webnovel

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Chapter 66

Chapter 66: Wala Na Ba?

After 3 days, successful ang mga plano namin. Nag-response na 'yong minessage ko at hindi naman ito mahirap pakiusapan na i-delete 'yong mga photos, bagkus ay humingi pa ito ng tawad. Tapos na rin 'yong pag-post ko sa facebook page namin about sa issue, mabuti na lang talaga ay may evidence kami para madali naming ma-convience 'yong nga tao. Sobrang galak at tuwa namin nang bumalik na muli 'yong mga customer sa shop namin.

Nandito ako sa bahay at naisipang linisin ang buong kuwarto ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng free time para gawin ito, hindi ko na rin kasi naaasikaso dahil busy na rin sa school before and for the shop now kaya sobrang kalat na rin.

Kasalukuyan kong tinatanggal lahat ng stuff ko sa loob ng kabinet ko. Na-curious ako when I saw a little box placed below inside the cabinet. Kinuha ko agad iyon at ipinatong sa ibabaw ng kama ko.

Sa sobrang tagal na nito doon ay hindi ko na matandaan kung anong laman nito. Maalikabok na 'yong ibabaw kaya pinunasan ko muna iyon bago buksan.

Nang tuluyan ko nang buksan iyon ay napangiti ako sa sarili at kusang natandaan na muli kung anong laman nito. Pinagsama-sama ko pala lahat ng stuff na natanggap ko mula kay Oliver noon dito sa loob ng kahon. Such as, diamond ring, diamond necklace, panyo na bigay ni lola sa akin (I know it was my personal stuff but there's a memory with him created here), 'yong mga panyo na natatanggap ko mula sa kanya dahil sa paglalagay niya rito ng sticky note, 'yong teddy bear na pinanalo niya sa perya and lastly, 'yong librong ibinigay niya sa akin.

Kinuha ko iyon at binasa ulit 'yong title. "My new story with you."

I just smiled while opening each pages. Honestly, dati na binabasa ko 'to, sobrang sakit at ang hirap tanggapin. Naging totoo kasi si Oliver sa pagsulat nito, walang bahid ng kasinungalingan. Inamin niya ang lahat ng itinatago niya sa akin. Sinabi niya rito na ginamit lang niya talaga ako bilang panakip butas kay Angel, sinabi niya rin dito na sinusubukan niyang akong mahalin kahit mahirap, sinabi niya rin dito na pinagsisisihan niya ang mga kasinungalingan niyang sinabi sa akin, sinabi niya rin dito na hindi pa siya nakaka-move on kay Angel and lastly, this is hurts me the most, he is still in love with her. Pero kahit ganoon, sa epilogue ng kuwento ay humihingi siya ng tawad sa nagawa niya, tawad sa pagiging peke niya sa akin.

Tanda ko noon, halos ibato ko na 'yong libro dahil sa sakit ng mga nalalaman ko, ilang araw akong hindi nakausap ng mga magulang ko at mga kaibigan ko. Hindi ko rin magawang pumasok sa school at piniling magkulong na lang sa loob ng kuwarto. Masakit kasi sa akin noon na 'yong unang taong minamahal ko ay paglalaruan lang ang tiwala ko.

Even I already knew his lie, I'm still here and waiting for him. Meron pang tanong na hindi ko pa nahahanap ang sagot sa libro, kung bakit niya nagawa akong panakip butas kay Angel? I know that those possible answer has a connection with other statement he has wrote, pero gusto ko 'yong sagot ay magmumula mismo sa bibig niya. 'Yon ang sagot na hinihintay ko.

Napangiti ako sa sarili nang basahin ko muli 'yong last part ng libro, kung saan niya inamin ang lahat. Napahawak ako sa dibdib dahil nagtataka ako kung bakit hindi ito kumikirot katulad dati. Siguro sa tagal na ng panahon na lumipas, nasanay na 'yong puso ko masaktan kapag binabasa ko itong libro o baka wala na akong nararamdaman sa kanya kaya normal na lang 'yon.

Ibinalik ko na muli 'yong mga stuff sa loob ng kahon at pumuntang storage room, doon ko itinambak iyon. Kailangan ko nang kalimutan 'yong sakit na ibinigay niya sa akin. Sana kapag tuluyang nakalimutan ko na iyon ay siya naman mismo 'yong makakalimutan ko. Gusto ko na rin naman pumasok sa isang relasyon, nais ko na ulit umibig muli at kay Prince ko nakikita iyon. Ang taong nagtiyaga at umunawa sa akin sa napakahabang panahon. 

-

The next day, nandito ako sa mall at gumagala, kasama ko ang bunso kong kapatid na si Jasmine, 16-year-old. Anak siya ni Papa sa bago nitong asawa.

Gusto niya raw kasing gumala kasama ako, kaya pinagbigyan ko na lang din 'yong hiling niya. Even all I know, libre lang ang habol niya sa akin.

"Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ko sa kanya. Sinisikmura na rin kasi ako kaso siya ay busy pa rin sa pagtingin ng mga libro. Nandito kami sa loob ng bookstore. Nakakatuwa lang isipin na na-adopt niya 'yong hobby ko noon, kaya lahat ng librong meron ako ay ibinigay ko na lang sa kanya pero ngayon, tapos na raw niya lahat iyon kaya gusto niya raw bumili ng bago.

"Not yet. Dito muna tayo." Napakamot na lang ako ng ulo at pinanood na lang ito sa ginagawa niya. "Ah, ate. Ano.. Tara, bigla akong nagutom. Tara!" natataranta nitong sabi habang may tinitingnan ito sa hindi kalayuan.

"Ha? Bakit?" nagtataka kong tanong kaya lumapit ako sa kanya at sinilip kung anong meron sa tinitingnan niya. Lumapad ang ngiti ko dahil sa nakikita ko, may isang batang lalaki na siguro kasing edad niya lang din. "Crush mo?"

"Hindi! Tara na nga, ate! Gutom na ako!" Bahagya niya akong hinihila pero hindi niya ako matangay, bagkus ay lumapit pa ako doon sa batang lalaki. "Ate, anong ginagawa mo?!" nag-papanic na siya dahil sa akin. Bumitaw ito sa pagkakahila sa kamay ko at nagtago sa likod ng bookshelves.

"Jasmine? Ito ba 'yong crush mo?" Sinadya kong iparinig iyon sa batang lalaki at itinuro pa ito. Ang sarap pagtripan ang nakababatang kapatid, lalo na't iiyak ito, hays. "Jasmine? Tawag ka!" sigaw ko pa. Nagtataka na 'yong batang lalaki sa akin kasi hindi naman talaga siya tawag pero ningitian ko na lang siya. "Hi!" bati ko.

"Hello po? Bakit po?"

"Crush ka kasi ng kapatid ko. Can I have a favor?"

"Ano po iyon?"

"Can I take you a picture with her?" tanong ko. Pumayag naman ito at sumama sa akin. Bumalik ako sa likod ng bookshelves na pinagtataguan ni Jasmine kaso pagkatingin ko ay wala na siya rito. Tuluyan na akong tinaguan.

Nilibot namin 'yong bookshelve hanggang makita ko rin siya sa wakas. Namumula na ito dahil sa hiya. "Jasmine!" Hinablot ko ang kamay niya at hinawakan ito nang mabuti. "Wala ka nang kawala."

"Ate naman! Nakakahiya!" bulyaw niya sa akin.

Habang pinicturan ko sila ay halos sumabog na ako kakatawa dahil sa pulang-pula na nitong mukha. Pagkatapos no'n ay nagpasalamat kami doon sa batang lalaki at tinanong ang pangalan nito. Nalaman kong Liam pala ang pangalan ng bata, 16. Ngumiti na ito at tuluyan nang naglakad papalayo sa amin.

"Ate, nakakahiya sa kanya."

"Do you know him?"

"Not really. Batchmate ko siya pero never kaming nagkausap at hindi ko alam ang name niya. Secret lang naman na crush ko siya, eh. Ako lang nakakaalam."

"Ah, kaya pala natataranta ka. Hahaha."

"And besides, nagulat kasi ako na nandito rin pala siya. Pagkatapos, coincidence pa 'yong kulay ng mga damit namin. Gosh." Tama siya, color cream green ang mga damit nila. Ang cute tingnan.

"Naks, naman. Couple? Tara na, kain na tayo. Gutom na ako."

-

Pagkatapos namin kumain ay pumunta naman kami sa arcade, gusto raw niya maglaro ng claw machine kaya pinagbigyan ko na rin. Nasa kalagitnaan ako ng panonood sa kanya nang bigla akong napatingin sa may motorcycle games at tuluyang napako na ang atensiyon ko rito. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ng mga mata ko.

"Saglit, may pupuntahan lang ako," sabi ko kay Jasmine, tumango lang ito bilang tugon.

This is can't be. Gulat ako sa nakikita ko. Sa hindi inaasahang oras at panahon ay matatagpuan ko na pala siya rito. Bahagya akong pasimpleng sumusulyap sa kanila sa hindi kalayuan, mabuti na lang at hindi siya tumitingin sa direksyon ko. May kasama siyang batang lalaki that which is naglalaro ng motorcycle habang siya naman ay nakabantay lang rito at nanonood. I guess, 4-year-old pa lang ang bata.

Bahagya pa akong lumapit to confirm if it was really him. Hindi ako nagkamali dahil siya talaga si Oliver. Sa tagal ko siyang hindi nakita ay masasabi kong nag-iba na ang hitsura niya. Mas lalong pumuti ang balat nito at medyo mahaba na ang buhok. Yet, guwapo pa rin.

Nagtatalo ang isip ko kung lalapit ba ako sa kanya o huwag na. Pero sa isang sulok ng utak ko ay sinasabing ito na yata 'yong hinihintay kong pagkakataon para makausap siya. I was about to take a three step closer to him when I heard the young boy said.

"Daddy, sa ibang games naman tayo!" Natigilan ako sa sinabi ng bata. Daddy? Ibig sabihin ay anak niya itong bata? 

Huminga ako nang malalim at inatras na lang ang paglapit sa kanya dahil sa gulat. Natuwa ako sa sarili ko kasi no'ng narinig ko 'yong sinabi ng bata ay hindi ako nasaktan, napuno lang ako ng gulat at dismaya. Dismaya kasi sa tagal na walang balita tungkol sa kanya ay marami na palang nangyari sa buhay niya na hindi ko alam. Kung may anak na nga siya, there's a big chances na may asawa na siya.

Walang sumikip sa dibdib ko na ipinagtaka ko. Nakita ko siya kanina pero normal na 'yong tibok ng puso ko, hindi katulad noon na sobrang bilis ng kabog nito kapag nakikita ko siya. Bakit ganoon? Anong nangyari? Mahal ko pa ba siya o hindi na?

"Where have you been?" tanong ni Jasmine.

"Nag-cr lang. After nito ay uuwi na tayo, okay? I'm too tired."

-

Hindi ako makatulog dahil binabagabag ako ng isipan ko. Natutuliro ako dahil alam kong malapit lang si Oliver sa akin and anytime puwede na itong magpakita, kung may balak nga ba siyang magpakita sa akin?

Tuluyan na ba kong naka-move on sa kanya? Mahal ko pa ba siya? Siya pa rin ba ang tinitibok ng puso ko? Mga tanong na hindi ako sigurado sa sagot. Sana makapag-usap na kami nang mas maaga para makasigurado na ako sa nararamdaman ko. Kung totoong wala na akong nararamdaman para sa kanya, e di good. Kung meron pa, pipigilan ko. May anak na siya at dapat maging masaya na lang ako para doon.