webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · Urban
Not enough ratings
46 Chs

Chapter Thirteen

Magbuhat nang magkasagutan sila ng ama ay lalo na itong naghigpit sa kanya. Halos hindi siya pinapayagang lumabas nito kung hindi rin lamang kasama ang kanyang yaya Adela o di kaya naman ay si Cindy. Laking pasasalamat nga niya na pinagkakatiwalaan ng ama ang bestfriend kaya't sa manaka nakang pagkakataon ay nakakapag kita sila ni Gael outside of school. Simula din noon ay hindi siya kinakausap ni Enrique, pakiramdam nga niya ay isa lamang siyang dekorasyon sa bahay.

She tried talking to him, nagbabaka sakaling mapaliwanagan ito ngunit nanatili itong matigas.

"Leave that man o ituring mo na lang akong patay, Nina Louise" matiim nitong saad ng minsang niya itong subukang kausapin.

Kaya naman nang hapong iyon ay tila nabuhayan nang pag asa si Louise nang malamang ipinatatawag siya ng ama sa opisina nito upang makausap.

Tatlong katok ang kanyang ginawa bago itinulak pabukas ang pintuan ng opisina nito. It was a little awkward, pakiramdam niya ay ibang tao ang kanyang kaharap at hindi ang sariling  ama. Pormal siya nitong sinenyasan upang maupo.

"Ipinapatawag niyo raw po ako?"

Isang tango ang isinagot nito "gusto ko sanang pag usapan natin ang nalalapit mong kaarawan. I've already contacted an events planner"

"Ayoko po sana ng magarbong birthday party, Papa... I'm only turning 17 anyway, it's not my debut yet"

"I've already told all my business associates about it, ganoon din ang mga kumpadre ko tungkol sa kaarawan mo. Sana naman kahit dito man lang ay hindi mo ako ipahiya"

Louise bit her lower lip. Her dad's words were like knife cutting through her heart.

sana naman kahit dito man lang ay hindi mo ako ipahiya...

Really? kahihiyan lang ba ang naibibigay niya sa ama? She tried her best all her life to make him proud, isinubsob niya ang ulo sa pag aaral. She did almost everything he had asked her, but she simply couldn't give him the one thing na hinihiling nito ngayon - ang iwanan si Gael.

"...as you wish, papa"

Bahagyang nagliwanang ang mukha ng ama "good. I will tell Rachel to come and meet you sometime this week, para masabi mo sa kanya ang mga preference mo sa motif ng party mo" ang tinutukoy nito ay ang matandang sekretarya nito.

Akma na siyang tatayo sa kinauupuan ng muli itong magsalita "oh and Louise, please invite your entire school for your birthday" direkta siyang tinitigan nito "including that man"

Did she hear her dad right? Invite everyone, including Gael? Hindi niya mapaniwalaan ang narinig, maybe she misheard him?

"a-are you sure, dad?"

"Yes. Gusto kong narito siya para marinig ang mahalagang iaanunsyo ko" pormal na sagot nito.

Sumikdo ang dibdib ni Louise. Her dad is up to something "iaanunsyo? anong announcement Papa?"

Nagsalin ng whisky si Don Enrique sa kopita bago muling tinapunan ng tingin ang anak "your official engagement to Andrew Villaraza."

"What?!" hindi makapaniwalang tanong niya, nanlisik ang kanyang mga mata sa ama.

Andrew who?! Ni hindi nga niya kilala kung sinong herodes ang Andrew na ito at ngayon ay bigla na lamang sasabihin nito na iaanunsyo nito ang engagement niya sa lalaking ito!

"Nagbibiro ka Papa!" she said in disbelief, napatayo sa kanyang kinauupuan.

Humigop ito ng whisky "seryoso ako Louise. Andrew's parents and I have talked about it years ago, that when you turn 21, we would arrange your marriage to their only son. Medyo napadali lamang ngayon, dahil sa pagiging matigas ng ulo mo" kalmadong sagot nito.

"You can't be serious! ni hindi ko kilala ang Andrew na yan!" sigaw niya sa ama. Naghihisterya na ang kalooban niya.

"He is the only heir to the Villaraza Jewellers. His parents and I have been business partners for a long time now."

"I don't care kung siya man si Prince William! I am not getting engaged! I will not allow it!"

"You will marry Andrew Villaraza, Nina Louise, whether you like it or not! Hindi ako makapapayag na sa isang hampaslupa ka lamang mapunta!" bulyaw nito sa kanya.

"Mamamatay muna ako papa bago mangyari 'yan! patayin mo na lang ako!" ang kalooban niya'y gusto nang sumabog ngayon sa sama ng loob! Gustong gustong pumatak nang kanyang mga luha in frustration but she held them all back with everything she got. She will not let her dad see a single tear fall from her eyes!

"Walang magagawa ang pagtanggi mo. You are marrying Andrew Villaraza whether you like it or not! I have already signed the consent papers, since you are still a minor" kinuha nito ang isang papel mula sa drawer ng desk nito at inilapag iyon sa mesa upang kanyang makita. She grabbed the paper at pinagpupunit iyon.

"Napaka sama mo Papa! I hate you!" she immediately turned back and ran away.

Sa kanyang kwarto ay sumubsob siya sa unan so no one would hear her sobs.

He is so unfair! I hate him! I hate you papa! Hinayaan niyang maibsan nang pag iyak na iyon ang damdaming tila sumasakal sa kanyang dibdib, pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.

Matapos ang ilang sandali ay naupo siya sa kama at pinahid ang mga luha. With trembling hands, she took her cellphone and dialled a number. Her birthday is in another month, she still has sometime to plan something. Hindi niya alam kung ano ang gagawin but she's sure she needed to do something...anything para hindi mai-anunsyo ng ama ang kahibangan nito. Kilala niya ang papa niya, batas ang salita nito sa mansion at maging sa mga tauhan nito. Hindi ito nagbibiro sa sinabi kanina. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang mga pangyayari dahil lamang sa natuklasan nitong relasyon nila ni Gael.

**********

Kasalaukuyang ikinakabit ni Gael ang gulong nang kanyang motorsiklo nang mag ring ang cellphone niyang nakabulsa sa kanyang pantalon. Dinukot niya iyon at sinagot "hello?"

"h-hello..." nanginginig na boses ni Louise ang bumungad sa kanya.

Agad na pag-aalala ang bumalot sa pagkatao niya "sweetheart, what's wrong?are you hurt? bakit ka umiiyak?" sunod sunod na tanong niya. Agad niyang binitiwan ang gulong na dapat sana ay ikakabit, he walked, pacing back and forth habang naghihintay ng tugon mula sa kabilang linya.

"G- Gael..." she started. Dinig ni Gael ang pigil na pag iyak nito. Lalo lamang tumindi ang pag aalala sa kanyang dibdib.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita! Ano ba ang nagyari?" Inipit niya ang telepono sa pagitan ng tenga at balikat at inabot ang t-shirt niyang isinabit niya sa isang sulok ng garahe. Kapag ganitong nagkakalikot siya ng sasakyan ay nakaugalian na niyang hubarin ang pang itaas. Nagmamadali niyang isinuot iyon upang puntahan ang dalaga, saan man ito naroroon.

"T- take me away from here Gael... magpakasal na tayo..." she said in a trembling voice.