webnovel

Nagising na si Xu Jiamu (1)

Editor: LiberReverieGroup

Limampung minuto lang silang nagbyahe at nakarating na sila kaagad sa ospital kung nasaan si Xu Jiamu.

Walang duda na maganda talaga ang relasyon nina Lu Jinnian at Xu Jiamu kaya noong tinanong siya ni Qiao Anhao kung gusto niya bang umakyat, pinagisipan niya muna ito pero agad ding tumungo nang malamang wala pa sina Xu Wanli at Han Ruchu. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa underground parking ng ospital, nilock ang pintuan at sumunod kay Qiao Anhao.

Ang nurse na nagaalaga kay Xu Jiamu ay naghihintay kay Qiao Anhao sa hall ng first floor. Noong makita nito na papasok na siya, agad itong lumapit sakanya para samahan siyang umakyat. Habang naglalakad, kinuwento ng nurse ang mga detalye noong nagising su Xu Jiamu.

"Kaninang mga alas sais, gumalaw po si Mr. Xu. Mula noong unang beses siyang gumalaw, araw-araw na po siyang gumagalaw ng paunti-unti, pero ngayong gabi, medyo marami ang kanyang naikilos. Hindi namin masyadong pinansin pero noong bumalik ako sa kwarto niya galing sa CR, nakita ko ang mga mata ni Mr. Xu na nakamulat…"

Pumasok sina Qiao Anhao at Lu Jinnian sa hospital room ni Xu Jiamu habang nagkwekwento ang nurse. Ayon sa pagkakalarawan nito, nakahiga raw si Xu Jiamu sa kama habang may nakakabit na swero rito. Ang mga mata raw nito ay nakamulat pero nakatingin lang sa kisame na para bang may malalim itong iniisip.

Kahit naman walang namamagitan sa kanila o hindi niya ito kadugo, para kay Qiao Anhao itinuturing niya si Xu Jiamu bilang tunay niyang kapatid -kapatid na pinoprotektahan siya mula noong pagkabata niya. Lalo na noong namatay ang mga magulang niya, hindi talaga siya iniwanan nito kaya nang nalaman niya na nagising na ito matapos ang matagal na panahong nawalan ito ng malay, sobrang saya at pagkasabik ang kanyang naramdaman.

Dali-dali siyang pumunta sa tabi ng kama ni Xu Jiamu at walang alinlangang tinitigan ito. Noong sandaling nakita niya ang kanyang repleksyon sa mga mata nito, mahinahon niya itong tinawag, "Brother Jiamu."

Walang kabuhay buhay na nakatulala si Xu Jiamu na para bang hindi siya kilala nito. Wala itong ipinapakitang kahit anong emosyon at hindi rin ito gumagalaw.

Natakot si Qiao Anhao nang makita niyang nakatulala lang si Xu Jiamu kaya muli niya itong tinawag, "Brother Jiamu?" Hindi nagtagal ay muli siyang nagtanong ng mahinahon, "Brother Jiamu, hindi mo ba ako naalala?"

Matapos marinig ni Xu Jiamu ang huling tanong ni Qiao Anhao, unti-unting gumalaw ang mga mata nito at tumingin ng walang kabuhay buhay kay Qiao Anhao.

Pinigilan ni Qiao Anhao ang kanyang paghinga habang nakatingin siya kay Xu Jiamu. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin at ang mga mata niya ay punong-puno ng pagdadalawang isip.

Matagal na nakatitig si Xu Jiamu sakanya bago nito dahan-dahang pilitin na abutin ang kanyang kamay. Gusto sana nitong hawakan siya pero wala itong sapat na lakas para gawin ang bagay na yun. Bandang huli, hindi na nito pinilit, ngumiti nalang ito at hirap na hirap na binigkas ang dalawang salita, "Qiao… Qiao…"

Biglang tumulo ang mga luha ni Qiao Anaho at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Xu Jiamu. Sobrang naging emosyonal siya at hindi niya magawang makapagsalita. "Brother Jiamu, sa wakas gising ka na. Alam mo ba na sobrang tinakot mo ako. Brother Jiamu, akala ko hindi na magigising ulit…."

Dahil sumunod si Lu Jinnian kay Qiao Anhao sa hospital room, nakita niya ang lahat ng nangyari at wala siyang ibang maramdaman kundi ang pakiramdam na parang sabay-sabay siyang tinutusok sa puso ng napakaraming karayom

Matagal na nakahawak si Qiao Anhao sa kamay ni Xu Jiamu bago niya maalala si Lu Jinnian. Noong mga oras na iyon, namumula na ang kanyang ilong sa kakaiyak. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at umatras para sabihin kay Xu Jiamu, "Brother Jiamu, nandito rin si Lu Jinnian."