" Ang sigaw ni Chase.

"Ye—Yes Sir andyan na po."

"Ang demanding nya talaga."

"Basta Miss, ikaw ng bahala sa kanya mamaya umaasa ako sayo."

"Ha? Pero kasi…"

***

Nang makarating nga sila Chase at Ricai sa sa cemetery kung saan naka himlay ang kapatid nitong si John Benedict hindi pa agad sila bumaba ng kotse "Sir, ako na po muna ang mauunang bababa tapos sumunod na po kayong ni Ms. Ricai."

"Okay, siguraduhin mo ring wala sa dadaanan ko mga lintek na reporter na yan bayadan mo na agad ang mga yan para hindi na sila mag sulat ng kung anung tsismis na hindi naman totoo. Naiintidihan mo?"

"Ye—Yes Sir, pero hindi po lahat ng reporter na nadito ngayon ay mababayran ng pera niyo gaya ni Mr. Uytinco isa sya sa kilalang manunulat at reporter na hindi basta-basta kayang tapalan ng pera kahit bigyan nyo pa sya ng 1M."

"Kung kinakailangang gawin mong triple gawin mo!"

"Ye---Yes Sir."

At bumaba na nga si Belj "alam mo baliw ka na talaga noh?"

"Wala akong pake sa mga sasabihin mo gawin mo lang ang pinaguutos ko sayo umarte ka lang na sweet girlfriend sakin at wala tayong magiging problema."

Ricai smirked "ibang klase ka talaga ang petmalu mo lods. Alam mo hindi lahat kayang tapalan ng pera."

Ang sama ng tingin ni Chase kay Ricai "tumahimik ka kung ayaw mong magalit ako!"

"Huh! Alam mo simula ng sumama ako sayo at nag panggap na girlfriend mo wala na kong pakialam sa mangyayare sa buhay ko pero oras na galawin mo ang pamilya ko ilalabas ko talagang lahat ng baho mo!"

Lumabas si Ricai ng kotse na hindi iniintay si Chase kaya hinabol sya nito "Ricai!!!"

"Ayan na si Chase." Ang sabi ng mga reporter na gustong lumapit kay Chase pero hindi sila makalapit dahil na rin sa mga security guard nito.

"Chase, totoo bang sya titigil ka muna sa showbiz?"

"Sya ba non-showbiz mong girlfriend?"

"Sorry pero hindi po muna kayo masasagot ni Sir." Ang sambit naman ni Belj.

"No, it's okay Belj."

"Sir?"

"Yes, yung babaeng yon po ang girlfriend ko at handa ko po syang pakasalan sa kahit anong simabahan."

Narinig naman yun ni Ricai at napa ismid lang ito at umiwas sa tingin ni Chase sa kanya.

"Eh, yung balitang mas bata pa raw sayo ang bagong mapapangasawa ng daddy mo? Anong masasabi mo rito?" Ang tanong ni Mr. Uytinco na ayaw na ayaw ng lahat ng mga sikat dahil kilala ito sa pagiging prangka niya.

"Sorry Sir kailangan na pong umalis ni Sir Chase dahil sya nalang po at si Ms. Ricai ang inaantay ng pamilya irespeto naman po sana ang death anniversary ng kapatid niya."

"Gusto lang naman malaman ng nakararami ang ganoong balita dahil ang sabi-sabi hindi naman raw talaga isang Alcantara si Chase isa lang daw itong ampon dahil hanggang ngayon hindi nya pa nakikilala ang nanay niya. Totoo ba ang bali-balita Chase na hindi mo raw kilala ang iyong ina?"

Namumula na sa galit si Chase na parang gusto na niyang sapakin si Mr. Uytinco ng biglang sumulpot si Ricai at hinawakan nya ang kamay nito para kumalma "sorry, but who told you that? Alam mo bang pwede ka naming ipakulong sa mga paninirang sinasabi mo kay kay Chase? Who are you to my boyfriend? Is he even your relative?"

Gulat na gulat ang lahat sa sinabing yon ni Ricai lalong lalo na si Chase na naka titig lang dito "I…It's just a spectualation you know your boyfriend is a famous chef at actor na rin sya."

"I know I'm her girlfriend right? Of course I know everything about him."

May nag tanong pang isang reporter at inulit nito muli kung kilala ba ni Chase ang nanay nito " Yes, he knew his mom businesswoman kasi ito kaya madalas wala saya sa Pilipinas, right Chase?"

Hinawakan ni Ricai ng mahigpit ang kamay Chase "ye—yes and of course I know my mom she is so very beautiful and strong woman sa ngayon medyo busy talaga sya dahil sa business nya but eventually ipapakilala ko rin sya sa inyong lahat kaya don't worry."

Sumenyas naman si Chase kay Ricai na sobrang pasasalamat at nginitian lang sya nito "okay, they need to go na sagot naman po siguro ang mga katanungan nyo kaya sige na po have a nice day everyone." Ang sabi ni Belj at sya na at ang mag security ni Chase ang nag handle sa mga makukulit na nag reporters.

Ngiting ngiti naman si Chase habang nag lalakad at kausap si Ricai papunta ng museleo ng kanyang yumaong kapatid "pwede bang bitawan mo na yang kamay ko? Nawiwili ka naman ata Mr. Alcantara."

Pero hindi sya binitawan ni Chase hanggang sa papasok na sila sa museleo "lemme go!"

"Help me, kapag pumasok tayo dito sigurado akong nag aabang na si daddy at ang kirida niya sa loob at sigurado rin akong hindi nila ako tatantanan dahil sa sinabi ko about kay mom."

Sa unang pagkakataon nakita ni Ricai sa mga mata ni Chase ang sinseridad nito kaya naunawaan naman niya ito.

"Fine, but promise me don't let go my hand okay?"

Ngumiti si Chase at sumagot "don't worry dahil hindi ko talaga bibitawan ang kamay mo dahil ikaw ang girlfriend ko."

Nanlaki naman ang mga mata ni Ricai sa gulat sa sinabing iyon ni Chase sa kaniya at sobrang bilis rin ng tibok ng puso niya dahil pakiwari niya'y may iba itong meaning sa kaniya kahit alam naman niya na fake girlfriend lang naman sya nito.

Like it ? Add to library!

Like it? gimme your review!

Like it? vote?

Like it? Thankies ^^

lyniarcreators' thoughts
Next chapter