webnovel

Will You Always Love Her? (10)

Editor: LiberReverieGroup

Ang akala ni Lu Jinnian ay mas gusto ni Qiao Anhao ang bida sa mga classic movies kaya hindi niya inaasahan na "Longing" ang magiging paborito nito.

Ito ang pelikulang nagpasikat sakanya sa buong bansa at ang nagbigay sakanya ng magarbong buhay na mayroon siya ngayon. Pero ito din ang pelikula na naging dahilan ng pag-aaway nila.

Ito ang pelikulang minahal niya ngunit kinamuhian niya rin.

Natulala ng sadlit si Lu Jinnian at nanginginig na sinabi, "Isa rin ito sa mga paborito ko, pero ito rin ang pelikulang kinamumuhian ko."

"Bakit?"

Medyo kumalma si Lu Jinnian pero sa puntong iyon, nakita niya na biglang naging malungkot si Qiao Anhao.

"Ito ang pelikulang naging dahilan upang mamuhay ako sa buhay na mayroon ako ngayon, ngunit ito rin ang pelikulang naging dahilan para mawala ang pinaka importanteng tao sa buhay ko."

Nawala ang pinaka importanteng tao sa kanyang buhay…

Bahagyang nagbago ang itsura ni Qiao Anhao, naalala niya kagabi, sinabi nito na naisip nitong umamin pero hindi ito naging matagumpay…

Nagdadalawang-isip pa siya bago itanong, "So umamin ka pagkatapos niyong ifilm ang 'Longing' pero hindi ito naging matagumpay?"

Aamin naman talaga dapat si Lu Jinnian, pero bago niya pa ito gawin, nawalan na siya ng karapatan para ituloy ito.

Krinoss niya ang kayang mga kamay na kadalasang nasa tuhod niya. Medyo matagal siyang yumuko bago sumagot ng malumanay, "Yea…" Pagkatapos ng ilang sandali, itinuloy niya, "Pwede mong sabihin yan."

Matagal nang naiintriga si Qiao Anhao sa kwentong pag-ibig ni Lu Jinnian, pero kapag nalaman niya ang buong istorya, siguradong masasaktan siya. Pero hindi na niya kayang pigilan at nagtanong na, "May contact ka pa ba sakanya?"

"Matagal kaming nawalan ng contact, pero ngayon, nag-uusap ulit kami."

Hindi maipaliwanag na pakiramdam ang biglang bumagabag kay Qiao Anhao, napasaya siya noong unang kalahati ng sinabi ni Lu Jinnian pero nalungkot siya sa pangalawang kalahati ng sinabi nito.

Nag-uusap pa din sila… Pero ano ng meron sakanila ngayon? Si Lu Jinnian ay accomplished at gwapo, siguro naman hindi na niya tatanggihan si Lu Jinnian ulit..?

Tinapik ni Qiao Anhao ang sarili niyang kamay at tuluyan ng nawalan ng interes sa pelikula. Nagpanggap siyang masaya at tumingin kay Lu Jinnian. "Sa mga nobela at drama, ang mga magpartner ay kadalasang nagkakaroon ng happy ending matapos nilang magkahiwalay, sigurado ako kayo din."

Wala siyang ideya na siya ang tinutukoy ni Lu Jinnian.

Ngunit base sa kanyang itsura, mukhang wala siyang pakielam kung sinoman ang nasa puso nito, at gusto niya pa talagang magkatuluyan sila.

Malungkot na tumayo si Lu Jinnian at lalabas sana siya ng kanyang kwarto. Bago pa man din siya makalabas, narealize niya na matapos ang limang taon ay naguusap na sila ulit, kahit walang sparks, kaya pa rin nilang magusap ng mahinahon at hindi magaaway. Ayaw niya ng magkahiwalay silang dalawa ulit.

Pinipigilan ni Lu Jinnian ang kayang kamao para maitago ang nararamdaman niya, at sinabing, "Kasal na siya."