webnovel

Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (13)

Editor: LiberReverieGroup

Sa kalaunan, maaari lamang na dahan-dahang takpan ni Zhao Meng ng kumot si Qiao Anhao. "Kukuha lang ako ng hapunan mo. Magpahinga ka na."

Tumugon si Qiao Anhao ng tahimik na ungol.

Nang lumabas si Zhao Meng, ang silid ay nakakatakot sa tahimik. Naririnig ni Qiao Anhao ang mahinang paghinga niya. Nakahiga lamang siya ng mahabang oras bago niya dahan-dahang itinupi ang kanyang sarili. Pagkatapos, habang ang kanyang ulo ay nasa ilalim ng kumot, mahina niyang sinabi, "Lu Jinnian."

Ang kanyang sagot ay isang tahimik na silid.

Isang luha ang tumulo sa mga mata ni Qiao Anhao, ngunit ang dulo ng kanyang labi ay dahan-dahang kumulot.

Ikaw, ang taong pinakamamahal ko ... Magsisikap akong magtrabaho para hanapin ka.

Marahil, hindi na kita makikita sa buhay ko, ngunit ang paghahanap sa iyo ang tanging bagay na magpapanatili sa atin.

Kaya hindi ako susuko.

Siguro, magkikita rin tayo isang araw, at maaaring maputi na ang ating buhok at wala ng ngipin.

Ngunit, ayos lang iyon. Gusto ko pa rin kitang hanapin.

Dala mo ang pagsisisi at kawalan ng pag-asa, ngunit iniwanan mo ako ng lakas ng loob at pagtitiis para maghintay.

-

Nang bumalik si Zhao Meng, nakatulog na si Qiao Anhao. Hindi niya na ito ginising at inilagay nalang ang pagkain nito sa isang sisidlan.

Ang pansamantalang mga silid na itinayo para sa set ay malayo sa isang hotel. Wala silang kahit telebisyon. Laging nagpupuyat si Zhao Meng at nakaupo lamang sa kanyang kama habang nagbabasa sa kanyang website. Ngunit sa kalaunan, siya ay nababagot, pagkatapos ay papatayin ang mga ilaw at matutulog.

Sa kalagitnaan ng gabi, habang si Qiao Anhao ay natutulog, bigla siyang nakaramdam ng isang tao na lumipat sa kanyang kumot. Ipinapalagay niya na si Zhao Meng, kaya pinanatili niyang nakapikit ang kanyang mga mata at bumulung-bulong, "Ihinto mo ang panggugulo sa paligid".

Pagkatapos ay naabot niya ang kanyang braso at hinampas ang kamay na naglipat ng kanyang kumot. Nadama niya na ang kamay ay sobrang kapal at malaki. Ito ay ganap na naiiba mula sa banayad at maliliit na kamay ni Zhao Meng. Sa sandaling iyon, ang mga mata ni Qiao Anhao ay biglang nagbukas ng malawak at ganap siyang nagising.

Ang silid ay sobrang dilim, ngunit sa malabo na liwanag ng buwan mula sa mga bintana, nakikita niya ang isang pigura sa tabi ng kanyang kama. Sapagkat madilim, hindi niya makita ng malinaw ang mukha nito, ngunit sigurado siya na ito'y isang lalaki.

Ang katawan ni Qiao Anhao ay natakot, at mabilis siyang umupo sa kanyang kama. "Sino ka?"

Hindi inakala ng lalaki na siya'y biglang magigising. Ang kanyang kamay, na naghahanap ng kanyang unan para sa isang bagay, biglang huminto. Pagkatapos ay inabot niya ang kanyang braso dahil sa takot, tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang palad, at itinulak ang kanyang buong katawan pabalik sa ilalim ng mga takip.

Si Qiao Anhao ay tumili, bago ito'y naging isang mahinang matining na tunog.

Tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig na may lakas. Tinakpan niya ang kanyang ilong upang hindi siya makahinga. Sa kagustuhan na humihingi ng tulong, inabot nito ang kanyang kamay upang makuha ang kanyang braso, at sa kanyang lakas, kinurot niya ito ng sobrang lakas.

Nang kinurot ito n Qiao Anhao ng sobrang lakas, ang lalaki ay dumaing sa sakit at bahagyang kinalas ang kanyang kamay sa kanyang bibig nang sandali. Agad niyang sinubukan na tawagin si Zhao Meng, na natutulog sa tabi nila, Ngunit sa wakas, maaari lamang siyang sumigaw ng isang salita, "Zhao" bago ang lalaki ay walang awa na pinindot ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Pagkatapos ay hinila niya ang unan mula sa ilalim ng kanyang ulo at malupit na pinipi ito sa kanyang mukha.

Ang unan ay sobrang malambot, at kaya sa ilalim ng malakas na pagtakip ng lalaki, Si Qiao Anhao ay lubos na natatakpan hanggang sa hindi siya makahinga. Ang kanyang mga kamay ay nakaunat sa isang pakikibaka, nang biglang may narinig siyang isang mahinang tunog. Pagkatapos, nawala ang presyur mula sa kanyang mukha.