webnovel

CAUGHT IN HIS TRAP

"Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."

jadeatienza · Urban
Not enough ratings
28 Chs

dela Costa

Chapter 23. dela Costa

SA MANSIYON umuwi si Heizen kasama si Ali. They decided to formally tell his family that they're getting married.

"Nakaramdam na akong may pagtingin ka rin sa apo ko," komento ni Lola Elizabeth habang kumakain sila ng hapunan.

"Alam mo ba, nagalit itong si Ali noong ipagpilitan kong ampunin ka rati? Hindi raw siya makapapayag na maging kapatid ka lang dahil may gusto siya sa iyo."

Napanguso siya, pulang-pula ang mga mukha. Kaya pala ganoon na lang ang iritasyon kay Ali noong mga panahong iyon. Ang akala naman niya'y ayaw siya nitong maging Quijano. Gustung-gusto naman pala, sa ibang paraan nga lang.

"Hindi ko nga rin po akalaing bata pa lang ako, nabihag ko na ang anak ninyo," she said proudly.

"He even tried to trap you into marriage. Mabuti na nga lang at nagising agad sa katotohanan at kalokohan niya. He shouldn't had expected to marry you at that young age! Naging makasarili siya sa parteng iyon."

"'Ma," saway ni Ali. Bahagyang namumula ang pisngi.

"Why, son? Totoo naman."

Natawa siya. "Pero pumayag na po ako noon, Ma'am."

"Heize, call me 'mama' now. Or 'tita'. Ah, then, you fell into his trap?" nakangising komento nito.

Uminit lalo ang pisngi niya at bahagyang tumango. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari.

"I have something to tell you po..." She started telling about the Salazar issue.

"Ibig sabihin, ninakaw ng Tita mo ang lahat sa iyo?"

"Opo. Hindi po totoong bumagsak ang mga kumpanya. She manipulated everything so she'd get our businesses and properties."

Napainom ng tubig si Dra. Aliana.

"Bawiin mo ang iyo, apo, nang makasal na kayo agad ni Ali."

"Planado na po ang lahat. Tatapusin ko lang po ang pag-aaral ko. Pero hindi alam ng Tita Fina kong unti-unti nang naibabalik sa 'kin ang pangalan ng kumpanya, ang mansiyon ay nasa pangalan ko na po ulit. Rexton dela Costa helped me," paliwanag niya. Sa paligid ng mga mata ay kumuyom ang kamao ni Ali at nagtangis ang bagang. Kanina pa tahimik ang huli.

"It's a good thing, then. I know dela Costa, he is ruthless but a very efficient businessman," komento ng ginang.

Nagtagal pa ang pag-uusap nila tungkol doon. Naikwento rin niya na ang lawyer niya ay isa sa mga prominentemg abogado sa loob at labas ng bansa. She even confessed that she worked part time at the Law Office.

"Kinaya mo ang lahat ng iyon sa ilang taon... Sobrang ipinagmamalaki kita, anak."

Napakagat-labi siya. Pinipigilang maiyak pero nakatakas pa rin ang luha.

"Kaya pala sobrang pagod ka sa tuwing umuuwi ka. At namayat ka nang husto, apo."

"Patatabain ko siya, 'La," sabad ni Ali.

Nagtawanan sila kahit pa nga seryoso ang mukha nito nang sambitin iyon.

Nang matapos kumain ay agad silang pumanhik sa taas.

"Magsa-shower na ako. Hintayin mo ako sa baba, alam kong marami ka pang gustong itanong, eh." Inunahan na niya ito bago pa magsalita. She immediately went inside her room and calmed the violent beating of her heart. Hindi kasi niya maipaliwanag ang sobrang seryosong paninitig ni Ali sa kanya.

Tumagal siya ng halos dalawang oras sa banyo, pagkuwa'y nagsuot ng silk rose gold night dress, and her black bikini underneath. Napailing siya dahil hindi naman siya nagsusuot talaga niyon kung matutulog lang. She's almost naked when sleeping.

Alas diyes na nang lumabas at nagulat nang prenteng nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto si Ali.

"Sabi ko sa baba tayo magkita... At magdamit ka nga!"

He's only wearing a faded jeans at ang pambahay nitong tsinelas.

"Ikuha mo ako sa kwarto," utos nito.

Ano ba'ng problema? Ang sungit!

Tumango na lang siya.

"Hintayin mo ako rito," aniya at pumunta na sa silid nito. Saktong pagkapasok niya ay sumara ang pinto. Nakasunod pala si Ali at ni-lock ang pinto. Hindi na siya nakatiis nang hinarap niya ito.

"Bakit parang galit ka?"

"I am mad, Heizen Maey." Nagulat siya sa sobrang diin ng pagsabi nito niyon.

"B-Bakit?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat?"

"Because you didn't ask?" she tried to sound lightly.

"That's bullshit!" Dumagundong ang boses nito sa silid. Sa sobrang gulat ay lumayo siya at nagpanggap na kukuha ng damit. Nang makakuha ng t-shirt sa walk-in closet ay hindi na siya nagulat nang nakasunod sa kanya si Ali.

"Suotin mo na ito," wika niya at lumapit dito. Bahagyang tumingkayad para masuot ang damit dito pero hindi niya magawa.

"I'm sorry if I shouted," lumambot ang tinig nito.

Gumaralgal siya bigla. "No. I-I'm sorry, Ali. Kasi naglihim ako sa iyo. Dahil sa ginawa ko..."

Napapikit siya't pinigilan ang panginginig.

"Because that caused misunderstandings between us. Just because of that, we almost lost each other." Naglandas ang luha sa kanyang pisngi.

"Shh... I'm sorry... Hindi kita sinisisi. I know you had your reasons. I trust you on that. I was just too jealous." Agad nitong pinunasan ang kanyang luha.

"But still, I should have told you."

"Tapos na iyon. Ang importante, nagkaliwanagan na tayo ngayon. Pero aaminin kong nasasayangan ako sa mga taon."

"Ikaw naman kasi, bakit hindi ka umuwi?"

"I went home."

"You didn't go to me. You didn't show yourself to me at all."

He guiltily scratched his nape. Oh, so adorable!

"I am still jealous, baby."

"Ano'ng kailangan kong gawin para hindi ka na magselos? Hmm?" She intently pressed her body onto his.

"Hmm... Let me help you in this problem, my princess."

"Iyon lang?"

"That's just it." He smirked.

"Ang dali naman niyon. Natulungan na ako ni Rexton—"

He punished her lips. "Don't make me jealous, woman."

She wasn't offended, instead, she laughed so hard. "I still didn't tell you my other secret..."

"What...?"

"I am a dela Costa, too."

"Baby?" gulat na tanong nito.

"The reason why Rexton tried so hard to help me was because dela Costa blood is running in my veins."

"Wait, what—"

"I know. Mahirap paniwalaan. Tara, umupo muna tayo sa sofa. I'll get you a water."

"No, tell me everything."

"Nangangalay na ako kakatayo, eh," reklamo niya. Napahiyaw siya nang buhatin siya nito at iupo sa ibabaw ng fiber glass na lalagyanan ng mga relo at sinturon nito, nagmistula iyong mababang mesa.

"Now, tell me."

She pouted and started spilling everything. "Anak ako ng papa ko sa ibang babae, pero hindi niya alam na nabuntis iyong babaeng nanamantala sa kanya. Ang sabi ni Rexton, dad was drugged and ayun na nga, nabuo ako. At lagi raw niyang naaalala na may ibang nakatalik siya bukod sa asawa noong mga panahong iyon. Iyon nga ang tunay kong ina." She stopped for a while. "Papa was grieving because he lost Rexton's mom, and my biological mother came to the picture. And the rest is history."

"Have you met him?"

"Yes. And he's very weak now..."

Mataman naman itong nakikinig sa kanya.

"Hinanap nila ang tunay kong ina at nalamang namatay pagkapanganak sa 'kin. They also knew I was adopted by the Salazars. Sinubukan din daw akong bawiin ni Remington dela Costa pero hindi pumayag sina Mommy at Daddy. Nagkasya na lang ang tunay kong pamilya sa panonood ng paglaki ko noon sa malayo. My parents also sent them some photos of mine."

Hindi pa rin makapaniwala si Ali pero mahahalatang iniintindi nito ang bawat katagang namumutawi sa kanyang bibig.

"Kaya gusto kong mabawi ang pinaghirapang negosyo ng pamilya ni Daddy ay para maipagpatuloy ko iyon. Hindi nararapat si Tita Fina lalo pa't nalaman kong may mga ilegal siyang mga gawain bukod sa pamamalakad ng kumpanya."

Mataman pa rin itong nakikinig sa kaniya.

"And, uh, about Rexton... I think sinadya niyang pagselosin ka kasi nahalata niyang may gusto ako sa 'yo."

"Why would he do that?" inis nitong tanong.

"Knowing him, he was just teasing you, and perhaps, was testing you. Para malaman kung may g-gusto ka rin ba sa 'kin."

"Pero hindi niya dapat sinabing nagmamahalan kayo at—" Natahimik ito nang may mapagtanyo. "Yes... nagmamahalan nga kayo bilang magkapatid."

Tumango siya. "Kaya huwag ka nang magalit sa kanya, ha?"

"I understand, baby. Ano pa?"

"Huh?"

"You still have something to say, right?"

Nag-iwas siya ng tingin.

"Heizen..."

Bumuntong-hininga siya at tinitigan ito. "I want to redeem myself, too. B-Baka pwedeng i-postpone muna natin iyong kasal? 'Tsaka na, kapag nabawi ko na ang lahat..." halos pabulong ang pagkakasabi niya dahil siya mismo ay tutol sa sariling desisyon. She bit her lower lip as she tried to look away.

Nakauunawang tumango naman si Ali, kahit nababakas ang kalungkutan sa mga mata.