webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · History
Not enough ratings
98 Chs

XXX

Juliet

He's lying...

He's telling the truth...

He's lying...

He's telling the truth...

Bakit he's telling the truth naman ngayon?! Kanina he's lying na ah!

Pumitas na naman ako ng maliit na bulaklak at nagsimula na ulit pitasin ang mga petals nito.

"Mukhang mauubos ang mga bulaklak sa hacienda namin dahil sa'yo ah."

Nabitawan ko 'yung bulaklak nang magulat sa nagsalita at agad na lumingon. Nakita ko naman si Manuel at lumapit siya sa akin.

"Bakit mo naman pinapatay ang mga maliliit na bulaklak dito, binibini?" Mahinahon na tanong niya at marahan pang hinawakan 'yung mga maliliit na bulaklak. Para bang cinocomfort niya ang mga ito.

Nandito kami ngayon sa isa sa sandamakmak na gardens sa loob ng hacienda Fernandez. Hindi 'to masyadong malayo sa mansion ng mga Fernandez kaya dito nalang ako tumambay pagkatapos ng sayawan. Nakakastress kasi si Niño eh! Ginugulo na naman ang utak ko.

Kinuha ko 'yung letter ni Niño mula sa bulsa ko at binuklat. Pinatag ko 'yun sa lamesa sa tapat ko kaya napatingin din si Manuel sa letter.

"Sabihin mo nga sa akin Manuel, alin ang pag-ibig sa letter—este—sulat na 'to?" Tanong ko at inabot sa kaniya ang letter ni Niño.

Kinuha naman niya 'yung letter at binasa. After ilang seconds, dahan-dahan niyang binalik 'yung tingin niya sa akin at tumingin ulit sa letter atsaka tumingin ulit sa akin.

"L-Lahat..." Sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko. What?! Lahat daw??!!

Inagaw ko agad 'yung letter at binasa nang marealize ko na hindi nga pala ako nakakaintindi ng Spanish kaya binalik ko ulit kay Manuel 'yung letter.

"Ano ba talagang sinabi niya diyan?" Tanong ko.

"Tanong ko muna ang sagutin mo." Seryoso pero malumanay pa ring sabi niya. Binigyan ko naman siya ng ano-ba-tanong-mo look.

"May relasyon kayo ni Kuya Niño?" Nagtatakang tanong niya at pinakita 'yung sulat sa akin.

What?! Sinabi ba niya sa letter na jowakels ko siya?? My goodness!

"Huh? Hindi! Ano ba kasing sinabi niya?" Tanong ko at nagulat naman ako nang bigla siyang kumuha ng papel, pluma, at tinta mula sa satchel na nakasabit sa katawan niya atsaka nagsimulang magsulat. Pabalik-balik ang tingin niya sa letter ni Niño at sa sinusulat niya hanggang matapos siyang magsulat.

"Ito ang salin sa Tagalog ng liham ni Kuya Niño para sa iyo." Abot ni Manuel ng papel na pinagsulatan niya at inabot ko naman at binasa.

'Binibining Juliet,

Ipagpaumanhin mo ang biglaan kong paglisan sa San Sebastian sapagkat nabalitaan ko ang pagkamatay ng aking kapwa heneral sa kamay ng aking kapwa mga sundalong Pilipino. Labis akong nababahala kaya't kailangan kong umalis kaagad. Sana'y sa pagbalik ko'y salubungin ako ng iyong matatamis na ngiti't mapupungay na mga mata na alam ko at tiyak akong magiging sanhi ng aking pangungulila sa iyo. Umaasa rin akong sa aking pagbalik ay makakamit ko na ang iyong matamis na oo sapagkat wala na akong ibang hihilingin pa sa mundong ito kundi ang makasama ka. Batid kong ika'y abala sa iyong pagtulong sa pagamutan nitong mga nakaraang araw na dahilan ng ating hindi pag-uusap at pagkikita ngunit sa kabila noon ay naniniwala akong darating ang araw na gigising akong ikaw ang magsisimula ng aking umaga. Mag-iingat ka at nawa'y hintayin mo ang aking pagbabalik sapagkat ako'y palaging uuwi pabalik sa iyo.

~Niño'

Napaupo ako sa silyang katapat ng lamesa pagkatapos kong basahin 'yung sinulat ni Manuel. Pakiramdam ko nanlambot bigla ang mga tuhod ko.

"I-Ito ba talaga... 'yung ibig sabihin ng... sulat niya?" Tanong ko at  tumangu-tango si Manuel.

"Kung hindi ka kampante sa aking salin ay maaari mo namang tanungin mismo si Kuya Niño. At oo nga pala, binibini... hindi ba alam ni Kuya Niño na hindi ka maalam magbasa ng wikang Espanyol?" Tanong ni Manuel kaya umiling-iling ako.

"Hindi pagkaka-unawaan..." Buntong-hininga niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Diyan nagsisimula ang lumot sa isang relasyon. Kung ako sa iyo ay sabihin mo na sa kaniya na hindi mo naintindihan kaagad ang liham na ibinigay niya sapagkat nasa wikang Kastila ito. Sa aking palagay ay... ipinasalin mo ito sa ibang tao at mukhang hindi tugma ang sinabi niya sa iyo sa mga salitang nasa liham kung kaya't ganiyan na lamang ang gulat sa'yong mukha nang mabasa mo ang salin ko." Sabi ni Manuel na mukhang si Detective Conan ngayon na ina-analyze ang nangyari and I must admit it, pwede na siyang maging imbestigador.

Walang h'yang Heneral Guillermo 'yun! Sabi niya sinabi ni Niño na ayaw na niya akong makita at ako naman si tanga, naniwala na totoo agad 'yung sinabi niya dahil nagsabi siya ng fact na hindi kami nag-uusap noon kaya inexpect ko na agad na totoo 'yung sinabi niya.

"Binibini... alam ba ni Kuya Fernan ang... tungkol dito?" Biglang seryosong tanong ni Manuel.

Shems! Aamin na ba ako? Oh well, nabasa na nga niya 'yung letter eh, ano pa bang itatago ko?

"Ang totoo niyan, Manuel... wala talaga akong kasintahan sa kanila. Napagkamalan lang kami ni Fernan kasi nakita kaming magkasama sa madilim na lugar sa hacienda Enriquez at oo, alam naman niyang lagi kaming nagkikita dati ni Niño kasi kasama rin naman sila ni Andong." Explain ko.

"Bakit naman kasi kayo nasa madilim na bahagi ng hacienda noon?" Tanong ni Manuel na nakakunot ang noo. Mukhang nawiwirduhan siya sa narinig niya.

"Alam mo, hindi ko rin alam diyan sa kuya mo eh. Tanungin mo nga rin minsan. Hanggang ngayon hindi ko pa natatanong eh basta siya may kasalanan nun." Sagot ko. Tumangu-tango naman si Manuel na parang na-enlighten na siya sa mga nangyayari.

"Teka, noong araw ng pista ng San Sebastian... sa hacienda Enriquez... nakipagkita ka kay Kuya Fernan sa masukal na daan papunta sa lawa, hindi ba? Hinatid kita roon dahil inutos niya." Nagtatakang sabi niya.

Napaisip naman ako at naalalang akala ko nga pala inalay na ako ni Manuel sa mga engkanto nung dinala niya ako roon sa masukal na parang gubat na 'yun tapos bigla niya akong iniwan tapos nakita ko si Niño. Nagpasungkit pa ako ng mangga tapos nahulog pa ako sa lawa.

"Si Niño ang nakita ko noon, hindi si Fernan." Sagot ko at mukhang nagulat siya pero hindi nagtagal at mukhang naabsorb din niya 'yung mga nangyari nung araw na 'yun.

"Kung gayon... w-wala kang gusto... kay Kuya Fernan?" Tanong ni Manuel na nakapagpatigil sa akin sandali.

Ba't parang nakaka-konsensiyang sabihin na hindi ko gusto ang kuya niya? Huhu.

"H-Hindi naman sa ganun—"

"Mas mainam na maging totoo ka sa tunay mong nararamdaman, binibini." Putol sa akin ni Manuel at ngumiti.

"Huwag kang mag-alala, itatanong ko ang dahilan kung bakit ka niya dinala sa madilim na bahagi ng hacienda Enriquez." Sabi pa niya at nagpaalam na.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts