webnovel

Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (10)

Editor: LiberReverieGroup

... ang iyong anak ay pinatay ni Han Ruchu, paniniwalaan mo ba siya?

Ikinagulat ni Qiao Anhao ang impormasyon. Tinitigan niya ang assistant na may mga matang puno ng matinding dagok at isterismo.

Ang assistant ay hindi nagsabi ng isang salita. Sa sandaling iyon, ang terasa ay naging tahimik, ang simoy ng hangin sa gabi ang tanging gumagawa ng tunog sa pagitan ng dalawang tao.

Pagkalipas ng halos tatlong minuto, sa wakas ay ipinahayag na ng assistant ang katotohanan at ipinaliliwanag ang lahat nang walang anumang paghinto sa kanyang pananalita. "Noong gabing iyon, nang tawagan ako ni Mr. Lu, wala kang malay at nawalan na ng maraming dugo. Sa huli, kinompirma ng doctor na nakunan ka.

"Ang sitwasyon ay sobrang mahalaga sa panahong iyon at kinailangan nila ang lagda ni Mr. Lu upang magpatuloy sa operasyon. Pagkatapos niyang pumirma, sinabi ng doktor kay Mr. Lu na ang mga gamot inyong kinuha ay naglalaman ng malaking halaga ng pampakalma kaya nagdulot ito ng pagkamatay ng sanggol.

"Paano kinonekta ni Mr. Lu and pampatulog sa swallow's nest na ibinigay sa iyo ni Han Ruchu? Hindi ako sigurado ... ngunit nang ikaw ay nakalabas na ng ospital at nagpapahinga sa bahay, tinawag niya ako sa Mian Xiu Garden. Doon ay binigyan niya ako ng isang bote ng swallow's nest at sinabi sa akin na ipasuri ko ito. Ang resulta ng pagsusuri ay positibo sa malaking halaga ng sedatives. "

Sa mga sinabi ng assistant, naisip bigla ni Qiao Anhao ang mga ala-ala noong siya'y sobrang nagsusuka sa kanyang pagbisita sa pamilya Xu. Sinabi pa niya kay Han Ruchu baka siya'y nalason sa pagkain. Sa kanyang pagbabalik sa hanay, binigyan siya ni Han Ruchu ng dalawang kahon ng swallow's nest. Ang tiya ay nakatayo sa tabi niya noong panahong iyon, at idinagdag na ang kanyang biyenan ay talagang tinatrato siya ng maganda.

Kung minsan, ang taong nasa sitwasyon ay bulag. Nakita ni Han Ruchu ang kanyang paglaki at siya inalagaan ng Mabuti. Na tila siya ay ang kanyang kalahating anak na babae, kaya ganon na lamang siya pinagkatiwalaan nito. Kahit na ang sitwasyon ay para bang di kapani-paniwala, hindi siya masyadong naghinala ng anumang bagay dahil talagang pinagkakatiwalaan niya si Han Ruchu.

Ngunit ngayon, napagtanto niya na ang pagsusuka ay tumigil lamang matapos niyang kainin ang swallow's nest. Noong panahong iyon, hindi siya uminom ng anumang gamot, at naisip niya na ang kanyang katawan ay sadya na lamang gumaling ng kusa. Sa oras na iyon, lalo na kapag siya'y pagod, ngunit hindi lamang siya kundi si Zhao Meng rin! Si Zhao Meng ay palaging gising sa gabi, ngunit sa panahong iyon, natutulog siya ng maaga. Ito ay sobrang sama na tulog siya kahit sa araw ng set.

Sa lalong pag-iisip ni Qiao Anhao tungkol dito, mas bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Hindi kataka-taka na sobra niyang inisip kung paano siya walang naramdaman habang nagpapalaglag. Tinanong pa niya ang sarili kung paano sa nakayanan ni Lu Jinnian na sumailalim siya sa operasyon nang hindi man lang siya nagawang gisingin sa buong oras.

Ngayon na naisip niya ang tungkol dito, kung may pampatulog nga sa swallow's nest, dapat makakatulog siya ng malalim agad pagkatapos niyang makuha ito ... Kung marami ang natupok, dapat ang taong nasa malalalim na pagkakatulog ay mawawalan ng malay.

Ang mga kilay ni Qiao Anhao ay biglang nabago, pagkatapos ay bigla siyang bumulong sa kanyang sarili. "Iyan ay tama ... tama ... at pagkatapos ... lahat ng bagay ay magkakaroon ng kahulugan ... kaya iyan ang nangyari ... iyan!"

Kaya ang kanyang sanggol ay hindi namatay mula sa natural na dahilan! Pinatay ng isang tao ang kanyang sanggol!

At ang taong iyon ay ang babae na palaging tinatrato siya na parang pamilya ... ang babae na nagpakita sa kanya ng pagmamahal at pag-aalaga - Tiyahin Xu!

Biglang nilagay ni Qiao Anhao ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Nang pumunta siya upang bisitahin si Han Ruchu upang tanungin kung bakit gusto ni Lu Jinnian na makuha ang Xu Enterprise, isinasaalang-alang niya na maaaring mayroon siyang pansariling mga dahilan. Ngunit hindi niya kailanman naisip ang isang napakalaking lihim tungkol sa sarili ay ang dahilan sa lahat ng ito!

Sa katunayan, ang tanging dahilan kung bakit kinuha ni Lu Jinnian ang Xu Enterprise at sinabotahe ang ilang bilyong investment ni Han Ruchu, ay talagang para sa kanya at sa kanilang sanggol?