webnovel

BTS JIN Destined Lovers

des·ti·ny - the events that will necessarily happen to a particular person or thing in the future. Jin isang KPOP idol member ng isang sikat na KPOP GROUP WORLDWIDE na BTS (Bangtan Sonyeondan) na nakilala ang isang ordinaryong babae na si Sandy. Two person meet in the same place at the wrong time. "Siguro hanggang dito na lang talaga tayo Jin, Mahal kita mahal na mahal kita kaya pinapalaya na kita..." Hindi na nya napigilan ang muling pagtulo ng kanyang mga luha "Ayoko ng mahirapan ka pa na isakripisyo mo ang sarili mo dahil lang sa utang na loob..." paliwanag nya dito "What?! anong sinasabi mo?!" gulat ng tanong nito Mamahalin mo lang ba ang isang tao dahil sa utang na loob? Paano kung ang taong mahal mo ay nasa piling na ng kaibigan mo? Ano ang kaya mong isakripisyo ang taong mahal mo o ang iyong karera?

IamJhinggay · Others
Not enough ratings
18 Chs

The Ex

Door bell...

Habang nanonood ng TV si Sandy, agad nyang binuksan ang pinto ng marinig na may nagdoorbell. Nakita nya si Jimin sa tapat ng pinto.

"Hi! pasok ka" aya nya dito

"Hi! Andyan na si Jin?" nakangiti nitong bati

"Wala pa bakit?" takang tanong niya

"Idinaan ko lang ito" sabay abot ng bag "nakalimutan kasi ni Jin kanina sa photoshoot nagmamadali kasi syang umalis, naiwan nya akala ko nakauwi na sya" paliwanag nito

"Ganun ba... paalam nya kasi sakin gagabihin daw sya sa photoshoot..." takang sabi ng babae

"Ha?" gulat na sagot ni Jimin

TV

'Breaking New!!! Jin of BTS spotted at the hotel with her ex-gf Faye'

Biglang napalingon silang dalawa sa TV ng marinig ang balita at nagkatinginan.

"Uhm Sandy I have to go, medyo pagod na kasi ako papahinga na ako" bigla nitong paalam

"Uhm... sige mag-ingat ka salamat sa paghatid nitong bag..." malungkot ng sabi ni Sandy at tumungo naman si Jimin

Pagkasara nya ng pinto napasandal sya dito at unti-unting tumulo ang mga luha.

Habang nasa kwarto iniisip nya kung bakit nagawa ito ng kasintahan sa kanya. Ang alam nya lang ay mahal na mahal sya nito.

Isa na naman ba itong dagok sa relasyon nila. Bakit bumalik ang ex nya? Bakit magkasama sila? Bakit kailangan nitong magsinungaling sa kanya? Ang daming tanong na gumugulo sa isip nya, hindi nya alam ang kasagutan.

Nadatnan na lang nya ang sarili ng unti-unti iniimpake ang kanyang mga gamit. Wala syang balak na umuwi ng Pinas pero parang hindi nya kaya ang mga nangyayari sa kanila. Naisip nya din ang kanyang mga anak, kailangan na nyang umalis. Tumawag sya sa kaibigan at buti na lang at nakahiram sya dito ng pera. Hindi pa sapat ang savings na naipon nya sa kanyang online job kaya naisipan nyang manghiram muna dito. Hindi rin naman nya ginagamit ang card na binigay sa kanya ni Jin at pera nito. Ayaw nyang isipin ng ibang tao na inaabuso nya kung anong meron ito.

Sa BTS Dorm

Naunang umuwi si Jimin sa dorm nila dahil may pupuntahan pa ang iba niyang kasama. Simula ng umalis sya sa apartment nila Jin, ilang beses na nyang tinatawagan si ito ngunit nakapatay ang phone nito.

"Jin bakit naka-off ang phone mo!" sigaw nya

"Hey! bakit galit na galit ka?" tanong ni RM hindi nya namalayan na dumating na ang mga ito

"Guys may problem tayo" deretsang sabi nito, nagkatinginan ang mga ito

"About what?" tanong ni RM

"Si Jin"

"Anong meron kay Jin?" nag-aalalang tanong ni JK

"Narinig nyo na ba ang balita?

"Ano?!" sabay sabay nilang tanong

"Nakita ng paparazzi si JIn at napicturan sya papasok ng hotel kasama ang ex-girlfriend nya, ngayon pinagpipyestahan na sya sa mga news" paliwanag ni Jimin

"Paano nangyari un? Ang alam ko nasa ibang bansa ang ex nya" tanong ni JK

"I don't know" inis na sagot nito

Maya-maya nagring ang celphone ni RM

'Hello Sir'

'Si Jin kasama nyo ba?'

'No sir dun sya tumutuloy sa apartment nya ngayon bakit po?'

'Did you heard the news?' tanong ng nasa kabilang line

'Yes Sir sinabi po ni Jimin samin, nauna po kasi syang umuwi dito sa dorm kadarating lang namin' paliwanag nya

'Kanina ko pa kasi sya tinatawagan naka-off ung phone nya, I need to talk to Jin and I need to clarify this issue' kalmado nitong sabi

'Ok Sir, I will try to contact him and pareturn call ko po sa inyo si Jin'

'Ok thanks bye' at pinutol na nito ang line

"Si Boss hinahanap si Jin hindi daw nya makontak" si RM

"Kanina ko pa nga siya tanatawagan kasi sasabihin ko kanya alam na ni Sandy ang balita sa kanya" inis na sabi ni Jimin

"What?!" gulat ng tanong nila

"Paano nya nalaman?" tanong ni J-Hope

"Dumaan kasi ako kanina sa apartment nila, dinala ko ung bag na naiwan nya sa photo shoot eh akala ko naman umuwi na sya kasi nagmamadali sya un pala ang paalam nya kay Sandy gagabihin daw sya gawa ng photo shoot natin in short nagsinungaling sya kay Sandy kaya nagulat sya ng malaman na maaga tayo natapos" paliwanag nito

"Patay!" sabi ni V

"Tapos nanonood pa sya ng balita kanina nung nandon ako sakto naman na binalita yung kay Jin nagulat nga kaming dalawa kaya napauwi ako ng de oras kasi baka tanungin ako eh di ko naman alam yung tungkol don"

"Naku malamang away yan mamaya pag-uwi ni Jin" si V

"Ang tanong kasi dun bakit kailangan nyang magsinungaling kay Sandy kung saan sya pupunta at malamang may usapan na sila ni Faye kaya nagsinungaling sya" si Hobi

"We all know Jin, We know how much he love Sandy. Malamang may reason sya kung bakit nya ginawa yun, kung bakit sya nagsinungaling at kung bakit nya kasama si Faye. Alam din natin na hindi sya playboy diba" si RM

"Kaya ayoko ng comitment sakit sa ulo" si Suga

"Ikaw talaga, JK kausapin mo si Jin kayo ang super close baka makinig sya sayo"

"Ok no problem" si JK.