webnovel

Takot Na Maging Dahilan Ng Isang Gulo (8)

Editor: LiberReverieGroup

Natanto ni Qiao Anhao ang "1001" ay room number ni Lu Jinnian.

Bakit kaya niya sinabi ang kanyang room number? Para madala ang script sa kanya?

Intensyon siguro ito ni Lu Jinnian ang naisip na conclusion ni Qiao Anhao. Umalis siya matapos magdahilan kay Zhao Meng habang dala ang script.

Nasa elevator si Qiao Anhao at nasa top floor naman ang room 1001 na presidential suite.

Nababahala siya habang dala ang script kaya huminga siya ng malalim bago lumabas ng elevator.

Sinundan niya and direksyon papunta sa room 1001. Malapit na siya nang dumaan siya sa lounge area para sa high ranked crew members. Naka bukas ang pinto at narinig niya ang usapan ng dalawang serbidora

"Kanina nagdala ako ng kape sa room 1001, grabe halos mamatay ako sa takot kay Mr. Lu. Masama kasi ang kalagayn nito at sinita niya bawat detalye ng pelikula."

"Ang pinagsasabihan ba niya yung producer ng show?"

"Oo, yung producer. Bibigyan nga siya ni producer Sun ng mainit na tubig, kaya lang tinabig ito ni Lu Jinnian kaya napaso si producer Sun. Ginagamot na siya ng resort doctor at ang narinig ko ay medyo malala pa daw."

"Paano hindi magiging malala? Mainit na tubig yon! Hindi ako pupunta kung magpapa-room service yung room 1001. Ikaw na tutal mas matapang ka naman sa akin."

Nabahala si Qiao Anhao sa narinig niyang pag-uusap.

Naglakad siya papunta sa room 1001. Huminga siya ng malalim bago pinindot ang doorbell.

Matapos niyang kumatok saka niya napansin yung sign sa pinto na "Do Not Disturb" kaya maingat siyang kumatok.

Nang kumatok siya ay bumukas ito. Sinilip niya kung may tao sa sala pero wala itong tao. Kakatok na siya ulit ng bumukas ang pinto ng banyo.

Lumubas si Lu Jinnian suot ang kasual na pananamit. Ngunit kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon.

Marahil dahil ito sa hindi magandang pag-uusap nila ni producer Sun.

Pinakita ni Qiao Anhao ang script na dala niya at nanatili sa may pinto.

"Ito na yung script mo."

Hindi kinuha ni Lu Jinnian ang script at tignan si Qiao Anhao.

Sandaling natigilan si Qiao Anhao bago pumasok sa kuwarto at nilapag niya sa lamesa ng sala ang script.

"Dito ko nilagay ang script."

Tumingin ulit siya kay Lu Jinnian. Naka sandal ito sa pinto ng bedroom at tila walang gustong sabihin.