webnovel

Do You Know Who He Likes? (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang tawag ay galing sa nanay ni Xu Jiamu, si Han Runchu.

Matapos magpakasal ni Qiao Anhao at Lu Jinnian, bihira nalang siyang tawagan ni Han Ruchu pero sa tuwing tatawag ito, lagi nitong kinakailangan si Lu Jinnian na magpanggap bilang si Xu Jiamu.

Kinuha ni Qiao Anhao ang kanyang phone at naglakad papunta sa balcony. Binuksan din muna niya ang mga bintana para makapasok ang malamig na hangin bago sagutin ang tawag, "Aunt Xu."

Kahit na alam na ng lahat na kasal na siya kay Xu Jiamu at dapat tinatawag niya na si Han Ruchu ng "Mom", bilang asawa ni Xu Jiamu. Alam nila na kasunduan lang ang lahat kaya hindi nagpapanggap si Qiao Anhao at nanatiling "Aunt Xu" ang tawag niya kay Han Ruchu.

Kagalang-galang at halatang nagpapanggap ang boses ni Han Ruchu. Noong una, pinakitaan siya nito ng pagaalala. "Qiao Qiao, nagdinner ka na ba?"

"Opo, tapos na po," Magalang na sagot ni Qiao Anhao sabay tanong, "Ikaw Aunt Xu?"

"Hinihintay ko ang iyong Uncle Xu na makauwi bago kami magdinner." Pagkatapos itong sabihin ni Han Ruchu ay dumiretso na ito sa tunay nitong punto. "Qiao Qiao, next Friday na ang birthday ni Xu Jiamu. Naalala mo pa ba?"

Alam ni Qiao Anhao kung kailan ang birthday ni Xu Jiamu pero sa dami ng nangyari, hindi niya na masyadong naisip ito. Dahil nabanggit ito ni Han Ruchu kaya bigla niya itong naalala, "Opo, naalala ko."

"Dapat maging maayos ang birthday party ni Xu Jiamu, so please inform him."

Alam ni Qiao Anhao kung sinong itinutukoy nitong 'him' pero sa totoo lang naiinis siya sa tuwing maririnig niya ito dahil may pangalan naman si Lu Jinnian. Bakit kailangang palitan ni Han Ruchu ang pangalan nito ng 'him' or 'he' na parang wala itong halaga? Na para bang sobrang nakakadiri at nakakamuhi ito.

"Naiintindihan ko po." Kahit na naiinis si Qiao Anhao, magalang pa rin siyang sumagot kay Han Ruchu.

"Yun lang. Ibaba ko na."

"Okay. Bye, Aunt Xu."

"Goodbye." Pagkatapos magsalita ni Han Ruchu, agad niya itong ibinaba.

Pagkarinig niya ng "doot doot doot" mula sa kayang phone, ilang sadlit pa siyang nanatiling nakatingin sa kanyang screen. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan niya ba si Lu Jinnian para sabihin ang balita o itetext nalang nalang ito.

Pero bago pa man din siya makapagdesisyon ay bigla siyang nakareceive ng notification sa WeChat na galing kay Zhao Meng.

"Qiao Qiao, narinig ko sa isa sa mga staff members ng crew na narinig niya raw sa mga hotel staff na dinala si Producer Sun ng assistant nito sa ospital kagabi. Malala daw ang tama niya. Halos lahat ng gamit sa kwarto niya ay basag. Napakaraming dugo sa sahig, mga bubog at ang coffee table doon ay sinipa rin."

Sobrang nagulat si Qiao Anhao sa mga nalaman niyang balita. Bago pa man din siya makapagreply, muli nanamang nagsend si Zhao Meng ng isang voice message. Pinakinggan ito ni Qiao Anhao at narinig niya ang boses ni Zhao Meng, "Qiao Qiao, let me tell you…Si Producer Sun ay binugbog ni Mr. Lu kagabi, pumunta si Mr. Lu sa kwarto niya para iligtas ka, sa tingin ko tama ako!"

Pagkatapos mapakinggan ni Qiao Anhao ang voice message ni Zhao Meng, may isa nanaman siyang natanggap. "Isa pa, Qiao Qiao, narinig ko rin na hindi si Producer Sun ang may kagustuhang iatras ang investment niya. Si Mr. Lu ang nagtanggal sa kanya bilang crew sa 'Alluring Times'. May nagsabi na buong araw daw siyang nakikipagtalo sa mga board of directors ng Huan Ying Entertainment. Sa huli, hindi talaga siya napiglang tanggalin si Producer Sun!"