17 Mga Munting Bagay Para Sa Pag-Ibig (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi sinasadya ni Xu Jiamu na masabi kay Qiao Anhao na may gustong babae si Lu Jinnian. Kaya ng magkita sila ni Lu Jinnian ay agad niyang tinanong kung sino ang gusto nitong babae.

Maraming beses na nairita sa kanya si Lu Jinnian ngunit hindi ito gaya ng nangyari noong araw.

Maraming taon na ang lumipas pero sariwa pa sa kanya kung paano ito nagalit, "bakit may pakialam ka ba kung sino ang gusto ko? Tiyak akong hindi ikaw yun "

Nang araw na yun doon niya lang nalaman na may galit ito sa kanya.

Kaya kahit na hindi niya nalaman ang dahilan ng pagkagalit kanya, iniwasan niya lang ito sa mga sasalubong na mga araw.

Gaya ng sinabi niya kay Zhao Meng hindi na sila nagkausap matapos ng araw na iyon. Nagkita sila ng ilang beses pero hindi na sila ganoong naguusap at sa tuwing pilit silang pinaguusap laging masasakit ang mga binibitawan nitong salita.

Dahil sa malalim niyang pagibig kay Lu Jinnian, pinagtuunan ito ng pansin ni Qiao Anhao. Dahil sa malalim niyang pagibig para sa kanya, madali para kay Lu Jinnian saktan ang kanyang nararamdaman. Sa paglipas ng panahon nagsimula siyang katakutan ito, makisalamuha sa kanya, sa tuwing nagsasalita ito lagi nitong inaapakan ang kanyang puso.

Naisip niya na sa tuwing hindi sila nagkakasalamuha ay maghihiwalay na sila ng kanilang daan, maging estranghero sa isa't isa. Hanggang isang araw, tadhana na ang gumawa ng paraan para sapilitang pagtagpuin sila.

Alam ng langit kung gaano siya kasaya ng napagtanto niya na sila ay ikakasal.

Alam niya na ayaw sa kanya ni Lu Jinnian. Kaya nang sa gabi ng kasalan nila, nilinaw niya na hindi siya makikisalamuha sa kanya o ang pumasok sa buhay nito at hindi niya ipapaalam sa iba ang tungkol sa kanilang relasyon.

Dahil sa pagibig nito sa kanya, noong nakalipas na tatlong buwan, inakit niya ito gamit ang tulong ng alak.

"Grabe ang pagkamuhi niya sa akin para magalit pagkatapos niyang matulog kasama ako," sa pagiisip niya.

Hindi niya intensyon na isipin, na ang role lang ang pakay niya.

Minsan na sinabi ni Lu Jinnian: kung sino man ang gusto niya, hindi magiging siya iyon."

Namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata sa tuwing maalala niya ang sandaling sinabi niya iyon.

Pagkatapos umalis ni Lu Jinnian hindi na nakatulog si Qiao Anhao hanggang madaling araw.

-

Sa mga sumunod na araw, hindi niya ito nakita o narinig man lang tungkol sa kanya.

avataravatar
Next chapter