webnovel

Broken - De'Marco Sisters Series Book 1

"She is a broken girl with a darkpast. will she find her happily ever after?"

Rawra1441 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 6

Kristoff

LUMABAS NA SIYA SA entertainment room para bumalik sa kasiyahan sa ibaba.

Agad siyang kinawayan ni Xyrius, nakaupo ito kasama ang mga ka teammates nila at ilang mga babae kasama na sina Elizabeth na nakaupo ng pabilog at sa gitna ay may isang bote na ipinaiikot.

Ang laki nang pag kaka ngiti sa kanya ni Xyrius habang akbay akbay ang kaibigan ni Mina na pilit inaalis ang kamay ni Xyrius sa balikat nito. halatang inis at naiilang na ang kaibigan ni Mina. napailing nalang siya. bestfriend niya si Xyrius at mukhang nakakuha na naman ng pag lalaruan ang kaibigan niya

nakangiting tumayo si Elizabeth at sinalubong siya. hinila siya nito papalapit sa mga nag uumpukan at pinaupo sa tabi nito

"We're playing truth or dare babe" malambing na sabi nito at inihilig pa ang ulo sa balikat niya. kinantyawan naman sila ng mga nakapalibot sa kanila na tinawanan niya lang.

wala naman silang relasyon ni Elizabeth. hindi niya ito nililigawan, nag kataon lang na business partner ng daddy niya ang daddy nito kaya ng mag transfer ito sa university na pinapasukan niya pinakiusapan siya ng daddy nito na bantayan ito. wala siyang nagawa kundi umoo nalang.

alam niya na may gusto sa kanya si Elizabeth dahil hindi lang iilang beses na inakit siya nito pero hindi niya pinapatulan kahit pa maganda si Elizabeth at kahit na sinong lalaki ay makikipag palit sa kanya mapunta lang sa sitwasyon niya.

Pero hindi siya. hindi siya mahuhulog sa pang aakit nito. dahil alam niya sa likod ng maamong mukha at kaakit akit na katawan nag tatago ang isang baliw na pag katao nito. Elizabeth is obsess and possessive, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinag iinitan nito. hindi naman lingid sa kanya ang mga pag papahirap na ginagawa nito sa mga babaeng yon. noong una naiinis siya sa ugali nitong iyon pero naisip niyang magagamit niya ito, makikipag lapit lang siya kay Mina at si Elizabeth na mismo ang gagawa ng paraan para pahirapan si Mina. hindi kailangang madumihan ang mga kamay niya lalo na at binabantayan pala siya ng daddy at mommy niya. Ang gagawin niya lang ay manipulahin ang mga tao sa paligid niya para ang mga ito ang mag pahirap kay Mina. At siya? aarteng isang taga pag ligtas. gagawin niya ang lahat para mahulog ang loob sa kanya ni Mina bago niya ito saktan.

Ipaparanas niya dito ang lahat ng sakit na naranasan ng tunay niyang ina. Si Mina ang mag babayad sa kasalanan ng ina nito

napangiti siya sa naisip.

'Maigaganti na kita mom just wait and see'

Mina

HINDI NIYA alam kung pano siya lalabas na ganito ang itsura niya. nahihiya siya dahil pakiramdam niya masyadong expose ang balat niya kahit pa nga hanggang tuhod ang dress na suot niya. litaw naman ang dibdib niya at balikat lalo na dahil itinali ni Kriahia ang buhok niya pataas kaya litaw na litaw ang batok niya at leeg.

"G-gusto k-ko na talagang umuwi" parang maiiyak na mahinang bulong niya kay Krishia na may hawak sa kamay niya at hinihila na naman siya papunta sa kasiyahan sa labas

at katulad kanina para nanaman itong walang narinig o wala lang talagang pakalam sa mga sinasabi niya?

'Asan na ba si Jessa?'

nag palinga linga siya sa paligid pilit hinahanap kung nasaan ang kaibigan niya . gusto niya na talagang umuwi at mag kulong sa kwarto niya

masyado kasi siyang natuwa sa pag iimbita sa kanya ni Kristoff dito at ni hindi na niya naisip ang mga posibilidad na mangyari. napabuntong hininga siya. napansin lang siya ng kaunti ni Krisroff nakalimutan na niya kung saan siya dapat lumugar.

naiinis siya sa sarili niya, hindi niya dapat hayaan ang sarili niya na tuluyang mahulog kay Kristoff sapat na ang lihim na pag sulyap at lihim na pag hanga niya dito hindi siya dapat nakikipag lapit dito dahil may Elizabeth na ito.

"Mina!" narinig niyang tawag sa kanya ni Jessa agad siyang lumingon sa pinang galingan ng boses nito, nakita niya itong nakaupo sa mga taong nag kukumpulan at nag kakasiyahan sa gitna ng lawn. nanlalaki ang mga mata nito at tila hindi makapaniwala na nakita siya.

lumapit sila ni Keshia sa mga ito. lahat ay nahinto sa ginagawa at napatingin sa kanya na may pag hanga at pag kagulat. maging si Kristoff na nakaupo sa tabi ni Elizabeth ay bakas ang pag hanga sa gwapong mukha nito.

nag init ang kanyang mukha dahil sa paraan ng pag kaka titig nito sa kanya. para ba siyang aparisyon kung titigan nito. nanunuot sa balat niya ang mga titig nito na tila siya lang ang nag iisang tao sa paligid. napayuko siya.

"I gotta go Mina. chin up and enjoy the night" bulong sa kanya ni Krishia. tumingin siya dito. nakangiti ito sa kanya at bineso pa siya bago tumalikod papasok sa loob ng mansion.

naiwan siyang nakatayo roon. napatingin siya kay Jessa na nag pupumilit makakawala sa pag kaka akbay ng isa sa mga ka teammates ni Kristoff. lalapitan niya sana ito ng may humawak sa kamay niya. yung lalaking nag pakilala sa kanila ni Jessa kanina sa may bar counter. si Devon, nakangiti ito sa kanya. namjmula ang mukha nito at mapungay na ang mga mata halatang lasing na ito

"Join us" anito

"P-pero--" hindi na niya nagawang tumutol ng hilahin siya nito at pilit pinaupo sa tabi nito.

"Nag lalaro kami ng truth or dare. alam mo naman siguro yon hindi ba?" tanong nito sa kanya.

marahan nalang siyang tumango saka napatingin kay Jessa na tila naiiyak na sa pwesto nito. sa kanan ni Jessa ay katabi nito si Alodia na nakalingkis kay Gareth na isa din sa ka teammate ni Kristoff. katabi naman ni Gareth si Kristoff na nakatingin parin sa kanya hanggang ngayon. ganon din si Elizabeth na kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na siya.

iniiwas niya na lang ang tingin dito at nahiling na sana lubayan na siya ng tingin ni Kristoff

"At dahil napakaganda mo at bagong sali ka lang do the honor and spin this fucking bottle" sabi ni Devon saka natatawang iniabot sa kanya ang walang laman na bote ng alak

aabutin niya sana yon ng may ibang kamay na kumuha

"Let me spin it" sabi ng baritonong boses sa gilid ng mukha niya.

pag lingon niya ay muntik nang mag lapat ang labi nila. napaatras ang leeg niya at halos maduling siya sa lapit ng mukha nila ni Kenobi. nakataas ang sulok ng labi nito habang nakakalokong nakatingin sa dibdib niya.

natatarantang agad niyang tinakpan ng kamay ang dibdib niya.

'napaka bastos talaga nito!' inis na naibulong niya nalang sa sarili

tinapik nito sa balikat ang katabi niyang lalaki na nasa kaliwa niya at ito ang naupo doon. halos mag bungguan ang mga tuhod nila sa sobrang lapit nito sa kanya, naiilang na uusog sana siya papalayo dito pero mahigpit nitong hinawakan ang tuhod niya.

agad na may gumapang na nakakakiliting kilabot sa katawan niya dahil sa pag lapat ng kamah nito sa tuhod niya

"Mas gwapo ako dyan kay Devon, bakit mas gusto mong lumapit sa kanya?" nag isang linya ang makakapal na kilay nito at tumiim ang pag kakatingin sa kanya. naramdaman niya ang mas lalong pag higpit ng hawak nito sa tuhod niya "bagong ligo pa ako, amuyin mo" ikiniling nito ang ulo at itinapat ang leeg sa mukha niya. halos mangudngud naman siya sa leeg nito dahil sa ginawa nito, lumapat ang labi niya sa leeg nito.

naramdaman niyang natigilan din ito sa nangyari kaya mabilis na lumayo sa kanya at umayos ng upo

para namang naiwan pa sa ilong niya ang amoy nito. bagong ligo nga ang loko dahil nalasahan niya pa ang bath soap na ginamit nito. napatingin siya sa leeg nito nakita niyang may kaunting bahid ng lipstick niya sa leeg nito. wala sa loob na inabot niya ang leeg nito at pinunasan gamit ng hinlalaki niya.

napatingin naman sa kanya ito nang naka kunot ang noo at kita niya ang pag kagulat nito sa ginawa niya pero saglit lang dahil ngumisi agad ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay saka tinapik nito ang kamay niya

"I hate touchy freak" mariing sabi nito

dama niya ang pag iinit ng pisngi niya dahil sa pag kapahiya sa nagawa niya.

"S-sorry.." aniya dito. ano bang pumasok sa isip niya at ginawa niya iyon? at kay Kenobi pa talaga, nasisiraan na siya ng bait! napakagat nalang siya ng labi dahil sa katangahang nagawa. ipinag dasal niya na sana kainin na siya ng lupa ngayon na dahil sa kahihiyang nararamdaman. ni hindi niya maiangat ang ulo niya dahil ayaw niyang salubungin ang mga tingin ng mga naroroon

"Stop teasing her Kenobi " narinig niyang sabi ni Kristoff kay Kenobi. seryoso ang mukha nito na nakipag titigan sa kapatid

"Tss.. pakialamero.." inis nasi bulong ni Kenobi at hindi na pinansin ang nag sasaway na si Kristoff

lumingon pa uli sa kanya si Kenobo, andon parin ang ngisi nito. kinindatan siya nito saka parang walang nangyaring ipinaikot ng isang kamay nito ang bote sa gitna habang ang isang kamay ay nanatili sa tuhod niya. sinubukan niyang pasimpleng alisin iyon pero mas humigpit lang ang kapit nito doon na ikinangiwi niya dahil nasaktan siya.

napatingin siya kay Kristoff na nasa harapan niya. nakatingin din ito sa kanya na nakakunot ang noo saka bumaba ang tingin nito sa kamay ni Kristoff na nasa tuhod niya. tumalim ang tingin nito doon.

bakit parang galit ito? nag seselos ba si Kristoff? ipinilig niya ang ulo. kalokohan yon!

Bakit naman siya mag seselos? naputol ang pag iisip niya ng marinig niya na mag hiyawan ang mga katabi niya. huminto na pala ang bote at nakakutok iyon kay Elizabeth na nakasibangot ang mukha

"Truth or dare?" nakakalokong tanong ni Kenobi kay Elizabeth. Base sa pag kakangisi ni Kenobi maiisip mo na sinadya niya na kay Elizabeth mapatapat ang bote dahil halatang halata na nagagalak ito sa nangyayari.

"Truth!" ngumisi si Elizabeth kay Kenobi.

"Okay.. Hmmm.. Ano bang magandang itanong.." Hunimas himas pa nito ang baba nito na akala ko ay talagang pinag iisipang mabuti ang itatanong "Ah, alam ko na! have you ever been fucked by my brother's... teammates?"

Kitang kita niya kung paano nawalan ng kulay ang mukha ni Elizabeth sa tanong na iyon ni Kenobi. Miski siya ay marahas na napalingon kay Kenobi dahil sa naitanong nito. napaka demonyito talaga ng isang ito ji hindi man lang naisip na babae parin si Elizabeth at maaaring mapahiya dahil sa tanong niya

lahat ay natahimik, si Kristoff naman ay akmang tatayo para sugudin ang kapatid ng pigilan ito ni Elizabeth

Naniningkit ang mga mata ji Elizabeth na sinalubong ang nakakalokong tingin ni Kenobi

"Im a fucking virgin. you fucking asshole!" mahina pero mariin na sabi ni Elizabeth

tinaasan ito ng kilay ni Kenobi saka nag kibit balikat lang.

umugong naman ang 'ooooh' sa mga kasamahan nila. halatang ang iba ay nagulat din sa pahayag ni Elizabeth

hindi pinansin ni Elizabeth ang mga reaksyon ng mga kasama nila. dinampot nito ang bote at pinaikot. napangisi ito ng kay Kenobi tumpat ang bote.

"truth or dare?" tanong ni Elizabeth dito

"truth" kalmanteng sagot ni Kenobi.

"have you ever had a mental disorder?"

muli umugong na naman ang kantyawan. tinignan niya ang reaksyon ni Kenobi pero nakangiti lang ito. halayang hindi apektado. naramdaman niya rin ang pag himas ng hinlalaki nito sa tuhod niya at marahang pag pisil doon. napatingin siya sa kamay nitong nasa tuhod niya.

"Yes" walang kagatol gatol na sagot ni Kenobi. seryoso ito at wala kang mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata nito. hindi niya tuloy alam kung totoo ba o hindi ang sinasabi nito

---

Kenobi

SINUNDAN NIYA ng nakakalokong tawa ang sagot niya ng matigilan ang mga nasa harapan niya. lalo na ng matiim  siyang tignan ni Kristoff. Hindi niya pinansin ang nag bababalang tingin nito, ganun din ang makahulugang pag titinginan nina Gareth at Xyrius na kababata nilang mag kapatid.

Alam ng mga ito ang history ng pamilya nila.

"I answer your question. Its my turn now" dinampot niya ang bote saka marahang pinaikot. Napangisi siya ng makitang huminto iyon kay Mina na nasa tabi niya. malakas na napasinghap ito. kagat labi itong dahan dahang lumingon sa kanya. gusto niyang humalakhak sa nakikitang itsura nito. halata ang pag kabahala at takot nito. dumikit na ang lipstick nito sa ngipin nito dahil sa madiin na pag kagat nito sa labi. Nangingilid ang luha nito na akala mo ay may ginawa na siya dito samantalang ni hindi pa nga niya ito natatanong.

napahigpit lalo ang hawak niya kay Mina. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mabitawan si Mina. wala naman siyang intensyon na hawakan ito ng matagal hindi niya lang talaga magawang ilayo ang kamay niya sa balat nito na may kung anong init na hatid sa kanya. Ayaw niya ring lumayo ito sa kanya, gustong gusto niyang maramdaman ang malambot  at makinis na braso nito na nakadaiti sa braso niya

Dinilaan niya ang labi niya dahil parang bigla iyong nanuyo habang nakatingin sa mukha nito. She look so innocent but seductively beautiful. Napaka amo ng mukha nito pero nanunukso ang katawan nitong halos naka bilad sa sa suot nitong manipis na dress na napaka baba ng neckline. Litaw ang mapuputi at makiinis nitong dibdib.

Nasa terasa siya ng mansion kanina habang pinatutuyo ng twulya ang buhok ng makita niya itong lumabas kasama ng kambal niyang si Krishia. Ibang iba ang ayos nito kumpara sa araw araw nitong get up. Para itong isang manikin na nag lalakad upang akitin ang mga nadadaanan nito. Kumikinang sa liwanag ng buwan at mga ilaw sa garden ang balat nito kapag tinatamaan ng liwanag.

Lihim na kinastigo niya ang sarili. Eto na naman siya. Naaakit sa babaeng dapat ay pinahihirapan niya. Sa anak ng taong kinamumuhian niya.

Noon niya pa napapansin na maganda ito. Lamang nga lang ang pag kamuhi at galit na nararamdaman niya para dito.

Napatiim bagang siya. Umaahon ang galit niya kapag naaalala ang taong naging dahilan kung bakit nag pakamatay ang mommy niya. Ang taong sumira sa pamilya nila. Kung bakit hanggang ngayon ay madalas parin siyang bangungutin sa pag tulog.

Kahit kailan, kahit minsan hindi siya pinatahimik ng nakaraan. Kaya hanggang ngayon hindi niya magawang mag patawad, hanggang ngayon hindi niya kayang isawalang tabi ang pag kauhaw niya na makaganti para sa mommy niya.

Pakiramdam niya hindi siya titigilan ng mga bangungot niya kung di siya makakanganti sa taong nanakit at naging dahilan kung bakit namatay ang mommy niya, kung bakit mas pinili nitong kitlin ang buhay nito kesa sa makapiling silang mag kakapatid.

Hindi siya papayag na walang mag bayad sa lahat ng sakit na naranasan ng Mommy niya.

Wala na si Charito, wala ng nakakita dito hanggang ngayon at ang natitira nalang ay ang anak nito.

Si Hermina.

To be continued..