webnovel

Camino de Regreso a Ti

Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa paglalakbay ng isang misteryosong lalaki. Napunta siya sa mundong malayo sa mundong kaniyang kinagisnan. Makabalik pa kaya siya sa sarili niyang mundo o matututunan na rin niyang mahalin ang bagong mundong kabibilangan niya?

PlayfulEros · History
Not enough ratings
98 Chs

LXXX

Juliet

". . . at iyon po ang dahilan kung bakit raw po nasunog ang pinangyarihan ng pagdakip sa heneral."

Napalingon nalang ako kay Adelina pagkatapos niyang magkwento. Sa totoo lang kanina pa siya may sinasabi pero walang pumapasok sa utak ko dahil iniisip ko lang ngayon kung gaano ka-unfair ng lahat.

Kahapon pala pagkaalis namin sa burol ay may dumating na mga sundalo at pinaalis lahat ng tao dahil wala raw karapatan paglamayan ang isang traydor at wala pa nga yata silang balak payagang ipalibing si Niño.

Nakakagalit. Nakakapanlumo. Hindi deserve ni Niño ang ganitong pagtrato. Hindi siya naligtas sa unang pagkakataon na mamamatay dapat siya para lang akusahang traydor at tratuhin na akala mo isang nilalang na mas mababa pa sa hayop.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko kaya naman agad ko 'tong pinigilan at pinilit na kumalma.

"May nagawa ba si Don Luis para payagan nang ilibing si Niño?" Tanong ko kay Adelina.

"Ah, oo nga po pala binibini. Nailibing kaninang umaga si Heneral Niño. Mabilisan lang daw po ito upang hindi makakuha ng atensyon. Sa palagay ko'y kahit alcalde mayor si Don Luis ay wala siyang magagawa kaya sumalisi nalang sila sa mga sundalo." Kuwento ni Adelina na bumasag na naman sa puso ko.

Nilibing na pala si Niño...

Parang may pumiga na naman sa puso ko nang marealize kong hindi man lang ako nakapunta sa libing niya. Hindi naman ako papayag na maging ganito nalang ang lahat. Hindi ko kayang pakawalan si Niño nang ganito nalang. Agad akong nagpalit ng damit at kinuha ang madalas kong ginagamit upang makababa rito sa terrace.

"S-Saan ka po pupunta, binibini?" Natarantang tanong ni Adelina nang makitang binababa ko 'yung pinagdugtung-dugtong na kumot.

"Kay Niño." Sagot ko habang binubuhol 'yung mga kumot sa railings ng terrace.

"Ngunit umuulan, binibini." Pigil pa sana sa akin ni Adelina.

"Wala akong pakialam." Sagot ko at bumaba na.

Buti nalang talaga at nakinig ako sa pinagdadaldal kagabi ni Adelina kung saan nakalibing ang mga Sebastian. Pinag-usapan kasi namin kagabi kung paano ililibing si Niño at kung may magagawa kaya si Don Luis para mabigyan ng disenteng libing ang anak niya.

Nang makarating na ako sa lugar na kinukwento ni Adelina kagabi, nakita ko nga na may mukhang bagong bungkal na lupa at may mga bulaklak na nakapaligid dito pero ang ikinagulat ko ay nakita ko pa si Doña Isabela na nakaluhod sa lapag kahit na napakaputik nito gawa ng pagbuhos ng ulan.

Nagtago ako sa likod ng malaking puno 'di kalayuan sa kanila dahil ayaw kong magpakita. Hindi ko alam pero pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa kanila pagkatapos ng lahat.

"Halika na, Ina." Rinig kong sabi ng boses ni Padre Ernesto.

"Hindi! Hindi ko iiwan si Niño!" Rinig kong sigaw ni Doña Isabela at ramdam na ramdam ko ang pagdadalamhati sa boses niya kahit pa palakas na nang palakas ang patak ng ulan.

"N-Niño... anak ko..."

Napatakip agad ako sa bibig ko nang maramdaman ko na onti nalang at hahagulgol na rin ako ng iyak dahil kay Doña Isabela.

"Bakit... bakit nangyari 'to?! O, Diyos ko! Bakit ang anak ko?!" Rinig ko pang daing ni Doña Isabela at tuluy-tuloy na ring umagos ang mga luha ko.

Bawat salita at paghikbi mula sa kaniya'y pakiramdam ko tumutusok sa puso ko kaya ramdam na ramdam ko ang kalungkutan at in a way, sakit na nararamdaman niya ngayon.

"W-Wala siyang ibang hinangad kundi ang kalayaan at kapayapaan... bakit siya pa? Bakit kailangang mangyari ito sa anak ko? Bakit kailangang mangyari ito kay Niño?"

"Niño... bakit mo kami iniwan? Bakit mo ako iniwan? O, Diyos ko... ang Niño ko..."

Bakas na sa boses ni Doña Isabela na pagod na pagod na siya. Sa palagay ko simula nang mabalitaan nilang wala na si Niño ay hindi na siya tumigil sa kakaiyak. Halata rin sa boses niyang namamalat na siya sa kakaiyak pero hindi 'yun naging hadlang sa pagluluksa't pagdadalamhati niya.

Pasimple akong sumilip sa kanila at nakitang inalalayan na siya ni Padre Ernesto tumayo habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Naglakad na sila patungo sa karwahe 'di kalayuan kung saan ako nagtatago at nakita ko si Don Luis na nakatayo lang sa tabi nito, basang-basa rin sa ulan katulad ng kaniyang asawa't panganay na anak. Inalalayan nila pareho si Doña Isabela pumasok sa karwahe at pumasok na rin sila atsaka umandar na ito palayo.

Ilang minuto akong nanatiling nakasandal sa malaking punong pinagtaguan ko, hinahayaang mabasa ng ulan ang sarili ko, atsaka lang nagkaroon ng lakas ng loob maglakad patungo sa kung saan inilibing si Niño.

Sandali akong nanatiling nakatayo lang sa tapat nito, nakatitig sa lupa kung nasaan nakalibing si Niño at hinayaan na ang mga luha kong sumama sa patak ng ulan na umaagos sa mukha ko.

Gusto ko na ilabas ang lahat dahil umabot na rin naman sa ganito.

Akala ko ba may malaki pa siyang gagampanan sa pagbabago ng kasaysayan kaya ko siya nailigtas nang dalawang beses? Pero bakit sa pangatlo doon pa siya nadali kung kailan wala ako–—

Natigilan ako sandali nang marealize ko na... nandoon ako. Nandoon ako no'ng may nagbabarilan.

Paano kung... itinakda palang iligtas ko si Niño noon pero hindi ko lang nagawa? Paano kung sa pagkakataong ito, sa akin ulit nakasalalay ang kaligtasan ni Niño pero nabigo akong gawin ang kung ano man ang kailangan kong gawin para mailigtas siya?

Paano kung... kasalanan ko kung bakit wala na si Niño ngayon?

Napaupo nalang ako sa lupa na mistulan nang putikan dahil sa bagong bungkal na lupa't sunud-sunod na patak ng ulan.

Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kung nabigo nga akong iligtas si Niño sa kamatayan na kinaharap niya.

Napahawak ako sa isa sa mga bulaklak na nakapaligid sa libingan ni Niño at kinuha 'yon.

"Napakadaya mo naman, Niño." Bato ko ulit ng bulaklak sa bagong bungkal na lupa.

"Napakadaya naman ng tadhana."

Bakit kung sino pa ang may tunay na mabuting adhikain at puso, sila pa ang agad na nawawala sa mundong 'to? Bakit kung sino pa ang higit na kailangan ng mga tao ay sila pa ang agad na kinukuha mula sa mga mahal nila at nagdurusa nang sobra?

Hindi ko mapigilang sumang-ayon kay Doña Isabela dahil totoo lahat ng sinabi niya.

Bakit kailangang mangyari kay Niño ang lahat ng 'to? Wala na siyang ibang ginawa kundi lumaban para sa bayan, para sa kalayaan pero nagawa pa 'to ng sarili niyang mga kasamahan sa kaniya.

Nagawa niyang umalis sa mismong araw ng kasal namin para sa tungkuling dapat at pinili niyang gampanan dahil sobrang tapat niya sa kaniyang paglilingkod sa bayan pero ganito pa ang isusukli sa kaniya? Ipinahuli na parang isang kriminal, ipinapatay na parang isang tulisan, at sinunog na para lang isang hayop?

Ngayon alam ko na kung saan nagmumula ang galit ko. Sa mga taong nagawa ito kay Niño, sa mga nangyari, sa pagiging hindi patas ng lahat.

Isang bayani si Niño pero ni hindi man lang siya nabigyan ng isang maayos na lamay at disenteng libing kung saan pwede siyang pagluksaan ng mga taong malapit sa kaniya. Kung ituring siya ngayon ay para siyang traydor kahit na ang totoo ay ang nakaupo ngayon sa kapangyarihan ang nagtraydor sa kapwa niya kasamahan at sarili niyang bayan.

Napatingala nalang ako sa madilim na kalangitan na nakikipagdalamhati sa puso ko ngayon. Hinayaan kong tangayin ng tubig ulan ang mga luhang bumabagsak sa mukha ko.

"Niño..."

"Akala ko ba gusto mo akong pakasalan? Bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon?"

"Bakit ba pinili mong u--umalis nung araw ng kasal natin?"

"Kung hindi ka umalis... hindi sana naging ganito ang lahat. Kung pinili mo lang sana ang sarili mo kahit nung mga oras lang na 'yon..."

Nakakapagod din palang umiyak. Nakakapagod ding makaramdam ng sakit.

Hindi ko inaasahan sa buong buhay ko na makakaramdam ako ng ganitong sakit.

This pain is so much worse than a heartbreak. I just lost the man I love the most. The first and only love I had in this life of mine.

General Enrique Luis Enriquez y Sebastian el cuarto... the man who I loved in the year 1899, the man who I lost in the same year.

Napailing-iling nalang ako habang patuloy ang pag-agos ng mainit na luha sa pisngi ko pati na malamig na tubig ulan na nag-aalis nito.

Funny how fast you can find love in someone and how fast you can lose it too. If I knew that it'd end this way, I should've held his hand a little bit longer and tighter when I had the chance.

I love you, Niño...

Napayuko na ulit ako at tuluy-tuloy na naman ang pag-agos ng mga luha ko. Sobrang sakit. Kahit sobrang dami ko nang iniyak at inilabas, sobrang sakit pa rin.

Naiisip ko palang na hindi ko na muli pang makikita si Niño... 'yung mga nagniningning niyang mga mata, matangos niyang ilong, at manipis niyang labi. Pakiramdam ko paulit-ulit na nagugunaw ang mundo ko.

Napapikit ako sa sobrang sakit at bigat ng dibdib ko.

Hindi ko pa rin matanggap.

Bakit ang bilis? Bakit ang biglaan? Bakit nangyari lahat ng ito? Ano na ang gagawin ko? Ano na ang rason ko para magpatuloy?

Simula nang aminin ko sa sarili kong mahal ko si Niño, sa kaniya na umikot ang mundo ko. Siya na ang naging dahilan ng lahat ng bagay na ginagawa ko sa panahong 'to pero ngayon... ano na? Pakiramdam ko wala na akong pakinabang, wala nang purpose ang lahat.

Naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ko at nilalamig na rin ako. Siguro dahil sa matagal na pagkakababad sa ulan pero nanatili ako sa lapag kung nasaan nakalibing si Niño. Hindi ko alintana ang putik o lakas ng ulan dahil sa totoo lang... para sa akin ay wala na rin namang kahulugan ang lahat.

Pakiramdam ko tutumba na ako nang tuluyan sa lapag pero nagulat ako nang may biglang sumalo sa akin. Naramdaman ko ring may kung anong tela ang ipinatong sa akin atsaka ako napalingon at nakita si Angelito. Mukhang hinubad niya ang coat niya na nakapatong sa akin ngayon dahil puting polo nalang ang suot niya.

"Umuwi na tayo, binibini." Pasigaw na sabi niya dahil malakas ang buhos ng ulan habang patuloy ang pag-agos ng tubig ulan sa mukha niya.

Umiling-iling ako. "A-A--Ayaw..."

Napakapit ako sa coat niyang nakapatong sa akin kahit pa basa na rin ito dahil nanginginig na ako sa lamig. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin at walang sabi-sabi'y naglakad na.

Kakalas pa sana ako sa pagkakabuhat niya pero sobrang hinang-hina ang katawan ko. Sobrang bigat nito na pakiramdam ko'y hindi na ako makakilos.

Maraming salamat sa pagbabasa!

- E

PlayfulEroscreators' thoughts