webnovel

Pumirma Ka Dito (6)

Editor: LiberReverieGroup

Nang oras din iyon, mabilis na pumunta si Qiao Anhao ng malaman niya na gumising na si Xu Jiamu para ibigay ang bendisyon para sa kanyang kaibigan simula pa ng bata ng makita niya ito naiyak siya habang yakap ito.

Matapos ng yakap tinawag si Qiao Anhao ng ina ni Xu Jiamu at pribadong sinabi na hindi si Lu Jinnian ang niyakap niya.

Malapit na magkatrabaho ang Xu family at ang Qiao family. Si Han Ruchu ang tunay na ina ni Xu Jiamu at maayos na trinato si Qiao Anhao. Sinabi nito ng hapon kay Qiao Anhao mangiyak-iyak at hawak ang kamay na marami sa board members ang na gustong kunin ang investments nila at tanging kasal ang solusyon. Sinabi na din nila sa publiko nasira ang mukha ang mukha ni Xu Jiamu at walang babaeng gustong magpakasal sa kanya. Nagmakaawa ito pakasalan ang pekeng si Xu Jiamu na nagpapanggap bilang na si Lu Jinnian.

Nagulat sa balita si Qiao Anhao at hindi lubusan maiisip ang hinihingi nito kaya sinabi niya na pag-iisipan niya ito.

Hindi na pinahirap para sa kanya ni Han Ruchu bagkus ay gawin itong bilang sikreto at huwag ipaalam sa Qiao family.

Tinimbang ni Qiao Anhao ang sitwasyon at nangakong walang pagsasabihan.

Matapos niyang umalis pakiramdam niya pinagpala siya ng langit at kung tatanggapin niya ito siya at si Lu Jinnian ay hindi na magiging strangers sa isa't-isa.

Matagal pinangarap ni Qiao Anhao na maging asawa si Lu Jinnian at laging walang pag-asa pero ngayon may opportunidad na sa harap niya.

Gayumpaman ang maari niyang sabihin sa lolo ni ay pakakasalan niya si Xu Jiamu.

Ito lang ang paraan niya para mapalapit kay Lu Jinnian at kung pakakawalan niya ito baka strangers nalang sila habang buhay.

Tinawagan niya si Han Ruchu para sabihin tinatanggap nito ang inaalok niya at sa kondisyon na tanging board at business partners lang ang may alam ng pagpapakasal kay Xu Jiamu.

Sumangayon si Han Ruchu dahil ayaw din ng Xu family ng magarbong kasal at maging laman ng tsismis.

Naging mag-asawa agad sina Lu Jinnian at Qiao Anhao ngunit walang marriage certificate.

May naganap na maliit na kasal at tanging may business ties lang sa Xu family ang pumunta.