webnovel

Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa ilang sandali, biglang may naalala si Lu Jinnian. Dahan-dahan siyang tumingin pababa at mapuwersang inangat ang baba ni Qiao Anhao. Nang magtama ang kanilang mga mata ay siyang banggit niya "Qiao Anhao, kung tama ang naaalala ko, sa gabi ng ating kasal, sinabi mong wala dapat mangyari sa pagitan nating dalawa. Dalawang buwan lang makalipas, eto ka't hindi makapaghintay na maka-akyat sa kama ko?" Walang ekspresyon ang makikita sa kanyang mukha, ngunit sa kanyang mga mata'y kita ang pagkawalang-bahala nito. Sa kanyang pagsasalita ay siya ring paghigpit ng hawak niya sa leeg ni Qiao Anhao.

Ang pagkabalisa ni Qiao Anhao ay lalo pang tumindi nang matanong siya. Sa kaba niya, ultimo ang daliri sa paa ay nanginginig. Napakagat na lamang siya sa kanyang labi, walang sagot ang lumabas galing sa kanya.

Tumigil rin sa pagsasalita si Lu Jinnian na tila naghihintay sa kanyang sagot.

Nabalot sa katahimikan ang banyo. Habang patuloy na tinitigan ni Lu Jinnian ang magandang mukha ng dalaga.

Labis na kaba ang naramdaman niya Qiao Anhao nang tila binabasa ni Lu Jinnian ang kanyang isipan. Napakabilis nang tibok ng kanyang puso at hindi niya na kayang magtagal pa sa kanilang sitwasyon. Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Lu Jinnian. "O baka naman ay matagal mo ng hinahangad na ma-ikama kita…"

Nanginig sa gulat si Qiao Anhao. Nalaman na ba niya ang nararamdaman ko para sa kanya? Tanong niya sa kanyang sarili.

Kita ang takot na nabuo sa kanyang mata. Desperado siyang itago ang tunay niyang nadarama, kung kaya't bigla niyang nasabing, "Gusto ko ng role sa 'To the end of time'!"

Natigilan si Lu Jinnian at hindi magawang ipagpatuloy ang kanyang sasabihin.

Sa bilis ng pagsasalita ni Qiao Anhao ay napatulala na lamang siya.

Pakiramdam ni Qiao Anhao ay lalabas na ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib. Nahirapan siyang kumalma sa pagkakatitig sa mukha ni Lu Jinnian. Nang huminahon ay pinagpatuloy ni nito ang kanyang sinasabi, "Tulad ng alam mo, lagpas kalahating taon na simula ng mag-artista ako pero wala akong nakukuhang magandang role. Dahil sa awtoridad na mayroon ka sa industriyang ito, isang salita mo lang, paniguradong mabibigayan ako ng parte sa 'To the end of time'."

Sandaling natigilan si Qiao Anhao. Matapos ang limang segundo, saka niyang dahan-dahang nagpatuloy sa sinasabi niya. "Ang nangyari sa atin kagabi, yun ang kabayaran para doon."

Nang tuluyan niyang naintindihan ang mga sinabi ni Qiao Anhao ay nanliit ang mga mata ni Lu Jinnian. Nagsimulang manginig ang kanyang kamay na nasa leeg ni Qiao Anhao na tila pumipigil sa kanyang galit. Sa sumunod na sandali ay malakas itong tumawa, "Qiao Anhao, sinusubukan mo bang makipaglaro sa akin?"

Tumatawa pa ito bago mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Masama niyang tinitigan ito at marahas niyang sinabi "Gusto mong makipaglaro sa akin? Sige, pagbibigyan kita at naninigurado akong sisirain kita!".