webnovel

Pagkatapos (20)

Editor: LiberReverieGroup

Habang naglalakad si Song Xiangsi papunta sa sala, hindi lumilingon si Xu

Jiamu. Tinuro niya lang ang sofa bilang senyas na umupo muna ito, at

dumiretso siya sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig.

Pagkatapos, sinilip niya ito, at nang makita niyang nakatayo lang ito, muli

kumunot ang kanyang noo, pero sa pagkakataong ito, hindi niya na ito pinilit na

umupo, bagkus, naglakad siya papalapit dito para iabot ang baso. "Anong

kailangan mo sakin?"

Pero imbes na kunin ang baso, muling tumingin ang sobrang putlang Song

Xiangsi kay Xu Jiamu, at walang pagdadalawang isip na nagmakaawa,

"Kailangan ko ng dugo mo."

'Dugo?' Hindi maintindihan ni Xu Jiamu ang ibig sabihin ni Song Xiangsi, pero

nang marinig niya ang salitangi ito, bigla siyang kinabahan, kaya hindi niya

namalayang natapon na ang tubig sa kamay niya.

"Kailangan mo ng dugo ko?"

"Oo." Paulit-ulit na tumungo si Song Xiangsi, at habang patagal ng patagal ang

usapan, makikita sa istura niya na lalo siyang nagiging aligaga. "Nakikiusap

ako sayo, pwede bang samahan mo ako sa district hospital? Kanina,

nagdadrive si Jiang Licheng sa Ring South Road at naaksidente siya…"

"So nagpunta ka dito kasi gusto mong iligtas ang asawa mo?" Naiinis na sagot

ni Xu Jiamu.

Asawa…. Buti nalang at sumingit si Xu Jiamu… Kundi, baka nadulas na siya

sa katotohanan na kaya niya ito pinuntahan ngayon ay dahil ito ang kamatch ni

Little Red Bean…

Pagkarating niya sa ospital kanina, nagaagaw buhay na si Little Red Bean.

Ang sabi ng doktor sakanya, marami raw nawalang dugo sa bata at sa

kamalas-malasan, hindi sila match at wala na ring dugo sa blood bank ng

ospital… kaya kailangan niyang magmadali kundi mamatay ang anak nila.

Bilang ina, sobrang natakot siya noong narinig niya ang mga salitang, 'baka

mamatay', kaya noong sandaling 'yun, para siyangbiglang nawala sa sarili

niya at nagmamadaling pumunta kay Xu Jiamu, dahil ito lang naman ang

kakilala niyang pwedeng magdonate kay Little Red Bean.

Kung hindi lang sumingit si Xu Jiamu, baka nasabi niya na ang totoo…

Kaya bigla siyang natigilan, at dahan-dahang yumuko. "Nagmamakaawa ako,

samahan mo na ako sa ospital. Please?"

Pero hindi na muling sumagot si Xu Jiamu at nakatitig lang siya kay Song

Xiangsi.

Parang kanina lang sobrang yabang nito at ni hindi manlang siya binigyan ng

pagkakataon na makapagpaliwanag…Kaya kumpara sa nakikita niya ngayon,

masasabi niyang parang ibang tao talaga ang kaharap niya.

Ibig sabihin, may puso naman pala ito, pero sadyang hindi lang talaga siya ang

laman….

Dahil dito, biglang humigpit ang pagkakahawak ni Xu Jiamu sa baso.

Nagagalit siya sa sobrang sakit ng pinaparamdam nito sakanya at gustong

gusto niyang tanungin si Song Xiangsi kung sinasadya ba talaga nitong saktan

siya.

Pero pagkalipas ng kalahating minuto, muling nagmakaawa si Song Xiangsi,

"Jiamu, samahan mo na ako please?"

Habang sinusubukang hawakan ang kanyang kamay.

Pero bago pa man din ito dumampi sakanya, bigla siyang umilag at tumalikod.

Dahan-dahan, inilapag niya ang baso ng tubig sa katabi niyang coffee table at

nagsalita, na para bang hindi apektado. "Sorry, hindi ako interesado."

Pagkatapos, itinuro niya ang pintuan, na para bang sinasabi niyang lumabas

na ito. "Mrs. Song, humanap ka nalang ng ibang tutulong sayo."