webnovel

Ang Desisyon ni Xu Jiamu (20)

Editor: LiberReverieGroup

Sa pangalawang araw, namaster na kaagad ni Qiao Anhao ang sayaw.

Para suportahan ang asawa, sinamahan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao noong mga

una nitong practice at wala siyang masabi dahil habang tumatagal ay lalo itong

gumagaling, pero siguro dahil masyadong maraming steps na paikot-ikot, hindi

niya na kinaya bandang huli dahil nahihilo siya habang pinapanuod ito, sa

tuwing magpapractice ito ay nagtatrabaho nalang siya sakanyang study room.

Sa sobrang bilis ng araw, hindi nila namalayan na Miyerkules na… Dalawang

araw nalang bago ang final competition…

Pagkatapos kumain ni Qiao Anhao, naglakad-lakad muna sila ni Lu Jinnian sa

bakuran ng Mian Xiu Garden.

Pero hindi nagtagal, kagaya ng inaasahan ni Lu Jinnian, pinatugtog nanaman ni

Qiao Anhao ang background music ng ipeperform nito at nagpaikot-ikot.

Sinubukan niyang manuod pero isang minuto palang siyang nakatingin ay hindi

niya kinaya ang hilo kaya muli niya itong iniwanan at dumiretso sa study room.

Pagkabukas niya ng computer, saktong karereceive niya lang ng email ni Chief

Wei tungkol sa sample design ng singsing na inorder niya, [Mr. Lu, ito na yung

sample design na sinunod ko sa initial design na sinend mo. Pagaralan mong

maigi at sabihan mo ako agad kung may gusto kang baguhin.]

Zinoom ni Lu Jinnian ang picture para tignan ng mas malapitan ang white gold

na singsing na napapalibutan ng maliliit na blue diamonds. Walang duda na

mukhang glamoroso at elegante ang pagkakadesign ng singsing pero parang

nakukulangan siya kaya nagisip pa siya ng pwedeng idagdag bago siya

magreply kay Chief Wei, [Pwede mo mo bang iengrave ang "Lu Qiao? Tapos, sa

pang babaeng singsing naman, pwede mo bang ilagay ang 'Shmily'?]

See. How. Much. I. Love. You.

See how much I love you.

Noong hindi niya pa kayang abutin si Qiao Anhao, ito ang ginamit niyang paraan

para magconfess dito.

Sa bawat regalong binibigay niya rito, sinisigurado niyang nilalagyan niya ito ng

'Shmily'.

Kaya paano niya naman makakalimutang lagyan nito ang singsing?

-

Hingal na hingal si Qiao Anhao pagkatapos niyang sumayaw ng drum dance.

Dahil todo bigay siya kung sumayaw, basang-basa na siya ng pawis kaya init na

init siyang nagpaypay gamit ang kanyang mga kamay. Uminom siya ng tubig at

kinuha ang kanyang phone pero wala pa siyang balak magpahinga kaya kaya

nakipagchat lang siya ng sandali kay Zhao Meng at muli nanamang sumayaw.

Pero noong nasa pinaka hataw na parte na siya ng sayaw, bigla siyang

napahinto at sumalampak sa sahig habang hawak ang kanyang tyan.

Bakit bigla nalang sumakit ang tyan ko…

Biglang kumunot ang kanyang noo at pagkalipas ng kalahating minuto, lalo pa

itong sumakit kaya gusto niya sanang sumigaw para tawagin si Lu Jinnian, pero

noong gagawin niya na ito, bigla namang nawala ang sakit.

Napanguso nalang si Qiao Anhao at dahan-dahang tumayo. Sinubukan niyang

pisilin ang kanyang tyan, pero wala talagang masakit, na para bang ilusyon lang

ang lahat ng naramdaman niya kanina.

Umikot siya, pero hindi naman sumakit… Pumadyak, naglakad ng nakabukaka

at nag'backflip…pero wala pa din… Eh.. Anong nangyari sakanya?

Pagkatapos sumakit ng tyan niya, nawalan na rin siya ng ganang sumayaw.

Naisip niya na hindi naman siguro masama kung magpahinga muna siya

ngayong gabi dahil ilang araw na rin naman siyang nagpapractice kaya pinatay

niya ang music at dumiretso sa CR para maligo bago siya humiga sa kama.

Pagkatapos niyang kumutan ang katawan niya, doon niya lang napansin na may

nag'missed call sakanyag phone.