webnovel

Broken - De'Marco Sisters Series Book 1

"She is a broken girl with a darkpast. will she find her happily ever after?"

Rawra1441 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 2

MUNTIK NA SILANG mag kauntugan ni Jessa pag labas niya ng pinto. Nag aabang pala ito sakanya. Kasama nito ang teammate ng mag kapatid at syempre si Elizabeth na ngayon ay fresh na fresh na.

Mabilis niyang hinila si Jessa palayo sa mga ito. Halos kaladkarin niya na ito. Ayaw niyang abutan nanaman siya ni Kenobi. Paniguradong mainit ang ulo nito sakanya dahil hindi niya sinunod ang utos nito.

"Uy wait lang naman" angal ni Jessa pero di niya ito pinansin. Wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang makalayo

Nakahinga lang siya ng maluwag ng nasa building na sila ng Engineering.

"Anong nangyari sa loob ng office ni dean?" Tanong sakanya ni Jessa

Naupo siya sa may hagdan at nangalumbaba

"Pinapapunta sina Daddy bukas"

"Hindi ka pinarusahan?"

"Bakit naman ako paparusahan wala naman akong kasalanan. Kitang kita mo namang biktima lang ako!" Maktol niya dito

Tumawa ito at umupo sa tabi niya

"Alam mo nag tataka ako dyan kay Kenobi kung bakit ikaw ang paborito niya laging pag diskitahan. Ang loyal niya sayo ha talagang mi-ni-maintain niya ang pang bubully sayo"

"Bruha parang natutuwa ka pa ah"

"Hindi naman. Naiinis din ako sa ginagawa niya sayo. Pero diba nakakapag taka lang na sa dinami dami ng ka bully bully dito sa university, ikaw lang ang bukod tangi sa babaeng lahat ghurl. daig mo pa ang aba ginoong maria dahil bukod kang pinag pala!"

Inirapan niya ito "Pinag pala ka dyan. Minalas kamo"

"Feeling ko may crush sayo yon si Kenobi"

Natawa siya sa sinabi nito

"Grabe! crush niya ko pero kung pag tripan niya ko wagas? Ano pa kaya pag minahal niya ko?" Patuyang sabi niya sa kaibigan

"Eh di ang swerte mo" sabi ng baritonong boses

Nag katinginan sila ni Jessa saka sabay na lumingon sa likod nila. Sabay din silang napatalon patayo ng makitang nakapamulsa si Kenobi at nakayuko sakanila. Dumeretso ito ng tayo at lumapit sa kanila. Sabay parin silang napaatras ni Jessa habang mag kahawak ang kamay

"K-kanina k-ka pa dyan?" Tanong niya

"Mhmm" sabi nito "Narinig kong pinag tsitsismisan niyo ko" naningkit ang mga mata nito

"H-hindi--" mangangatwiran sana siya ng putulin siya nito

"Gusto mong malaman kung bakit mainit ang dugo ko sayo? At kung bakit inutusan ko ang lahat na layuan ka at i bully?"

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na nag utos ito na layuan siya at i-bully

Nagulat siya ng nakalapit na pala ito sakanya. Hinawakan nito ang batok niya at hinigit siya papalapit dito. Naamoy niya ang pabango nito hugo boss na humahalo sa natural na pawis nito. Kinilabutan siya ng itapat nito sa tenga niya ang bibig nito at tumama don ang mainit at mabangong hininga nito.

Pero mas na hindik siya sa sinabi nito sakanya. Nangatog ang mga tuhod niya at pakiramdam niya ay may isang timbang yelo ang bumuhos sa katawan niya. Nanlalamig siya.

Lumakad ang kilabot sa katawan niya. Lalo na ng mag balik ang mga ala alang pinilit niyang ibaon sa limot. Mga bangungot na matagal na panahon na niyang pinipilit kalimutan. Pero dahil sa pag ka banggit nito sa taong yon parang agos na bumalik sakanya ang nakaraan. Ang madilim na bahagi ng buhay niya na pilit niya tinatakasan.

Napaatras siya na para bang sa pamamagitan non maiiwasan niya rin ang nakaraan niya

Naramdaman niya ang pag hawak ni Jessa sa kanya. May mga sinasabi ito pero hindi niya naririnig. May umuugong sa tenga niya na halos ikabingi niya. Habol din niya ang pag hinga, pakiramdam niya ay may mga kamay na sumasakal sakanya. Nahihirapan siyang huminga. Napatingin siya kay Kenobi na matalim parin ang mga mata na nakatingin sakanya. Binaling uli niya ang paningin kay Jessa at sa nanlalabong mata nakita niyang sumisigaw ito at umiiyak.

Bago pa siya bumagsak sa sahig mayrong matitipunong braso ang sumalo sakanya. Napatingin siya sa sumalo sakanya. Nakita niya ang nag aalalang mukha ni Kristoff

May sinasabi din ito pero hindi niya maintindihan. Nag focus siya kahit na hirap parin sa pag hinga. Gusto niyang malaman kung ano ang sinasabi nito.

"Breath Mina breath" sabi ni Kristoff. Habang kalong nito ang ulo niya "Call the fucking medic!" Sigaw nito sa kung sino "Try to relaxs Mina.. Then breath.." Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. Napapikit siya. Pilit sinusunod ang sinasabi nito "What have you done Kenobi?!" Galit na baling nito kay Kenobi

"She deserved it" malamig na sabi nito. Ang mga mata nito ay puno ng pag kasuklam na nakatunghay sakanya. tumalikod na ito

Nakatanaw siya sa likod ni Kenobi habang papalayo at habang papawala ito sa paningin niya ay unti unti ding nag didilim ang paningin niya hanggang lamunin na ng dilim ang kamalayan niya

PUTING KISAME ang namulatan niya. Iginala niya ang paningin at nakita niya ang daddy niya at ang tita Melody niya na kausap ang isang lalaking naka lab gown

Inalis niya ang oxygen mask sa bibig niya

"D-dad.." Paos ang tinig niya at parang may buhangin sa lalamunan niya

Narinig naman siya ng Daddy niya kaya bumaling ang mga ito sakanya. Mabilis na lumapit sakanya ang ama at ginagap ang kamay niya. Kasunod nito si Tita Melody na puno ng pag aalala ang mukha. Ang lalaki naman na naka lab gown na satingin niya ay doctor ay lumapit din sakanya at sinuri siya ng matapos ito ay may mga sinabi ito sa daddy niya saka lumabas ng kawarto

"How you feeling baby?" Sabi ng daddy niya. Hinimas nito ang buhok niya

"I-Im f-fine.. w-water.."

Agad naman siyang tinulungan ng daddy niya na umupo habang si Tita naman ay nag sasalin ng tubig sa baso at mabilis na iniabot sa kanya

Agad niya iyong ininom dahil pakiramdam niya ay tuyong tuyo ang lalamunan niya.

Kinuha ng daddy niya ang baso pag katapos niyang uminom at inilapag iyon sa katabing lamesa ng hinihigaan niya

"What happened to me?" Tanong niya sa mga ito

Nag katinginan silang dalawa. Hinawakan ng Tita Melody niya ang balikat ng Daddy niya at saka ito ang nag salita

"You suffered from a panicked attack Mina" sabi ng Tita niya.

"What happen baby? Anong nangyari bakit na trigger ang panic attack mo?" Maawtoridad na tanong sakanya ng ama pero nandon pa din ang pag aalala

"I.. I can't remember.." Mahinang sabi niya na halos bulong na

Napabuntong hininga ang ama niya. Halatang hindi ito naniniwala. Kinabahan naman siya.

"It's okay hija. You can tell to us whatever it is" pag uudyok pa nito

Nanatili lang siyang nakatungo. Ayaw niyang malaman ng mga ito ang totoong dahilan lalo na ang daddy niya. Mag aalala nanaman ang mga ito lalo na at may kinalaman sa nakaraan ang naging dahilan ng pag ka trigger ng panic attack niya

"Actually we already know the truth"

Napatingin siya sa ama. Bigla siyang kinabahan. Wala namang ibang nakarinig sa sinabi sakanya ni Kenobi panong.. O baka naman nag punta dito si Kenobi at siya mismo ang umamin sa daddy niya?

"P-paano niyo nalaman?" Ang lakas na ng tibok ng puso niya pakiramdam niya ay mag kakaron nanaman siya ng panicked attack

"Your Dean told us what happen to your school canteen and that they expect us in her office tomorrow"

Para namang nabunutan siya ng tinik sa sinabi nito. Buti nalang at iba pala ang nalalaman ng mga ito

"Anak next time umiwas ka sa gulo. Nakita mona ang nangyari. Na stress ka siguro dahil pinapatawag kami ng Dean kaya siguro na trigger ang panicked attack mo" sermon sakanya ng daddy niya

Nag yuko na lang siya ng ulo. Relief dahil wala naman pala siyang dapat ikabahala

Naramdaman niya ang pag tabi sakanya ng daddy niya at pag akbay nito

"You are our daughter Hermina hindi mo kailangang matakot samin ng Tita mo. Whatever you will do and your sisters we will always here for all of you" masuyong sabi nito saka hinalikan ang ulo niya

"I-im s-sorry Dad.. tita.." Naiyak siya dahil na touch siya sa pag mamahal ng mga ito sakanilang mag kakapatid. Lalo na ang Tita Melody niya na kahit hindi siya nito kadugo pati narin sina Geneva at Amanda ay itinuturing parin silang anak nito. Pantay pantay ito kung mag mahal sakanila walang legitimate at illegitimate para dito at napaka swerte nila

NA DISCHARGE siya ng gabi na yon. Pag dating sa bahay ay hindi na siya sumalo sa hapunan. Nag paalam siya na mag papahinga na sa kwarto niya

Mabilis siyang nakatulog dahil na rin siguro sa pagod sa mga nangyari ngayong araw.

Napabalikwas siya ng bangon  ng magising sa isang bangungot. Tagaktak ang pawis niya at hilam ang mga mata niya sa luha.

Tinignan niya ang mga kamay. Iniisip kung buhay pa ba siya o namatay na siya ng gabing iyon?

Dali dali siyang umalis sa kama at pumasok sa banyo saka ini-lock iyon

Kalangan niyang maramdaman na buhay pa siya. Na wala siya sa panaginip na yon.

Binuksan niya ang cabinet na nasa loob ng banyo niya. Agad niyang kinuha sa ilalim ng mga twalya ang itinago niyang ligther at kandila. Nang makuha iyo ay ibinaba niya ang takip ng bowl at doon naupo. Hinubad niya ang pajamang suot hanggang tuhod. Sinindihan niya ang kandila saka ito itinuwad upang bumaliktad din ang apoy nito at dilaan ang katawan ng kandila. Nang mapansin niyang tutulo na ang natunaw na wax galing sa kandila itinapat niya iyo sa hita niya at inantay iyong pumatak.

Napaungol siya ng maramdaman ang pag patak ng kandila sa hita niya. Mainit iyon at masakit. Pero sakit na may hatid na sarap. Sarap na nag papa relax sa katawan niya at isip. Napakagat siya sa labi.

Nang mapuno ng patak ang isang hita niya itinapat niya naman ang kandila sa kabila. Hindi siya tumigil hanggang hindi pumayapa ang loob niya.

Nalaman niya na meron palang sarap na nararamdaman mula sa sakit na idinudulot niya sa sarili. Natuklasan niya ito noong labing limang taon siya ng laslasin niya ang pulso niya. Noong una ay natatakot siya sa sakit pero dahil sa ka desperaduhan nilaslas niya ang pulso niya para takasan ang mga bangungot niya. Nang mga oras na yon ang kirot at hapdi na nag mumula sa pulso niya ay nag hatid sakanya kapayapaan. Nagagawang tanggalin ng sakit ang mga masasamang alala hanggang ang physical na sakit ay nahalinhinan ng kakaibang sarap. Sa bawat patak ng kandila o sa bawat hapdi kapag pinapaso niya ang sarili gamit ang ligther may kakaibang sarap siyang nararadaman doon. Nakakaadik. Hinahanap hanap ng katawan niya lalo na sa mga oras na nilalamon siya ng takot

Nang araw na mag laslas siya nakita siya ng daddy niya bago siya tuluyang maubusan ng dugo.

Kaya naman ng makaligtas ng araw na yon. Nag isip siya ng ibang bagay na pwede niyang magamit para saktan ang sarili na hindi siya kakakitaan ng kahit anong sugat. Sinisiguro niya rin na sa tagong parte ng katawan niya siya mananakit

Matagal niya na ito ginagawa lalo na noong madalas siyang bangungutin katulad nalang ng nangyari kanina. Itinatago niya lang ito dahil ayaw niyang malaman ito ng daddy niya dahil paniguradong dadalhin nanaman siya nito sa isang rehabilitation center at ipapakausap sa kung sino sinong psychiatrist.

At ayaw niyang mangyari yon. Ayaw niya ng mag pa counseling at mag take ng medication. Ayaw niya ng maupo sa loob ng isang kwarto at piliting ipa kwento sakanya ang nangyari sakanya noong labing apat na taong gulang siya para lang malaman kung saan nag mumula ang mental illness niya.

Natawa siya. Hindi siya baliw pero kung ituring siya ng mga doctor na yon ay parang isang baliw. Kaya hinding hindi siya babalik don. Hinding hindi nila malalaman na hindi nahinto ang pananakit niya sa sarili

Napaiyak siya. Hinayaan niya ang sarili na ilabas ang mga luha na hindi niya nailalabas kapag may iba siyang kaharap. Pinalaya niya ang damdamin na nasasaktan sa tuwing binubully siya. Sa mga sampal, sabunot at pangungutya na natatanggap niya sa araw araw na pag pasok sa university. Hindi siya umiiyak sa harap ng mga bu-mu-bully sakanya dahil ayaw niyang bigyan ng kasiyahan ang mga ito na lalong mag diwang pag nakitang miserable siya.

Dalawang taon nalang. Lagi niyang paalala sa sarili. Oras na grumaduate siya matatapos na ang pag hihirap niya. Magiging normal na ang buhay niya.

MAAGA SIYANG nagising kinabukasan kahit halos wala siyang tulog. Kailangan niya kasing pumunta sa supermarket para bilhin ang mga lulutuin at gagamitin sa pag preprepare ng dinner with candle ligth para sa anniversary ng daddy niya at ng tita niya

Nag suot siya ng palda na abot hanggang sakong niya para maitago non ang namumula niyang hita at hindi kumuskos iyon sa paso niya dahil sensitive p iyon ang pang itaas niya ay fitted na kulay pink na forever21 na sando. Nag pulbo lang siya at kaunting lip gloss. Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang buhok at nag lagay lang ng headband

Sumakay na siya sa kotse at ng pahatid sa pinaka malapit na supermarket.

Binili niya ang mga rekado para sa lulutuin niyang roast beef na paborito ng Tita Melody. Sunod na pinuntahan niya ay isang party needs shop bumili siya ng mga sa tingin niya ay kakailanganin nila para sa pag decorate ng mabili na niya ang mga kailangan nag hanap siya ng flower shop may nakita naman agad siya. Nakangiting lumapit siya don.

Nalibang siya sa pag amoy at pag mamasahid sa mga bulaklak kaya hindi niya namalayang may nakalapit na pala sa likuran niya

Pag lingon niya para lapitan ang mga rosas ay muntik na siyang mapasigaw sa gulat sa lalaking nakakalokong nakangiti sakanya habang ang mukha ay ilang hibla nalang ang layo sa kanya dahil sa pag kaka dukwang nito.

Parang napapasong mabilis siyang lumayo kay Kenobi

Dumeretso naman ito ng tayo at namulsa

"What are you doing here freak?" Maangas na tanong nito sakanya

Hindi siya nakapag salita parang biglang may bumara sa lalamunam niya. Iniisip niya ang nangyari kahapon ang sinabi nito sakanya. Agad na nanlamig ang mga kamay niya.

Dinampot nito ang isang pulang tulip. Inamoy nito iyon at napapikit pa. Pag katapos ay dumilat at nginitian siya na para bang mag kaibigan sila

Lumapit ito sakanya gusto niyang umatras pero parang napako ang paa niya sa sahig

Itinaas nito ang hawak na tulip. Idinikit nito iyon sa pisngi niya at sensual na ipinadaan nito yon mula sakanyang pisngi pababa sakanyang leeg hanggang sa clivage ng kanyang dibdib

"You have a big tits. I didn't notice it before"

Parang natauhan siya sa sinabi nito mabilis niyang tinabig ang tulips na nasa dibdib niya

"B-bastos" galit na sabi niya dito

"Whoah im just complementing you freak!" Pinandilatan siya nito ng mata na parang napaka inosente lang ng ginawa nito pero ang isang sulok ng labi naman nito ay nakataas na alam niyang nanunuya sakanya. Pinisil nito ang pisngi niya at pilit siyang itiningala dito "Wala ka talagang manners!" Mariing sabi nito sakanya na naniningkit ang mga mata

to be continued...