webnovel

Ang Karma niya (5)

Editor: LiberReverieGroup

Ang eksena ginagawa nila ay isang mahalagang eksena. Kaya gusto ng direktor na magawa ito ng 1 take lang, kaya sinadya ng direktor na bigyan sila 10 minuto para maiwasan ang pagkakamali.

Gayumpaman, para kay Qiao Anhao hindi niya ito nakikita bilang importanteng eksena kaya gusto niyang sirain si Lin Shiyi. Ang ganito lang ang kaya magpahiya sa kanya!

Medyo matagal na si Lin Shiyi sa entertainment industry. Bakit siya ang naging dahilan ng NG dahil lang sa hindi niya nagawang huminahon? Binigyan siya ng 10 minuto para ayusin ang sarili niya.

Tahimik lang sa isang tabi si Qiao Anhao tapos kumuha siya ng tubig at pumunta sa puno kung saan kalmado na si Lin Shiyi.

"Mag-tubig ka muna."

Binuksan ni Qiao Anhao ang tubig at binigay kay Lin Shiyi.

Hindi kinuha ni Lin Shiyi ang tubig pero tumignin ito kay Qiao Anhao, naka ngiti ito sa kanya. Para sa hindi naka ka alam, mukha lang ito pag-aalaga sa kapwa aktress. Gayumpaman, direkta nitong sinabi.

"Ikaw ang kumuha ng litrato at nag-post sa Weibo, Hindi ba?" Biglang sumama ang ekspresyon ni Lin Shiyi habang naka ngiti pa rin si Qiao Anhao. "Salamat sayo dahil na bigyan ako ng opportunities para mas sumikat."

Nagtitimpi sa galit si Lin Shiyi dahil may shooting pa mamaya, ilang beses niya pinilit ang sarili na hindi makipag-away kay Qiao Anhao. Mahaba oras din niyang kinalma ang sarili. Mabilis siyang lumapit kay Qiao Anhao, ngumiti saka kinuha ang tubig at nagsabi ng "Maraming salamat."

Umalis na siya pagkatapos.

Nagpunta si Qiao Anhao para sirain ang modd niya, paano niya palalampasin ito?

Mabilis na sumunod sa kanya si Qiao Anhao na tila sabay silang naglalakad pabalik sa set saka nagsalita ng mahina.

"Lin Shiyi, yung variety show na gusto mo napurnada, hindi ba?"

Biglang bumagal ang paglalakad ni Lin Shiyi at lumigon siya kay Qiao Anhao. Kahit hindi ito nagsalita, kita sa ekspresyon nito na sinasabi, 'Paano mo nalaman?'

Ngumiti si Qiao Anhao kay Lin Shiyi saka tinaas ang kamay para alisin ang dahon sa balikat ni Lin Shiyi.

Mahina niyang sinabi, "Dahil ako ang pumalit sa yong guest star sa variety show." Lumapit pa ng konti si Qiao Anhao kay Lin Shiyi at ngumiti ng inosente. "Tama ka, Kinuha ko ulit ang isa sa mga trabaho mo."