webnovel

Scandal (4)

Editor: LiberReverieGroup

Gustong gusto ng sumabog ni Zhao Meng sa sobrang galit, pero noong nakita

niyang sobrang lungkot ni Qiao Anhao, na mismong taong nasasangkot sa

scandal, ay kailangan niyang maging sensitive at palakasin ang loob nito.

"Qiao Qiao…siguro sobrang sama ng loob ni Lin Shiyi dahil sa ginawa sakanya

ni Mr. Lu sa set ng 'Love at First Sight'. Hayaan mo siyang magsalita ng

magsalita hanggang sa magsawa siya!"

Minsan, sinasadya talaga ni Zhao Meng na ilihis ang usapan para gumaan ang

awra ng paligid. Sumangayon naman sakanya si Qiao Anhao at noong

bahagyang gumaan na ang pakiramdam nito, kumuha ito ng chopsticks para

kumain.

Pero nakakadalawang subo palang ito nang bigla nanaman siyang humirit,

"Qiao Qiao, mukha talagang mayaman ang boyfriend ni Lin Shiyi no? Kasi

nakita mo naman diba na halos kasing laki na ng itlog ng kalapati yung binigay

sakanyang singsing…"

Sa pagkakataong ito, si Qiao Anhao, na walang wedding ring, ay lalo pang

nalugmok sa kalungkutan.

Hindi naman siya naghahangad ng singsing na may diamond na kasing laki ng

itlog ng kalapati, pero ang nakakalungkot kasi dito, kahit mumurahin, wala

siya…

Sinilip niya ang dalawa niyang kamay at malungkot na yumuko habang dahan-

dahang inilalapag ang kanyang chopsticks.

Noong nakita ni Zhao Meng ang naging reaksyon ni Qiao Anhao, doon niya

lang narealize na may mali siyang nasabi. Dali-dali niyang itinikom ang

kanyang bibig at palihim na sumilip sa kaibigan. Hindi niya naman talaga

intensyon na dagdagan ang bigat ng nararamdaman ni Qiao Anhao kaya balak

niya sanang palakasin ulit ang loob nito, pero noong magsasalita na siya,

sakto namang naring ang phone nito.

"Sinong tumatawag?" Tanong ni Zhao Meng. Noong napansin niyang

nakatulala lang si Qiao Anhao, sindya niyang sumilip sa screen nito at noong

makita niya ang mga salitang 'Lu Jinnian', masaya siyang nagpatuloy,

"Tumatawag na si Mr. Lu. Diba kanina mo pa siya hinihintay?"

Habang naka'salumbaba, walang pagmamadaling sumilip si Qiao Anhao

sakanyang phone bago niya ito kunin.

Ang buong akala ni Zhao Meng ay babalik na ang sigla ni Qiao Anhao pag

nakausap na nito si Lu Jinnian kaya masaya niyang dinampot ang kanyang

chopsticks at kumuha ng sea urchin.

Pero noong susubo na sana siya, nakita niyang biglang iniswipe ni Qiao Anhao

ang screen ng phone nito. Ano? Hindi niya sinagot ang tawag ni Mr. Lu?

Hindi niya inakala na ganun ang gagawin ni Qiao Anhao kaya biglang natigilan

ang kanyang kamay na may hawak na chopsticks kaya nalaglag sa lamesa ang

isusubo niya sanang sea urchin. Tinawag niya ang waiter para humingi ng

tsaa, at habang naghihintay, takang-taka siyang nagtanong kay Qiao Anhao,

"Qiao Qiao, bakit hindi mo sinagot?"

Pero bago siya matapos sa pagsasalita, muli nanamang tumawag si Lu

Jinnian. Sa pagkakataong ito, pinaabot muna ni Qiao Anhao sa pang'limang

ring bago nito ibaba ang tawag.

"Diba kanina mo pa hinihintay na tawagan ka niya? Ngayon na tinatawagan ka

na niya, halata namang gustong-gusto mo siyang kausapin pero bakit ka

nagiinarte jan…ano ba talagang gusto mong mangyari?"

Hindi pa man din siya natatapos sa pagsasalita, may isa nanamang tawag

galing kay Lu Jinnian ang ibinaba ni Qiao Anhao.

"Ipapaalala ko lang ha… mas nagsasabi ng totoo ang kilos mo kaysa sa bibig

mo…"

Habang nasa kalagitnaan siya ng pagpapagalit sa kaibigan, muli nanamang

tumawag si Lu Jinnian, pero sa pagkakataong ito, hindi pa man din nagriring ay

binabaan na ito kaagad ni Qiao Anhao.

-

Habang nasa eroplano pauwi, sobrang excited ni Lu Jinnian na makita si Qiao

Anhao kaya imbes na matulog sa labing limang oras niyang byahe ay

nakatulala lang siya.

Pagkalapag niya sa Beijing International Airport, dumiretso siya kaagad sa

parking lot at nagmamadaling umuwi sa Mian Xiu Garden.

Alas onse palang ng umaga, at base sa pagkakakilala niya kay Qiao Anhao,

sigurado siya na kakagising lang nito o baka nga natutulog pa ito dahil

madaling araw na noong natapos silang magusap.