webnovel

C.C'S DIARY (Tagalog)

xxAstraea_Milieuxx · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Chapter 7

~~~ ★★★ ~~~

The words began to stick and tears to flow.

Her meaning now was clear to see.

The love she'd waited for was someone else, not me

Wouldn't you know it, she wouldn't show it

~~~ ★★★ ~~~

CELESTINE

Since my mind cannot phantom what just happened earlier, kusang kumikilos ang aking katawan. Tinanggal ko ang aking gown na suot at nagpalit ng isang comfortable na jeans and T-shirt. Kumakatok si Nanay Josie kanina pero hind ko siya pinagbuksan.

Wala sa sariling kinuha ko ang isang malaking backpack sa aking closet. Maingat kong inilagay doon ang isang jacket, cellphone, wallet, charger, power bank at lahat ng importante kong documents. I don't know why, I just felt the need to do so.

This mansion is my home for 19 years. And now, matapos ang ginawa ni Alex, I feel like a total stranger in here.

I opened my secret drawer and found the pregnancy test kit. This made me cry in silence. Inilagay ko rin ito sa bag ko, I also grab my parents picture on my table.

Sasama na po ako, Mommy, Daddy

Tonight, my fight with the monsters will end.

Sasama na ako sa kanila. I guess, by that, maiibsan ang sakit na nararamdaman ko, baka sakaling gumaan ang pakiramdam ni Alex. Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha habang kinukuha ang mga importanteng bagay sa aking drawer.

Ni hindi ko na napansin na nalaglag pala sa carpet ko ang gamot na bigay ni Migz.

Bawat kilos ko ay maingat at mabilis. Nag-iwan din ako ng note para kay Tita-Mommy. Madilim na pasilyo muli ang sumalubong sa akin. Pero hindi ako sa grand staircase dumaan, bumaba ako sa dulong pasilyo passing through Alex's room.

Muli namang tumulo ang aking mga luha, idinantay ko ang aking kamay sa kaniyang pintuan habang humihikbi at nadudurog ang puso. Dahan-dahan ko itong binuksan at sinalubong ako ng amoy ng kaniyang pabango. Para bang nandito pa rin siya kahit wala na. Tiningnan ko ang bakanteng kama, maging ang kaniyang study table.

Nakalagay doon ang ilan naming picture frame, mula noong highschool pa lang kami hanggang sa ang pinakabago ay noong nasa University kami at nakatambay lang sa may bench kung saan siya natutulog madalas. Marami din akong mga pictures na candid shots. Lahat ng iyon ay isa-isa kong inipon at maingat na inilagay sa basurahan niya.

Kasinungalingan lang ang lahat. Walang katotohanan. I was just a good fuck for him.

Bumaba ako at sinalubong ng malamig na simoy ng hangin na nagbabadya ng ulan.

"Tinetot?" napapiksi ako ng marinig na may tumawag sa'kin. Laking pasalamat ko naman ng makita si Mang Roger, ubos na ang paninda nito at pauwi na ata, "—Batang 'to, saan ka naman pupunta sa oras na 'to?"

"N-naghihintay po ako ng taxi.. pupunta na ako kina Mommy at Daddy"

"Hindi mo kasama si Alexis? Halika, ihahatid na kita doon sa may arko.. alam mo namang walang nakakapasok dito basta. Bakit d ka tumawag sa security para ikuha ka ng taxi? At may driver naman kayo diba?" hindi ako umimik, agad akong sumakay sa loob ng side car Mang Roger kasama ng mga gamit sa pagtitinda.

Pinasalamatan ko rin siya hanggang sa makasakay ako ng taxi.

Tinaasan pa ako ng kilay ng taxi driver ng marinig ang pupuntahan ko. Sino ba naman ang hindi? Dis oras na ng gabi, ako lang mag-isa, may dalang malaking bag at sa sementeryo ang punta.

Pero dahil sikat naman ang sementeryo, nagpatuloy na rin ang biyahe namin. It's heavily guarded 24hrs kaya may nagpapasok sa'kin at dinala pa 'ko sa musuleo nina Mommy at Daddy. Nagkatitigan pa ang mga guard na nakatao at nagbabantay bago ako iniwan, parang may tinawagan pa nga sila.

I stayed there for good two hours. Nanatili lamang akong nakatulala sa mga pangalan nina Mommy at Dady habang nakasalampak sa marmol na sahig.

Their smiling faces somehow comforts me. Hanggang sa mapaiyak na naman ako.

Ang tanga-tanga po ng anak ninyo. Isinuko at ibinigay niyang lahat sa isang taong pinaasa at pinaglaruan lang siya.

"I'm sorry, Mommy, Daddy… hindi k-ko dapat ginawa 'yon… hindi dapat ako naniwala kay Alex" iyak ko "—I am such a failure.. kaya sasama na po ako sa inyo"

Nanalangin ako at nagsumbong kay Mommy at Daddy through my cries and sobs.

Ayaw akong paalisin ng mga guard on duty sa sementeryo. Delikado na daw sa daan dahil sa maulan. Hindi nila alam na mas delikado ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon. Kahit anong pilit nilang pigil, umalis pa rin ako.

"Miss, dito ka na muna… tinawagan na namin 'yung bahay mo at parating na raw ang sundo mo" ngunit hindi nila ako napigil.

Nakaalis ako sa sementeryo ngunit hindi pa man nakakalayo ay siyang buhos ng malakas na ulan. Parang 'yung ulan noong unang beses na may nangyari sa amin ni Alex.

I used to hate the rain when my parents died, then I loved it because of Alex. Pero ngayon, wala akong nararamdaman kundi pagkamuhi sa ulan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, ni hindi ko na nga alam kung nasaang lugar ako. Sa sobrang lakas ng buhos ng ulan ay para akong binabato ng maliit na bato. Madilim ang paligid at mas pinalala pa iyon ng ulan.

Tumigil lamang ako sa paglalakad ng mapasin na tanggal pala ang sintas ng aking sapatos. Agad akong yumukod upang ayusin ito ngunit bago ko pa man ito maayos, ako'y napapikit mula sa pagkakasilaw sa isang liwanag mula sa aking kaliwa. Kasunod nito ay isang malakas na preno at ang pag-ikot ng aking mundo.

In an instant, I came back to that scene. Nasa loob ako ng kotse, inaabot ang mga kamay ni Mommy. Pero ibang senaryo ngayon, dahil hawak ko na ang kamay ni Mommy at Daddy at parehas silang nakangiti sa akin. I held my mother's hand real tight and never let it go.

Unti-unti, nawala ang sakit na nararamdaman ko. I can already feel that I'm being taken away from the pain. Physical and emotional.

I smiled.

Tapos na. This is it. I'm sorry, my baby.. hindi naging strong para sa'yo si Mommy. But that's fine, kasama naman natin sa heaven sina Lolo at Lola mo, it wouldn't be a sad one.

ALEXIS

I have to go home.

I have to hurry.

I have to say sorry.

Damn it! I will even beg for her forgiveness!

Ibibigay ko pa sa kaniya 'yung binili kong sing-sing. She will say yes to me and be mine forever.

Tirik na ang sinag ng araw ng dumatig ako sa bahay. Sa likod ako dumaan kung saan ako umalis, kung saan iniwan ko si Lexy na nagmamakaawang wag akong umalis.

Pero iniwan ko pa rin siya. My world shattered into tiny little pieces when she got down on her knees and begged.

But I have to clean my name on Claudel's side! And Lexy won't let me go not unless I say those hurtful things. And as she made me choose, kitang-kita ko kung paano mawalan ng buhay ang mga mata niya.

I have to see her immediately. I have to—

"Alexis?" naabutan ako ni Nanay Josie na papasok na sa kusina. Puno ng pagtataka ang mga mata nito dahil nakapustura pa rin ako.

"Batang ito, anong ginagawa mo diyan? Saan ka pupunta? O mas tamang itanong na saan ka galing? Akala ko may LBM ka kaya nandoon ka lang sa kwarto mo"

"LBM?" takang tanong ko.

"Oo, e ayun ang sabi nina Benedict kagabi.." hindi ko alam kung magi-guilty ba ako sa sinabi ni Nanay Josie. Pinagtakpan na naman nila ako.

"S-si Lexy po, Nanay?" kinakabahan na tanong ko.

"Nasa kwarto niya, naku mukhang napagod kagabi at ayaw magpa-istorbo. Ikinandado pa ang pintuan!" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, "Pambihira ka talaga, hala, magbihis na ka at sunduin na si Tine nang sabay na kayong mag-almusal"

Dire-diretso akong umakyat sa aking kwarto. Mabuti na lamang at wala akong nakasalubong ni isa man kina Mommy at Daddy. Siguradong sa suot ko, hindi sila maniniwala na nagka-LBM ako. Nang makapsok ay agad akong nagpalit ng damit. And Mom, for sure hindi siya maniniwala.

Alam niya, alam niyang yayayain ko nang magpakasal si Lexy kagabi.

Pero bakit parang may kulang sa mga gamit ko? Tiningnan ko ang paligid, sa pader, sa mga estante. Parang may nawawala. Nang lumingon ako sa aking study table, nawawala ang picture frame!

"Nanay! Nanay Josie!" sigaw ko. Agad namang pumasok ang matanda na humahangos. Itinuro ko ang aking pader. Ang mga estante "Nanay, nasaan 'yung mga pictures namin ni Lexy na nandito? Nilinis niyo po ba?"

"Aba'y hindi.." nagtataka rin na sagot nito, halos baliktarin ko ang aking kama para lang mahanap ang mga pictures. Pictures namin ni Lexy.

"Eto pala, Alexis!" tumakbo ako papunta kay Nanay Josie only to see all of our pictures in my trashcan.

Nanikip ang dibdib ko sa nakita. She must've hate me that much. Kinuha kong muli ang mga iyon at isinabit kung saan sila dapat.

Ilang oras pa akong nanatili sa aking kwarto bago ako muling tawagin ni Nanay Josie para sa tanghalian. Huminto siya sa harap ng kwarto ni Lexy para katukin ito pero walang sumagot, tiningnan ako ni Nanay.

"Kanina pa walang nasagot sa kwarto ni Tine.." mabilis akong lumapit at kinalampag ang kaniyang pintuan.

"Lexy! Lexy! Open the door!" sigaw ko na may kasamang kalampag. Paano kung nanaginip na naman ito ng masama? "Nanay, 'yung susi ng kwarto niya, pakikuha please.." atubili itong umalis "Baby, it's me, Alex.. please open the door.. nandito ako.. please" pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng dugo sa aking mukha ng walang sumagot.

"—Baby, I'm back. I'm here now, hindi na ako aalis.. please open this door…" Iniabot sa'kin ni Nanay ang susi, nanginginig ang mga kamay na ipinasok ko ito sa key whole.

"What's happening? Bakit mo binubuksan 'yung kwarto ni Tine?" that's my Mom. Nabuksan ang seradura ng pinto at nakapasok kami sa loob.

Pero walang Lexy. Wala nang Lexy.

"Baka naman nasa CR?" sinilip ni Mommy ang banyo pero wala din doon, even she became uneasy, "B-baka naman maagang nagising tapos may binili—"

"Ma'am… Lex…" tawag sa amin ni Nanay Josie. Hawak niya ang isang pilas ng Notebook, her eyes full of fear and worry. Bumibilis ng bumibilis ang tibok ng puso ko "—para po sa inyo ito" kinuha naman agad ni Mommy ang sulat.

Hindi nakawala sa paningin ko ang bukas na botelya sa sahig. Maagap ko itong nilapitan at pinulot.

P-puro gamot! Oh gods. Oh gods please no. Sana hindi totoo ang iniisip ko. Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong takot sa tanang buhay ko, ngayon lang. Naputol ang pagpa-panic ko nang umiyak si Mommy.

Napaupo ito sa kama kung saan nakalatag pa ang pulang gown na suot ni Lexy kagabi. Kinuha ko ang sulat sa kaniyang kamay, pamilyar ang sulat kamay, maging ang papel na ginamit.

Tita-Mommy,

You're an angel that my Mother left para alagaan ako. Thank you so much for the love, the acceptance, the family that you have given me. Sa suporta and for taking care of our company. I owe you a lot, Tita-Mommy, kayo ni Tito-Daddy. But tonight, I decided to end this. To end my fight.

This is my birthday wish. Sasama na ako sa kanila. Hindi na ako tatakbo pa, hindi na ako lalaban.

I will see you again, Tita-Mommy. Sana po mapatawad ninyo ako ni Tito-Daddy. Mahal na mahal ko po kayong lahat.

C.C

Kusang nalaglag sa aking kamay ang sulat, para akong nawalan ng lakas sa nabasa. Dinala ako ng aking mga paa sa kaniyang closet. Maayos na nakatupi ang mga damit pero halata na may ilang nawala. Binuksan ko ang kaniyang drawer and saw that it's empty too. Lahat ng importante niyang documents, dala niya.

Pero saan siya pupunta?! Damn it, Lexy! Hindi mo man lang ako hinintay na magpaliwanag!

"Ma'am! Alexis! May nakakita daw kay Celestine!" agad kaming nag-angat ng paningin ni Mommy saka sinundan si Nanay Josie palabas ng mansyon. Nandoon si Mang Roger na nangangamot ng batok.

"E hindi ko naman ho alam, ngayon lang din nasabi sa'kin ng anak ko na birthday pala kahapon ni Tine kaya pumunta ako dito para sana bumati, akala ko nakabalik na siya e" paliwanag nito.

"M-Mang Roger, saan ho pumunta si Lexy?" nanginginig na tanong ko.

"Nakita ko siya bago maghating gabi, naghihintay daw ng Taxi at pupuntahan daw ang Mommy at Daddy niya, inihatid ko na sa may arko… tinatanong ko nga kung bakit hindi na lang magpahatid o kaya tumawag sa security ng taxi, e hindi naman nasagot" napakapit sa akin ng mahigpit si Mommy.

"Oh my God, si Tine.."

"Patay na po ang mga magulang ni Lexy.." paliwanag ko. Kita ang takot sa mga mata ni Mang Roger. Halata na wala siyang alam.

"Kung ganoon, baka nasa sementeryo?" Shit! That's right! Agad naming tinawag si Kuya Simon para ipagmaneho kami papunta sa musuleo ng mga Crisostomo. Sumaludo pa sa amin ang mga guard.

"Ay opo, nandito kagabi... sinamahan pa nga namin doon sa musuleo ng mga magulang niya.. kaso nagpumilit na umalis" bagsak na naman ang balikat naming dalawa ni Mommy.

Walang kahit sinong nagsalita sa'min nang may mapansin si Mommy at pinatabi si Kuya Simon sa may pavement. Wala sa sariling bumaba din ako. Sa di kalayuan, may pinulot siyang isang puting bagay.

"Lex! Alexis!" tawag ni Mommy but I didn't move. Abala ang isip ko sa pag-iisip kung saang lugar pa namin siya pwedeng hanapin. "FRANCO ALEXIS!" my mother's voice broke down. Saka ko lang napansin ang hawak niya.

It's a rubber shoe. It's Lexy's rubber shoe! Para akong nakalutang habang naglalakad palapit kay Mommy at sa hawak niyang sapatos. Lalo pa ng makita ang bakas ng dugo na nandoon.

And that was the last time we saw Celestine Crisostomo. She disappeared like a smoke into the thin air. Without a trace, without a clue or a sign kung saan man siya pupunta. Wala.

Wala na siya.

~~~~~~~

5 YEARS LATER

"Sir Alexis, nasa labas po ulit si Ms. Ericka, gusto kayong makau—"

"Tabi! Ako ang kakausap sa kaniya!" mula sa mga papeles na hawak ko, lumipat ang aking tingin sa babaeng nasa aking harapan. She have this long blonde hair at halata sa mukha na may ibang lahi siya "—Alexis please, let's talk"

"Misha, I already told you. Wala tayong dapat pag-usapan"

"B-but… you can't do this to me! Please… I will do everything—"

"Stop and go out"

"Alexis—"

"NOW!" napapiksi ito sa aking sigaw. Masyado siyang maingay and I am concentrating right now.

"Please Alex, I'm begging you, please don't leave me... Kailangan kita, kailangan pa kita"

Napailing ako ng muling maalala ang boses ni Lexy habang nagmamakaawa siya sa akin. Ibinilin ko kay Banjo na wag magpapapasok ng kahit sino sa aking opisina. Even my parents.

My mind was busy calculating how can I burn our competitors down when my clock strikes 2pm. Agad na tumunog ang aking phone and saw her and her child's face on my screen. Talagang on time.

Iniligpit ko na ang aking gamit nang pumasok si Banjo. My secretary. May dala itong hindi kalakihang box na nakabalot sa isang pink na wrapper.

"Sir Alexis, baka makalimutan po ninyo 'yung regalo para kay Sophia"

Walang reaction ko itong kinuha sa kaniyang kamay at umalis. Inilagay ko ang regalo sa aking passenger seat saka bumyahe papuntang Laguna. Ilang oras ang byahe, pumasok ako sa isang magarbong bahay na maingay dahil umpisa na ng party. I pasted a smile bago lumabas.

Bitbit ang regalo, sinalubong ako ng mga kasambahay at itinuro sa garden. Rinig ko agad ang matinis na sigaw ng isang batang babae. Something warm touched my heart when I saw the kid running around and probably having the greatest time of her life. Napatingin ito sa'kin at lalong napalaki ang ngiti.

"TITOOOO" tawag nito sa'kin, I kneeled down at sinalubong ang kaniyang maliliit na braso ng yakap. She clung to my neck and hug me tight.

"Happy birthday, Sophia" ika ko sabay halik sa kaniyang maliit na pisngi. Ilang sandali pa, her mother appeared in front of us.

"Akala ko hindi ka pupunta e, magtatampo talaga si Sophia niyan" ibinalik ko sa kaniya si Sophia.

"I don't have the heart to break hers, Claudel, alam mo 'yan.."

"Yeah, yeah, so you're breaking someone else's heart.. ilan na sila?" tanong niya na nagpakamot sa aking noo.

"Are we really having this conversation in front of your child? I mean, they know where they stand from the beginning, hindi ko kasalanan na umasa sila" pagtatanggol ko sa aking sarili.

"Parang sinabi mo na rin 'yan sa'kin noon" saka ito natawa "Ikaw talaga, halika na sa loob, he is waiting for another drinking session with you… pero kumain ka muna bago uminom ha, maawa ka naman sa atay mo.. kahit sa atay mo na lang"

Yep. Claudel is already married. But not with me. She has a child, but not with me.

After our third bottle, I began to feel dizzy.

"Kumusta ka naman? Another model was crying her heart out on media last week because of you" ika ni Bernard. Claudel's husband.

"Her fault, umpisa pa lang malinaw na naman ang intensyon ko sa kanila, a good fuck. That's it. No more. It's not my fault if they expected too much from me" napatango naman ito. "She's so demanding sa oras, for fuck's sake, I am managing 3 companies right now!"

"Pero mawawala na sa inyo ang Crisostomo Associate of Accountants diba?" napaayos ako ng upo sa sinabi ni Bernard. Nawala ang kalasingan ko when I remembered that. My Dad talked to me about returning CAA to it's owner.

Who the fuck is the owner? Celestine was gone for 5 years now. Walang ibang nag-claim sa amin noon.

"As if papayag akong mawala 'yon sa mga kamay ko"

"Hmmmm, bakit naman? Dahil 'yon na lang ba ang tanging memory na iniwan ni Celesti— " tiningnan ko si Claudel na ngayon ay nakaupo na sa tabi ng kaniyang asawa. "—ooopps, ayaw niya nga palang mabanggit si Celestine" tahimik lamang kaming tatlo "Alexis, sorry ulit sa nangyari sa inyo. Kulang ang forever para humingi ako ng sorry sa gulong ginawa ko sa buhay mo, ninyo"

5 years ago I choose to leave Lexy's birthday party to be with Claudel. I choose to leave Lexy and forgot to ask for her hand. Claudel found out that she's pregnant at ayaw siyang panindigan ng taong nakabuntis sa kaniya. She was suicidal and kept on calling me. As much as I want to stay, umalis pa rin ako.

I explained what happened to Claudel's parents. Na hindi ako ang ama. But when I got home, wala na si Lexy. 5 years ago, my heart died. My whole being was shattered into pieces and was never fixed again.

Naging malungkutin si Mommy simula nang mawala si Lexy. Kahit hindi niya sabihin, alam kong sinisisi niya ako sa pagkawala nito.

Me and Dad didn't loose hope though. Naghanap kami ng naghanap. Private investigators didn't do good too. Walang nakaalam kung nasaan si Lexy. Walang hospital records.

I was about to go home when I remembered something. May kinuha pa ako sa likod ng aking bulsa, it's a Notebook. Iniabot ko ito kay Claudel, she accepted it na may pagtataka sa mga mata. I think it's about time na ibalik ko na ito sa kaniya.

"Ano 'to?" puno ng pagtataka na sinipat niya ang notebook.

"That's yours, naiwala mo 'yan back in college, sa bench na higaan ko remember?" binuklat nito ang Notebook na nakataas ang kilay.

"It's a diary..." tiningnan niya ito from page 1 hanggang sa dulo, "Parang love letter sa'yo ah, OMG. Kaya ba nagpakita ka ng interes sa'kin noon dahil akala mo sa'kin 'to?" napaayos ako ng upo.

"That's... Not yours?"

"Nope. Ang nawala kong Notebook noon ay drawing Notebook. Puro anime drawings dahil balak kong kumuha ng animation course when I was in college… the writer of this Notebook, kung sinuman siya, she must know you very well, and love you so much"

"B-But C.C?"

"Hello! Ako lang ba ang CC sa university? There's Cleopatra Capellan, Crisaldo Conde, myghad! Ang daming CC..." natigilan ito sandali "... Celestine Crisostomo" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Si Lexy? Pero? She's… Parang mas lalong sumakit ang aking ulo sa sinabi ni Claudel.

"I think I've had enough drinks for tonight, uuwi na ako, Bernard, Claudel.." inihatid ako ng dalawa sa kanilang garahe kung saan nakaparada ang aking sasakyan.

Ginugulo na naman ni Lexy ang isip ko, katulad nitong nakaraaang limang taon. Hindi niya ako pinapatahimik. Hindi mawala sa isip ko ang imahe niyang umiiyak habang nagmamakaawa na wag akong umalis.

Wala nang ilaw sa bahay pagdating ko. Walang tunog na umakyat ako sa second floor pero hindi ako sa aking kwarto dumiretso.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan na palagi kong pinupuntahan noon, I told Lexy that she's just a good fuck. But no, she was and still  the best. I cannot compare her to anyone hanggang ngayon. Umupo ako sa kaniyang kama at pinadaan ang aking daliri sa kaniyang unan.

At katulad ng nakasanayan, dito na naman ako hihiga at matutulog. Ito ang naging kwarto ko sa loob ng limang taon. Dito lang ako nakakatulog ng mahimbing, ng walang bangungot ng mukha niyang umiiyak habang nagmamakaawang wag akong umalis.

~~~~~~~~~~~~~

"Pang ilang bote mo na 'yan?" hindi na ako nagulat nang lumitaw sa kanan ko si Benedict. Sa kaliwa naman si Sandro. Umorder din sila ng mga inumin. "Lipat na tayo sa VIP, padating na si Troy at Yuan" ika niya.

"Ready to see me?" I mock. Sandro tap my back.

"C'mon, Lex, it's been five years... They've moved on already, ikaw na lang ang hindi" he kid. Oh please, someone tell me how to.

Pumunta nga kami sa VIP room na palaging pinapa-reserve ni Troy.

They're on the middle of laughing when we entered. Napahinto sila sa ginagawa ng makita kami, ako to be specific. Tiningnan lamang ako ni Yuan habang si Troy naman ay nginitian lamang ako.

"Nandito na pala 'yung fuck boy, himala at bakante ka ngayon? O aalis ka kaagad?" ika nito.

"I'm not a fuck boy, and I will stay"

"Really now?"  Yuan mockingly said. "—Ganyan din ang sinabi ng lahat ng kilala kong fuck boy.." he commented, for the first time in five years. Tumayo ito at walang anu-ano ay hinila ako para yakapin. "Welcome back.."

Napailing naman ako saka natawa. Our night was like our old nights, we picked up from where we left. No one mentioned her name. Ni hindi ako makalakad ng maayos when I got home.

Talagang nagpaka-walwal kaming lima. Mabuti na lamang at si Troy ang may-ari ng bar, called our respective drivers and drove us home.

Naabutan ko pa sa sala sina Mommy at Daddy na gising pag dating ko.

"Alexis, lasing ka na naman?" Mom asked the obvious. I didn't respond.

"Drink to oblivion all you want, Alexis. But don't give me damn excuse that you can't attend tomorrow's event because you had a freaking hang over..." may pinalidad na sabi ni Dad "—Tomorrow is the turn over of Crisostomo Associates of Accountants to it's owner and the next will be the formal press conference" I grunted in response.

"Dad, we talked about it already! Hindi ako papayag na kung sinu-sino lang ang hahawak ng CAA" ika ko habang umaakyat sila ng hagdanan ni Mommy. Dad stopped for a while and looked at me.

"Who says I'm giving it to someone I don't know?" hindi ko maintindihan ang sinabi ni Dad, nawalan na ba ako ng kakayahan to comprehend because I'm drunk? "And by the way, your brother is coming home in two days too"

Dammit! Uuwi na naman siya! Siya na naman ang bida! I shook my head at dumiretso sa aking kwarto. I took a very cold shower para magising ang aking diwa. Agad akong nahiga sa aking kama at natulog.

Mamili ka, kami o siya?

Kitang-kita kung paanong nawasak ang puso ni Lexy ng marinig niya ang sagot ko. Kung paano siya nanlumo at napaupo sa damuhan.

"Baby, I'm sorry.. please.."

Sinungaling ka, Alexis. I hate you!

"No, please let me explain—" hinabol ko ang papaalis na si Lexy, when I was about to hold her, bigla na lamang siyang naglaho ng parang bula.

I was gasping for air when my eyes opened and a familiar place camenin recognition. I am in my room again. Pinakiramdaman ko ang aking leeg, puno ito ng pawis kaya naman tinanggal ko ang aking sando at parang zombie na naglakad papunta sa kwarto niya.

"Can't sleep?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Mommy, she was wearing her robe na para bang may hinihintay, "Nightmares again?" hindi ako sumagot.

Hinawakan ko lamang ang seradura ng pintuan ni Lexy. Trying to calm myself and not to break down in front of her. Lumapit sa'kin si Mommy at humawak din sa pintuan. Para kaming may hinihintay na mangyari.

Hanggang sa si Mommy na mismo ang nagbukas at pumasok sa loob. Nanatili ako sa labas, lumibot siya sa loob at tiningnan ako.

"Hindi ka ba papasok? It'll make you feel better in here" alanganin kong inihakbang ang aking mga paa. Palapit sa kama. Humiga ako doon and I instantly felt better.

"This place has been your hiding place since then..." kwento niya "—Son, I'm sorry if I blamed you for Tine's lost.." she said without looking at me.

"I wanted to be a good friend in memories of Calliope that's why I took Tine over, but I blamed you when she choose to go away. Mahal na mahal ko kayong mga anak ko and I am sorry If I was hard on you.."

Hindi ako nagsalita.

".. I know you also suffered, I mean still suffering... But please don't waste your life, let's live for her" easy to say. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya, wala man lang kaming bangkay na makita para man lang ipagluksa.

"She promised me that she'll come back, I know she will.. at malakas ang kutob kong malapit na 'yon. Get her back. Do your promise that she'll be a Bustamante under your name, okay?"

Everything Mom said was all blurry because sleep is slowly eating me. Wala na akong maintindihan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A S T R A E A