webnovel

Kung ayaw nila sayo, pakakasalan nalang kita (22)

Editor: LiberReverieGroup

Maagang tinapos ni Lu Jinnian ang trabaho niya noong hapon na yun at sa loob ng maraming taon, ito ang kauna-unahang beses na umuwi siya ng maaga na ang rason niya ay dahil naatat na siyang umuwi. Sa sobrang pagmamadali, nakaligtaan niya pa isang stop light na nadaanan niya.

Pagkarating niya sa Ming Zhu Garden, nagmamadali niyang inilabas ang susi para buksan ang pintuan. Habang nagpapalit ng tsinelas, tinawag niya si Qiao Anhao, pero walang sumagot sakanya.

Sinubukan niyang tawagin ito ulit pero noong wala pa ring sumagot sakanya, bigla siyang kinabahan kaya dali dali siyang tumakbo paakyat sa changing room kahit isang tsinelas palang ang naisusuot niya. Nang makita niya ang mga damit ni Qiao Anhao, nakahinga siya ng maluwag at kinuha niya ang kanyang phone para tawagan ito.

Sumagot naman kaagad si Qiao Anhao pero medyo maingay ang paligid at mahina ang signal kung nasaan siya kaya putol putol ang dating ng linya ni Lu Jinnian sakanya. Naghanap siya ng mas tahimik na pwesto at sumagot, "Bakit?"

"Nasan ka?"

"Nandito ako sa supermarket ng Cheng Jian building."

Malapit lang ang nasabing supermarket sa Ming Zhu Garden kaya naglakad nalang si Lu Jinnian. Pagkarating niya sa entrance, saktong lumabas na rin si Qiao Anhao na may dalang maraming plastic ng mga pinamili nitong grocery.

Mabilis na naglakad si Lu Jinnian papalapit kay Qiao Anhao.

Sinilip ni Qiao Anhao ang kanyang phone at nang mapansin niyang wala pang alas sinco, nagtataka siyang nagtanong, "Bakit ang aga mong umuwi?"

"Wala masyadong trabaho." Kinuha ni Lu Jinnian ang plastic at biglang kumunot ang noo niya nang makita niya na puro gulay at pampalasa ang mga pinamili nito.

Napansin ni Qiao Anhao na nagtataka si Lu Jinnian kaya nagpaliwanag siya, "Hindi masyadong maganda ang panlasa ko kasi araw-araw akong kumakain sa labas."

"Oh." Sagot ni Lu Jinnian habang sabay silang naglalakad pauwi.

Palubog na ang araw kaya nabalot ang paligid ng liwanag na nanggaling sa kulay pulang kalangitan. Marami silang kasabay na mga matatandang magasawa na namamasyal din. Habang naglalakad, palihim na sinilip ni Qiao Anhao si Li Jinnian at may mga salitang biglang pumasok sa isip niya: Wala akong ibang hiling kundi ang makasama kang maglakad sa paglubog ng araw habang magkahawak ang ating mga kamay at sinusulit ang malamig na simoy ng hangin.

-

Habang nagluluto si Qiao Anhao ng pagkain, naghuhugas naman si Lu Jinnian ng mga plato. Sa unang tingin, para silang bagong kasal na magasawa.

Maliwanag pa nang matapos silang mag'gabihan kaya nagkayayaan silang maglakad lakad muna sa labas. Noong pauwi na sila, bumili si Qiao Anhao ng strawberry Häagen-Dazs, samantalang kutkutin naman ang kay Lu Jinnian. 

Alas otso palang ng gabi noong makabalik sila sa bahay kaya umupo muna si Qiao Anhao sa sofa para manuod ng TV habang may yakap na tsistirya.

Hindi nagtagal, lumabas si Lu Jinnian ng study room na may dalang laptop para samahan si Qiao Anhao na manuod habang nagtatrabaho.

Noong nagpatalastas, biglang tinawag ni Lu Jinnian si Qiao Anhao kaya napatingin ito sakanya ng may hawak pang tsistirya. Hindi niya ito tinignan pabalik, nakatutok lang siya sa screen ng kanyang laptop habang ang mga kamay niya ay nasa keyboard. "Halika."

"Bakit?" tanong ni Qiao Anhao habang sumisilip.

Pagkalapit ni Qiao Anhao, agad na nangibabaw sa pangamoy ni Lu Jinnian ang pabango nito kaya biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Pero para hindi mahalata, iniharap niya rito ang kanyang laptop at nagsalita na parang normal lang ang lahat.

"May bagong modern movie na gagawin ang kumpanya. Ang kwento ay iikot sa pagcoconfess ng bidang lalaki sa bidang babae. May ilang ideas na akong nakuha, pero gusto ko sanang malaman kung anong pinaka maganda para sayo? Isa ka sa mga target audience ng pelikula, kaua malaking tulong ang magiging suggestion mo."