Mina
"HOY HERMINA bakit nandyan ka pa akala ko naman sumunod kana sa akin mag uumpisa na ang klase natin andon na sila pool!" Pukaw sakanya ni Jessa pero ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nakatingin parin siya sa dinaanan ni Kristoff
"Kurutin mo ko" hiling niya dito
"Ano?" Naguguluhan namang tanong nito sakanya
"Kurutin mo ko" ulit niya
"Okay" nag kibit balikat ito saka siya malakas na kinurot sa pisngi
"Araay!" Sigaw niya at mabilis na inilayo ang balikat niya dito dahil talaga namang masakit ang ginawa nitong pag kurot "Masakit"
"Ginusto mo yan sabi mo kuritin kita!" Pinandilatan siya nito ng mata
Nahimas niya ang nasaktang braso
"Hala hindi ako nanaginip!" Nanlalaki ang mga matang hinarap niya si Jessa "Hindi ako nanaginip" sabi niya dito
"Naka drugs kaba Mina?" Nag dududang tanong nito sakanya
"No! Of course not. Hindi lang ako makapaniwala.."
"Saan naman?"
"Na inimbitahan ako ni Kristoff sa victory party nila bukas ng gabi" tinanaw niya uli ang daan na nilakaran ni Kristoff
Malakas naman na tumawa si Jessa. Nag tatakang nilingon niya ito
"Anong nakakatawa?" Tanong niya dito
"Ikaw! Ikaw ang nakakatawa nag da-daydream ka nanaman diyan. Halika na nga" iiling iling na sabi nito
Nakaramdam siya ng inis "totoo nga sabi nga niya mag sama ako ng kabigan eh"
"Shut up! Mamaya niyan may makarinig sayo pag tripan ka nanaman"
Hinila na siya nito . naiinis na bumitiw siya dito
"Totoo nga" pag pupumilit niya dito
"Ay nako Hermina tigil--"
"Hermina!"
Pareho silang napalingon sa tumawag sa kanya. Nakita nila si Kristoff na nag jojogg papalapit sa kanila. Automatic na napangiti siya
"B-bakit" nahihiyang tanong niya dito. Pero nag diriwang ang puso dahil alam nito ang pangalan niya
"I forgot to give you this" sabi nito saka iniabot sakanya ang isang itim na invitation "nakalagay na dyan ang address at oras ng venue para bukas" nakangiting sabi nito
"S-salamat"
"See you, bye" sabi nito saka tumalikod na at tumakbo papunta sa pinanggalingn nito
Napatingin siya sa invitation na binigay nito sakanya. Sa mansion ng mga Sandoval gagawin ang party bukas ng alas syete. Bigla naman siyang namoblema. Hindi niya na itanong kung formal party ba yon at kung ano ang tamang isuot para sa ganong okasyon. Wala kasi siyang ideya dahil hindi pa naman siya nakakarating sa ganon
Bumaling siya sa kaibigan na ngayon ay tulala at nakakanganga. di niya ito masisi dahil hindi naman talaga madaling paniwalaan na invited siya sa party ng isang Sandoval
ALAS TRES PA LANG ng hapon pero sinundo na siya ni Jessa sa kanila. Pag katapos kasi nitong matulala kahapon ay nangulit na itong isama niya ito sa party ni Kristoff na balak naman talaga niya.
Agad itong nag plano at halos di na nakatulog kagabi, na pati siya ay nadadamay dahil tawag ito ng tawag sa kanya para lang sabihin na naka prepare na ang sosootin nila. Nag prisinta kasi ito na ito na raw ang bahala sa damit nila na pabor naman sa kanya.
Kanina pa siya nito pinapupunta sa bahay nito pero tinapos niya muna ang pag lilinis ng kwarto niya kaya ng mainip ito sinundo na siya
Masyado itong excited. Pareho kasi silang hindi madalas maimbita sa mga party. Madalas man sabihin ng kaibigan na hindi ito mahilig sa ganoon, kaya okay lang pero alam niya na gusto rin ng kaibigan niya na maka attend sa ganoon. Na guguilty nga siya dahil feeling niya kaya walang nag iinvite dito ay dahil sa kanya. Nilalayuan din ito nang iba dahil sa pakikipag lapit sa kanya.
Nang makarating sila sa bahay ng mga ito agad siya kinaladkad nito papunta sa kwarto nito.
"Mamili ka ng susuotin mo dali" sabi nito na halos ingudngud na siya sa mga damit na naka hilera sa kama nito "etong sosootin ko" sabi nito sabay ladlad ng isang pink spaghetti strap na dress. Maikli iyon na satingin niya ay aabot lang sa gitna ng hita nito. Satingin niya naman ay babagay yon sa kaibigan.
"Pili na!" Nandidilat na sabi nito
Natawa nalang siya ay inusyoso ang mga nakalatag na damit sa kama nito
Kinuha niya ang itim na kaparis ng napili nito pero agad din iyong binitawan ng maalalang may mga pasa papala siya sa kanyang hita. Pinili nalang niya ang isang dress na satingin niya ay lalagpas sa tuhod niya. Off shoulder iyon at kulay black
"Eto nalang" sabi niya sa kaibigan
Sumimangot ito "Yun nalang kaparis ng sakin para twiny tayo"
"Ayaw ko sobrang iksi non" tanggi niya dito
"Bahala ka nga" nag kibit balikat ito bilang pag suko sa kanya
Si Jessa ang nag lagay ng make up sa kanya at nag ayos ng buhok niya. Manipis lamang ang pinalagay niyang make up. Ang buhok naman niya ay brinade naman nito. Nang isuot niya ang dress niya ay napangiti siya, kontento sa kinalabas ng pag aayos sa kanya ng kaibigan. Pag katapos au si Jessa naman ang nag ayos ng sarili
Quarter to seven na ng matapos silang dalawa at nakasakay ng kotse papunta sa mansion ng mga Sandoval
Malayo palang ay dinig na nila ang malakas na music na nang gagaling sa mansion. Helera at parang nag papayabangan ang mga kotse na nakaparada sa drive way ng mga Sandoval. Nag mukhang showroom dahil sa ibat ibang klase at model ng mga sasakyan ang naroroon.
Alam niyang mayaman ang mga Sandoval pero nalulula parin siya sa laki ng mansion ng mga ito. Huge is understatement it was gigantic.
Maraming teenager ang nakakalat sa drive way, ang iba ay may hawak na pulang plastic cup at naninigarilyo. Meron naring nag ma-make out sa medyo madilim na bahagi
Pumasok sila sa napakalaking gate, bumungad sakanila ang isang fountain. Napaka lakas ng music at halos mabingi na siya, sinundan nila ang music at nakarating sila sa pool side at nakakamangha dahil mala olympic ang size non.
May mga naliligo na sa pool mga lalaki at babae na mga naka bikinis. Wild ang party at bumabaha ng alak. Marami narin ang tipsy at walang pakundangang mag PDA. Wala sa loob na napakapit siya kay Jessa na nag nining ning ang mga mata habang nakatanaw sa pool partikular kung saan naliligo ang ibang myembro ng basketball team
"Sheet Hermina ang yummy nilaaa!" Impit na tili nito sa kanya kulang nalang ay mangisay ito sa tabi niya.
"Nakakahiya wag kang maingay baka marinig nila tayo" saway niya dito. Lumingon lingon siya sa paligid, may mangilan ngilang tao roon na nakatingin sa kanila at nag bubulungan.
Kinalabit niya si Jessa na umiindak indak na sa tabi niya halatang masayang masaya
"Jess uwi nalang kaya tayo" mahinang bulong niya dito pero sapat para marinig nito
"Kakadating lang natin!" Tutol nito sa kanya "Sayang effort minsan lang toh sulitin na natin" excited na hinila siya nito papunta sa bar counter na nasa tapat ng pool.
"Two tequila please" anito sa bartender pag katapos ay bumaling sa kanya at bumulong "Ang tagal ko ng gustong sabihin yun" humagikgik ito
Napangiti na rin siya sa nakikitang saya sa kaibigan. Wala naman sigurong magiging problema. Pag papakalma niya sa sarili. Sa dami naman ng tao dito ngayon hindi na siguro sila mapapansin ng iba.
Ibinigay sa kanila ang tequila at lime
"Hindi ako umiinom" aniya sa kaibigan ng itulak nito papunta sa kanya ang tequila
"Ako din naman!" Pinanlakihan siya nito ng mata "Isa lang toh, dali na" pangungulit nito sa kanya
Napilitan siyang tanggapin ang alak. Nag bilang pa ito ng hanggang tatlo pag katapos ay sabay nila iyong ininom. Halos isuka niya ang ininom. Pinilit niya lang iyon lunukin kahit na gumuguhit ang pait sa panlasa niya.
Agad nilang dinampot ang lime at sinipsip pero para lang mapangiwi sa asim niyon.
Nag katawanan silang mag kaibigan dahil sa mga itsura ng mukha nila.
"Hi ladies" bati sa kanila ng isang lalaki na lumapit sa kanila. Matangkad ito, morena at di mapag kakailang gwapo.
"Hi" nahihiyang ganting bati ng kaibigan niya. Siya naman ay napaiwas ng tingin
"I'm Devon" nakangiting pakilala nito sabay lahad ng kamay. Agad naman iyong tinanggap ng kaibigan at nag pakilala "and you are..?" Baling nito sa kanya
"H-Hermina.." Halos bulong na lang na lumabas iyon sa bibig niya. Naiilang siya sa mga titig nito sa kanya na para na siyang hinuhubaran.
May kumapit ditong babae. Si Alodia na nakakaloko ang ngiting ibinigay sa kanilang mag kaibigan
"Hey freak paano kayo nakapasok dito?" Sita ni Alodia sa kanya
"Dumaan sa pinto?" Patanong din na sagot ni Jessa
"You--"
"I invited them" sagot ni Kristoff na nasa likuran ni Jessa, kasama nito si Elizabeth na nakakapit pa sa braso ni Kristoff. Litaw na litaw ang maputing balat nito dahil sa soot na pulang bikini top at high waist short shorts. Napaka ganda ni Elizabeth bagay na bagay ito at si Kristoff. Nakaramdam siya ng kurot sa puso niya.
"Didn't you know na pool party ang pupuntahan niyo?" Malambing ang boses nito pero puno ng sarkasmo na sabi ni Elizabeth sa kanila. Nag tawanan naman ang mga kasama nito
"Yan ba ang uso ngayon?" Sabat ni Alodia
Nag katinginan silang mag kaibigan. Nilibot niya ang tingin sa palagid, saka niya lang na pansin na puro naka casual at swimming attire ang mga nandon. Wala naman kasing nakalagay sa invitation na pool party pala ang gaganapin.
"They didn't know Eli." Saway ni Kristoff dito, nananaway din ang tingin na ipinukol ni Kristoff kay Elizabeth "I'm sorry Mina I forgot to tell you. I was so excited to invite you here kaya naman nakalimutan kong sabihin" hinging paumanhin nito sa kanila.
Nag dilim naman ang mukha ni Elizabeth at pinukol siya ng masamang tingin.
"I-It's okay" nahihiyang napayuko nalang siya. Nahiling niya na sana hindi nalang ito humingi ng paumanhin sa kanya. Nangangamba siya na baka maging dahilan iyon para mapag initan siya ni Elizabeth, notorious pa naman ang babae sa pam bubully sa kung sino mang napapalapit kay Kristoff . at ayaw niyang maging bagong target ni Elizabeth.
"Kristoff!" Tinawag si Kristoff ng ka teammates nito na nasa gilid ng pool "Come check this out! This is insane dude!"
"Excuse me girls" paalam ni Kristoff sumulyap muna sa kanya ito bago iniwan sila at nag tungo sa tumawag dito
Napansin iyon ni Elizabeth kaya mas lalong nag babaga ang tinging ipinukol nito sa kanya
Naramdaman niya naman ang pag siko sa kanya ni Jessa. Bumalong ito sa kanya na dinig din naman ng mga kaharap nila "Ahm.. tara uwi na tayo, g-gabi narin kasi Mina" pag aaya ni Jessa. Alam niya na gusto lang siyang iiwas ni Jessa sa grupo nila Elizabeth at Alodia panigurado kasing siya ang pag iinitan ng mga ito
Marahan siyang tumango, pag sangayon sa sinabi nito. Mas mabuti pang umuwi na sila. Ayaw niya ng gulo. At gulo ang mang yayari pag nag tagal pa sila dito lalo na at mukhang badtrip na si Elizabeth sa kanya
Nang saktong dumaan sila sa harapan ni Elizabeth pinatid siya nito. Hindi niya inaasahan iyon kaya naman nawalan siya ng balanse ay napasubsob siya sa lalaking padaan tumapon sa kanya ang hawak nitong alak pero imbis na tulungan siya nito inis na itinulak pa siya nito kaya napaupo siya sa sahig. Unang bumagsak ang pwetan niya kaya napangiwi siya
"Ang tanga kasi!" Asik pa ng naka banggaan niya. Tinignan niya ito. Isa ito sa ka teammates ni Kristoff
Nakalikha ng komosyon ang nangyaring iyon. Napatingin sa kanya ang mga naroroon. Nakaramdam siya ng panliliit
Pag angat ng tingin niya nakita niya na titig na titig si Jessa sa kanya partikular sa mga hita niya. Bumaba ang tingin niya at ganon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makitang nakalilis ang dress niya at kitang kita ang mga hita niya na puno ng pasa. Nag mamadaling hinila niya pababa ang laylayan ng dress niya.
"M-Mina.." Narinig niyang tawag sa kanya ni Jessa. Hindi niya ito pinansin. Nanatili siyang nakayuko at mahigpit na hawak ang laylayan ng dress niya, natatakot siya na muli iyong umangat. Pinilit niyang makatayo pero kumirot ang balakang niya kaya bumalik siya sa pag kakaupo
Gusto na niyang umiyak ng mga oras na yon dahil sa sobrang pag ka pahiya na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng isang show at siya ang clown na pinag tatawanan ng mga taong naroroon
Kristoff
NAPALINGON SIYA ng marinig ang kaguluhan sa bar counter
Nakita niya si Mina na nasa sahig at nakaupo doon agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga ito. Ilang hakbang nalang ang layo niya dito ng nag mamadali nitong hilahin ang laylayan ng dress nito pababa na parang takot na takot ito at hindi dahil sa nahihiya ito na nasisilipan ito. Bago pa nito maibaba ang dress nito nahagip ng paningin niya ang mga pasa nito sa mga hita. Nangunot ang noo niya sa nakita.
Agad niya itong dinaluhan. Lumuhod siya sa harap nito.
"Hey.. Are you alright?" marahang tanong niya dito.
Nag angat ito ng tingin sa kanya. Para namang may sumipa sa sikmura niya ng makitang nangingilid and mga luha nito at nanginginig ang baba nito sa pag pipigil siguro na huwag mapaiyak. Napakagat ito sa mga labi at bahagyang sumigok
"Sshh.." alo niya dito "Can you get up?" tumango ito sa kanya. Marahan niya itong inalalayang makatayo.
Hinarap niya si Elizabeth na masama ang pag kakatingin kay Hermina "What happened?" seryosong tanong niya dito. Alam niyang may kinalaman ito sa nangyari.
"Pinatid niya si Mina" singit ng kaibigan ni Mina.
"I'm not!" pinandilatan ito ni Elizabeth.
Bumuntong hininga nalang siya saka muling hinarap si Mina na mahigpit ang pag kakakapit sa dress nito. Amoy alak ito at napansin niyang basa ang leeg nito at damit. Nakaramdam siya ng awa para sa babae. Napatiim bagang siya.
"Nakita kong pinatid mo siya!"
napalingon siya sa nag salita. Nakita niya si Krishia na nakahalukipkip at nakataas ang kilay na sumisita kay Elizabeth
"You're just imagining things Shia. Clumsy lang talaga siya kaya siya nadapa!" inis na katwiran ni Elizabeth. Wala na ang malambing na boses nito napalitan na ng pag tataray na siya naman talagang natural na ugali nito.
"I see what I see." Itinirik pa ng kapatid niya ang mga mata nito bago tinalikuran si Elizabeth. Lumapit si Krishia sa kanila.
"Come" inilahad nito ang kamay kay Mina.
Maang naman na napatingin dito si Mina
"H-huh?"
"I said come. Come with me. You look like a mess" walang emosyong sabi ng kapatid niya. Deretso lang itong nakatingin kay Mina
"H-hindi na--" tanggi ni Mina pero hindi ito pinatapos ng kapatid niya. Hinila nito ang kamay ni Mina at kinaladkad na papasok sa loob
"H-hey wait.." habol niya sa kapatid. Sumunod siya sa mga ito papasok sa loob ng mansion nila. Nakita niya pa ang mga ito na nakasalubong ang Mommy nila bago tuluyang umakyat
"Kristoff who's that girl" takang tanong sa kanya ng Mommy niya
"She's Hermina. Tito Horacio's daughter" namulsa siya at tinignan ang reaksyon nito.
Napaawang ang mga labi nito at nilingon ang dinaanan ni Krishia at Mina.
"Is she.."
"Yes Mom" putol niya dito "She's Tita Charito's daughter"
Napasinghap ito.
To be continued..