webnovel

Carrying the Billionaire's Baby

Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong ng binata. Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang alok nitong tulong. At bilang kapalit... She will be carrying the billionaire's baby.

Journialisqui · Urban
Not enough ratings
12 Chs

Chapter Two

Chapter Two

Family

[A/N: Hello po :) Salamat po sa lahat ng nagbasa ng update ko last time :) Thank you so much ❤ Sana magustuhan niyo ang update na ito :) Enjoy reading <3]

[This is from the past]

***

"Darling... Wake up." I heard my mom waking me up. She gently tap my shoulder. Minulat ko ang mga mata ko at nakangiting mga labi ni Mommy ang bumungad sakin.

"Morning mom," I greeted her. At nagkusot ng mga mata. She smiled to me and planted a soft kiss on my hair. "Morning, Darling. I hope you have a good sleep." she smiled. She's so beautiful with no bias at all. Totoong napakaganda ni mommy. Her chinita eyes, her pointed nose na bumagay sa maliit niyang mukha, her small reddish lips na kapag ngumiti ay pati mga mata ay sumasabay sa pagngiti nito. Her features was soft. Hindi siya istrikta kung titignan. Napakaganda niya talaga.

Kay mommy ko namana ang maliit na mukha, manipis na labi at ang pagkasingkit ng mga mata.

"I have mom." sagot ko. "Good. Dahil kailangan mo ng mag-ayos at ito ang unang araw mo sa school." sabi niya. She's really excited when it comes to this dahil ito na ang ikatlong taon ko sa college. I am taking up business management so I could help my parents with their business.

"I'll prepare now mom." sabi ko. Tumayo na siya at nagpaalam sakin. Ganoon din ang ginawa ko. Tumayo na ko at dumiretso sa banyo para makapag-ayos na.

It takes me hours so I could finish my stuffs at makababa na para kumain.

I saw my mom sitting beside Dad while my older brother sitting infront of my daddy. Their look alike. Si Kuya ang kumuha sa itsura ni Daddy pati na ang ugali. My Dad is so handsome. Wala ring bias iyon. Matangos na ilong, makapal na kilay na bumagay sa bilugang mata ni Daddy. Ang ganda ng mata ni Dad dahil itim na itim iyon at kapag tinitigan mo, mahihypnotize ka. Iyon kasi ang sabi ni Mommy. Ang mata ni Daddy ang dahilan kung bakit siya umibig kay Daddy. Makapal ang labi ni Daddy at mapupula. Bagay na bagay sa strong features niya.

Si Kuya naman... Ganoon din ang itsura naiba lang ang kulay niya. Dad is moreno while Kuya mas maputi na minana niya kay Mom. Si Kuya matangkad samantalang ako average lang ang taas. Hanggang balikat lang ako ni Kuya saka mas matangkad na si Kuya kay daddy.

"Good morning!" bati ko sa kanila. Nahinto sina Kuya at Dad sa pag-uusap para batiin ako pabalik. Humalik ako sa pisngi ni Dad, Mom at ni Kuya saka umupo sa tabi ni Kuya.

"Kumain ka na at baka malate ka." sabi ni mommy. Tumango ako at kumuha na ng pagkain.

"Hoy! Siguraduhin mo lang pag-aaral mo ang uunahin mo ah? Baka mamaya iyong manliligaw mo lang na si Stanley ang----Aray!" sabi ni Kuya na dumaing dahil hinampas ko na. Kung anu-ano ang sinasabi!

"Kuya, shut up! Wala akong manliligaw!" tanggi ko.

"Sus! Ang dami ko ngang nakikitang nag-aabang saiyo sa labas ng gate kapag uwian na----"

"KUYAAA~!" inis na na sabi ko dahil inaasar ako. Jusko naman ang aga-aga inaasar ako! Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. "Ano ba!" daing ko. Lumayo siya sakin at binelatan ako. Napairap ako. He was already 25 yet napaka isip bata pa rin. Namula ang pisngi ko nang tumikhim si Dad. Napatingin kami sa kanya.

"Sinong manliligaw mo, Amanda?" seryosong tanong ni Dad. Tumawa si Kuya sa tabi ko kaya naiinis na palihim ang pagkurot ko sa kanya. Napa-aray siya at tumahimik.

"Dad... Wala po! Sinungaling iyan si Kuya. I am not into panliligaw thingy." sabi ko. Natawa si Mommy dahil masyado akong kabado. And thanks for my Kuya dahil doon. Well, that's sarcastic!

"What? Bakit wala kang manliligaw? Sa ganda ng baby kong iyan wala kang manliligaw?" sabi ni Daddy. Woah! Unexpected iyon. Ayos lang kay Dad na may manliligaw ako?

"Dad, she's not pretty!" pang-aalaska ni Kuya. Hinampas ko siya. Tumawa si Daddy. Mukha lang istrikto si Dad pero he was jolly, nice and sweet.

"Hey! We have a same genes so shut up!" sabi ko. Tumingin ako kay Dad. "I thought pagbabawalan mo ko Dad about panliligaw thingy," tawa ko. Noong mag 18 ako ayaw pa ni Daddy na magka boyfriend ako. At ngayon 19 na ko wow... Pwede na? Hahaha. "Pero sadly dad... Wala talaga Dad." sabi ko.

Wala pa kasi akong planong magkaboyfriend. Wala pa sa plano kong magkaroon ng sakit ng ulo. I am focusing on my studies. Sapat na si Dad at si Kuya sakin.

"What? Bulag ba ang mga lalaki sa inyo?" sabi ni Dad. Tumawa ako. "Dad pihikan ako hindi tulad ni Kuya na lahat pinapatulan!" sabi ko. Tumawa si mommy.

"Excuse me! May mga standard ako!" depensa ni Kuya.

"Sus, standard." sabi ko. Kaya pala halos lahat sa school namin kilala siya dahil sa pagiging playboy niya!

Marinig mo pa lang ang apelyidong Sy-Lozano. Si Kuya agad sa mga babae ang isasagot. Jusko. Kahit 2 years ng graduate si Kuya roon sa university na pinapasukan ko nagugulat pa rin ako na kilalang-kilala pa rin siya roon. Nasa varsity at banda kasi si Kuya noong nag-aaral pa siya kaya ang lakas ng hatak sa mga babae. First year college ako noon nang 4th year college na siya. Second year ako nang grumaduate siya ng Engineering kaya simula noon ang daming plastic na lumalapit sakin para mapalapit kay Kuya. Tss.

Sorry sila. Gusto ko akin lang si Kuya hahaha. Ayoko siya mapunta sa kung sino lang. Gusto ko iyong babaeng magiging ka-close ko. Hindi plastic at higit sa lahat mahal si Kuya at tatanggapin ang flaws niya. Haller! Playboy ang Kuya ko kaya sana may magpatino na sa kanya. I can share hahaha.

"Tama na iyan. Basta kapag may manliligaw ka na, sa bahay hindi sa school ah?" sabi ni Dad. "Okay samin kahit sino basta iyong mabait, may pinag-aralan at mahal ka. Iyon ang mahalaga." sabi naman ni Mommy.

Tumango ako. "Opo. Lagi kong tatandaan iyon." sabi ko.

Nag-usap pa kaming magpamilya hanggang sa natapos na kaming kumain. Nagtoothbrush lang ako at kinuha na ang gamit sa kwarto saka na nagpaalam.

"Mauna na ko mom... Dad." sabi ko at humalik sa pisngi nila. "Una na po kami," paalam naman ni Kuya at ganoon din ang ginawa. Nauna na siya sakin lumabas ng double door ng mansion papunta sa kotse niya.

Si Kuya ang naghahatid-sundo sakin sa school since nagfirst year college ako. Ang sweet no? Sweet naman talaga si Kuya. Nice pa. Gwapo pa. Kaya hindi ko masisisi ang mga babaeng nafa-fall sa kanya. May iba na okay lang kahit pansamantala. My Kuya don't do girlfriend... Himala na lang kung mayroon.

"Kapag may nanligaw saiyo sakin unang dadaan ah!" sabi ni Kuya nang pagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Nasa tapat na kami ng gate ng university na pinapasukan ko. Napailing ako nang makita ang mga babaeng nag-aabang sa pagdating namin dahil si Kuya ang naghahatid sakin. Kita-kita ko ang paghanga sa mga mata nila.

"Kuya... Sa tuwing hinahatid mo ko iyan lagi ang sinasabi mo kapag baba natin." ngisi ko sa kanya.

Sumimangot siya. "Dahil tuwing hinahatid kita ang daming lalaking nakatingin saiyo at may hawak na kung anong ibibigay nila panigurado saiyo." inis na sabi niya at tumingin sa harapan.

Tinignan ko rin ang tinignan niya. I saw most of guy standing them. Ang iba kaklase ko ang iba taga ibang department na kakilala ko lang sa mukha. Napailing ako at tumingin na kay Kuya saka tinapik ang balikat niya.

"Hayaan mo sila. Kayo lang naman ni Daddy ang mahal kong lalaki." sabi ko at niyakap siya pero saglit lang para magkaharap ulit kami. Tumingin siya sakin at ngumisi.

"At ikaw Kuya. Alam ko may nilalandi ka sa school na ito kaya please... Maghanap ka na ng babaeng igi-girlfriend mo! Ang hirap kaya na ako lang napapansin mo at bine-baby mo!" sabi ko saka tumawa. Tumawa rin siya at hinalikan ako sa noo.

"Ipapakilala ko siya saiyo kapag mayroon na pero sa ngayon baby muna kita." sabi niya at sinara na ang pinto. "Sige na. Mag-aral ka mabuti." ngisi niya.

Pabiro ko siyang inirapan. Niyakap ko siya at humalik sa pisngi niya saka na nagpaalam. Kumaway ako sa kanya. Kumaway rin siya at umikot na para makapunta sa driver seat. Kumaway muna siya sa mga babaeng nagtitiyagang nakatingin sa kanya. He even blinked at them.

Napairap na lang ako at naglakad na. I'm so lucky to have my family. My parents is so supportive. And they love us so much. Kaya napakaswerte namin ni Kuya na sila ang magulang namin. At si Kuya kahit playboy ang isang iyon sobrang protective sakin at sweet kaya mahal ko iyon at swerte ako sa kanya.

Taas noo akong naglakad papasok sa university. Kahit nakakailang ang tingin sakin. Mamaya niyan may lalapit na saking mga babae para batiin ako at tanungin about kay Kuya. O kaya naman may mga lalaki na na babatiin ako para bigyan ng kung ano.

Napailing na lang ako sa naisip.

***

[A/N: Okay hanggang dito na lang muna hahaha. Sorry bitin. Pinakilala ko lang kung anong klaseng pamilay ang mayroon si Amanda. But I pomised babawi ako next update haha :) Mahaba-haba na iyon hehehe :) Sana nagustuhan niyo :) Maraming salamat po ❤❤❤

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

Thank you!

Journialisquicreators' thoughts