webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (27)

Editor: LiberReverieGroup

Medyo nagalangan pa si Qiao Anhao noonbg una bago niya sagutin ang video call.

Wala masyadong emosyon ang boses ni Lu Jinnian pero hindi naman ito kasing suplado kagaya ng dati. "Gising ka na?"

Nilunok ni Qioa Anhao ang lugaw na nasa bibig niya. "Mmh, bakit?"

"Wala lang, gusto ko lang malaman kung gising ka na ba." Biglang natahimik si Lu Jinnian bago muling magsalita, "Pupunta pala ako mamaya sa western suburbs para makipaglaro ng golf kina Mr. Zhang at Mr. Zhao."

Sinasabi ba sakanya ni Lu Jinnian ang mga gagawin nito? Bakit naman kailangan pa nitong magsabi?

Tanong ni Qiao Anhao sa sarili niya. Sumlip siya sa bintana para tignan ang kundisyon sa labas. "Sobrang taas ng araw, hindi ba kayo maiinitan?"

"Syempre indoor golf naman yun."

"Oh" Sagot ni Qiao Anhao. Pagkakagat niya ng tinapay, may narinig siyang kumakatok sa kabilang linya na sinundan pa ng sagot ni Lu Jinnian na "Pasok." Hindi nagtagal, muli itong tumingin sa camera at sinabi, "May kailangan lang akong gawin."

"Mmh. Bye."

Pagkatapos maputol ng tawag, kumurot siya ng tinapay habang iniisip ang mga bumabagabag sakanya.

Pagkatapos magsex ng dalawang magkaibigan, tatlo lang ang kadalasang nangyayari-magpapanggap sila na walang nangyari at magpapatuloy sa pagiging magkaibigan, o magiging magkasintahan, o pwede ring hindi na sila magpansinan.

Sigurado naman si Qiao Anhao na hindi pipiliin ni Lu Jinnian ang pinaka huling option kaya pwedeng yung una o pangalawa lang ang mangyari sakanila.

Pero yung friend o yung girlfriend? Isang salita lang ang pagitan ng dalawa, pero pag dating sa ibig sabihin, magkaibang magkaiba ang mga ito!

Pagkakagat niya ng malaki sa tinapay na hawak niya, bigla niyang naalala na nagpaalam si Lu Jinnian sakanya kagabi. "Qiao Qiao, itutuloy ko ba?"

Bakit naman ito magpapaalam sakanya….ano kayang rason ni Lu Jinnian kung bakit siya iniwanan nito ng bank card at tumawag para lang sabihiin ang mga gagawin nito sa maghapon?

Hindi kaya sinusubukan lang nito kung pwede talaga silang maging magkasintahan?

Bigla siyang nabalot ng kaligayahan, pero hindi nagtagal unti unti siyang nakaramdam ng pagaalala…Pero mayroon itong babaeng minahal sa loob ng labintatlong taon…Ngayong nararamdaman niya na may gusto sakanya si Lu Jinnain, paano kapag dumating ang araw na maghiwalay din sila?

Habang nababalisa sa mga kung anu-anong pumapasok sa isip niya, inubos ni Qiao Anhao ang kanyang umagahan. Pagkatapos nyang kumain, naisip niya na kung anong pwede niyang itawag sa sarili niya: semi-girlfriend, higit sa isang kaibigan pero mas mas mababa sa lebel ng tunay na girlfriend.

Kahit na lagi niyang pinapangarap na makasama si Lu Jinnian, ni isang beses hindi pumasok sa isip niya na darating talaga ang araw na mangyayari yun. Ngayon na semi-boyfriend niya na si Lu Jinnian, kuntento na siya….Siguro, kapag nagwork out ang lahat, pwede nilang mapagdesisyunan na totohanin na ang lahat…

Sobrang positibo ni Qiao Anhao sa mga pwedeng mangyari. Masaya siyang umakyat sa taas para magbihis ng magandang damit. Pagkababa niya, kinuha niya ang bank card ng kanyang semi-boyfriend at nagpunta sa katabing mall.

Habang naglalakad, tatlong beses na tumawag sakanya si Lu Jinnian: Ang una ay para ibalita sakanya na tapos na itong maglaro ng golf, ang sumunod naman ay para sabihin sakanya na may meeting ito ng alas tres at ang panghuli ay para paalalahanan siya na wag na itong hintayin dahil baka gabihin ito ng uwi.

Alas kwatro palang ng hapon pero napagod ng maglakad si Qiao Anhao kaya pumasok muna siya sa isang café para magpahinga. Doon niya rin natanggap ang pangapat na tawag.