webnovel

Carrying the Billionaire's Baby

Amanda has nothing but to agree with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Nagipit siya at kailangan niya ng tulong ng binata. Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang alok nitong tulong. At bilang kapalit... She will be carrying the billionaire's baby.

Journialisqui · Urban
Not enough ratings
12 Chs

Chapter Three

Chapter Three

Kiss

[A/N: Waaahhh! Ayan hello :) Pasensya na ngayon lang nakapag update. Salamat sa lahat ng nagbasa nung nakaraan update ko kahit bitin hehehe. Salamat sa mga votes at comments :) Salamat sa paghihintay ng updates. Anyways, kapag naka italic po ibig sabihin nasa past nangyari :) So, ayun. Sana magustuhan niyo :) Enjoy reading :)]

***

Naalimpungatan ako dahil sa paggalaw ni Lucian sa tabi ko. Marahan kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang nakatunghay niyang mga mata sakin.

"I'm sorry. Did I wake you up?" tanong niya sa marahan na boses at hinaplos ang buhok ko. Umiling ako kahit ang totoo ay medyo dahil naramdaman ko ang pagbangon niya. Tinignan ko ang alarm clock sa side table. It says 6:30 a.m na. Napatingin ako sa kanya nang umupo siya sa gilid ng kama sa tabi ko.

"Bakit ang aga mo ngayon?" tanong ko. Ang sabi kasi niya wala siyang pasok sa office ngayon.

Ngumisi siya at hinalikan ako saglit sa labi. "Good morning." bati niya. Ngumiti ako at umiling dahil sa ginawa niya. "Good morning," bati ko pabalik.

"May biglaan akong meeting kaya kailangan kong pumunta sa office ngayon." sabi niya. Napatango ako. Naiintindihan ko naman iyon. Busy siyang tao at hindi talaga maiiwasan ang mga biglaang meeting at gawain sa kumpanya nila.

"Okay. Ipagluluto kita. Maligo ka na lang muna," sabi ko sa kanya. Tumango siya at hinalikan niya ko sa noo saka tinungo ang bathroom.

Napabuga ako ng hangin. Inaantok pa ko dahil anong oras na kami nakatulog ni Lucian kagabi at napagod ako. Namula ang pisngi ko ng maalala ang nangyari. Muli akong pumikit dahil hinihila pa rin ako ng antok drifting me to my past...

Nang makapasok ako sa room ay sinalubong agad ako ni Joshua.

Hinalikan ako sa noo ni Joshua at niyakap saglit. "Hi, A! Good morning!" bati niya at ngumisi sakin revealing his perfect set of white teeth. At siyempre nagpapalabas ng kagwapuhan niya.

Joshua Lim is my best friend. Since senior high ay magkakilala na kami at magkasama. Habulin ng chicks ang mokong dahil varsity player at the usual "gwapong chinito". Pure chinese kaya hindi ganoon kaayos ang pagtatagalog niya kahit ilang taon na sa Pilipinas. Speaking in English ang mokong at minsan nag-uusap kami sa chinese dahil parehas kaming may dugong chinese.

"Good morning!" bati ko pabalik. Naupo ako sa usal seat ko sa tabi niya. Nasa gitna kaming parte ng upuan. Gitnang row. Napansin ko na agad ang mga tingin samin ng mga kaklase kong mga babae.

Karamihan sa mga kaklase ko mayayaman kaya ang aarte. Sa school na ito... Mahina ka at kawawa ka kapag napapabilang ka sa low class. Iyong mga scholar ng school o iyong mga hindi ganoon kayaman dahil ibu-bully ka lang.

"Pinagtitinginan ka na naman ng mga babae mo," sabi ko sa kanya dahil ayan na naman ang mga tingin nila kay Joshua. Sa school isa siya sa mga pinapangarap ng mga babae. Who wouldn't? Gwapo, mayaman, friendly, talented at mabait. Wala ka ng hahanapin pa sa kanya.

But I am not into those girls dreaming for him. Magkaibigan lang kami at magkapatid na ang turingan. Kahit matagal na kaming magkakilala hindi kami kailanman nahulog sa isat'isa. Napailing siya at inilapit ang mukha sakin.

"Babe... Don't push me dahil saiyo lang ako," kindat niya at ngumisi sakin. Napairap ako kaya tumawa siya. Madalas ako ang pinagtitripan niya dahil ayaw niya sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya kaya mas mabuti raw na ako na lang ang landiin niya.

"Talaga ba? O iyong papasok pa lang..." sabi ko sa kanya at ako naman ang ngumisi nang makita ang best friend kong si Lana na papasok sa room. May dala-dala siyang box na nakabalot sa isang tela.

Napatingin ako kay Joshua na nakatingin na sa best friend naming si Lana. Ang diyosa kong best friend. Maganda, matalino at simple. Wala siyang ka make up make up sa mukha. Lip gloss lang at powder ang nilalagay niya pero nagpapatingkad pa rin sa kagandahan niya. Natural kasi ang ganda niya. Maputi, makinis, matangkad at slim. Pang model ang dating. At hindi mo aakalaing simple lang ang buhay na mayroon siya.

Yes. Lana is one of the scholar in our university. Napakatalino kasi niya. She was the top notcher sa scholarship exam na pinag-apply-an niya.

Pero hindi naging hadlang para samin ni Joshua ang katayuan niya sa buhay para maging kaibigan namin siya. Mabait kasi siya. Bago namin siya naging kaibigan ay lagi siyang binubully sa school lalo na sa room dahil nerdy type pa siya. May malalaking salamin, makakapal na libro pero wala siyang ginawa para gumanti. Hindi siya lumalaban dahil kapag ginawa niya iyon ay mas magiging mahirap para sa kanya. Hanggang hindi ako nakatiis ay tinulungan ko siya dahil lagi na lang siyang pinagkakatuwaan. Doon nagsimula ang friendship namin. Nung una hindi naging madali dahil iwas siya. Pero nang makilala namin ang isat'isa naging malapit na kami.

At mahigit dalawang taon na rin namin siyang kaibigan. Tinuruan ko siya kung paano mag-ayos. Pinatanggal ko ang salamin niya at pinagamit ng contact lens. Tinuruan ko rin siya kung paano manamit. Nakauniform kami at tuwing friday at saturday naka casual attire dahil p.e at wash day ang mga araw na iyon.

Kaya ngayon... Marunong na siyang mag-ayos ng sarili niya. Hindi rin siya mahilig sa make up pero alam na niya kung paano mag-ayos.

Nang maging magkakaibigan kami... May iba na takot ng awayin siya dahil kaming dalawa ni Joshua ang makakalaban nila. Protecting her from the foe is our job as a friend.

Bonding naming dalawa ang pagbili. Sinasamahan niya ko sa magshopping kaya di na siya makakatanggi kapag binibilhan ko rin siya. Hindi kasi sila ganoon kayaman kaya mas gusto niyang mag-ipon kesa bumili ng mga gamit niya. Mabait na anak iyan sobra.

"Uy, matutunaw iyan!" tukso ko kay Joshua dahil nakatitig na siya sa kaibigan namin. Humarap sakin si Joshua at sumimangot. "Mahal kita, Babe." sabi niya at kinurot ang pisngi ko. Sakto naman nasa harap na namin si Lana.

"Ang aga-aga naglalandian na naman kayo," ngisi niya samin at nilapag ang gamit sa upuan sa tabi ko Lagi niya kaming tinutukso ni Joshua kaya sanay na kami sa kanya. "Hi, L!" bati ko at dineadma ang panunukso niya.

"Hi, babe. Namiss kita!" sabi niya at niyakap ako saka niyakap si Joshua. "Babe lalo kang gumwapo!" bati naman niya kay Joshua. We used to call each other babe.

"Namiss din kita babe kahit kahapon nagkita tayo," I said laughing. Tumawa rin siya.

"Kamusta bakasyon singkit?" tanong niya kay Joshua. She loves calling Joshua singkit. "Boring." kibit-balikat ni Joshua. "Dahil di sumama si A." dugtong pa niya. Tumawa si Lana at umalis sa pagkakayakap sa baywang ni Joshua at umupo.

"Sagutin mo na kasi A," No way! Hindi ko na imagine na maiinlove ako kay Joshua. Kapatid na ang turing ko sa kanya no!

"Oh, please. Wala akong panahon." tawa ko. "Pero bagay talaga kayo. Ang cute ng love story niyo kapag nagkataon." sabi pa ni Lana na ayaw talaga niyang tigilan ang pagma-match making samin ni Joshua. At ang mokong walang pakealam tatawa-tawa lang.

Nagkulitan lang kami roon. Hindi kami tinantanan ni Lana. Hanggang sa dumating ang prof namin.

Naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya bahagya muli akong nagising. Nagkusot ako ng mga mata at umupo mula sa pagkakahiga. Nakita ko si Lucian na kalalabas lang ng bathroom. Nagpupunas siya ng towel at nakatapis lang ng isa pang towel na nakapaikot sa baywang niya revealing his seductive abs.

Ang aga-aga nakikita ko ang mga abs niya. Napatingin siya sakin at bahagyang nagulat nang nakitang nandoon pa ko. Gosh! I forgot! Ipagluluto ko nga pala siya.

"Hey..." sabi niya at tinigil ang pagpupunas ng buhok saka lumapit sakin. Umupo siya kaharap ko. "I thought you're in the kitchen." aniya at hinaplos ang pisngi ko. "I'm sorry. Nakaidlip ako habang naliligo ka."

"Nah. It's okay. Napagod ka ba kagabi? I mean... Pinagod ba kita masyado?" ngisi niya kaya hinampas ko. Tumawa siya kaya mas lalong pumula ang pisngi ko. Shit! Ang aga-aga!

"Tss! Don't make fun with me Lucian dahil... Shit! Alis na nga! Magluluto na ko..." sabi ko sa kanya at tinulak siya. Nakakainis! Ang aga-aga pinagtitripan ako. Natatawang umurong siya para makatayo ako. Nang makababa mula sa kama ay hinawakan niya ang kamay ko kaya nahinto ako sa paggalaw at kunot noong tinignan siya. Ngumiti siya revealing how sexy he was when doing it. How his smile can make my heart beats erratically.

"Ang aga-aga ang sungit mo," he sexily said at hinila ako palapit sa kanya. Hinawakan niya ko sa baywang ko.

Tinitigan ko lang siya. Losing in his almond eyes. When you look at his eyes you will find yourself being hypnotized by it. As if he can see your soul and everything in you and you will be willingly trap in it.

Months with him... Hindi madali. Months with him naging malaking pagbabago sa buhay ko. Being with him... Naging roller coaster ang buhay ko. Marami akong naranasang hindi ko akalang magagawa ko... Kasama siya.

"Hey... What? " untag niya bringing me back where I am... Here with him. Masyado na naman akong naaliw sa pagtitig sa mga mata niyang nakakatunaw. Napangiti ako at ipinatong ang mga kamay sa balikat niya.

"Nothing." ngisi ko. Sumimangot siya at hinila ako palapit pa sa kanya hanggang sa dampian niya ng halik ang mga labi ko.

Napangiti ako sa ginawa niya. "Nothing?" ulit niya inches away from my lips. "Nothing." ulit ko. Tuluyan na niya kong hinila hanggang sa yumakap na ang mga kamay niya sa baywang ko at ang mga kamay ko sa balikat niya.

He claimed my lips once again but this time it was a long kiss. He kissed me masterfully as I responds to his kisses. Naramdaman ko ang pagngiti niya at ang pagkagat niya ng ibabang labi ko making me to gasp. Mukhang sinadya niya iyon para mas mapalalim pa ang halik. I felt his tongue inside my mouth exploring every corner of it. Pakiramdam ko ay mapupugto ang hininga ko sa paraan ng paghalik niya.

Nakakahilo. Para akong nawawala sa sarili ko habang hinahalikan niya. I felt his hands at my back caressing it. Hindi ko na alam kung nasan ang kaluluwa ko dahil pakiramdam ko tinakasan na ko nito. Nakakapanghina ang bawat halik ni Lucian kaya mabuti na lang at nakahawak ako sa kanya at siya sakin dahil pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko sa klase ng halik niya. Kailan ba ko masasanay sa epekto ng halik niya sakin?

His kisses making me forgot everything. At ang tanging alam ko lang ay ang mga halik niyang nagpapawala ng ulirat ko.

Bahagya ko siyang tinulak para kumuha ng hangin dahil pakiramdam ko ay kinuha na niyang lahat. Nakita ko ang multo ng ngiti sa mga labi niya nang putulin ko ang halik. Nakaawang pa ang mga labi niya at sobrang pula dahil sa halikan namin. Namula ang pisngi ko habang nakangisi siya sakin. At alam kong namumula rin ang mga labi ko dahil sa halik niyang kulang na lang ubusin ang hangin sa buo kong katawan.

"Tss. Why are you always taking my breathe away?" pagbibiro ko.

Tumawa siya. Iyong tawang gugustuhin mong laging naririnig. "Because that's what you always did to me." ngisi niya at binigyan ako ng mabilis na halik.

"Bolero," tawa ko. Ngumiti siya at hinaplos ang likuran ko sending voltages to my spine.

"I am not," tanggi niya. Kinurot ko ang ilong niya kaya hinawakan niya palayo ang kamay ko. "L, anong oras ang meeting mo?"

"Nine but I need to be there at eight," sagot niya. Tumango ako at tinignan ang wall clock na nakasabit. Past seven na.

"Kailangan mo ng mag-ayos. Nakaready na iyong suit mo sa closet. Inayos ko na kahapon." sabi ko.

"Thanks, Xiao Zhu." sabi niyang nakangisi. Chinese iyon na ang ibig sabihin ay Little Pig. Natawa ako.

"Silly. Ano bang gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.

"Anything would be fine." sagot niya. Hinalikan ko siya saglit saka na siya pinatayo.

"Mag-ayos ka na. Lalabas na ko para magluto." sabi ko. Tumango siya. Nauna na kong lumabas para ipaghanda ang gwapong bilyonaryong si Lucian.

***

Waaahhhh! Ayan! Sorry na bitin hehehe :) Nakapag-update rin sa wakas. Pers tym nag-update si Owtor ng ganitong oras para sa CTBB hehehe :) So, ayun :) Salamat sa magbabasa nito :) Till next time :) See yah :) xie xie <3