webnovel

Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi masamang tao si Zhao Meng nagiging practikal lang siya. Wala siyang ibig sabihin tungkol doon at iniisip lang ang kapakanan ni Qiao Anhao. Gusto niya sana na makisakay ito sa awtoridad ni Lu Jinnian, ang makaangat sa industriya para mabuhay ng comportable kahit mamuhay siya kasama nito sa hinaharap. Hindi masama para sa isang babae ang isipin ang sarili niya.

Hindi sa hindi gusto ni Qiao Anhao ang ideya pero masyado lang siyang kinamumuhian ni Lu Jinnian na kahit hawakan siya ay hindi ito interestedo.

Binaba niya ang kanyang tingin para hindi makita ang nagdilim niyang mga mata. "Nasa Rome siya ngayon at gumagawa ng pelikula, hindi mo ba alam? Baka naman inaasahan mo na pupunta ako ng Rome para lang makasama siyang matulog?"

Bahagyang nabigla si Zhao Meng.

'

Nangunot ang mga kilay ni Qiao Anhao at nagtanong, "May problema ba?"

"Qiao Qiao, hindi mo ba alam?"

"Alam ang alin?"

Matapos ng ilang sandali nagsalita si Zhao Meng, "Nakabalik na si Lu Jinnian galing Rome dalawang araw na ang nakakalipas, hindi ba siya umuwi sa inyo?"

Nakabalik na pala siya...at bilang asawa niya, wala siyang alam tungkol dito.

Nabigla si Qiao Anhao bago ngumiti na hindi na babahala. "Normal na hindi bumalik… Ang pinaka mahaba na wala akong narinig tungkol sa kanya ay mga tatlong buwan, at wala pangang kalahating buwan ngayon."

Hindi na sumagot si Zhao Meng kaya nabalot ng katahimikan ang kotse. Matapos ng ilang sandali, hindi niya napigilang sabihin, "Qiao Qiao, noong dalwang na nakalipas, narinig ko sa isa sa mga board members galing sa Huan Ying entertainment company na hinimatay si Lu Jinnian at dinala sa ospital habang nasa meeting ng araw na bumalik siya."

Lumipas ang ilang sandali bago pumasok sa isip ni Qiao Anhao ang impormasyon bago ito sumagot ng "Oh".

"Narinig ko rin sa mga board members na kahit inaapoy siya ng lagnat, tumandgi ito magpagamot sa doktor, nagpilit ito na ma-discharged. Hindi nito pinansin ang mga pagpilit nito sa kanya, nagmaneho daw ito ng mag isa sa kabila ng lagnat nito." at sinabi pa ni Zhao Meng, " Sa tingin mo magiging okay lang kaya siya? Umalis siya ng ospital ng hindi man lang nagagamot ang lagnat niya."

Nanatiling walang reaksyon si Qiao Anhao pero sa gilid kung saan hindi makikita ni Zhao Meng, ang mga kamay nito ay mahigpit na nakakapit sa dulo ng kanyang damit.

Nakatingin lang sa kalsada si Zhao Meng at matapos ng ilang sandali at nagtanong ulit ito,"Qiao Qiao, hindi mo ba siya bibisitahin?"

Tahimik si Qiao Anhao ng sandali bago ito umiling."May usapan tayo na hindi tayo manghihimasok sa buhay ng isa't isa."

Si Zhao Meng naman ang nag-reply ng "oh" at bumalik sa pagiging tahimik ang kotse.