webnovel

Pagkatapos (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matalinong bata si Little Rice Cake, kaya nang naramdaman niyang hindi

natuwa ang papa, dali-dali siyang tumingin kay Qiao Anxia para palitan ang

sagot. "Mas magaling si mama."

Pagkatapos, muli siyang sumilip sa papa niya at nang makita niyang kumalma

na ang itsura nito, tumingin siya ulit kay Qiao Anxia at masayang nagabang sa

kasunod na tanong.

Kitang-kita ni Qiao Anxia kung anong ginawa ni Lu Jinnian kaya sa sobrang

pagkairita, inirapan niya ito. 'Haaaay… hanggang kailan mo ba talaga balak

magpaka under the saya sa asawa mo?'

At muli, tumingin siya kay Little Rice Cake at malambing na ngumiti sa

nagaabang na bata. "Okay. May isa pang tanong sayo si Auntie. Sinong mas

love mo? Si Baba o si Mama? Tandaan mo, isa lang ulit ang pwede mong

isagot!"

Sa pagkakataon ito, binigyang diin ni Qiao Anxia ang 'isa' sa pamamagitan ng

pagtaas niya ng kanyang hintuturo.

Mas love? Si papa o si mama?

Medyo naguluhan si Little Rice Cake sa tanong na ito…. Sa nakalipas na

limang buwan, si Lu Jinnian lang ang lagi niyang kalaro kaya natural lang na

mas naging close sila kumpara kay Qiao Anhao. "Papa."

At kagaya noong una, muli siyang sumilip sa papa niya. Nakatingin nanaman

ito ng masama sakanya, pero hindi kagaya noong nauna, hindi niya na ito

hinintay na magsalita pa at dali-dali siyang tumingin kay Qiao Anxia. "Pero

mas love ko si mama."

Dalawa't-kalahating taong gulang… maituturing pang baby si Little Rice Cake,

pero sa edad na ito, marunong na siyang bumasa ng mukha… Eh paano pa

kaya pagtanda niya!

At dahi nakita ni Qiao Anxia ang kahinaan ni Little Rice Cake, lalo pa siyang

na-cute-an sa bata at muling mapangasar na nagtanong habang hinihimas ang

buhok nito. "Edi kung sakaling naghiwalay sina mama at papa…"

"Qiao Anxia!" Naiinis na sita ni Lu Jinnian nang marinig niya ang salitang

'naghiwalay'.

"Lu Jinnian, kung ayaw mong marinig ang tanong ko, edi lumabas ka nalang.

Naglalaro lang naman kami ha!" Bilang siya si Qiao Anxia, walang awat siyang

pumatol sa simpleng sita ni Lu Jinnian, bago siya muling tumingin kay Little

Rice Cake at malambing na nagtanong, "Kanino ka sasama? Kay papa o kay

mama?"

Sa totoo lang, hindi maintindihan ni Little Rice Cake ang ibig sabihin ng

'naghiwalay', pero dahil nakita niyang galit si Lu Jinnian, walang kamuwang-

muwang siyang nagtanong, "Hindi ba sila pwedeng magkasama?"

"Hindi." Umiling si Qiao Anxia at mapangakit na sinabi, "Tandaan mo ang

Ultraman egg…"

Pero bilang fan ng Ultraman egg, hindi na natiis ni Little Rice Cake at muli

siyang sumagot kahit hindi niya naintindihan ang tanong, "Papa…"

At kagaya noong naunang dalawa, muli niyang sinilip ang reaksyon ng mukha

ni Lu Jinnian. Nanlilisik ang mga mata nito, at mas nakakatakot ang tingin nito

kumpara kanina….Kaya sa pagkakataong ito, hindi niya na kaya… kaya

mangiyak-ngiyak siyang tumingin kay Qiao Anxia, "Si mama, si mama po yung

pinipili ko."

Hindi napigilan ni Qiao Anxia na matawa ng malakas sa sobrang

pagkainosente ni Little Rice Cake. "Sige, magtatanong ulit si Auntie sayo ha."

Pero hindi kagaya ng mga naunang tanong, hindi na masaya si Little Rice

Cake. Bigla siyang umiyak ng malakas at sinabi habang paulit-ulit na umiiling,

"Auntie, ayoko na po ng Ultraman egg. Wag na po kayong magtanong. Si

mama po yung mabait, at masama po si papa…"

Sakto, kakaakyat lang ni Qiao Anhao pagkatapos niyang painitan ang dede ni

Little Rice Cake nang marinig niya ang matining na iyak ng anak, kaya dali-

dali siyang tumakbo papunta sa playroom at walang pagdadalawang isip itong

niyakap. Teka… Si Qiao Anxia lang naman ang kasama ni Little Rice Cake

simula noong bumaba siya… sino pa bang ibang magpapaiyak dito…Kaya

habang pinapatahan ang bata, tinignan niya ng masama ang pinsan.

Na agad namang nag'react, "Huy. Wag mo kong sisihin. Yung asawa mo kaya

yung nagpaiyak kay Little Rice Cake."

Hindi makapaniwalang tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian.

Kaya biglang napakunot ang noo ni Lu Jinnian at sa takot na baka magalit ang

asawa, dali-dali siyang nagpaliwanag, "Si Qiao Anxia ang nagpaiyak jan sa

anak mo."

"Hoy, ikaw kaya yung nangasar kay Little Rice Cake!" Mayabang na sagot ni

Qiao Anxia.

"Nangaasar ba ako?" Naiinis na sagot ni Lu Jinnian.

Next chapter