webnovel

Burning Romance (Tagalog)

Sa Isla Tala nagsimula ang mala-roller coaster na relasyon ni Kristin kay Carlos Sejero, ang CEO ng CrowMance Publishing Company. Nakarating lang siya sa isla dahil sa trabaho at hindi sumagi sa kanyang isipan na sa huling gabi niya dito, maa-angkin ng lalake ang kanyang birheng katawan. Ano ang nararapat niyang gawin kung sa bawat gabi ng kanyang pagtulog, naiisip niya ang halik at haplos ng lalake. Kaya niya bang ibigay ang kanyang buong puso kung ang namamagitan sa kanila ay parang apoy lang, liliyab ngunit maaapula rin sa huli? ************************************************** The cover is not mine. Credits to the rightful owner.

aeyoza · Urban
Not enough ratings
13 Chs

Don't fall on the spur of the moment (a)

Kristin

Papalubog na ang araw pero heto ako't nakahiga parin sa aking munting kama. Nagpakawala ako ng malalim na hininga sabay pitik ko sa limang libong nakapatong ngayon sa aking kutson.

"Aba, anak. Nanalo ka ba ng lotto at nagagawa mo naring pagmasdan ng buong dalawang araw ang pera mo."narinig kong saad ni Mama sa pintuan ng aking kwarto.

Sana nga napanalunan ko na lang ito sa lotto, kaya lang hindi. Binigay ng hudas na lalakeng 'yon. Oo, ang naging impresyon ko sa kanya ay mabuti rin pa lang tao na hindi umaalipusta ng iba. But, I spent my precious two days thinking about him-No, I mean this money. At bakit kailangan kong gamitin ang aking English spokening dollar para sa kanya?Why o why?

"Hindi ko ito pera, Ma."maikli kong sagot kay Mama.

"Kristin!"gulat akong tumingin kay Mama nang tawagin niya ako sa mataas niyang boses. Umupo na ako mula sa aking patagilid na pagkakahiga at hinarap si Mama.

"Natutunan mo narin bang magnakaw ngayon."

Humiga ulit ako at pinikit ko ang aking mga mata.

"Eh saan mo ba kasi nakuha ang perang 'yan? Napulot mo?May nagpahiram sayo?"sunod-sunod na tanong ni Mama.

Matagal akong hindi umimik hanggang sa napagdesisyonan ko naring magmulat at tumingin ulit kay Mama.

"Ma, hindi pa ba ako naglaba ng mga damit ko?"paninigurado kong tanong.

"Hindi pa."

Bumalikwas ako at mabilis akong bumaba mula sa kama ko. Wala akong isusuot na uniporme bukas kung hindi pa ako kikilos ngayon.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin."

"Paano ko sasabihin, kung nakikita kong parang pasan mo na ang mundo. Sige sabihin na lang natin na malaking halaga ang perang 'yan pero kailangan ba talagang problemahin mo ng buong dalawang araw?"

Hindi ko na pinansin ang tanong ni Mama, dahil binitbit ko kaagad ang tray ng mga nagamit kong damit.

"O baka naman, hindi 'yang pera ang iniisip mo."napalingon ako kay Mama at nanatili ang sarili kong nakatingin sa kanya.

"Tama ako, hindi nga-"umiling ako.

"Pera ma. Pinag-iisipan ko kung isasa-uli ko ba 'yan o hindi."paliwanag ko at tuluyan ko ng binitbit ang tray.

"Anak, papadilim na pero bakit napansin ko ang pamumula ng mukha mo."habol sa akin ni Mama.

"Na-aarawan ang kwarto ko Ma, mainit kaya namula ang mukha ko."

Tuloy-tuloy lang naman akong pumunta sa likod-bahay namin para magsimula ng maglaba.

"May nangyari ba talaga sayo noong Biyernes?"at sinundan pa talaga ako ni Mama.

Pinili kong hindi kumibo habang inihahanda ko na ang planggana at balde.

"Lalake ba 'yan?"

Ayokong paganahin ang utak ko ngayon at mag-isip ng kung ano-ano kaya mas minabuti kong ituon ang atensyon ko sa dapat ko talagang gagawin. Binuksan ko na ang gripo at tinapat ko ang balde dito, sunod kong hiniwalay ang puti sa de-kolor kong damit.

"May hitsura?"

"Lahat may hitsura, ma."hindi ko na napigilang sagot kay Mama.

"Lalake nga."

"Anong lalake ang pinag-uusapan niyo diyan, Ma?"

Palihim akong ngumiti, mabuti na lang at dumating na ang kapatid ko para hindi ako lalong usisahin ni Mama.

"Bakit ngayon ka lang dumating?!"

Sumulyap ako sa kapatid kong umaatras na mula sa pintuan namin sa likod. Tinignan ko ang kapatid ko at nagkibit-balikat ako sa kanya. Mabilis naman siyang tumalikod at tumakbo palabas.

"Krizelle!"sigaw ni Mama at hinabol na niya ang lakwatsera kong kapatid.

"Ma, may project kami kaya nag-overnight ako sa kaklase ko!"

Napapa-iling na lang ako habang sinimulan ko na ang paglalaba ng mga damit ko.

"Mula Biyernes?Hah?!Dalawang gabi kang hindi umuwi! Anong project 'yan?!"

"Ginawa nila ang buong Universe ma!Kaya hindi naka-uwi!"gatong ko.

"Ate Belen, tama si Kristin!"bumaling ako sa tabing bahay at nakita ko kaagad na nakasilip sa bintana ang kapit-bahay namin.

Nagthumbs-up naman ang kapit-bahay rin namin na medyo nasa dulo, natatawa na lang akong linagay ang natapos kong linabhan na damit sa balde.

Wala ng nakakabigla na nakikisawsaw ang mga kapit-bahay namin dahil sanay naman na kami sa isa't-isa. Alam na nga namin kung anong oras ang show ng isa't-isa, may umaga, tanghali, gabi, tapos may hating-gabi pa.

"Ma, gusto ko naring umuwi noong Biyernes pa kaya lang strikto ang professor namin, kailangan naming i-submit bukas kaya tinapos namin. May deadline kasi ang project, ma."

Nagsasampay na ako ng mga damit ko ng marinig ko ang paliwanag ng kapatid ko, humupa narin ang galit ni Mama sa kanya kaya nakaka-buo na siya ng idadahilan niya.

"Sobrang wala nga kaming tulog dahil talagang tinapos namin, rush na talaga Ma kaya hindi ako naka-uwi."

"Ganoon ba anak?Natapos niyo naman?"

Napa-iling ulit ako, ang dali talagang maniwala ni Mama sa mga palusot ni Krizelle.

"Hindi ba, Ate?Strikto talaga sila sa college."nagsisiguro pang tanong ni Krizella nang pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Oo, ma."sagot ko upang matapos narin ang show dito sa amin at makapagsimula narin ang mga kapit-bahay namin.

Deretso na akong naligo dahil sobrang naiinitan na ako, buong araw ba naman akong nagkulong sa kwarto.

***************************************

"Saan ka pupunta?"bumaling ako kay Mama mula sa kusina, kasalukuyan siyang nagluluto.

"Sa labas ma."sagot ko at nagpatuloy na ako sa pag-alis sa bahay namin.

"Kakain na tayo."

"Mauna na lang po kayo. Hindi pa ako nagugutom."

Huling sabi ko bago ako tuluyang nakalabas sa bahay namin. Naisip ko na magpahangin muna para naman maginhawaan rin ang pakiramdam ko at utak ko.

Sinabi ko sa sarili ko na magpapahangin ako pero tinulak ako ng mga paa ko sa loob ng convenience store. At nagdesisyon ang mga kamay ko na bagkus na lumanghap ako ng hangin, iinom na lang ako ng alak.

Kaya nasa kamay ko na ngayon ang San Mig Light at ninanamnam ko na ito sa aking lalamunan. Linabas ko ang limang libo mula sa aking bulsa at tinitigan ito.

Laman man ito ng aking konsensya pero mas higit parin ang pag-iinsulto sa akin ng lalakeng iyon. Napatango ako sa sarili ko, sapat na ang dalawang buong araw para mapagtanto kung hindi niya ako binayaran dahil sa nasayang kong oras kundi insultuhin ako na pera lang ang katapat ko.

Tumungga ako at napatawa sa hangin, bakit ngayon ko lang naisip na iyon ang gusto niyang iparating sa akin-

"Miss, pwede bang maki-upo ako."umangat ang tingin ko at napatitig ako sa babaeng nakabusiness coat na may hawak na bag, dalawang libro, at apat na San Mig Light, hindi ko alam kung paano nakaya ng dalawa niyang kamay ito. Masubok nga ito minsan.

Luminga ako sa paligid para tignan kung wala bang bakanteng lamesa-

"Na-okupahan na lahat ng table."napatango ako nang idagdag ng babae ito.

"Oo, sige lang, ma-upo ka."

"Salamat."

Pinatong niya ang mga San Mig Light sa lamesa, tapos ang libro at bag niya sa kabilang upuan. Pagkababa pa lang niya ng gamit niya, kaagad niyang kinuha ang isang bote at mabilis niya itong binuksan. Napakurap ako ng ilang beses sa mesa tapos lipat sa babaeng tinutungga na niya ang San Mig.

Galing niya.

Wala ng umimik sa aming dalawa at bumalik na kami sa sari-sarili naming mundo. Lumipas pa ang ilang minuto hanggang sa naubos ko na ang binili kong isang bote ng San Mig.

"Miss, kuha ka, hindi ko rin naman 'yan mauubos."tumingin ako sa babae tapos sa tinuro niyang mga bote. Tinitimbang ko ang sarili ko kung tatanggapin ko ba ang alok niya.

Ang plano ko, uuwi na ako pagka-ubos ko nitong isang bote pero parang gusto akong biyayaan ng alak ngayong gabi kaya inabot ko na ang isa.

Tatayo na sana ako para buksan sa loob ng convenience store. Pero nagsalita ang babae para pigilan ako.

"Ako na ang magbubukas niyan."saglit ko muna siyang tinignan bago ko binigay rin ang bote sa kanya sa huli.

Kinuha niya ito at mabilis ulit niya binuksan gamit ang mesa at ang kamay niya. Ang bilis talaga ng kamay niya kaya hindi ko alam kung ano ang technique niya dito.

Nagpasalamat ulit ako nang inabot na niya sa akin ang bote. Pareho ulit kaming tahimik hanggang sa nagulat na lang ako ng may babae ulit na lumapit sa mesa, at mas nagulat ako ng ipinatong niya sa mesa ang anim na San Mig, na hinuli pa niyang ipinatong ang kanyang clutch bag.

"Paki-bukas."saad niya sa naunang babaeng naki-upo rin.

Nagpalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"I saw you opening her bottle a while ago."turo sa akin ng kararating na babae.

Inabot naman ito ng unang babae at binuksan talaga tapos binigay rin sa kararating na---ayoko na, nalilito na ako sa kanilang dalawa.

"Thank you."

"My pleasure."

Pare-pareho narin kaming natahimik, kaya tinuon ko na ang mga mata ko sa boteng nasa harapan ko. Pero bigla akong may na-isip kaya inangat ko ang mga mata ko at tumingin sa dalawa.

"Natural bang makaramdam ng init sa katawan kapag naididikit nating mga babae ang balat natin sa mga lalake?"