webnovel

Do You Know Who He Likes? (20)

Editor: LiberReverieGroup

Nakatingin lang si Qiao Anhao sa screen ng kanyang phone habang nag-iisip ng sunod na sasabihin. Kagaya ng nakasanayan niya sa tuwing pumupunta siya noon sa Hangzhou para pilitin si Lu Jinnian na ilibre siya nito ng dinner, muli siyang nagmessage, [Kailangan mo akong ilibre ng dinner.]

[Okay.] Sagot ni Lu Jinnian at hindi nagtagal ay may sumunod pa, [Anong gusto mong kainin?]

[Kahit ano.] Napahinto si Qiao Anhao sa pagtatype at dinagdag, [Kailan?]

[Ngayon.]

[Baka sumama si Anxia. Kasama ko siya ngayon.]

[Ok, nasaan ka? Susunduin ko kayo.]

Dahil walang ideya si Lu Jinnian, sinabi ni Qiao Anhao kung nasaan sila.

Wala pang isang minuto ay sumagot na kaagad si Lu Jinnian, [Alright, wait for my call.]

[Okay then.] Dalawang salitang sagot ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian. Tinanggal niya ang kanyang tingin sa kanyang phone at ibinaling ito kay Qiao Anxia na nagseselfie noong mga panahong iyon. "Sis, nagtext ako kay Lu Jinnian para icongratulate siya. Sinabi ko rin sakanya na ilibre niya tayo ng dinner. Hindi ko naman inakalang papayag siya. Gusto mo bang kumain?"

Natigilan si Qiao Anxia habang nakatingin sa kanyang camera bago sinabi, "Whatever, I don't mind." Muli siyang tumingin sa camera, nagpose at pinindot ang capture button.

Pagkalagay ni Qiao Anxia sa MeituPic para iedit ang kanyang photo, tumingin muna siya kay Qiao Anhao at sinabi, "Qiao Qiao, pwede ba akong magtanong?"

"Ano yun?" Buong atensyong tumingin si Qiao Anhao sakanya.

Ibinaba niya ang kanyang phone sa lamesa at biglang naging seryoso. "Qiao Qiao, kilala mo na ba ang taong nagugustuhan ni Lu Jinnian?"

Umiling si Qiao Anhao. "Hindi, hindi ko alam."

Natigilan si Qiao Anhao, kumagat sa kanyang straw at humigop ng dalawang beses bago muling nagsalita, "Pero noong tinanong ko siya, ang sabi niya sa akin ay kasal na raw ang taong mahal niya.]

Nanatiling nakatingin si Qiao Anxia kay Qiao Anhao at hindi kaagad nagsalita. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at narealize na punong-puno ng curiosity ang mga mata nito. Halatang wala itong tinatagong kahit ano at hindi rin mukhang guilty na para bang hindi talaga nito alam kung sino ang babaeng minamahal ni Lu Jinnian.

Yumuko siya at hinalo ang kape na nasa tasa niya at sinabi, "yeah" na dinagdagan pa ng, "Kasal na nga siya."

So alam na pala si Qiao Anxia na kasal na ang babaeng minamahal ni Lu Jinnian. Ibig bang sabihin nito ay kilala niya na kung sino ito?

Napakagat ng madiin si Qiao Anhao sa kanyang straw. Medyo nagdadalawang isip siya noong una bago magtanong, "Sis, kilala mo na ba ang nagugustuhan ni Lu Jinnian?"

Hindi nagsalita si Qiao Anxia.

Yumuko si Qiao Anhao. Nagipon siya ng lakas ng loob at pinagisipan munang mabuti ang sasabihin bago siya nagtanong, "Sino yun?"

Kasal na si Qiao Anhao kay Xu Jiamu, at all these years, hindi sinabi sakanya ni Lu Jinnian na siya ang taong mahal nito.

Ayaw niya siguro talagang sirain ang marriage ng kapatid niya.

Isa pa, mukhang masaya sina Qiao Anhao at Jiamu…Kapag sinabi ni Lu Jinnian ang totoo, hindi kaya masira niya ang kaligayahan ni Qiao Anhao?