webnovel

Chapter Nine

Years later..

"Happy Birthday To You!! Happy Birthday! Happy Birthday! Happy Birthday To You!!" nagpalakpakan kami matapos kumanta ng happy birthday ang mga bata.

"Blow your candle Lenard!" masaya kong yaya sa anak ko para magblow na ng cake nya. Nagsilapitan ang mga bata na may kanya kanyang party hat sa ulo, then ang iba may dala dalang give aways na napalunan nila sa laro kanina.

Excited na inihipan ni Lenard ang 2 layer cake nya. Pero bago yun nag wish muna sya.

"Ang wish ko, sana po dumating na si Daddy!" nagulat kami ni Jaica sa sinabi ng anak ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Matapos nyang magwish agad nyang inihipan ang cake at niyakap ako. Bumalik sya sa mga bisita nya para maglaro pa.

"Hindi mo pa din sinasabi?" asked Jaica sa akin. Umiling ako. Sa lumipas na limang taon, wala na akong balita kay Leandro. At hindi pa din alam ng anak ko ang tungkol dun. Umaasa pa din sya na babalikan kami ng ama nya kahit parang imposible na.

"Luka, limang taon na si Lenard still wala pa din syang alam? Kailan mo balak sabihin?"

"I dont know. Saka para saan pa? Ang alam nya nasa malayong lugar ang tatay nya at naniniwala sya dun."

"Hanggang kailan mo paniniwaliin yan inaanak ko? Maawa kana man sa kanya?" bumuntong hininga ako. Alam ko mali pero naawa din ako sa anak ko once malaman nyang hindi na kami binalikan ng tatay nya.

Matapos kumain ng mga bisita, unti unti na din nagsiuwian ang iba. Nagpaalam sa akin ang mga magulang ng mga kaklase ni Lenard sa kindergarten na inimbitahan ko. Kahit papaano nairaos ko ang mga birthdays ng anak ko dahil sa tulong nina Papa at Mama, ganundin ang trabaho ko.

"Inuman na tayo!" yaya sa amin ni Chris pagkabigay nya sa inaanak nya ng regalo. Ngumiti ako. Sina Jaica at Chris lang ang naging sandalan ko sa mga taon wala si Leandro. Malaki ang naging role ni Chris sa buhay ko, bukod sa sya ang nagpasok sa amin sa trabaho namin ngayon, isa sya sa malapit sa anak ko at kinikilala nitong pangalawang ama. Inanak nila ni Jaica si Lenard nung binyag nito.

"Wow Tito! Salamat po sa car!" sigaw ng anak ko ng buksan nya ang regalo nya. Isang remote controlled car.

Agad niyakap ni Lenard si Chris. Saka humalik sa pisngi nito.

"Ang expensive naman ata ng bigay mo." bulong ko sa kanya sabay natawa sya.

"Para sa inaanak ko. Walang mahal mahal sa akin." ngumiti ako. Nagkayayaan na kaming mag inuman kasama pa ang ilan katrabaho ko. Habang sina Mama at Papa na ang nag ayos ng mga lamesa at upuan na ginamit sa party kanina.

Hindi naman ako tumigil sa paghahanap kay Leandro. Hindi rin sya nawala sa isipan ko at umaasa na tutupadin nya ang pangako nya. Pero limang taon na si Lenard at hanggang ngayon nagkakasala pa din ako sa anak ko.

"Tagay sayo!" wika ni Jaica saka nilagyan ang baso ko.

"Okay ka lang ba?" siniko ako ni Chris na katabi ko. Umiling ako.

"Is it about Lenard's father?" tumango ako saka tinungga ng diretso ang basong may laman alak.

"Nahihirapan na ako itago sa anak ko ang totoo. Kaya lang naaawa ako kapag nalaman nyang wala naman na talagang syang ama."

"Maiintidihan ka ng bata. Matalino si Lenard." nag aalala pa din ako. Parang hindi pa din ako handa.

"Paano?"

"Think of it a million times bago mo sabihin sa kanya. I'm sure maiintindihan ka nya." sumang ayon ako pero magulo ang isip ko. Hinawakan ko ang kwintas ko na bigay pa noon ni Lean. Tama nga kaya na sumuko na ako sa paghahanap ko kay Leandro at kapalit nung malaman na ng anak ko ang totoo..

Inabot kami ng inuman around 1am.

Si Chris na naghatid kay Jaica pauwi at sa iba namin kasamahan. Habang ako, nagligpit pa at sinilip ang anak ko sa kwarto nya. Tulog na din sina Mama at Papa.

"Lenard?" silip ko sa bata at nakita ko syang tulog na tulog na. May yakap syang bagay kaya pumasok ako.

"My.." nagulat ako sa yakap nya. Picture frame ng tatay nya. Lalo tuloy ako napanghihinaan ng loob na aminin sa kanya ang lahat. Sa limang taon na pinalaki ko si Lenard ng mag isa, kailangan ko pa ba si Lean? Nung nagtanong sya noon kung sino ang Papa nya dahil binubully sya sa school, wala ako magawa kundi ipakita ang picture namin ni Lean. At simula nun, naniwala na sya na andyan lang ang tatay nya nasa malayo at nagtatrabaho. Totoo naman na ito ang ama nya pero hindi ko alam kung totoo pa ba ang pangako nya.

Niyakap ko ang bata. Saka hinagkan sa noo. Naluluha ako. Hindi dahil wala si Leandro kundi dahil ang anak ko na walang ama na kinikilala. At yun umaasa sya na meron pa kahit na alam kong wala na..

---

"Mama! Pasok na po ako!" hinalikan ako sa pisngi ni Lenard bago sya pumasok sa school. Si Papa ang laging naghahatid sundo sa kanya habang ako papasok na sa trabaho.

"Be good boy sa school." halik ko sa kanya saka sya niyakap. Ngumiti at tumalon pababa ng higaan ko. Then nagtatakbo na sya palabas ng kwarto.

Matalino si Lenard, hindi na sya nag preparatory at dumiretso na sya sa kinder. Next year Grade 1 na sya sa edad nyang six years old. Hindi ko naman sya pinepressure sa pag aaral pero kagustuhan talaga ng bata ang pagbabasa at pag aaral kaya almost 2 years old palang sya nakikitaan na namin sya ng potential sa pag aaral. Diretso na sya agad magsalita at maglakad, nakakapagbasa na sya nung edad 2 1/2 sya. Then natuto na syang mag english speaking almost 3 years old. Sina Mama at Papa lang ang tumutok sa kanya. Hindi ko sya pinapatutor or pinapasok sa mga high intelligence school. Gusto ko sa isang simpleng eskwelahan lang sya mag aral. Pero bukod sa special ability nya sa pag cope up at mabilis na pick up. Wala naman syang masyadong kaibigan sa amin or sa mga kapitbahay. Inaasar kasi syang walang tatay, at anak lang sya sa pagkadalaga. Naiinis ako minsan kapag nahuhuli ko na pinagchichismisan nila ang anak ko, hindi ako tumatahimik lang, nakikipag away ako. Pero minsan kahit anong pagtanggol ko sa anak ko, pakiramdam ko nasasaktan ko pa din sya lalo pag nakikita nyang nakikipag away ako kaya ayun iniiwasan ko nalang.

Narinig ko ang trike ni Papa na lumabas ng garahe. Mukhang nakaalis na sila kaya ako naman ang gagayak. Bumaba lang ako sa higaan saka matamlay na pumasok ng cr para maligo.

May meeting ako sa client namin na si Mrs. Calleja. Kasama ko si Jaica at sa Eurotel kami magkikita, dun kasi sya pansamantalang naka check in. Matapos ko maligo, nagsuot lang ako ng corporate attire then mga folder na laman ang proposal namin then contracts. Ako pa naman ang magdadala kaya hindi ko pwedeng malimutan. Nagsuklay lang ako ng buhok ko. Bagong gupit lang ako last week, kaya maigsi pa ito. Naglagay lang ako ng light make up then lipstick. Nagvibrate ang phone ko at mabilis nag appear ang pangalan ni Jaica.

Mukhang papunta na sya sa Eurotel kaya't kailangan ko na din magmadali. Matapos kong maayos ang mga dala ko, lumabas na ako ng kwarto para magpaalam kay Mama.

"Aalis na po ako!" paalam ko at humalik lang sa kanya. Maayos na ang relasyon namin ni Mama. Totoo ang sinabi ni Papa na once manganak ako, mawawala na ang sama ng loob ni Mama. Sa gwapo ng anak ko at super cute hinding hindi nya matatanggihan ang bata. Kaya ganun nalang ang tuwa ko ng tanggapin nya si Lenard. At magkabati kami.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa Eurotel sa may North Edsa. Nagtext ulit si Jaica na nandoon na sya. Binasa kong muli ang laman ng proposal namin. Nirevised ko kung may mali para hindi kami mapahiya later. Kapag nakuha ko ang client namin, road to promotion na ako at kailangan na kailangan ko nun. Para sa pag aaral ni Lenard.

Nakuha ng atensyon ko ang isang billboard sa may Muñoz. Napadungaw ako sa bintana ng mabasa ko ang nakalagay dun.

The most eligible bachelor in town is coming to surprise you on their new opportunities offered by Imperial Industries.

"PARA!!!" sigaw ko sa driver ng mabasa ko ang nasa billboard. Bigla tuloy syang huminto. Napaisip ako ng mabasa ang Imperial Industries. Naalala ko na kabilang sya dun at sinasabi nya na kumpanya ng tatay nya yun. Hindi kaya sya ang tinutukoy ng mga nakalagaysa billboard? Isa na kaya syang kilalang businessman at CEO ng Imperial Industries?

Nalilito ako at naguguluhan. Hindi na ako bumaba ng taxi at pinatuloy ko na ang pagmamaneho papuntang Eurotel. Agad kong nilabas ang phone ko para isearch kung saan ang main office ng Imperial.

Makati City.

Lumabas sa results ng browser. Sa Makati ang main office ng Imperial. Kinakabahan ako at nag iisip kung pupuntahan ko ba yun para makausap si Lean.

"Nandito na po tayo."Nagulat ako sa sinabi ng driver kaya't bumaba na ako. Biglang nawala ang focus ko sa meeting at sa pag iisip nalang kung paano ko haharapin si Lean. Sa tagal namin nagkita, baka may iba na sya, o kaya masyado na syang mataas para abutin ko. O baka na hindi nya na ako kilala..

"Reena!" narinig ko si Jaica na tinatawag ako. Nasa loob na sya ng hotel at kinakawayan akong pumasok. Nagmadali ako para sundan sya.

Nagpareserve na sya ng mauupuan sa dining area para sa meeting.

"Parang wala ka sa sarili mo?" nag aalala nyang tanong habang inaayos ko ang mga folder na dala ko.

"I think I just found out where to find Lean.." nagulat si Jaica sa sinabi ko. After all these years magkikita na kami.

"Saan?" excited nyang tanong.

"Well, its in the Imperial Industries sa Makati."

"You mean nalaman mo na dun sya nagtatrabaho?" umiling ako.

"I just remember ng makita ang isang billboard. Tingin mo dapat ko syang puntahan dun?"

"Of course, may obligasyon sya sa anak mo. Dapat panagutan nya kayo." tama naman si Jaica kaya lang hindi ko alam bakit ako kinakabahan ng ganito..

"Bukas, puntahan natin yun opisina nila sa Makati para matapos na yang paglilihim mo sa anak mo at ng magkaroon naman ng totoong tatay si Lenard." sumang ayon ako kahit parang nagdadalawang isip ako. Hindi ko nga alam paano ko sya haharapin.

Nagsimula ang meeting namin kay Mrs. Calleja. Kahit out of focus ako, pinaghusayan pa din namin ang trabaho. Ayoko maudlot ang promotion ko..

Pero hindi mawala sa isipan ko ang muli namin pagkikita ni Leandro.

---

"May presscon tayo bukas sa Ayala. Baka naman malate kana naman." paalala ng isang babaeng naka pencil skirt at itim na blouse sa lalakeng kaharap nya. May name tag sya sa kanang bahagi ng dibdib nya. At nakalagay dun "HR Supervisor Maria Anna Candida"

"I'll be there." sagot ng isang lalakeng naka puting long sleeve at fitted black jeans. Nakadekwatro pa sya habang nagsasalin ng alak sa baso nya.

"You're drinking again." kinuha nito ang basong hawak ng lalake.

"Nanay ba kita para pagbawalan ako?" singhal nya dito at muling kinuha ang iniinom. Tinalikuran nya ang babae.

"My god! Hanggang kailan ka ba kikilos na naayon sa edad mo!" hindi sya sinagot ng lalake.

"Why should I? I have all the money. Hindi ko na kailangan pang magbago. Maari akong maging kahit sino kung gugustuhin ko." nadismaya ang babae sa narinig.

"Bahala ka. Pero sinasabi ko sayo, kahit ganu ka pa katagumpay ngayon, mawawalan din ng halaga ang mga yan.." Matapos iyun sabihin ng babae, lumabas na sya ng opisina nito.

Napalingon ang lalake sa picture frame na nasa tabi ng laptop nya. Nagsalubong ang kilay nya ng makita at mabilis itong kinuha saka tinapon. Nabasag ang picture frame. At hinayaan lang nya yun saka pinagpatuloy ang pag inom.

---

A/N:

Expect some errors :)

Sorry for late update. Super busy.