Hindi na hinintay nio Lu Jinnian na makasagot ang kanyang assistant nang
bigla niyang buksan ang pintuan at naglakad palabas.
Natigilan ang assistant at noong sandaling mahimasmasan siya, dali dali niyang
kinuha ang kanyang phone para itext si Qiao Anhao. [Miss Qiao, sa Four
Seasons Hotel tumutuloy ngayon si Mr. Lu. Base sa pagkakakilala ko sakanya,
malamang nasa room 1001 siya. Kapag sinabi mo sa mga staff ang identity
number niya, sila na mismo ang magbubukas ng pintuan para sayo, ang
number ay….]
Pagkatapos niyang siguraduhing nagsend na ang nauna niyang text, may bigla
siyang naalala kaya muli siyang nagtype. [Oo nga pala, Miss Qiao. Ang sabi ni
Mr. Lu ay paalis na siya. Pwede mo ring gamitin ang identity number nya para
makuha mo flight number niya. Pero hanggang dito nalang kita matutulungan,
ikaw na ang bahala sa iba.]
Sinigurado niya munang nasend niya ang text kay Qiao Anhao bago siya
tumakbo papalabas ng private room para sundan si Lu Jinnian.
Sa ikalawang pagkakataon niyang pinagtaksilan si Lu Jinnian, hindi niya ito
kayang tignan ng diretso sa mga mata.
Alam niya kung gaano kamahal ni Lu Jinnian si Qiao Anhao kaya imposibleng
basta basta nalang itong mawawala sa puso ng amo niya. Ngayon na umiiwas
ito, lalo lang niyang nakumpirma na talagang mahal pa rin nito si Qiao
Anhao….Pero ang hindi niya alam ay bakit bigla nalang itong sumuko…
Pero si Qiao Anhao lang ang nagiisang solusyon. Si Miss Qiao lang ang tanging
nakakapagpasama ng loob ni Mr. Lu, at tanging si Miss Qiao lang din ang
kayang magpasaya rito.
Kaya ibig sabihin, nagkaroon na ng katarungan ang nagawa niyang pagtataksil,
hindi ba? Wala siyang ibang gustong mangyari kundi ang tulungan si Lu
Jinnian…. Tulungan na muli nitong maramdaman ang kaligayahan na ilang taon
nitong hindi naramdaman.
Oo, tama, tinutulungan niya lang itong sumaya ulit! Kapag nagkaayos na ang
dalawa at hindi na masyadong mabigat ang naging pagtataksil niya, saka
nalang siya hihingi ng tulong kay Miss Qiao.
Alam niya kung gaano kalakas si Miss Qiao kay Mr. Lu kaya hindi na siya
kinabahan. Noong sandali ring iyon, sinilip niya si Lu Jinnian mula sa rear view
mirror.
-
Hindi na hinatid ng assistant si Lu Jinnian sa kwarto nito. Matapos nitong
huminto sa entrance ng hotel, agad din itong umalis.
Dahil ilang araw palang ang nakakalipas simula noong magbagong taon, wala
pa masyadong okupante ang hotel kaya ngayong malalim na ang gabi, isang
staff nalang ang nasa counter at dalawang security guard ang nagbabantay sa
main hall.
Nasa pinakamataas na palapag pa ang elevator kaya matapos itong pindutin ni
Lu Jinnian ay naghintay pa siya ng ilang sandali. Pagkalipas ng dalawang
minuto, tumunog ang bell kasunod ang pagbukas ng mga pintuan. Pumasok si
Lu Jinnian at pinindot ang pinaka mataas na palapag.
Pagkalabas niya ng elevator, naglakad siya hanggang sa makarating siya sa
room '1001', na nasa pinaka dulo. Agad niyang kinuha ang kanyang card para
buksan ang pintuan.
Sobrang dilim sa loob nhg kwarto.
Sa tulong ng liwanag na nanggaling sa corridor, kinapa ni Lu Jinnian ang
electricity slot. Itinapat niya ang hawak niyang room card para magbukas ang
mga ilaw sa loob ng kanyang kwarto.
Sinarado niya ang pintuan at habang naglalakad, tinanggal niya ang kanyang
jacket at niluwagan ang kanyang necktie bago siya maglakad papasok ng
kwarto.
Gamit ang isa niyang kamay, binuksan niya ang pintuan habang ang isa naman
ay ginamit niyang pantanggal ng kanyang necktie, na pagkatapos ay inihagis
niya kaagad sa kama na nasa tabi niya. Kasabay ng pagtanggal niya ng
butones ng kanyang pang'itaas, sinarado niya ang pintuan at naglakad papunta
sa CR. Pero bago siya makapasok, may napansin napansin siya. Biglang
nanigas ang kanyang buong katawan at pagkalipas ng tatlong segundo ay
tumalikod siya para tignan ito.
Nakaupo si Qiao Anhao sa sofa na nasa tapat ng isang floor to ceiling windor
ng kwartong kanyang tinutuluyan.