884 Pagkatapos (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Aye, hindi ko alam kung anong nangyayari jan kay Xu Jiamu. Alam mo ba sa

totoo lang, pakiramdam ko sobrang laki na ng pinagbago niya nitong mga

nakaraang buwan. Dati naman lagi yang lumalabas kaya nga diba sa tuwing

nabobored siya, siya pa yung unang nagyayaya, pero ngayon, kahit anong

yaya mo sakanya, ayaw niya talaga. Isa pa, hindi mo ba napansin na bigla

siyang naging mailap sa ibang tao? Hayyyy. Napatunayan ko na talagang

kapatid siya ni Mr. Lu. Ganyan na gayan yang asawa mo dati diba…

Pero aminin natin… iba siya pagdating kay Little Rice Cake. Parang anak niya

na talaga yang anak mo oh! Kita mo ba? Sa sobrang pagmamahal niya jan sa

bata, halos siya na ang makapuno ng buong kwartong 'to sa dami ng mga

laruang pinagbibili niya! Kahit kailan hindi ko talaga inakala na mahilig si Xu

Jiamu sa mga bata. Tapos ngayong dumating na si Little Rice Cake, lumabas

na siya pa pala ang pinaka mahilig sa bata sa ating lahat!

"Trenta na siya at hanggang ngayon wala pa rin siyang asawa. Bilang kuya at

ate niya, bakit kaya ayaw niyo siyang kausapin ni Lu Jinnian….Lagi nalang

siyang magisa at nakakaawa talaga siya.

Pagkatapos ng mahabang litanya, napabuntong hininga nalang si Qiao Anxia

sa sobrang awa niya para sa kaibigan. "Ay teka! Oras na para uminom si Little

Rice Cake ng gatas. Baba lang ako para pag'initan siya ng dede."

"Hindi na, ako na ang bababa. Bantayan mo nalang si Little Rice Cake dito."

Sagot ni Qiao Anhao, na kanina pa nananahimik habang nakikinig kay Qiao

Anxia at nakikipaglaro kay Little Rice Cake.

"Thank you po mama", malambing na sabat ni Little Rice Cake habang

abalang naglalaro ng Lego.

Kaya bago tumayo, ngumiti si Qiao Anhao sa malambing na bata at hinimas

ang ulo nito.

Sa bandang kaliwa ng playroom ni Little Rice Cake, may isang bloke ng

bintana na matatanaw ang bahay ni Xu Jiamu.

Kaya bago bumaba, hindi napigilan ni Qiao Anhao na dumungaw muna dito. At

kagaya nga ng reklamo ni Qioa Anxia, nakita niya si Xu Jiamu na nakasandal

sa corridor ng katapat na bahay, na mukhang problemado habang

nagsisigarilyo.

Tama ang lahat ng sinabi ni Qiao Anxia…Maging siya ay hindi niya rin alam

kung anong nangyari sa best friend niya at kahit gaano pa ito kagustong

tawagin ngayon para itanong kung anong nangyari, alam niya naman ang

magiging sagot nito, kaya bandang huli, napabuntong hininga nalang siya, at

nagpatuloy sa paglalakad.

-

Bago puntahan ang magina sa playroom, inilapag muna ni Lu Jinnian ang

maleta ni Qiao Anhao sa mater's bed room.

At pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan, saktong narinig niya na

inaasar ni Qiao Anxia si Little Rice Cake. "Little Rice Cake, behave ka lang

ha. May itatanong sayo si auntie at kapag tama ang sagot mo, bibilhan kita ng

paborito mong Ultraman egg!"

Kaya dali-daling inilapag ng bata ang hawak nitong Lego at atat na atat na

tumingin kay Qiao Anxia, "Sige ba auntie."

"En. Sinong mas magaling? Si mama o si papa?" Mapangasar na tanong ni

Qiao Anxia, na ga-tenga ang ngiti.

"Tadaan mo, kailangan isa lang ang piliin mo kasi kung hindi, wala kang

Ultraman egg."

Simula noong tumigil si Little Rice Cake sa pagdede ng direkta kay Qiao

Anhao, si Lu Jinnian na ang laging nagpapadede at nagpapalit ng diapers nito

dahil hindi niya kayang makita si Qiao Anhao na sobrang napapagod sa

trabaho at sa pagaalaga sa anak nila.

Pero dahil dalawa't-kalahating taon palang si Little Rice Cake, hindi niya pa

naiintindihan ang mga bagay-bagay. Ang alam niya lang, ang papa niya ang

lagi niyang nakikita, kaya para sa Ultraman egg, inosente siyang sumagot.

"Papa."

Pero pagkatapos na pagkatapos magsalita ng bata, biglang umubo si Lu

Jinnian, na nakatayo sa tabi pintuan.

Kaya dali-daling tumingin si Little Rice Cake sa direksyon ng tunog. Kabisado

niya ang boses ng papa niya at sa totoo lang, ang buong akala niya ay

matutuwa ito sakanya dahil sa sagot niya, kaya laking gulat niya nang makita

niya itong nakatingin sakanya ng masama.

"Anong sabi mo?"

avataravatar
Next chapter