webnovel

Lu Jinnian, Buntis ako (7)

Editor: LiberReverieGroup

Qiao Anhao: […]

Assistant ni Lu Jinnian: […]

Zhao Meng: [Hoy anong ibig niyong sabihin? Nandidiri ba kayo sa ideya ko?

Hindi talaga kayo nagiisip! Pagisipan niyo nga, kung talagang galit si Mr. Lu kay

Qiao Qiao dahil hindi siya nagpakita noong Valentines day, pupunta ba 'yun sa

bahay ng mga Qiao para hanapin siya?]

Zhao Meng: [Noong araw na 'yun, naghintay muna siya ng matagal bago siya

sumuko. Siguro nadesperado lang talaga siya kaya walang pasabi siyang

umalis. Baka inisip niya na wala talagang gusto sakanya si Qiao Qiao, kaya

ngayon, ang iniisip niya lang ay kung wala ba talagang gusto sakanya si Qiao

Qiao at hindi ang mga dahilan kung bakit hindi siya nagpakita!]

Assistant ni Lu Jinnian: [Mukhang may punto nga.]

Zhao Meng: [Anong sinasabi mong mukha? Yun talaa yun!]

Zhao Meng: [Qiao Qiao, sa huling pagkakataon tatanungin kita, sigurado ka

bang gusto mo siyang makasama?]

Qiao Anhao: [Oo.]

Zhao Meng: [Kung ganun, ito ang plano! Kahit na hindi pa kayo, pareho kayong

nagmamahalan kaya siguradong malalampasan niyo ang lahat. Kagaya ng

sinabi niyo, baka determinado na talaga siyang lumayo kay Qiao Qiao, kaya

kahit sabihin mo sakanyang gusto mo siya, baka hindi siya maniwala sayo. So

kalimutan mo na ang pagpapaliwanag, bakit hindi ka nalang dumiretso sa pakay

na kailangan may 'mangyari' sainyo. Kapag dumating na ang tamang oras,

mawawala din ang galit niya!]

Marami ng sinend si Zhao Meng pero hindi pa rin siya makuntento kaya muli

siyang nagpatuloy: [Qiao Qiao, tandaan mo. Kailangan may mangyari sainyo ng

maraming beses sa gabing 'yun. Kung hindi man humupa ang galit niya, malaki

naman ang posibilidad na mabuntis ka! Pwede mong gamitin ang bata para

makuha siya!]

Ginatungan din ng assistant ang ideya ni Zhao Meng: [Miss Qiao, kapag buntis

ka na, wag mong kakalimutang isend sa akin kaagad ang picture para maipakita

k okay Mr. Lu!]

Napuno ang chat ng mga plano pagkatapos mabuntis na para bangnakalimutan

na nila ang tunay na tensyon sa kasalukuyang nangyayari.

Pagkatapos basahin ni Qiao Anhao ang mga messages sa group chat, nagsend

siya ng pinagpapawisang emoticon at pinaalala ang realidad. [Ang problema

kasi ngayon ay wala siyang pakielam sa akin! Kaya paano naman may

mangyayari sa amin?]

Bago niya pa mabasa ang naging reply ng dalawa, ang nakasaradong pintuan at

biglang nagbukas ng malakas.

Nakita niyang nakabihis si Lu Jinnian at palabas ng kwarto na may hilang

maleta.

Bigla siyang natiligilan bago siya dali daling tumayo ng maayos, "Lu Jinnian,

saan ka pupunta?"

Hindi siya pinansin ni Lu Jinnian at nagdire-diretso ito papunta sa elevator

habang may hilang maleta.

Sinubukan niya itong habulin pero noong sandaling makarating siya sa elevator,

nakaalis na ito.

Nagmamadali niyang pinindot ang elevator at habang naghihintay, muli niyang

kinuha ang kanyang phone para magmessage sa group chat, [Anong gagawin

ko? Lumabas si Lu Jinnian na may dalang maleta, aalis na ba siya?]

Sa dami ng pinagdaanang krisis ng assistant kasama ni Lu Jinnian, hindi ito

kinakabahan at nanatili lang kalmado. [Miss Qiao, kumalma ka. Titignan ko kung

nasaang flight siya.]