webnovel

Peligro (8)

Editor: LiberReverieGroup

Mula noong nakipagbalikan siya kay Song Xiangsi, inihinto niya ang lahat ng uri ng komunikasyon kay Lin Qianqian. Kahapon, pagod na pagod siya dahil bukod sa sobrang haba ng meeting noong umaga, nagovertime rin siya noong isang gabi, kaya habang abala ang lahat sa company event, pumunta muna siya sa lounge ng opisina niya para umidlip. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla namang sumulpot si Lin Qianqian para pilitin siyang pagusapan ang tungkol sa kasal daw nila.

Nang marinig niya ang tanong, si Song Xiangsi kaagad ang unang pumasok sa isip niya, pero dahil kilala niya si Lin Qianqian bilang spoiled brat, nagdahilan nalang siya na pagkatapos nalang ng graduation nito pagplanuhan para lang matapos na ang usapan.

Pero taliwas sa gusto niyang mangyari, daldal pa rin ito ng daldal. Bandang huli, hindi niya na kinaya ang ingay kaya tinulak niya ito ng malakas palayo sakanya at inis na inis na naglakad papunta sa CR.

At mula noong puntong yun, hindi na matahimik ang puso niya.

Ganun ba talaga kaimportante na magpakasal ang mga tagapagmana ng dalawang kumpanya?

Hindi ba, hindi rin naman naging maayos ang relasyon ng mama at papa niya kahit pa sumunod ang mga ito sa tradisyon?

Eh, bakit sina Lu Jinnian at Qiao Anhao? Masaya naman ang mga ito at kahit sinong makakita ay mararamdaman talaga na totoong mahal nila ang isa't-isa…

Kaya sa totoo lang, naiinggit siya sa naging kapalaran ng kuya at ng best friend niya…

"Xu Jiamu? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Lu Jinnian nang makita siya nitong nakatayo sa labas ng CR.

Kalmado niyang pinatay ang sindi ng kanyang sigarilyo at naghugas ng kamay para sumunod sa changing room, pero nang maglalakad na siya, biglang nagbukas ang pambabaeng changing room at nakita niyang lumabas si Song Xiangsi, na nakasuot ng kulay puting lace gown habang nakapusod ang buhok.

Kaya bigla siyang natigilan at napatulala kay Zhao Meng na gandang-ganda kay Song Xiangsi.

Kahit pang bridesmaid na gown lang ang suot nito, wala siyang masabi at literal na napanganga nalang siya sa sobrang pagkamangha.

At noong oras na 'yun, hindi niya rin maintindihan ang sarili niya pero biglang pumasok sa isip niya ang itsura ni Song Xiangsi bilang isang bride…

Kung si Song Xiangsi ang bride… Eh sino naman ang groom?

Dahil sa katanungang ito, bigla siyang nalungkot, na maging siya ay hindi niya rin alam kung bakit...

Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit niya tinulungan si Song Xiangsi noong nangangailangan ito para sa nagaagaw buhay nitong tatay, at lalong hindi niya alam kung bakit hindi niya ito kayang mawala sa buhay niya.

Kagaya nga ng paulit-ulit niyang sinasabi, tinatak na ng kultura nila bilang mayaman na kailangan niyang ikasal sa isang babaeng ka-lebel ng pamilya niya, kaya binalewala niya ang masasaya nilang alaala sa loob ng pitong taon, at kahit kailan hindi niya naisip na darating ang araw na pakakasalan niya si Song Xiangsi, at wala siyang pakielam noon kahit sino pang makatuluyan nito.

Pero ngayon na naisip niyang ikinakasal ito sa iba, hindi niya maipaliwanag ang sakit na ngayon niya lang naramdaman.

"Brother Jiamu, bakit ka nakatulala?" Nang sandaling marinig niya ang boses ni Qiao Anhao, bigla siyang nahimasmasan. 

Pero hirap na hirap pa rin siyang alisin ang pagkakatitig niya kay Song Xiangsi. "Oh bakit?"

At noong sandali ring iyon, itinuro ni Lu Jinnian ang designer, na kanina pa naihanda sa changing room ang mga suit na isusukat niya, "Magsukat ka na."

"Oh." Walang pagtanggi niyang sagot bago siya maglakad papasok sa kabilang pintuan.

-

Alam ni Qiao Anxia na ngayon ang schedule ng fitting sa shop ng "Isang daang taong kaligayahan" para sa mga gown at suit na gagamitin sa kasal nina Lu Jinnian at Qiao Anhao dahil pinakiusapan siya ng mama niya noong isang araw na siputin niya naman ang pinsan niya sa pagkakataong ito dahil naghanda ng damit para sakanya.

Dahil sa kakaiyak niya kagabi, magang maga ang kanyang mga mata pagkagising niya. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang balak na umattend ng fitting, pero sa lahat ng mga napagnilayan niya kagabi, sapat na ang mga ito para lumambot siya at sa wakas magdesisyon na magpakita na kina Lu Jinnian at Qiao Anhao.