webnovel

Kasal (8)

Editor: LiberReverieGroup

Masyadong malakas ang iyak ni Qiao Anhao kaya maraming atensyon mula sa

mga dumadaan ang naagaw nila.

"Lu Jinnian, ano ba talagang gusto mo? Humingi na ako sayo ng tawad at sinabi

ko naman na sayo kung bakit hindi ako nakasipot diba. Hindi ko na nga dinibdib

ang mga masasakit mong sinabi at noong gusto mo akonh painumin ng

contraceptives pagkatapos may mangyari sa atin! At ngayon, gusto mo naman

akong paalisi!"

Kahit na puno ng mga hindi Chinese na tao ang airport, may ilan pa rin sa mga

ito ang nakakaintindi ng lengwahe nila kaya nang sabihin ni Qiao Anhao ang

salitang "may nangyari sa atin", biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian at

namula ang kanyang maputlang mukha sa sobrang kahihiyan.

Dali dali niyang sinubukang alisin ang kamay ni Qiao Anhao na nakapulupot

sakanya at tinakpan ang bibig nito para kumalma ito, pero lalo lang nag'init si

Qiao Anhao dahil ang buong akala nito ay aalis nanaman siya at iiwanan niya ito

sa airport. Bigla itong yumakap ng mahigpit sakanyang leeg at nagumpisang

sumigaw habang umiiyak na parang hindi na inaalintana kung anong magiging

tingin sakanila ng ibang tao.

"Lu Jinnian, ang tigas naman ng ulo mo. Sinabi ko naman sayo na hindi ako

uuwi diba, bakit pinipilit mo pa rin akong umuwi?

"Lu Jinnian, anong klaseng lalaki ka ba? Hindi mo ba aakuhin ang

responsibilidad pagkatapos na may mangyari sa atin?

"Lu Jinnian, ayaw mo sa akin? Bakit ginalaw mo ako kagabi? May bata na sa

sinapupunan ko ngayon, ayokong umalis, ayokong umalis…

"Wa…." Lalo pang lumakas ang sigaw ni Lu Jinnian at sa tuwing magsasalita

siya ay may kasunod na nakakarinding hikbi.

Habang tumatagal, parami ng parami ang mga taong gustong makiusisa at may

ilan pang nagumpisa ng irecord ang eksenang ginagawa nila.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ni Lu Jinnian na napahiya

siya ng sobra kaya tumagilid siya para itago ang kanyang mukha, pero nang

makita niya ang luhaang mukha ni Qiao Anhao, bigla siyang tumalikod para

harangan ito. "Qiao Qiao, pwede bang kumalma ka. Wag ka munang sumigaw.

Magusap tayo sa ibang lugar na tayo lang, pwede ba?"

"Hindi, ayokong humanap ng ibang lugar. Gusto ko dito tayo magusap. Ayokong

maipanganak ang anak ko ng walang ama…"

Natigilan si Lu Jinnian at para kumalma si Qiao Anhao ay pabulong niyang

sinabi, "Qiao Qiao, isnag gabi lang 'yun, hindi ka pa buntis ngayon…"

"Buntis ako, buntis ako! Hindi naman ikaw ako ha, paano mo nalaman!" Hindi

pa tapos magsalita si Lu Jinnian nang bigla nanamng magsalita si Qiao Anhao.

Pakiramdaman niya ay hindi talaga siya maintindihan ni Lu Jinnian kaya lalo

pang nilakasan ni Qiao Anhao ang kanyang pag'iyak. "Lu Jinnian, bibigyan kita

ng dalawang pagpipilian, makikipagbalikan ka sa akin o makikipagbalikan ako

sayo!"

Sumuko na si Lu Jinnian dahil alam niyang wala ng paraan para makausap niya

ng matino si Qiao Anhao at sa sitwasyon ngayon na parami na ng parami ang

mga taong nakikiusisa sakanila, siguradong maheheadline sila….

Medyo nagalangan pa si Lu Jinnian noong una pero wala na talaga siyang

pagpipilian kaya bigla niyang binuhat si Qiao Anhao at nagmamadaling naglakad

papalayo.

Tuloy tuloy pa rin ang paghikbi ni Qiao Anhao habang paulit ulit niyang sinasabi,

"Ayokong umuwi."

Binuhat ni Lu Jinnian si Qiao Anhao hanggang makarating sila sa isang lugar na

wala na masyadong tao. Upang pakalmahin si Qiao Anhao, hinawakan niya ang

balikat nito at tinitigan ng diretso sa mga mata. "Qiao Qiao, tatanungin kita.

Kung makukuntento ako sa sagot mo, makikipagbalikan ako sayo."