webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (28)

Editor: LiberReverieGroup

Alas kwatro palang ng hapon pero napagod ng maglakad si Qiao Anhao kaya pumasok muna siya sa isang café para magpahinga. Doon niya rin natanggap ang pangapat na tawag.

Kasalukuyang umiinom si Qiao Anhao ng bubble tea na binili niya mula sa card ng kanyang semi-boyfriend na si Lu Jinnian. Sa totoo lang, pangkaraniwan lang ang lasa ng bubble milk tea, pero dahil galing 'yun sa pera ni Lu Jinnian, pakiramdam niya ay 'yun na ang pinakamasarap na milk tea na nainom niya.

Noong mga oras na 'yun, may katabi siyang dalawang fashionistang dalaga. Ang isa sa mga ito ay biglang nagtaas ng kamay at sinabi sa kasama nito, "Tignan mo, binili ito ng boyfriend ko para sa akin. Gumastos siya ng…", na sinundan pa ng hand gesture ng babaeng nagsasalita ng numerong 'eight'.

Ang babaeng kasama naman nito ay nagtanong na mukhang naiinggit, "Eight million?"

"Eighty million!" Payabang na sagot ng babae. Makikita sa mata ng kasama nito ang labis labis na pagkamangha.

Napayuko nalang si Qiao Anhao at sinilip ang bubble milk tea na may halagang eighteen yuan. Hindi niya napigilang magbuntong hininga dahil bilang semi-girlfriend, masasabi niyang 'matipid' siya…

Noong mga oras na 'yun, biglang nag'ring ang kanyang phone. Ang buong akala niya ay si Lu Jinnian nanaman ang tumatawag sakanya kaya hindi na siya nagdalawang isip na sagutin ito. Pero noong sasabihin niya na sana ang pangalang 'Lu Jinnian', bigla niyang nakita ang pangalan ni Qiao Anxia sa screen kaya dali dali niyang pinalitan ang salitang "Lu" ng "Sis'

Walang balak na magpaligoy ligoy si Qiao Anxia kaya simula noong sagutin niya ang tawag, tuloy tuloy na itong nagsalita. "Qiao Qiao, nakita mo na ba ang balita tungkol ngayon?"

Kasalukuyang humihigop si Qiao Anhao ng milk tea na naririnig sa kabilang linya. Nanatili siyang kalamado at nagtanong, "Anong balita?"

"Tungkol sa Xu Enterprise," walang paligoy ligoy na sagot ni Qiao Anxia. Nang malaman ng pinsan niya na wala siyang kaalam alam, sinamantala na nitong pagalitan siya, "Qiao Qiao… Anumang mga nangyari, parte ka pa rin ng Qiao Family. Pwede bang maglaan ka naman ng oras para manuod ng balita tungkol sa business? Alam mo ba kung anong nangyayari sa stocks ng Qiao Enterprise? Habang buhay mo na bang gustong maging artista? Wala ka ba talagang balak na magtrabaho sa Qiao Enterprise…"

Alam ni Qiao Anhao na hindi na matatapos si Qiao Anxia pag hinayaan niya itong magsalita kaya nilunok niya ng mabilisan ang sago at mahinahong sinabi, "Sis Sis, alam ko ang dapat kong gawin, pero sa ngayon, sabihin mo na ang dapat kong malaman. Ano ba talagang nangyari sa Xu family?"

"Ang Xu family…" Biglang naging seryoso ang boses ni Qiao Anxia. "ang project ni Aunt Xu na pinagkagastusan niya ng ilang bilyon ay biglang napurnada. Ayaw na siyang tulungan ng mga kasama niya kaya nasayang lang ang malaking pera na ginastos niya para dun.

"Nagkaproblema rin ang mga pagkain ng Xu Enterprise kaya biglang bumagsak ang presyo ng stocks nila…Ngayong tanghali lang, parang usok na bigla nalang naglaho ang thirty percent ng assets nila….Hindi lang 'yun, bali-balita na may bumili raw ng malaking halaga ng shares ng Xu Enterprise…"

"Paano 'yun nangyari?" Kung kanina ay sobrang saya ni Qiao Anhao habang iniisip ang semi-boyfriend/girlfriend na status nila ni Lu Jinnian, pwes ngayon, bigla siyang nabalot ng takot at kaba. "Hindi ba maganda naman ang takbo ng negosyo ng Xu Enterprise?"

"Wala naman talagang problema sa negosyo nila, pero sa tingin ko, may nananabotahe sakanila. Ang pinaka nakakatakot sa lahat, walang may alam kung sinong may galit sakanila. All in all, mukhang hindi maganda ang lagay ng Xu family ngayon."