webnovel

Pagbalik tanaw sa ating masasayang kahapon (1)

Editor: LiberReverieGroup

O ano ba talagang mas tamang interpretasyon....Hindi kaya, kagaya niya,

matagal na rin talaga siyang gusto ni Qiao Anhao?

Ha? Pero paano naman yun mangyayari... Hindi makapaniwala si Lu Jinnian sa

mga posibilidad na bumabagabag sakanya kaya noong sandaling matapos

niyang basahin ang laman ng sulat, para siyang naging estatwa na hindi

gumagalaw sakanyang kinauupuan habang nakatitig sa hawak niyang papel, at

sa sobrang tahimik ng buong opisina ay wala siyang ibang marinig kundi ang

napakabilis na tibok ng kanyang puso.

Teka lang... Parang may mali... Ibang-iba ito sa pinaniniwalaan niya...

Tama...Kailangan niyang alamin ang katotohanan...

Sa kagustuhan niyang masagot ang lahat ng mga tanong na biglang

nagsisulputan sakanyang isip mula noong nabasa niya ang laman ng love letter,

naisip niyang tanungin nalang ng direkta ang nagbigay nito - si Qiao Anhao,

kaya dali-dali niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan ito, pero noong

handa na siyang tumawag, bigla niyang naalala na si Qiao Anxia ang nagbigay

sakanya ng recording pen at kung magtatanong siya kay Qiao

Anhao....siguradong masasaktan ito pag nalaman nitong gumawa ng ibang

kwento ang pinsan nito, tama?

Alam niya kung gaano kalapit sa isa't-isa ang magpinsan at hindi lingid sa

kaalaman niya kung gaano kamahal ng asawa niya ang ate Qiao Anxia

nito...Kaya... Kung sakali mang may malaman itong taliwas sa katotohanan,

baka malungkot lang ito at hindi niya yun pwedeng hayaang mangyari lalo pa

nga nagyon na buntis ito.

Kaya bigla siyang natigilan at hindi nagtagal ay bumalik nalang siya sakanyang

Contacts.

Kahit kailan hindi niya sinave ang number ni Qiao Anxia, pero alam niya naman

na kahit pa makuha niya ito sakanyang assistant at matawagan ito, sigurado

namang hindi ito magsasabi ng totoo kagaya nalang ng nangyari noong

hinahanap niya si Qiao Anhao.

Kaya... si Xu Jiamu nalang ang pagasa niya.

Xu Jiamu...

Noong sandaling pumasok sa isip niya ang kanyang kapatid, muli siyang

natigilan at naalala niya kung paano ito naglakas loob na umakyat sa stage

para linisin ang pangalan nila ni Qiao Anhao habang nasa kalagitnaan ng isang

live competition.

Kung hindi dahil sa ginawa nito... siguradong habambuhay na nilang dadalhin ni

Qiao Anhao ang masamang tingin ng mga tao...

At baka natuloy na silang magpakalayo nalang at manirahan sa malayong

bansa...

Kahit mula pagkabata niya ay ayaw na sakanya ni Han Ruchu, walang

pagkakataon na pinaramdam sakanya ng kapatid niyang si Xu Jiamu na

kamuhi-muhi siya, bagkus, trinato siya nito na punong-puno ng respeto at

pagmamahal.

Higit sa lahat, habang nagtatanghalian sila kanina ng mga board of directors,

narinig niya na dinala si Han Ruchu sa ospital dahil di umano'y sumuka ito ng

dugo sa sobrang sama ng loob buhat ng pagtataksil ng sarili nitong anak. Ayon

sa nagkwekwento, buong magdamag daw na kritikal ang lagay nito at kaninang

umaga lang ito naging stable.

Kahit gaano pa kasama si Han Ruchu...siya pa rin ang mama ni Xu Jiamu at

kung may taong sobrang nasasaktan at nalulungkot ngayon, sigurado siya na

yun ay walang iba kundi ang kapatid niya...

Sa totoo lang, sa dami ng mga nangyari, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin

alam kung paano niya kakausapin si Xu Jiamu, pero siya ang kuya at hindi niya

naman pwedeng hayaang ganito nalang sila habambuhay, tama? Kaya

pagkatapos ng ilang minutong pagdadalawang isip, tuluyan na siyang

nagdesisyon na hanapin ang pangalan ni Xu Jiamu sakanyang Contacts at

tawagan ito.

-

Pagkaalis na pagkaalis ni Xu Jiamu sa venue ng competition kahapon, may

tumawag sakanyang isang katulong ng Xu Family para ibalitang sinugod si Han

Ruchu sa ospital dahil daw sumuka ito ng maraming dugo sa sobrang sama ng

loob.

Kaya walang pagdadalawang isip siyang dumiretso sa ospital para bantayan

ang mama niya hanggang sa maging stable na ang kundisyon nito.

Pero kagaya ng inaasahan niya, ang kanyang mama na mula pagkabata niya ay

laging mahinahon pagdating sakanya ay biglang nagwala nang sandaling

makita siya nito pagkamulat na pagkamulat ng mga mata nito. Galit na galit

itong umupo at buong lakas siyang sinampal. "Tandaan mo ang araw na ito,

dahil simula ngayon, hindi na kita anak! Masyado kang mayabang at

mapagmalaki. Diba gusto mo ikaw ang magaling? Ikaw ang matalino? Ikaw na!

Dahil halos sumubsob na ako sa lupa sa sobrang baba ng tingin sa akin ng mga

tao ngayon. Ano pang gingawa mo dito? Umalis ka na, hindi kita kailangan!"

Sinubukan niya itong pakalmahin pero naiintindihan niya naman na hindi yun

ganun kadali dahil nga naman pinahiya niya ito sa harap ng buong mundo at

sino ba namang kakalma nalang ng ganun kadali, diba? Higit sa lahat... alam

niyang habambuhay ng kikimkimin ng mama niya ang sama ng loob na ang

pinaka mamahal nitong anak ang siya pang naglaglag dito... Bandang huli, sa

sobrang galit, bigla itong nagsuka ng maraming dugo sa harapan niya kaya

para hindi na lumala ang sitwasyon ay lumapit na sakanya si Auntie Yun para

palabasin siya.

"Young master, hindi naman sa nakikielam ako ha? Pero bakit mo ba naman

kasi naisipang panigan ang ibang tao at balewalain si madam? Siya ang mama

mo at ang nagsakripisyo para lang mapalaki ka ng maayos kaya bakit mo

naman naisipang gawin ito sakanya?"

Sa kabila ng pangongonsensya ni Auntie Yun, alam niya sa sarili niya na tama

ang ginawa niya pero wala din namang saysay kung dedepensahan niya ang

sarili niya sa isang taong sarado ang utak kaya nanahimik lang siya habang

pinakikinggan ang walang tigil na pagiyak ng kanyang mama na naiwan sa loob

ng kwarto na habang tumatagal ay parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso

niya.

Kaya habang sinisisi siya ni Auntie Yun ay napayuko nalang siya.