webnovel

Can't hold on, Cannot turn back.

There are things we cannot hold on to; we cannot turn back once we have committed such relationships and promises. Will our hope be the chance to change for the best? With our despises, regrets and hatred. Do we still deserve to go to heaven? Or should I just remain in this place and take revenge on those evildoers that have done bad upon me?

aestheremielle · Teen
Not enough ratings
7 Chs

WHY DIDN'T CHOOSE ME? (CHAPTER 4)

Lumakad na ako papunta sa classroom at pagdating ko nagsimula na magdiscuss si Mr. Jose strikto pa naman to sana hindi to magagalit sakin.

"Hello sir Good morning! I'm sorry I'm late sir I got sick in the morning." Nilingon ko mga kaklase ko and they looked at me weirdly from head to toe weird nga siguro yung shades and facemask ko.

"Bakit anong nangyari sayo ija? Bakit ganyan yung sinusuot mo? Alam mo bang bawal yan dito sa school?" Inilagay niya yung chalk at yung stick niya sa lamesa at humarap sa akin.

"Ah sir nagkasore eyes po ako sir at may ubo at sipon po ako sir. Ayoko pong mag absent kaya ganito po yung sinuot ko" Umaliwalas ang mukha ni sir at bumalik na sa kanyang ginawa sinenyasan niya akong umupo na at nagsimula ulit na magdiscuss.

"Mabuti naman ija at naisipan mo pa ding mag-aral kahit nagkasakit ka. Okay let's get back to the topic."

Nilingon ko si Benjamin at kita kong galit niyang mukha pero hindi ko nalang pinansin at nakinig nalang ako kay Mr. Jose mahirap pa naman yung subject niya calculus pa naman to mahirap na. Mabilis din lumipas ang oras at tapos nang magturo si sir at break na namin aakmang tatayo na ako pero hinawi ni Benjamin yung kamay ko.

"Venice we need to talk." Hinawi niya ako at dinala niya ako sa rooftop ng school namin at ganda ng view doon and it's so peaceful above.

"Venice what's wrong with you? Anong nga bang nangyari sa'yo? Ba't ganyan mukha mo? Nakashades ka na nga naka mask pa. Are you okay?" Hinimas niya yung mukha ko and he kissed my forehead and looked into my eyes again kahit nakashades ako alam kong kita niya pa rin.

"Nothing Benjamin just stay out of it madadamay ka pa and might ruin our friendship. I can do it naman on my own Benjamin wag kang mag-aalala matibay to." Tapik ko sa kanyang braso at niyakap ko siya ng mahigpit pero kumawalas ito agad at parang galit siya.

"Anong stay out of it?! Venice bestfriend mo ko sabihin mo naman kung anong nangyari sa'yo baka matutulungan kita o kahit ano basta maging okay ka lang!" Sumbat niya sa akin I'm trying to hold my tears I really hate people shouting at me nakakairita nakakasira ng araw pukingina!

"Venice? Huh? Tell me mi Amor I will help you and will always help you. Kahit ano pa yan gagawin ko ang lahat na maging okay ka and you will feel that you are loved and prioritized." He hugged me and rubbed my back tinulak ko siya at umiyak na ako hinubad ko yung shades at mask ko nagulat siya sa nakita niya sa mukha ko.

"Benjamin hindi mo matutulungan! Ito matutulungan mo ako?! Sa pang-aabuso matutulungan mo ako? Yung mabigat na dinadala ko araw-araw matatanggal mo yon?!" Turo ko sa mukha kong namamaga at nagpupurple ito dahil sa suntok sa papa ko at mga mata kong namamaga na halos wala na akong makita dahil sa kaiiyak ko at nadadagdagan pa dahil umiiyak ulit ako ngayon.

"I don't need your sympathy Benjamin I'm sorry pero wala ka talagang magagawa kung ikaw na ang nasa mismong sitwasyon! Just leave me alone for now mi Amor I need to figure this on my own." Isinuot ko na pabalik ang shades at ang mask ko at bumaba na ako sa rooftop iniwan ko si Benjamin na nakatunganga at gulat sa lahat ng natuklasan niya lahat sa akin. Sa tinatagal tagal naming pagsasama ngayon pa siya nakasaksi sa buhay kong ganito ang nangyari, pinunasan ko yung mga luha ko at pumunta ako sa CR at doon ko na ibinnuhos lahat ng luha kong nasimulan ko nang ipalabas kanina.

Pagkatapos ay lumabas ako sa cubicle at naghilamos ako sa mukha ko at ngayon ay ramdam ko na ang sakit ng suntok ni papa sa akin lumobo yung mukha ko dahil sa kanyang nagawa at nadagdagan pa yung mga mata kong namamaga para na akong panda. Natawa nalang ako sa sariling repleksyon ko para akong tanga, naglagay nalang ako ng eye cream at gamot para sa mukha kong sira at isinuot ko ulit yung facemask at yung shades ko.

Paglabas ko nasa labas si Benjamin naka-abang sa akin na may dalang maliit na paper bag at ibinigay niya ito sa akin.

"I'm sorry mi Amor hindi ko alam na ganyan pala kasakit yung nararanasan mo here medicine for your eyes and your face alagaan mo yang mukha mo sayang ang ganda mo. Come with me let's cut classes I will take you to a date just the two of us." He held my wrist at lumakad na kami palayo sa Cr at lumabas na campus pero naalala ko yung bag ko naiwan ko.

"Teka yung bag ko kailangan ko yung dalhin." He just smiled at me and opend the car door.

"No need to worry mi Amor dinala ko na nasa sasakyan ko na excused ka na sa classes okay? No need to worry about your studies I have taken care of it." Pinasakay na niya ako sa kanyang mercedes benz ngayon ko pa tong nakitang sasakyan nato dahil palagi naman kaming nagtataxi and we take turns para magbayad ng pamasahe.

"When did you learn to drive Benjamin? I haven't seen this car did your parents give you this?" Inayos niya yung seatbelt ko at umupo siya ng maayos bago niya istart yung sasakyan.

"Alam ko naman talagang mag drive mi Amor hindi ko lang to pinalalabas tong sasakyan ko dahil hindi pumapayag si dad pero now dad is on a business trip so it's my chance. Also mi Amor I bought this car with my own money, sit tight lalarga na tayo." He drove us to an empty and abandoned park pero hindi naman siya creepy pero empty lang talaga siya and the design is already old. He took my hand as I get out from the car and grabbed the food na binili na niya bago kami pumunta dito.

"Halika ka here's the best spot in this area." Lumakad kami papunta doon sa sinasabi niyag best spot sa park parang nakapunta na siya dito alam na niya yung daan kung saan at kung paano dadaanin ang lugar.

Narating kami dito sa isang makahoy na lugar sa park pero the atmosphere is calm and relaxing. This is better at home and school, it's quiet, it's calm and most of all Benjamin is with me. Nilingon ko siya he was busy with his phone I'm sure he's texting Cassie I didn't mind him at all and I just continued admiring the view the calmness and peace that I have never had before.

"You like it here huh? This is my secret spot whenever I'm anxious or I feel depressed this is the place I go because I can see the skies and the flowers bloom and listen to the whistle of the air." Humiga ako at ginawa kong unan ang bag ko ang ganda sa pakiramdam I wish this is forever.

I removed my shades and my facemask kasi I feel suffocated hiding my abused face at ang mga mata kong namamaga it's refreshing to feel that i can feel that I'm free again despite the pain that I have experienced.

"Halika ka nga Venice, come let me fix your face gagamutin natin yan." Pinabangon niya ako sa hinihigaan ko at nilagyan niya ng cream ang pasa ko sa mukha medyo mahapdi pero kaya naman.

"Aray! Dahan dahan ka nga ansakit niyan" Sabi ko sa kanya at dinahan dahan niya ang paglagay ng cream sa mukha ko at nilagyan din niya ng cream sa mga mata ko para di na ito mamaga.

"Here use this cream para hindi nayan lolobo yang mga mata mo. Also Venice about diyan sa mukha should I report it to the officials? My family can help your safety an-" Tinakpan ko ang bibig niya at umiiling ayoko pang madamay ang kanyang pamilya sa pamilya ko. I'm sure my dad will overreact kung gagawin niya iyon.

"Benjamin, no it's fine kaya ko naman I will talk about my father about it. I am planning to tell my tita's and tito's about it wag kang mag-aalala matibay to beh!" Kinuha ko yung burger na binili niya sa mcdo at kinain ito habang humihiga. Tinitigan ko ang langit kung gaano ito kaganda at kung gaano ito kapayapa sa itaas.