webnovel

Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (11)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil ginamit ni Qiao Anxia ang phone ni Chen Yang para mag'reply, natural

lang na nagpaganda talaga si Lin Wei. Pero nang makita niya na si Qiao Anxia

at hindi si Chen Yang ang dumating, biglang nanlaki ang kanyang mga mata at

napakapit ng mahigpit sa strap ng kanyang bag habang pinipilit niyang

ngumiti. "Miss Qiao."

Samantalang si Qiao Anxia naman ay ngumiti rin kay Lin Wei na walang bakas

ng kahit anong galit o kaba. Pagkatapos, tinawag niya ang waiter para

mag'order ng isang tasang kape bago siya muling tumingin kay Lin Wei, at

walang preno na nagsalita, "May gusto ka kay Chen Yang, diba?"

Dahil sa sobrang biglaan ng mga pangyayari, sobrang kinabahan si Lin Wei

dahil akala niya ay ginagawa ito ni Qiao Anxia para ipamukha sakanya na ito

ang legal na asawa ni Chen Yang.

Hindi nagtagal, dumating din kaagad ang kape na inorder ni Qiao Anxia kaya

nakangiti niya itong kinuha sa waiter at nagpasalamat. Kinuha niya ang

kutsarita sa lamesa para haluin ang kanyang kape at kalmado itong hinigop.

"Alam mo, wala ka naman dapat ika'nerbyos. Alam kong gusto mo siya, kaya

nga ako nakipagkita sayo ngayon eh. Gusto ko lang malaman kung mahal mo

ba siya?"

"Ah…." Dahan-dahang sinilip ni Lin Wei ang reaksyon ng mukha ni Qiao

Anxia. Base sa nakikita niya, mukhang hindi naman ito galit pero ang hindi pa

rin ito sapat para kumalma siya dahil hindi niya maintindihan kung ano ba

talagang gusto nitong mangyari, kaya gustuhin niya mang magsalita, bandang

huli ay nilamon pa rin siya ng takot, kaya napayuko nalang siya at nanatiling

tahimik.

Ilang segundo rin siyang nakayuko habang nakakagat sa kanyang mga labi,

bago siya hiyang-hiyang nagsalita, "Miss Qiao, pasensya na po talaga. Totoo

pong gusto ko si Chen Yang, pero wala naman po akong intensyon na sirain

ang relayon ninyo. Gusto ko lang po talagang makipag kaibigan sakanya at

makita siyang masaya…. Pasensya na po talaga sa gulo na ginawa ko sainyo.

Pangako, mula po ngayon iiwasan ko na siya…"

"Hindi mo naman kailangang gawin yan," Sabat ni Qiao Anxia.

Dahil dito, gulat na gulat na napatingin si Lin Wei.

Sa pagkakataong ito, biglang napahawak ng mahigpit si Qiao Anxia sa tasa na

nasa kamay niya, at pagkalipas ng ilang minutong pananahimik, inubos niya

ng dire-diretso ang kape at nakangiting nagpatuloy, "Nandito ako para

magpatulong sayo."

-

Pagkalipas ng halos tatlong oras na paguusap, sa wakas natapos na rin sila.

Nanatiling kalmado si Qiao Anxia, samantalang si Lin Wei naman ay

nakatulala lang, na para bang hindi niya maproseso ang mga napagusapan

nila.

Muling sinensyasan ni Qiao Anxia ang waiter para sa isa pang tasa ng kape.

Nang makakalahati niya na ito, sinilip niya si Lin Wei, na halatang gulat na

gulat pa rin. "Miss Lin, sigurdo naman ako na naintindihan mo ang mga sinabi

ko. Payag ka ba?"

Hindi sumagot si Lin Wei.

"Kung payag ka, aayusin ko na ang lahat."

Hindi pa rin sumagot si Lin Wei at napayuko nalang.

"Miss Lin, magandang oportunidad na 'to para sayo, sigurado ka bang ayaw

mo?"

Sa pagkakataong ito, dahan-dahang inangat ni Lin Wei ang kanyang ulo para

titigan si Qiao Anxia, at makalipas ang halos dalawang minuto, sa wakas ay

tumungo na rin siya. "Payag ako."

Nang marinig ito ni Qiao Anxia, pakiramdam niya ay parang may sumaksak sa

puso niya. Ang kanina niya pang kalmadong mga mata ay biglang naging

mangiyak-ngiyak, pero sa kabila nito ay pinilit niya pa ring ngumiti at buong

pusong sinabi, "Maraming salamat."