webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (30)

Editor: LiberReverieGroup

Dahil buong magdamag ng sinamahan ng assistant si Lu Jinnian, medyo nakaidlip na siya habang nakasandal sa pader. Pero nang makita niyang bigla itong tuyo, dali dali siyang nagising. "Mr. Lu, saan ka pupunta?"

Hindi siya pinansin nito at nagpatuloy lang ito sa paglalalakad papunta sa hagdanan.

Nagpatuloy siya sa pagsunod kay Lu Jinnian at muling nagtanong, "Mr. Lu, anong gagawin mo?"

Lang anim na oras ng naghintay si Lu Jinnian para kay Qiao Anhao, pero hindi ito nagpakita kahit sadlit, kaya ngayon gusto niya itong hanapin. 

Kung hindi siya magagawang patawarin nito, siguradong babalik na sila sa pagiging strangers, pero bago mangyari 'yun, gusto niyang ipaglaban ang nararamdaman niya para kay Qiao Anhao kahit sa huling pagkakataon. Kung hindi talaga siya gusto nito, handa siyang tanggin. 

Medyo nagdalawnag isip ang assistant noong una pero hindi niya na rin natiis kaya tuluyan na siyang nagtanong, "Pero Mr. Lu, alam ba kung nasaan ngayon si Miss Qiao?"

Ibinuka ni Lu Jinnian ang kanyang bibig pero walang salitang lumabas mula rito. Pagkarating nila sa first floor, nagmamadali siyang naglakad palabas.

Nang makalabas na sila sa mismong Lijing Pavillion, agad siyang dumiretso sakanyang sasakyan. Kagaya ng nakasanayan, binuksan ng assistant ang back seat, pero biglang nagsalita si Lu Jinnian "Ako ang magmamaneho", kaya dali-daling binuksan ng assistant ang diver's seat.

Pagkaupo ng assistant sa loob ng sasakyan, bigla itong hinarurot ni Lu Jinnian. 

Napakabilis ng pagpapatakbo ni Lu Jinnian, pero tama ang kanyang assistant, wala siyang ideya kung saan niya hahanapin si Qiao Anhao. Masyadong malaki an gang Beijing at napakaraming tao rito, kaya paano niya nga ba ito hahanapin…

Pero kahit alam niyang imposible niya itong mahanap, ayaw niya pa ring sumuko. Nagpunta muna siya sa Ming Zhu Garden tapos sa Huan Ying Entertainment, pero wala siyang nakitang Qiao Anhao. Nagpunta rin siya sa coffee shop, supermarket, at restaurant na madalas nitong pinupuntahan…

Hindi pa kumakain at natutulog si Lu Jinnian mula kahapon, pero wala siyang anumang pagod na nararamdaman habang nililibot niya ang Beijing para hanapin si Qiao Anhao. Bandang huli, napagdesisyunan niyang puntahan ang bahay ni Zhao Meng at ang iba pang mga kaibigan ni Qiao Anhao.Paulit ulit niyang kinukulit ang mga ito na bigyan siya ng impormasyon kung sakaling mahanap na ito. Hindi siya nakuntento sa pagbibigay ng kanyang pangalan at ibinigay niya rin ang mismong namecard niya.

Noong hindi niya pa rin mahanap si Qiao Anhao, nawalan na siya ng pagpipilian kaya dumiretso na siya sa Qiao Enterprise.

Kritikal ang kondisyon ni Qiao Anhao dahil ulo ang tumama sakanya. Si Qiao Anxia at ang kanyang mga magulang kasama ni Xu Jiamu ay buong magdamag na naghintay sa labas ng operating room. 

Pagsapit ng ala una ng hapon kinabukasan, doon palang nagstabilize ang lagay nito, pero comatose pa rin ito. 

May meeting si Qiao Anxia ng alas tres. Dahil wala siyang tulog, nagmukha siyang maputla at parang may sakit kaya kinailangan niyang magmakeup ng makapal. Habang kinukuha niya ang mga dokumentong kakailanganin niya sa meeting, sakto namang nagring ang telepono na nasa kanyang opisina.

Tawag mula sa front desk. "Miss Qiao, gusto ka raw pong makita ni Mr. Lu."

Mr. Lu?

Maraming kilala si Qiao Anxia na may apelyidong 'Lu' at isa na dun si Lu Jinnian. 

Pero noong naisip niya na si Lu Jinnian natawa nalang siya dahil bakit naman siya hahanapin nito?

Tumanggi siya at sinabi, "May meeting ako ngayon, kunin mo nalang ang contact details niya."