webnovel

Bulong ng Puso

Louise was 16 when she met Gael, ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepared to leave everything for him - her status, her fortune, maging ang sariling ama na sa simula pa'y tutol na sa kanilang relasyon. All of that she was prepared to do, masunod lamang ang isinisigaw ng puso. But he betrayed her, shattered her into pieces. Lumayo si Louise, to heal her broken heart and start all over. It took her a long time to rebuild her life but like a sick twist of fate, not only was she forced to face him again after 6 years but he also offered something that's hard to refuse - kasal kapalit ng pagbabalik nito ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya. Louise was never materialistic kahit pa lumaki sa masaganang pamumuhay, but those properties, lalo na ang Hacienda Saavedra, ang buhay ng kaniyang amang si Don Enrique. Gael was too honest in saying it's purely business and no love involved sa alok nito, pero paano siya? Can she handle being around him again? Can she guarantee herself not to fall in love with him again?

aprilgraciawriter · Urban
Not enough ratings
46 Chs

Chapter Four

Narating nila ang hacienda nang wala silang imikan habang daan. Galit nga ito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan.

She gently removed her helmet and handed it back to him "salamat..." halos hindi lumabas ang kanyang tinig. Hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa mga mata nito at sa halip ay itinuon ang panignin sa kanyang mga paa.

"you can keep it with you" tugon nito.

"h-ha? bakit?" gulat niyang tanong, lifting her head up to look at him.

He smiled and gently pinched her cheek sa kanyang pagkabigla "you have no idea how pretty you are, don't you?"

Louise bit her lower lip sa tindi ng kabog ng kanyang puso. She's almost surprised kung bakit hindi pa ito lumabas mula sa kanyang dibdib.

"I'm saying keep it with you for next time"

"next time?" her voice went up an octave. Napatawa si Gael ng malakas.

"niloloko mo ba ako?" nakasimangot niyang tanong, her voice now a little irritated.

Sumeryoso ito and reached out for her chin and gently lifted her face up to meet his gaze "hindi po, senyorita. Hinding hindi kita lolokohin. You have my word. Now go, nag aalala na siguro ang papa mo". He glanced at the mansion at muling binuhay ang makina ng motorsiklo.

"see you tomorrow, love. Dream of me" pinaharurot na nito paalis ang motorsiklo.

Naiwan si Louise na nakatingin pa rin sa daan kahit hindi na niya ito matanaw.

"Louise! naku itong batang ito!" boses ni yaya Adela ang pumukaw sa atensyon ni Louise. Papalapit ito sa kanya dala ang malaking payong "ano ba ang ginagawa mong bata ka? aba eh nagsisimula na ulit umulan!" naroon ang pag aalala sa tinig nito, dali dali siya nitong pinayungan at iginiya papasok sa

malaking gate.

Kinuha nito mula sa kanya ang plastic bag niyang dala na kinalalagyan ng unipormeng basa "saan ka ba nanggaling na bata ka? malapit nang mag hurumentado sa galit ang papa mo!" sinipat nito ang kanyang suot

"saan mo nakuha ang damit na yan?"

"hi-hinatid po ako ng kaibigan ko yaya. Wala na po kasing tricycle sa paradahan.." paliwanag niya. Yeah, she lied a little bit. Ang totoo ay hindi pa naman niya alam kung mayroon pa bang masasakyan pauwi o wala. Napapayag lang talaga siya ng binatang ihatid. hmp! kunwari ka pa, eh gusto mo naman! usig

ng kunsensya niya.

"ku...eh siguraduhin mong magpalit muna ng damit bago ka humarap sa papa mo" paalala nito

Hindi birong sermon ang inabot ni Louise mula sa ama, galit na galit din ito kay mang Erning at muntik itong sisantehin. Si mang Erning ay hindi magkamayaw sa paghingi ng paumanhin, na aksidente pala ang anak nito sa kabilang bayan kaya't imbes na sunduin siya ay dumertso ito papunta sa San Martin dala ang sasakyan. Malamang, sa kalituhan nito ay hindi na naisip pang tumawag. Siya na mismo ang nakiusap sa ama na huwag sisantehin ang

driver, sa kabutihang palad ay naging resonable pa rin naman ito sa kabila ng galit.

*******

Pinindot ni Louise ang orasan sa kanyang night table, it illuminated, displaying the time 12:45 . Inis niyang binuksan ang night lamp at padabog na umupo sa kama, yakap pa din ang kanyang teddy bear. Kanina pa siya biling baliktad sa higaan pero hindi siya dalawin ng antok. Kahit anong gawin niya ay mukha ni Gael ang nakikita niya. She turned her bear to face her at kinausap ito na tila ba ito si Gael "what was that about earlier huh?" she let out

a sigh at mahina itong sinuntok "nakakainis ka!" matapos ay niyakap itong muli. you have no idea how pretty you are, do you? a smile slowly crossed her lips pagkaalala sa tinuran nito. Hindi na namalayan ni Louise kung anong oras siya iginupo ng antok. Ang tanging sigurado niya ay ang binata pa rin ang

laman ng kanyang isip hanggang sa pagpikit ng kanyang mga mata ng gabing iyon.

Kinabukasan ay may siglang nag ayos siya patungong eskuwela. Unlike other days ay naisipan niyang magpahid ng manipis na pink na lipstick at ilugay ang lagpas balikat na buhok na madalas ay ipinupusod lamang niya.

She's always hated her natural curls. Ilang ulit na niyang pinag isipang ipa-rebond ito kaya nga lamang ay mahigpit ang protesta ng kanyang yaya Adela. Pinaraanan niya ng tingin ang sarili sa salamin at smiled at herself, pleased at the reflection she saw there.

It was Friday - the only day of the school week na maaaring magsuot ang mga estudyante ng "civilian clothing" kung tawagin nila. She had a harder time than usual picking out an outfit today. Jeans at t-shirt lamang ang malimit niyang isuot kapag ganitong Biyernes but she

wanted to look extra pretty today. She chose a light pink fit and flare floral printed dress. Ang laylayan nito ay above the knee pero hindi matatawag na maiksi. She paired it with her white low cut chuck taylors. Isang ikot pa sa salamin ang kanyang ginawa bago bumaba mula sa kanyang silid.

"Good morning!" masiglang bati ni Louise pag pasok sa dining area, naroon na ang ama at kasalukuyang nagkakape. Umupo na siya sa kanyang pwesto sa kabisera at umabot ng pancake. Agad na lumapit ang katulong sa kanya at sinalinan ng juice ang baso niya.

"aba, maaga ka yata hija" puna ng ama sa pagitan ng paghigop nito ng kape

"may practice po kami ngayon sa cheering squad" she answered and took a bite of her pancake

"ku... practice nga ba?" makahulugang tingin na may halong panunukso ang ibinigay sa kanya ng yaya Adela niya.

"yaya!" may pag aalalang sinulyapan niya ang ama. Laking pasasalamat niya na tila hindi naman nito binigyan ng pansin ang sinabi ng mayordoma. Pinandilatan niya ng ito ng mata ngunit isang mapanuksong ngiti ang naging tugon nito sa kanya.

"sino nga pala ang naghatid sa iyo kahapon?" tanong ng ama habang kaswal an binubuklat buklat ang pahayagan, she was glad na hindi ito nakatingin sa kanya dahil pakiramdam ni Louise ay namutla siya sa tanong na iyon.

"ah...yung..yung..schoolmate ko po Papa" she took a gulp from her juice glass

Tumango tango lamang si Don Enrique at kapagkuway ibinaba ang diyaryo sa mesa at mapanuri siyang tinignan "a guy?"

Muntikan nang maibuga ni Louise ang laman ng bibig. She tried her best to act natural "yes, Pa" she then glanced at her wristwatch "Gosh, it's time for me to go" sinabayan niya iyon ng tayo at hinagkan sa pisngi ang ama " see you later Pa"

"hinatyin mo si Erning mamaya kahit anong mangyari. And make sure your phone is charged" pahabol na bilin nito.

*******

"Bes!" masiglang kaway ng kaibigang si Cindy ang sumalubong sa kanya sa practice grounds, naroon ito kasama ang ilang mga kasamahan nila sa cheering squad. Agad siyang nilapitan nito and as usual, iniangkla ang braso sa kanya "ano itong nababalitaan kong meron daw magandang dalaga ang inihatid ng isang uber hunk na transferee gamit ang motorbike kahapon?" malapad ang ngiti nito sa kanya

"paano mo nalaman?" takang tanong niya

"hay naku! Nina Louise Saavedra! meron ba namang nakakalusot sa radar ng mga tsismosa dito sa SMU?" eksaheradong tugon nito. Kung sabagay, tama naman ang tinuran nito, wala ngang nakakalusot sa mata at tenga ng ilang kaklase nilang tila mga reporter, lalo na kapag involved si Gael o kaya naman ay siya.

"oh ano?" untag ni Cindy sa kanya "totoo hano?" kinikilig na tanong nito

"it's not like what you think bes"

"not what you think ka diyan! nagtatampo nga ako sa kase hindi mo ako tinawagan para balitaan!"

"may date ka kaya kagabi, remember?"

"kahit pa!" nakalabing protesta nito "things like these are like emergency! hindi dapat ipinagpapabukas at dapat agad na sinasabi sa BEST FRIEND" binigyang diin nito ang word na best friend.

"o sige, next time po promise..."

"uy, may next time na agad? nanliligaw na ba sayo?"

"ikaw talaga bes, daig mo pa may bulate jan sa pwet mo kung kiligan ka" natatawa niyang sagot "kahapon ko lang nakilala, nanliligaw na agad?" naiiling na lang siya sa bilis ng imahinasyon ng kaibigan

"Oh eh bakit? Hindi na uso yung pinatatagal ngayon noh. Kung gusto ka at gusto mo rin, ano'ng problema dun?"

"nagmagandang loob lang yung tao bes, baka naman mabait lang talaga sya ganun"

"naku, I doubt it bes! he's totally into you! You'll see" masiglang sagot nito.

Is he? she can't deny na may galak siyang naramdaman sa dibdib sa kaisipang baka nga gusto siya nito. But then again, hindi naman niya gustong maging assumera.

Mabilis na natapos ang cheer practice nila ng araw na iyon, matulin ding lumipas ang hapon ngunit hindi man lamang niya nakita ni anino ni Gael. She was feeling disappointed at hindi niya naitago ito sa kaibigan na agarang napansin ang pag iiba ng mood niya sa hapon. She went from ecstaticly happy to silent.

"alam mo bes, yang halo-halo mo, durog na" puna ni Cindy sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa canteen para sa 3 o'clock break nila sa klase. Ni hindi niya

napansin na kanina pa pala niya hinahalo iyon ngunit hindi naman kinakain. Bahagya siyang napahiya sa kaibigan, she really looks like an idiot.

Napansin din niyang nagbubulungang nakatingin sa kanya ang isang grupo ng mga babae sa katapat na mesa, medyo naghahagikgikan ang mga ito, with

them of course was Marcie Gonzales, ang babaeng pwedeng maging presidente ng hate club niya sa SMU, if only there was one. She and Marcie had been classmates from as long as she could remember at mga bata pa lamang sila ay malaki na ang disgusto nito sa kaniya, for reasons only Marcie will know.

She tried to be nice to her and even offered friendship but hate was the only response she got back from her. By the time they reached high school, Marcie was trying to compete with her with everything. Noong bata pa siya ay hindi niya maintindihan ang pag uugali nito sa kanya, as she grew up she slowly realized that it was probably envy. Sa ganda ay hindi naman magpapahuli ang dalaga ngunit sa estado sa buhay, Marcie was way behind her. Anak ito ng

katiwala ng Mayor ng bayan nila. The mayor has really been good with the family, dahilan kung bakit nakapag aral ito sa Saint Martha University.

Hindi nagtagal ay tumayo si Marcie mula sa kinauupuan nito at maarteng naglakad patungo sa mesa nila ni Cindy. Walang paalam itong umupo across from her at the table at nakakalolokong kumalumbaba sa mesa, directyly eyeing her "well. It looks like her highness is disappointed. Hindi ba nagpakita ang prince charming?" maarteng tanong nito sa kanya, a smirk on her face.

"hoy Marcie! lumayas layas ka nga dito ha! kung hindi baka sabunutan talaga kita" gigil na sagot ni Cindy bago pa siya nakatugon

Marcie chuckled "really Louise, hindi ko maintindihan how you became best friends with someone who clearly has no breeding or class" painsulto nitong tiningnan si Cindy mula ulo hanggang paa.

"look who's talking" she snapped at Marcie.

Nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan siya "ano'ng sabi mo?!"

Louise stood up and met her gaze, halos magdikit ang mukha nila. Si Marcie ay nagngangalit ang mga bagang sa kanya.

"I said..." sadyang ibinitin niya ang kasunod na salita "look. who's. talking" she said in the bitchiest tone she could muster.

"aba't!" bago pa siya nakapag react ay mabilis na naitaas ni Marcie ang kamay at akmang sasampalin siya.

"so unlady like to resort to violence" gulat na napatingin si Louise sa pinanggalingan ng baritonong tinig na iyon. Her heart skipped a beat. Si Gael,holding Marcie's wrist in the air.